Chapter 2: Threatened
"You are as healthy as a horse, Phoenix! I guess you'd last for another 10 seasons of PBA," anang kababayan at kaibigan niyang si Dr. Matthew Lavigne. Nakatatandang kapatid ito ni Dax, ang isa sa mga matatalik niyang kaibigan noong high school. Si Matt ang isa sa mga official physicians ng Smart Movers, ang basketball team niya sa PBA. At dahil kaibigan niya ito, madalas na special arrangement ang annual medical exam niya. Hindi gaya ng team mates niya na may sinusunod talaga araw ang medical exam. Gaya na lang ngayon, may inasikaso pa siya muna bago nagpunta sa ospital.
"Ten seasons, huh? Actually, I may last longer," pagmamalaki niya.
Matt scoffed. "Conceited aren't we?"
"Honest is a better term. Besides everything is fine."
Matt tsked, shook his head before retiring to his swivel chair. "Uhuh."
Nagsalubong ang kilay niya. "What's that for? Parang hindi ka naniniwala. I mean c'mon Matt, both you and I are in our prime, you know what I mean. Even Carlo, Dax and Trevor. We are all healthy, young, and we all make our own money. What could go wrong?"
Pinakatitigan siya ni Matt, tila naninimbang. "Alam mo kung hindi ko lang nakakausap si Lola Candi tuwing umuuwi ako sa San Gabriel, maniniwala ako diyan sa everything is fine mo."
"My grandmother talks to you?" he asked amusingly.
Tumango-tango ito. "We have the same holy mass schedule. One time she even invited me for lunch in your house. Kahit na nagmamadali ako, hindi ako makatanggi. The old woman misses you. Besides, she's worried about you and Penny."
His brows narrowed at the mention of his ex-gilfriend's name Penny. "What about Penny? She dumped me for her modelling career. What is there to explain and worry about?"
Matthew chuckled. "Relax, Phoenix. No one's questioning you. It's just that Lola Candi cares too much about you. Alam mo naman, mula pagkabata, hindi siya umalis sa tabi mo. Nito lang nang pumasok ka sa PBA talagang nagkahiwalay kayo nang husto. Besides, old people are like that, they are emotional most days."
Nagbuga siya ng hininga at pinisil ang pagitan ng mga mata. Hindi siya pinaparatangan ni Matthew pero parang ganoon na rin ang ibig nitong sabihin. Aminado naman siya, mula nang maghiwalay sila ni Penny two months ago, hindi na niya nadadalaw ang lola niya. Kung siya ang masusunod, isinama na niya ang matanda sa Maynila mula nang mapasok siya sa PBA. But the old woman is as stubborn as he is. Ayaw nitong iwan ang probinsiya. Mamatay daw ito nang maagaa kapag iniwan nito ang hacienda nila sa San Gabriel. Kaya naman talagang tinitiyaga niya itong bisitahin twice a month. That was before, when his 2-year relationship with Penny turned sour. Sinadya niya talaga h'wag dalawin ang kanyang abuela dahil ayaw niyang makarinig ng pangaral mula rito.
"Visit her one of these days, will you?" untag ni Matthew sa kanya maya-maya, ang mga mata nasa cellphone nito. "I need to go to the ER. I'll walk you out."
Magkapanabay silang lumabas ng clinic nito.
"Let's go out one of these days. I still have three weeks bago magsimula ang susunod na conference. Bring Dax. My treat. How is he by the way?"
Inayos ng doktor ang stetoscope sa balikat nito bago pinindot ang ground floor button ng elevator.
"He's coping. I mean, a loss is a loss." Bumukas ang pinto ng elevator. Magkasunod silang pumasok doon. "It will take time for him to recover but, he's moving forward."
Natahimik siya. Pinakatitigan ang floor counter.
A loss is a loss.
Dammit! The words hit home! Aminado naman siya, gago siya nang pinakawalan niya si Penny. Noong sinabi nitong makikipaghiwalay na ito sa kanya, hindi niya akalaing tototohanin nito 'yon. They had a perfect relationship. They never quarrel. They are good in and out of bed. He hoped they'd have it as long it lasts. Why wouldn't he, Penny is the longest serious relationship he have had. He liked Penny. Have liked her more than any other woman he'd ever dated before. However, everything turned sour when Penny hinted of marriage.
He doesn't believe in marriage. Why would he? Marriage does not guarantee loyalty and happiness anyway. Marami siyang nakitang mag-asawa na naghihiwalay dahil hindi sila makuntento sa kani-kanilang mga asawa. He himself is a product of a marriage by mistake! His parents divorced when he was a little over five years old because of his father's infidelity. Mula noon, naiwan na siya sa pangangalaga ng Lola Candi niya. He vowed to never marry. Why marry when you can have all the privileges of a husband even without a ceremony nor a piece of paper tying you up?
Penny knew his stand about marriage at the onset of their relationship. Akala niya naiintindihan nito. Akala niya she's on it for the long haul just like he was. Pero...
Tumunog ang elevator at bumukas ang pinto niyon. Magkasabay silang lumabas ni Matt. After exchanging goodbyes, naghiwalay na sila ng kaibigan. Ito patungo sa ER at siya sa parking lot.
"Hi, Phoenix," isang pamilyar na boses ang sumalubong sa kanya sa side door ng ospital. Her face looks familiar but he can't remember her name. However, he is sure, she's one of those women he got acquainted with since he and Penny broke up.
"Hi. What's your name again?" aniya.
Lumabi ang babae. "It's Rosie," sagot ng babae, lalong lumawak ang pagkakangiti.
Nagsalubong ang kilay niya bago tumango-tango. "What are you... How did you find me?"
Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang braso niya. Her eyes glowing in admiration habang nakatitig sa kanya. "Actually, kanina pa kita sinusundan. Mula sa luncheon meeting mo with your sponsors at TV Guesting sa Channel 8. Until here, sinundan kita."
Sinusundan siya nito? Why?
Maingat niyang inalis ang kamay nitong nakakapit pa rin sa kanya at nagsimulang maglakad. "You could've texted me you know. Hindi ka na sana nagpakapagod pa."
"Y-you never gave me your number at Gillian's party. You said you'd call but you didn't."
He groaned inwardly. Naalala na niya. Ito ang kaibigan ni Gillian na ayon sa dalaga ay patay na patay sa kanya. Gillian Lorenzo is the sister of Clay, his teammate. Ipinakilala ito sa kanya ni Gillian sa graduation party nito almost two months ago. She's young and too clingy. Not his type. After a few drinks and kisses, he left her with her friends.
"Did I now?"
"I-I would never lie about it. Besides I'm... I'm delayed."
Parang nabingi si Phoenix sa sinabi ng dalaga. "Come again?" he asked incredulously.
"I'm pregnant, Phoenix. You're the father."
Sandali siyang napatanga bago wala sa sariling humalakhak. He knew the likes of Rosie. Sa pitong taon niyang paglalaro ng professional basketball, nakasalamuha na siya ng iba't ibang ugali ng mga fan. He's sure Rosie is the stalker type. But telling him he impregnated her is new. He hadn't seen that coming.
"What's funny?" iritableng pukaw nito sa kanya.
He cleared his throat. "Sweetie, no one gets pregnant with a few drinks and kisses. And I'm sure if you are indeed... with child, I am a 101%, it's not mine." 'Yon lang bago siya naglakad palayo.
"Phoenix! Panagutan mo 'to!" sigaw nito bago sumunod sa kanya.
Dammit! Iniiskandalo siya nito. Agad siyang nagpalinga-linga. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang walang tao sa malawak na parking lot ng ospital. Inis niyang hinarap ang babae.
"Listen, don't stoop this low, Rosie. You are young and you have a bright future ahead of you. I know I'm irresistible, even larger than life perhaps! But believe me, you'd regret what you're doing right now in the future."
Muling inabot ni Rosie ang kamay niya, nangingilid ang mga luha. "P-pa'no ang baby ko... Ang baby natin, Phoenix?"
Binawi niya ang kamay sa pagkakahawak ni Rosie at tumingala sa madilim na langit. Gusto niyang tanungin sa mangilan-ngiling bituin na naroon na kung ano bang kasalanang nagawa niya at naroon siya sa tagpong iyon ngayon.
"That baby is not mine, Rosie. Inuulit ko, walang nabubuntis sa halik lang. That night when we met, we kissed alright. That's it. End of story. We didn't even get to second base for Pete's sakes! Kaya imposibleng akin 'yan!" Tumunog ang smart watch niya. It was Henri, their coach. May meeting sila ngayon. And he's running late. "I really have to go, Rosie." nagmamadaling paalam niya sa babae bago mabilis na naglakad palayo.
Ngunit hindi natinag ang babae, sumunod pa rin ito sa kanya. Ngayon siya nagsisisi kung bakit sa dulong bahagi ng parking lot pa niya iniwan ang sasakyan niya. Lalo niyang binilisan ang lakad. Nang tawagin siya ulit ng babae, tumakbo na siya.
Dammit! Ayaw niyang mag-file na naman ng TRO sa stalker niya. Tatlong obessesed fan na ang binigyan niya niyon. But these crazy women are giving him no choice!
Napilitan na siyang tumakbo. He was too focused on getting away from Rosie that he did not notice the vehicle coming from his right side. Nagulat siya at nasilaw sa ilaw na nagmumula sa headlight ng sasakyan. Instinct told him to run faster, but when he tried, something in his right foot popped. Wala pang isang segundo, bumangga siya sa harapan ng paparating na sasakyan. Naitulak siya niyon ng kulang-kulang tatlong metro. Umingay sa tainga niya ang pagsigaw ni Rosie sa pangalan niya. Ngunit mas nag-alala siya nang sumigid ang walang kaparis na sakit sa kanyang kanang paa.
Tuluyan na siyang napamura.
*****
"Pangalan."
Lihim na inirapan ni Gabbie ang pulis sa presinto na nag-iinterview sa kanya. Doon ang naging ending niya nang malaman ng mabilbiling pulis na wala siyang dalang lisensya. Narinig niya sa kwentuhan ng mga parak kanina pagdating niya, driving without license and reckless imprudence resulting to serious physical injury ang pwedeng ikaso sa kanya.
Humugot siya ng hininga at tahimik iyong ibinuga. Gusto niyang magmukha siyang kampante kahit na nagwawala na ang bawat himaymay ng katawan niya dahil sa nerbyos! Pero hindi, alam niyang wala siyang kasalanan sa nangyari. Igigiit niya ang karapatan kahit na saang korte.
Subalit, nang manatili siyang tahimik pagkatapos ng ilang sandali, umangat na ang tingin ng pulis mula sa computer at minulagatan siya. Imbes na matakot naimbyerna siya. Pamula-mulagat pa ito, lalo tuloy itong naging mukhang pug─ kulubot ang noo at pisngi at may ilong na suplado.
"I-I invoke my right against self-incremination," aniya nakataas ang noo. Napanganga ang pulis. Hindi makapaniwala.
Lihim siyang napangiti. Akala siguro nito wala siyang alam sa batas. Kahit na ba halos plumakda ang grado niya sa Political Science 101 na 'yan noong college, may naalala naman siya kahit papano sa discussions nila.
Maya-maya pa, pabulong itong nag-mura, iritado na. "Miss, wala tayo sa Kongreso at Senado. Hindi mo puwedeng gamitin sa 'kin 'yang sagot mo na 'yan. At saka anong self-incriminating sa pagbibigay mo ng pangalan mo sa 'kin?"
Tumikhim siya. Iniiwas ang mukha na namumula. Sablay ang ganda niya. Malay ba niya na hindi niya puwedeng gamitin doon ang linyahan ng mga akusado sa Senado na napanood niya sa TV sa salang pandarambong. Sinulyapan niya ang cellphone niya na iniabot sa kanya ni Kuya Josef kanina bago siya bitbitin ng mga pulis papuntang presinto. Hindi pa sumasagot ang tinext niya.
"Ano, Miss? Sasagot ka pa ba?" Mataas na ang boses ng pulis. Ilang segundo na lang tiyak niyang kakahol na ito este manggagalaiti na ito sa galit.
"M-Maria Gabriela Tereza Centeno po."
Nagbuga ng inis na hininga ang pulis bago muling ibinalik ang mata sa computer monitor at tumipa.
"Edad?"
"Twenty-six."
Bumiling sa kanya ang pulis. Hindi kumbinsido. "Sigurado ka?"
"Naman!" Umirap siya, naimbyerna siya sa tono ng pananalita nito. "E bakit kayo ho?"
"Forty-nine."
"Pa lang? Weh?" Hindi niya napigilang paikutin ang mga mata, mukha na kasing retirable na ang mama.
"Inuinsulto mo ba 'ko?"
Tumuwid ang likod niya. Hindi niya pwedeng galitin ang pulis baka madagdagan ang kaso niya. "Ay hindi po. Nagtatanong lang. Fresh na fresh po kasi ang awrahan ninyo. Sige na po next question."
Pero hindi na natuloy pa ang interview portion dahil sabay pa silang napalingon ng pulis sa receiving area ng presinto dahil dumating daw ang coach ni Phoenix Castro na nagpakilalang si Henri Dominguez. Napalunok siya nang magtama ang mga mata nila ng matangkad at kalbong lalaki. Maya-maya pa, inilang hakbang lang nito ang pagitan nila.
"Ikaw ba ang nakabangga kay Phoenix?" anito, bakas ang galit sa mukha.
"A... e..." Umurong na ang dila niya at nag-panic na ang huwisyo niya nang tuluyan.
"Sumagot ka!"
Natataranta siyang napatayo at tumakbo sa likod ng pulis na nag-iinterview sa kanya. Tumayo naman ang pulis at mabilis na umawat.
"Pakawala ka ba ng ibang team, ha? Sabihin mo nga, sino ang nagbayad sa 'yo?"
"W-wala po. A-aksidente lang po talaga─"
"Aksidente," nag-uuyam na pag-uulit nito sa sagot niya.
"Kumuha ka ng magaling na abogado. Ipapakulong kita!" singhal pa ng lalaki bago tumalikod at hinanap ang police chief.
"Ano, hindi makapwesto 'yang panlalait mo ngayon, 'no?" naiiling na komento ni mamang pulis interviewer. "Kung kanina ka pa sana sumagot nang maayos, tapos na sana tayo rito." Nang muli itong humarap sa computer, itinuloy nito ang pagkuha sa kanya ng statement.
Tapos na siyang kuhanan ng statement nang dumating na si Mac, ang bestfriend niyang pulis. Nag-text siya rito habang patungo siya kanina sa police station. Hindi niya magawang i-text ang pamilya niya. Tiyak kasi na mag-aalala ang mga ito.
"Gabbie!" bulalas nito. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at lumapit sa kaibigan. Niyakap siya nito. "A-Ayos ka lang ba? Hindi ka naman napa'no kanina sa banggaan?"
Kumalas siya sa pagkakayakap nito. "A-Ayos lang ako, Mac. Hindi mo naman sinabi kina Tatay na ano... na ano..."
Umiling ito. "Hindi ko sinabi kaninang dumaan ako. Sinabi ko lang na baka bukas ka na makauwi dahil may pinagawa sa 'yo sa ospital."
"Hindi sila nagtaka kung bakit 'di ko sila tinext?"
"Sinabi ko kay Manny na nagkita tayo malapit sa ospital at hindi mo sila ma-text dahil wala kang load. Sandali, may kakausapin lang ako."
Nagbuga siya ng hininga at wala sa sariling inihilamos ang mga kamay sa kanyang mukha. Magulo ang isip niya. Kalat-kalat ang lohika niya. At lalong hindi niya alam kung paano niya malulusutan ang gulong iyon. Iisa lang ang naiisip niyang paraan para hindi matuloy ang demanda sa kanya─ makikiusap siya.
Kaya lang, baka mabugbog muna siya ng mga taong nakapaligid kay Mr. Castro bago siya makalapit dito. Pero wala na talaga siyang alam na paraan para malusutan ang gulong 'yon.
"Hindi ka muna pwedeng umuwi, Gabbie." Si Mac, matapos nitong kausapin ang kakilala nitong pulis doon.
"P-papasok talaga ako sa selda, Mac?"
"Tatawagan ko si Atty. Sandejas. Tignan natin kung magagawan niya ng paraan."
"M-mac..." Nanginginig ang tinig niya.
Hinawakan ni Mac ang kamay niya. "Dito lang ako, Gabbie. Hindi ako aalis."
"S-salamat, Mac."
Tunay nga kahit nang maka-idlip siya, hindi binitiwan ni Mac ang kamay niya.###
2475words/11:13pm/012420
#AccidentallyInLoveHDG
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro