Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14: Flowers For You


      Tagaktak na ang pawis ni Gabbie sa ilalim ng kumot subalit kahit siguro ma-dehydrate siya at tuluyang magunaw ang mundo, hinding-hindi siya lalabas doon! Malakas pa rin ng kabog ng dibdib niya dahil sa hindi inaasahang pagkaway ng mga bansot na boobelya niya kay Phoenix.

      Jusko! Bakit ba ito kasi naroon?

      Napapadyak siya sa ilalim ng kumot. Nakukunsumi siya umagang-umaga! Masakit pa ang katawan niya dahil sa mga pangyayari kagabi. Plano niya sanang matulog maghapon. Kaya lang, pa'no niya gagawin 'yon, nasa salas nila ang masungit!

      Hindi bale may pa-flowers naman! sundot ng isang parte ng lohika niya.

      Pinigilan niya ang mangiti nang maaala na mayroon ngang pa-flowers ang masungit! Sinaway niya ang sariling bigyan ng meaning ang pa-flowers nito. Kaya lang intrimitida ang mga hormones niya, ayaw paawat. Nakarating na sa kung saan-saang alternate reality ang pag-iilusyon niya.

      Maya-maya pa, may pilit na humila sa pinaglulunggaan niyang kumot. Imbiyernang mukha ni Tori ang nabungaran niya.

      "Ano bang drama mo, Ate? Kanina mo pa niyuyugyog 'tong higaan!" Aburido itong nagkamot ng ulo.

      "M-may monster sa salas. H'wag kang lalabas!" mariin subalit pabulong niyang sagot bago muling hinatak ang kumot niya.

      Napanganga si Tori. "Ano?"

      Sasagot na sana siya kaya lang may kumatok sa pinto ng kwarto nila. Lalo siyang nataranta. "Kapag hinanap ako, sabahin mo wala!"

      "Ha?"

      Lalong lumakas ang pagkatok sa pinto.

      "Basta wala ako!"

      "E nasa'n ka?"

      Taranta niyang inayos ng kumot. "Sabihin mo na lumipad sa Mars, nag-camping sa North Pole at nag-dive sa imburnal!" Nagmamadali siyang nagtalukbong. Segundo lang ang binilang, bumukas na ang pinto ng kuwarto.

      "Ano ba 'yan? Gising ka naman pala Victoria ba't di mo ko pinagbuksan agad," narinig niyang reklamo ng tatay niya.

      Pinagdikit niya ang mga labi. Juskolerd! Tiyak na makakatikim siya ng litanya mamaya sa tatay niya. Pero hindi bale nang may litanya, basta ang huwisyo niya, iwas sa disgrasya!

      "Ang Ate mo?" tanong ng tatay niya.

      "Lumipad ho sa Mars, nag-camping sa northpole bago dumive sa imburnal!" dire-diretsong sagot ni Tori.

      "Ano? Saang imburnal kamo na -shoot?"

      Mariin siyang pumikit, kinagat ang pang-ibabang labi upang hindi siya mapahagikgik. Lintek din kasi 'to si Tori e, masyadong masunurin!

      Hindi na nakasagot pa si Tori dahil tumunog ang cellphone nito. Hindi na rin niya narinig pa ang boses nito, marahil tuluyan nang lumabas ng kuwarto. Maya-maya pa, may kumalabit sa kanya.

      "Gabriela, bumangon ka na riyan at labasin mo 'yong bisita mo." Hindi siya kumibo. "Gabriela, tumayo ka na riyan sabi e!" Hindi pa rin siya kumibo, nilakasan ang paghilik. "Kapag 'di ka pa bumangon d'yan, papapasukin ko rito ang 'yong bisita mo!" banta ng tatay niya.

      Aburido niyang hinawi ang kumot at umupo sa kama. "'Tay naman e!"

      "Anong 'Tay naman? Bakit kasalanan ko? Ako ba ang nagtitili at binulabog ang buong barangay?"

      Nanikwas ang nguso niya. Naalala na naman niya ang pa-free access viewing kanina ng kanyang mga boobelya. "Paalisin niyo na lang po kasi si Phoenix, 'Tay."

      Pilit nitong itinaas ang mukha niya. "Patingin nga?" Sinipat-sipat nito ang mukha niya. Nangunot-noo pagkatapos. "Alam mo anak, may itsura ka naman pero hindi ka ka-lebel ng mga artista. Tigil-tigilan mo na ang pagmamaganda."

      Lalong nanghaba ang nguso niya. "'Tay naman e!" reklamo niya, magaan pang tinapik ang kamay ng tatay niya.

      "E labasin mo na kasi si Sir Phoenix at ikaw ang magpa-alis," natatawang sabi ng tatay niya.

      Napalabi siya, walang ganang tumayo at tiniklop ang kumot. "Hindi po 'ko ready 'Tay," reklamo niya, aburido.

      "Ano bang hindi ready?"

      "E... kailangan ko pang maligo, m-mag-ayos..." Napakamot na siya ng ulo, natataranta siya na hindi niya maipaliwanag. Maliban kasi noong unang araw niyang natulog sa penthouse, inaagahan niya talaga ang gising doon para first-hour in the morning, fresh na fresh na ang ganda niya. Tapos ngayon... Napapadyak siya ulit.

      "Aysus! Nagmamaganda nga!" komento ng tatay niya, alanganin ang mukha. "O siya, siya, aaliwin ko muna 'yong bisita mo nang makapaghanda ka sa kung ano mang dapat mong ihanda. Ayain ko ngang mag-zumba diyan sa covered court."

     "Hindi pa puwede si Phoenix sa gan'on, 'Tay!" mabilis niyang tutol.

      Tumingin ulit ang sa kanya ang tatay niya, diskumpiyado. "Binibiro lang kita. Paano kaming mage-exercise e nakita mong nakasaklay kaming dalawa?" Humugong ito. "Aysus Gabriel, kunwari ka pa! O siya, bilisan mong mag-ayos at kakaunti lang ang baon kong English." Marahang pumihit palabas ng kwarto ang tatay niya.

      Bahagya siyang sumilip sa uwang sa pintuan. Sandaling nag-usap ang tatay niya at si Phoenix. Maya-maya pa, nagpatiunang lumabas sa garahe ang tatay niya. Maingat na sumunod ang masungit.

      Sa wakas, the coast is clear.

      Dali-dali niyang kinuha ang kanyang tuwalya at dumiretso sa banyo. Tantiyado ang bawat galaw niya sa loob ng banyo. Ingat na ingat siya kasing mabasa ang sugat niya at baka maimpeksyon, delikado. Nang matapos siyang maligo, patingkayad siyang lumabas ng banyo at bumalik sa kuwarto. Nagbihis siya. Isang maluwag na T-shirt at disenteng shorts ang isinuot niya. Palabas na sana siya ng kuwarto nang maalala niyang maglagay ng lip tint. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin pagkatapos.

      Fresh na siya ulit.

      Magpapalayas lang siya ng masungit, nag-effort pa talaga siya sa pagpapa-fresh. Napailing na lang siya. Eengot-engot na naman siya umagang-umaga.

      Tinungo niya ang pinto, nagbuga ng hininga at marahang pinihit pabukas ang seradura. Boses ni Lala ang una niyang naulinigan sa sala. Sumilip siya sa uwang ng pinto, nasa salas nga ito nakapamaywang sa harap ng masungit. Tahimik siyang nakinig.

      "Are you richly famous?" sabi Lala.

      Marahang natawa si Phoenix. "I don't know. But I'm comfortable."

      "A, comforter." Ang kaimbyernang bata, nagkakamot ng ulo. Buti nga. "E... ano... ito. Are you dyowa in the making my sister?"

      Natutop ni Gabbie ang bibig. Mali-mali na nga, eskandalosa pa ang tanong!

      "What?" ani Phoenix, kunot ang noo.

      "Ha?"

      Natawa ulit si Phoenix, magaan. "Alam mo, puwede mo 'kong kausapin ng Tagalog."

      Umirap si Lala, humalukipkip. "Ayoko nga! Don't dare me. Don't... don't... basta h'wag ako!"

      Lihim siyang napahagikgik. Magkaparehas talaga sila ng kapatid niya. Achieve na achieve sa fighting spirit! Mauubusan na ng dugo at matutusta na ang braincells, sige pa rin.

      "Okay then. Do you have any more questions?" si Phoenix ulit.

      Sandaling nag-isip si Lala bago, "I hope you don't mine but... but... are you court?"

      Nasapo na niya ang noo. Saang lupalop ba napagkukuha ni Lala ang English nito? Juskolerd!

      "What do you mean, I am court?" ani Phoenix, bakas ang kalituhan sa mukha.

      Nagtumanga ang kapatid niya. "Ay, Court ang pangalan mo? Akala ko ba Phoenix?"

      Hindi na siya nakatiis, tuluyan na siyang lumabas ng kwarto at sinagip ang kapatid sa pagtotoyo.

      "Ate, may bisita ka!" masayang bati ni Lala sa kanya nang makita siya. Tumayo rin si Phoenix.

      Sandali niyang nginitian si Phoenix bago bumaling ulit sa kapatid. "Si Tatay?"

      "Tinawag po sandali ni Mg Viktor. Ayaw daw umandar ng kotse niya e."

      "Si Manny?"

      "Tulog pa po, Ate."

      "Si Tori."

      "Nasa likod, Ate. May kausap sa cellphone."

      Tumango-tango lang siya. "Kumain ka na?"

      Tumango ito. "Pandesal at Milo."

      "Sige, do'n ka muna kina Aling Lolita at Lovely," aniya bago ginulo ang buhok ng kapatid.

      "Ate naman e!"reklamo nito. "Please don't make fond of me!" dugtong pa nito habang inaayos ang buhok.

      "O siya sige na! Mamaya tayo magtutuos d'yan sa pag-english-english mong baluktot," natatawang sabi niya.

      Umirap ito, nag-flip hair bago tuluyang lumabas ng bahay.   

      "I like your sister. She's a lot like you," komento ni Phoenix nang sila na lang dalawa.

      Hindi siya umimik bagkus ay sumulyap sa bouquet na nasa mesita. Mabilis iyong pinulot ni Phoenix at ibinigay sa kanya. Maayos niyang tinanggap ang pa-flowers ng masungit kahit na nagra-riot na sa kilig ang puso niya sa loob ng dibdib niya.

      Magaganda ang mga bulaklak, masarap i-display.

      Dumaan sa isip niya ang nangyari kanina. Lihim siyang umiling. Past is past. Dapat naka-focus siya sa future. Dahil ang future, binibigyan siya ngayon ng flowers na ayon sa puso niya, baka may meaning talaga.

      "Bakit ka may dalang flowers?" lakas-loob niyang tanong maya-maya.

      Ngumiti ito. "Those are get-well soon flowers for you."

      Isang walang tunog na 'ah" lang ang naisagot niya. Sumemplang na naman ang puso niya sa kangkungan! Lintek na pusong mahilig maging interpreter!

      "Ang aga mo namang bumati ng get-well soon," aniya, nangingiti subalit nagmamapait.

      Napakamot ito ng batok. "Sorry. Sobrang aga ba?"

      Ngumiti lang siya, pilit. Hindi pa lumilipas ang pagmamapait ng puso niya sa bulaklak. "Pa'no mo nga pala nahanap itong bahay namin?" pag-iiba niya sa usapan.

      Sandali itong nag-isip. "Let's just say that I have connections."

      Napaisip siya. Katunog 'yon ng linyahan sa pelikula. "Connections that we don't have?"

      Ngumiti ito. "Exactly!"

      Ngumiti rin siya, pilit pa rin. Pasimpleng inirapan ang bungkos ng bulaklak na hawak niya.

      "Anyway, I just really want to check on you," seryosong sabi nito, maya-maya. Sinipat nito ang mamahalin nitong sports watch. "Henri will be here in a few minutes."

      Napakunot noo siya. Noon lang niya nakita ang gym bag na nasa paanan nito. "May lakad kayo ni Coach?"

      "I'll join my team in training today."

      Agad siyang natensyon. "Hoy! Hindi ka pa puwedeng maglaro! Dapat nga naka-crutches ka pa e at hindi lang yang cane ang gamit mo sa paglalakad. At saka naka-walking boots ka pa, paano ka tatakbo?"

      Imbes na sumagot, lumapad ang pagkakangiti nito. "You're cute when you nag."

      Umirap siya kahit na may dalang kilig sa dibdib niya ang sinabi nitong cute siya. Hindi siya sumagot bagkus ay pasimpleng ibinaba sa mesita ang hawak niyang bouquet.

      "Galit ka?" tanong nito.

      "H-hindi a!" depensa niya.

      Marahan itong natawa. "I'll just practice shoot. No running yet for me. Besides, boring sa bahay. Wala akong kasama e."

       Tumikhim siya, iniiwas ang tingin sa mga mata nitong may agimat. Iniba niya ang usapan. "Kape gusto mo? Kaya lang, wala kaming brewed. Instant lang ang meron."

      "Instant would be fine," mabilis na sagot nito.  

      "Sige, maupo ka muna," aniya bago tinungo ang kusina.

      Buti na lang may laman pa ang thermos, hindi na siya mag-iinit pa ng tubig. Mabilis siyang nagtimpla ng kape at bumalik sa sala pagkatapos. Nang maiabot niya kay Phoenix ang mug ng kape, napilitan siyang umupo sa pang-isahang upuan sa tapat nito.

      Tahimik na uminom ng kape ang masungit. Maya-maya pa nag-angat ito ng tingin sa kanya. "I miss..." umpisa nito, lalong tumitig sa kanya. "The way you make my coffee."

      Isang walang tunog na 'ah' ulit ng naisagot niya. Lihim niyang pinagalitan ang sarili na nag-expect na naman nang bongga. Inirapan niya ang mug na inilapag nito sa mesita.

      "Does it hurt?" tanong nito maya-maya.

      "A-ang alin?"

      "That bruise on your leg and knee." Tinuro nito ang binti niya. Niyuko rin niya 'yon.

      Mabilis niyang kinuha ang throw pillow sa likuran niya at nahihiyang tinakpan ang sugat.

      "M-medyo lang," sagot niya.

      Uminom ulit sa mug si Phoenix. Kapag kuwan, sinipat-sipat ang mug na pinagtimplahan niya ng kape. Ngumiti ito pagkatapos.

      "Bagay rin pala sa 'yo ang short hair," komento nito bago iniharap sa kanya ang print ng mug na hawak nito.

      Nahindik siya sa nakita. Ang mug na pinagtimplahan pala niya ng kape ay ang magic mug na may mukha niya na souvenir ng batch nila noong college! Hindi niya 'yon agad nakita kanina dahil sadyang kulay itim lang 'yon kapag hindi nalalagyan ng mainit na tubig! Agad siyang pinamulahan ng mukha. Ang atat ng ngiti niya doon sa picture kahit mukha siyang malnourished na madilim ang kinabukasan! Juskolerd!

      Natataranta niyang inagaw ang mug sa masungit at ibinalik 'yon sa kusina.

      "Hey, I was drinking that!" reklamo nito pagbalik niya sa salas.

      "W-wala na 'yon. Panis na."

      Sasagot pa sana siya kaya lang may bumusina sa harap ng bahay nila. Tumayo na si Phoenix at pinulot ang bag nito.

      "That must be Henri," anito.

      "Pati si Coach alam ang bahay namin?" namamanghang tanong niya.

      "Yeah. I told him."

      Sumilip siya sa labas ng bahay. Saktong lumabas si Coach Henri sa kotse nito at kinawayan siya. Alanganin din siyang kumaway bago bumaling kay Phoenix.

      Magaan ang ngiti ng masungit. "I'll... I'll go ahead," anito, tunog tensyonado. Maya-maya pa, yumuko ito at Mabilis siyang kinintalan ng halik sa noo. "Take care, okay?" sabi pa nito pagkatapos.

      "O-okay," alanganin niyang sagot.

      Ngumiti lang ito bago tuluyang lumabas ng bahay. Hinatid niya ito ng tingin hanggang sa makasakay ito ng kotse. Matagal nang nakaalis ang kotse subalit nanatili siyang nakatayo sa may pintuan.

      Wala sa sarili niyang hinaplos ang kanyang noo. Pangalawang beses na siyang hinalikan doon ni Phoenix.

      E, 'yon kaya? May meaning din ba 'yon?

      "Nak, wala na. Nakaalis na," bulong ng tatay niya sa likuran niya.

      Nagtataka siyang lumingon. Nagulat pa siya nang makita niyang full-force ang Pamilya Centeno sa likuran niya. Pumihit siya paharap sa mga ito. "'Tay, akala ko lumabas ka?"

      "Kanina pa 'ko nakauwi. D'yan sa may labahan ako dumaan, " anang tatay niya.

      "Kanina pa rin 'ko gising, Ate," ani Manny.

     "Tulog pa si Lovely, Ate," ani naman ni Lala, nanulis pa ang nguso. Bumaling siya kay Tori, hawak pa rin nito ang cellphone nito habang humihikab.

      "Kanina pa kami nakatambay do'n sa likuran. Naghihintay ng magandang balita,," anang tatay niya, nakangisi.

      "Po?"

      "Basta! Maiba 'ko, anong sabi ni Sir Phoenix ba't siya dumalaw?"

       Hindi siya sumagot. Marahan niyang pinulot ang bouquet na bigay ni Phoenix at pinagmasdan ang makukulay na bulaklak. Kasing kulay ang mga iyon ng umaga niya. Kusang ngumiti ang mga labi niya, pigilan man niya hindi niya magawa. Umabot na sa sukdulan ang page-engot niya sa umagang iyon, kaya hinayaan na lang niya.

       "'Tay, nakapaglinis na po kayo?" wala sa sarili niyang tanong, habang hinahaplos ang talulot ng mga bulaklak.

      "Hindi pa. Bakit?"

      Nag-angat siya ng ulo. Nakangiting ipinaikot ang tingin sa tatay niya at mga kapatid. "Kung gano'n, kuskusin ang mga dingding at kasuluksukan ng bahay. Ilabas ang mga babasaging plato at baso sa divider ni Nanay. Sabihan ang mga alipin na maghanda ng masarap na ulam at tayo'y magsasalo-salo sa isang bonggang-bonggang piging!"

      Lalong nalukot ang mukha ni Manny niya. "E bakit Ate, anong okasyon?"

      Magaan niyang niyakap ang bouquet. "I think I just found my purpose," kuntodo ngiting deklara niya, nagniningning pa ang mga mata.

      Sandaling napatanga ang mga kasama niya.

      "Ano 'ka mo, soy sauce?" anang tatay niya, lukot na lukot ang mukha.

      Sa ibang pagkakataon, baka mainis siya dahil hindi nakiki-lebel sa kasiyahan at comprehension niya ang pamilya niya. Pero masyado siyang masaya, kaya deadma na! Humakbang siya patungo sa kuwarto. Yakap-yakap niya ang mga bulaklak na nahiga sa kama.


*****


      "Hindi ba mas importante ang tulog kaysa chismis?" naiimbyernang tanong ni Gabbie kina Brandy at Jelaine na siyang bisita niya kinahapunan.

      Galing sa panghapong duty ang mga ito, pero imbes na magsi-uwi na sa kani-kanilang bahay, binubulabog siya ng mga ito dahil lang sa chismis! Buti na lang may dalang pakonswelo ang mga ito─ isang box ng hawaiian pizza mula sa isang sikat na pizza store at softdrinks.

      "Tulog is life, but chismis is lifer!" ani Jelaine, kumagat pa sa pizza.

      "Tomoh! Kaya chika mo na sa 'min kung anong happenings ninyo ni Phoenix, girl. Bakit may pa-site visit si Fafa at may pa-flowers pa!" excited na segunda ni Brandy, sabay inom ng softdrinks pagkatapos.

      Napabuntong-hininga siya, umayos ng upo sa sofa. Sigurado siya, hindi siya tatantanan ng mga kaibigan hangga't hindi siya nagkukwento.

      "Dumaan lang siya kaninang umaga para sabihing magpagaling ako," aniya, walang gana.

      "'Yon lang?" ani Jelaine, dismayado.

      "Oo!" mabilis niyang sagot. "Bakit ano bang ine-expect mo?"

      "Walang confession ganern?" si Jelaine ulit, nanghahaba na ang nguso.

      "Ano namang ikukumpisal no'n?" aniya, tunog reklamo.

      "Malay ko, baka LP," ani Jeliane.

      "Anong LP? 'Yong Dilawan na Liberal Party?" si Brandy.

      "Lihim na Pagnanasa," mabilis na sagot ni Jelaine.

      Nahirinan si Brandy, sunod-sunod na naubo. Nagmamadali siyang kumuha ng tubig sa ref at pinainom ito. Panay naman ang tawa ni Jelaine, siyang-siya sa paghihirap ng bakla.

      "Corny ka na nga, lulong ka pang babaita ka!" inis na singhal ni Brandy kay Jelaine nang makabawi maya-maya. "Pa'no pagnanasaan ni Phoenix 'yang si Gabbie e bansot ang boobelya niyan!"

      Umingos si Jelaine. "Haler! Preferences can change, ano ka ba? E ano kung bansot ang boobelya ni Gabbie? It functions the same like the bigger ones." Mabilis itong uminom ng softdrinks. "Bakla, parang hindi ka nag-anatomy, ha?"

      "Luka-luka! Alam ko 'no! Mas mataas ang nakuha ko sa 'yo board. H''wag mo kong maano-ano Jelaine Anitha Marquez!" Umirap ang bakla. "Walang value ang function kung pagnanasa ang usapan! I tell you, kung hindi umaalpas sa bra at yumuyugyog ang boobelya, deadma ang mga fafa d'yan. Tayo ka nga Gabbie, patingin ng kurba ng boobelya sa side-view."

     Naeeskandalo siyang napatakip ng dibdib niya. "Bakit napunta sa suso ko ang usapan? Twenty six years na silang payapang namumuhay sa dibdib ko tapos ino-okray okray niyo lang! Ba't di 'yang mga suso niyo ang tignan ninyo ang kurbada?" inis niyang singal. "At saka kung lumalayas-layas na kaya kayo nang makapagpahinga na 'ko."

      Nanulis ang nguso ni Jelaine. "Ay, Gabriela nga! May pinaglalaban talaga."

      Pasimpleng nagmaktol si Brandy, kumawit sa braso niya "Dito muna 'ko, girl. Baka dumaan si Fafa Mac."

      "Kaalis lang. Baka 'di na 'yon babalik."

      Tumikwas ang nguso nito. "Ano ba 'yan, late ako," anito sabay ingos kay Jelaine. "Ito kasi nakipaglandian pa sa ka-chat niyang mukha namang tambay sa kanto!"

      "Hala, mayaman 'yon si Jerikow. May patisan sila sa Malabon at itikan sa Pateros" sagot ni Jelaine, nag-flip hair pa pagkatapos.

      "Kahit na siya pa ang taga-pagmana ng buong bagoong industry, wiz ko bet ang min!" kinikilig sa diri na sagot ng bakla.

      "E hindi ka rin naman bet ni Jerikow! Ako ang bet niya," napapairap na sabi ni Jelaine.

      Lihim siyang natawa. Tagumpay ang diversionary tactic niya. Hinayaan na lang niyang magbangayan ang dalawang kaibigan hanggang sa mapagod ang mga ito. Pasado alas-sais na nang magpasyang umuwi ang mga ito.

      Akala niya makakapagpahinga na siya kaya lang may bumalik. Si Mac. May dala itong isang bucket ng Jollibee Chicken Joy.

      "Talagang bumalik ka, ha? At may suhol pa," aniya, natatawa. Gaya ng paalam nito kagabi maghapon itong tumambay sa kanila. Nakihilata ito sa kanilang dalawa ni Tori sa sala habang nanonood ng K-Drama. Pinagod din nito ng sarili sa kaka-explain kung bakit mas guwapo ito kaysa sa mga Oppa. Doon din ito nananghalian. Saka lang ito umalis nang bandang alas-tres na ng hapon dahil may bibilhin pa daw.

      "E malakas sa akin si Lala e," anito bago tuluyang pumasok sa kabahayan.

       Bumati ito sa tatay niya na noon ay nanonood na ng news sa sala. Si Lala naman, masayang sumalubong kay Mac bago nilantakan ang dala nitong pagkain sa kusina.

      "Nakita ko si Manny, naglalaro na ulit ng basketball a," komento ni Mac.

     "Oo. Papogi points daw para kay Amber," aniya, kumurot sa balat ng chicken joy.

      "Si Tori?" si Mac ulit bago umupo sa tabi ng tatay niya.

      "Tulog. Pagoda 'ata. Ang aga kasing nakipag-chikahan e," aniya. Umupo siya sa pang-isahang upuan sa sala.

     Tutok siya sa panonood ng balita nang lumitaw si Manny sa pintuan. Pawisan ito, may hawak pang bola.

      "Ate, may bisita ka," hinihingal na sabi nito. Gumilid ito at binigyang daan ang bisita niyang si... Paul?

      Nanlaki ang mga mata niya. Si Paul. Ang may judgemental na mata na kaibigan ni Phoenix na si Paul, nando'n talaga ito?

      Dumako ang tingin niya sa hawak nitong bouquet. Napatayo na siya. May pa-flowers din ito! Ano, paano, subalit, datapuwat! Juskolerd! Bakit?

     "Hi!" nakangiting bati nito sa kanya bago dumako ang tingin sa tatay niya na noon ay nakatayo na rin sa tabi ni Mac. "You must be Gabbie's father. Goodevening po, Sir," anito sa malagom na tinig bago kinamayan ang tatay niya. "And you are?" baling nito kay Mac.

      "PO3 Macario Rodriguez MPD. Bestfriend ni Gabbie," seryosong pagpapakilala ni Mac sa sarili, nakataas ang noo.

      Inilahad ni Paul ang kamay sa kababata. "Lt. Col. Paul Andrius Samaniego, PAF Reserve. Nice to meet you, pare."

      "Standy-by Reserve?" tanong ni Mac.

      "Ready Reserve," anito, may diin.

      Nangunot-noo si Mac. "S-Samaniego? Kaano-ano mo si-"

     "I belong to the Samaniego clan of AFP," mabilis na sagot ni Paul. Agad na namula ang mukha ni Mac, ewan niya kung bakit.

      Bumaling si Paul sa kanya, ngumiti bago, "Pink poenies for you, beautiful," anito.

      Napakurap-kurap siya at wala sa sarili niyang tinanggap ang bouquet. Hindi pa man siya nakakahuma sa pagdating ni Paul, nag-ingay na naman si Manny sa pwesto nito sa pintuan.

      "Ate, may isa pa! Kararating lang," anunsiyo nito, tinuro ang likuran nito.

       Lumitaw doon ang bulto ni Pheonix, may dala ring bulaklak na kagaya nang kay Paul─ same flower, same color. Nakangiti itong pumasok ng bahay nila na agad ding napalitan ng simangot nang makitang hindi lang ito ang naroong bisita.

      "Seriously?" angil agad ng masungit kay Paul.

      Natawa nang marahan si Paul. "I got here first," anito bago ngumisi. "Hey, you've got her same flowers as I did." Umiling ito, pumalatak. "No originality."

      Namula ang mukha ni Phoenix, tinapunan ng tingin ang hawak niyang bouquet na bigay ni Paul. Kilala niya ang tingin na 'yon. 'Yon ang tingin bago ito tuluyang mag-transform sa isang hindi kaaya-ayang nilalang ng kasungitan. Nagmamadali niyang binitawan ang hawak niyang bouquet at siya na mismo ang kumukha sa bungkos ng bulaklak na dala nito.

      "P-para sa 'kin 'to, 'di ba?" natataranta niyang sabi. Tipid itong tumango, madilim pa rin ang mukha. "Thank you," aniya, tinamisan pa ang ngiti.

      Ngumiti kahit papano masungit kaya lang, pilit. Pero kahit na, kumabog pa rin ang dibdib niya. Naroon kasi ulit ito, binibisita siya ta may pa-flowers. Masipag na naman tuloy ang puso niyang interpeter.

      Tumikhim nang malakas si Mac, makahulugang tumingin sa mga kasama nitong bisita. Pagkatapos ay nagpalinga-linga bago humakbang sa estante kung saan nakadisplay ang mga pictures nilang mag-anak. Hinugot nito ang mga plastik na bulaklak na nakalagay sa vase na naroon, pinagpag ang alikabok bago lumapit sa kanya.

      "Flowers for you, Kulasa este Gabriela," nakangising sabi nito habang inaabot sa kanya ang      mga bulaklak na plastik. Minulagatan niya ito at pagalit na hinablot ang bulaklak sa kamay ng kaibigan. Pinapungay nito ang mga mata, parang inaasar siya na hindi. Hindi niya tuloy alam kung seryoso ito o nagti-trip lang.

      Hinarap nito ang dalawa pa niyang bisita. "Actually, mas nauna ako rito, mga repa. Wala nga lang akong dalang bulaklak pero nakita niyo naman, resourceful ako," nagmamalaking sabi nito, bumaling pa sa kanya at kumindat.

      Nanayo ang balahibo niya. Hindi niya maipaliwanag kung naiilang siya o nandidiri. Lintek na Macario!

      Ano ba kasi ang nangyayari? Natapos na ba ang kamalasan niya at pinauulanan siya ng biyaya? Hindi lang isa-isa kundi tatlo-tatlo pa! Naguguluhan siyang tumitig sa tatay niya.

      Lumapit sa kanya ang tatay niya, bumulong. "Anak, napapalibutan na tayo ng mga higante. Sumuko ka na."

      Napapantastikuhan niyang tinignan ang tatay niya. "Tay naman!" reklamo niya, pabulong. "Tulungan niyo na lang po ako. Hindi ko alam ang gagawin ko."

      Tumikhim ang tatay niya. "Kayo ba'y handang masampolan ng batas ng katotohanan?" Nagkatinginan ang tatlong bisita bago sabay-sabay na tumango. Ngumisi ang tatay niya. "Mabuti kung gayon. Nang masubok ko talaga ang intensyon ninyo sa dalaga ko." Tumingin ito kay Manny. "Manny, oras na para sa batas ng katotohtanan. Ilabas ang lambanog!"

      Napasinghap na lang siya at wala nang nagawa. ###

3858words/1:20PM/05302020

#AccidentallyInLoveHDG





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro