Chapter 11: Hidden But Seen
"How does it feel? Can you walk comfortably?" tanong ni Dr. Reed Laviero kay Phoenix, ang orthosurgeon ng huli. Kasalukuyan silang nasa Angelicum Hospital para sa weekly check-up nito. Dalawang linggo na ang matuling lumipas matapos ang surgery. At sa loob ng dalawang linggong 'yon, ginawa ni Gabbie ang lahat nang maari niyang gawin upang bumilis ang paggaling ni Phoenix.
Maingat na humakbang si Phoenix gamit ang walking boot na nakasuot sa napinsala nitong paa. Isinabay nito sa paghakbang ang four-pronged cane. Ngumiwi ito nang bahagya pagkatapos ay humakbang ulit. Sandali itong nakiramdam bago nag-angat ng tingin sa kanya.
"This is better," nakangiting sabi nito. Tumango lang siya bago umiwas ng tingin.
"You'll be back to your regualr activities in no time," ani Dr. Reed. Bumaling sa kanya ang doktor. "You did a good job, Gabbie."
Ngumiti siya. "I just did what I was trained for, Doc."
"Pagbalik mo rito, baka ikaw na ang in-demand therapist sa therapy center," pabirong komento ng doktor. "Maganda na, magaling pa!"
Ngumiti lang siya. Ayaw niyang patulan ang mga pasimpleng banat na 'yon ng doktor. Kalat sa buong ospital ang pagiging babaero nito. At never siyang magpapa-biktima.
Tumikhim si Phoenix, sumulyap nang makahulugan sa kanya bago muling sinipat ang paa nito.
"Puwede ko nang i-upgrade 'yong exercise routine niya, Doc?" tanong niya.
"Yeah, puwede na pero kailangan pa rin ng kaunting ingat." Bumaling ang doktor kay Phoenix na noon ay nakaupo na sa harap ng receiving table. "I will see you again in two weeks. Of course, with Gabbie here." Sumulyap ulit sa kanya ang doktor, ngumiti bago mabilis na kumindat.
Alanganin siyang ngumiti. Itinikom niya nang maiigi ang bibig. Baka makapagsalita na naman siya ng hindi maganda laban sa babaerong doktor, ma-issue na naman siya. Babalik pa naman siya sa ospital pagkatapos niyang maging chimini-a-a.
Ilang sandali pa, nagpaalam na si Phoenix kay Dr. Laviero. Magkapanabay silang naglakad sa hallway patungo sa entrada ng ospital. Maingat lang ang lakad nito, sinasanay pa marahil ang paa nito sa walking boot at four-pronged cane Nakabantay naman siya sa tabi nito. Pagdating nila sa entrada ng ospital, wala pa si Coach Henri na ayon kay Phoenix ay siyang susundo sa kanila.
"Tawagan mo si Henri," utos nito sa kanya.
Agad siyang tumalima at inilabas ang cellphone niya. "Coach, tapos na po kami," aniya nang umangat ang kabilang linya. "Okay po. Hintayin na lang namin kayo," iyon lang at tinapos na niya ang tawag.
Maayos na sila ni Coach Henri. Sa tatlong beses nitong pagbisita kay Phoenix sa penthouse nitong nakalipas na dalawang linggo, maayos na ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi kagaya noon na maski buntong-hininga nito parang pinagbabantaan siya.
"Malapit na raw siya. Ilang kanto na lang," aniya habang ibinabalik sa bag ang kanyang cellphone.
Tumaltak si Phoenix bago nagbuga ng marahas na hininga. Agad siyang nag-angat ng tingin. Magkasalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa malayo. Hindi na naman niya malaman kung naiinip ito o sadyang kunsomido.
"Bakit? May masakit?" takang tanong niya.
"Wala!" anito, tunog may pinaglalaban.
Nanikwas na naman ang nguso niya. Nagsusungit na naman ang amo niya na hindi niya alam ang dahilan. Para itong masumpunging bata na basta na lang iiyak dahil trip lang.
Umiling siya bago nagpalinga-linga. Nang makita niya ang hinahanap, lumapit siya sa guard at humiram ng monoblock chair. Bumili rin siya ng bottled water mula sa aleng nagbebenta sa malapit.
"Umupo ka muna at uminom ng tubig," aniya nang balikan niya si Phoenix. Agad itong umupo sa upuan at binuksan ang bottled water.
"May kakilala ka bang ibang ortho doctor?" biglang tanong nito sa kanya maya-maya.
Nangunot-noo siya. "Oo naman. Bakit?"
"I'm thinking of switching doctors."
"Bakit? Ayaw mo na kay Dr. Laverio?"
Umangat ang mga mata nito sa kanya at tinitigan siya. Pasimple siyang umiwas ng tingin. Lumundag kasi ang puso niyang nasa kailaliman na ng basket ng pagsintang tunay para dito. Lagi na lang gano'n kapag tinititigan siya nito. At bago na naman maging hopia at asado ang puso niya para kay Phoenix, naging panata na niyang h'wag tititigan nang matagal ang masungit dahil nasa mga mata talaga ang agimat nito.
Matagal bago ito sumagot. "Reed is clearly flirting with you. Hindi mo ba napapansin?"
"Napapansin," mabilis niyang sagot.
Tumayo ito at hinarap siya. "You knew and yet you're not doing anything about it? Do you like him?"
Nanikwas ang nguso niya. "H-hindi no?"
"E bakit hindi mo siya pinagbabawalan?"
"E kasi kilala ko si Dr. Laverio. Sanay na 'ko sa mga ganyan-ganyan niya."
Lalong nagsalubong ang kilay nito. "Anong ganyan-ganyan? You mean you like that he's flirting with you?"
Nalukot ang mukha niya. "Hindi nga! Bakit ba ang kulit mo?" Namaywang na siya dahil hindi niya maintindihan ang pinaglalaban ng amo niya. At bago pa man niya ma-filter ang sinasabi ng lohika niya, nasabi na niya. "Nagseselos ka ba?"
Sandali siya nitong pinakatitigan bago natawa, sarkastiko. "You're clearly forgetting something. You're not my type, Gabbie."
Agad na sumemplang sa kangkungan ang puso niya. Narinig pa niya ang lihim na pagmamaktol niyon nang slight.
"M-mas l-lalo naman ako, 'no?" nauutal niyang sagot, sabay irap para mas convincing. Mamaya, magtutuos ulit sila ng puso niyang mahirap matuto.
"Crazy, Miss Virgin," bulong nito maya-maya.
"Kagaya mo," balik-asar niya rito, tikwas pa ang nguso.
Hindi na ito umimik. Mabuti na lang, hindi rin nagtagal, dumating na si Coach Henri. Aalalayan niya sana si Phoenix sa pagbaba sa rampa kaya lang, ayaw nito, nagmamagaling. Hinayaan na lang niya.
Habang pauwi sila sa penthouse, panay ang daldal ng mag-coach na nasa harapan ng sasakyan. At para mawala nang panandalian ang pagmukmok ng puso niya, inabala niya ang sarili sa pagte-text at pagba-browse sa Facebook.
"Gabbie, baba ka muna," ani Coach Henri bago nagpatiunang lumabas ng kotse. Nag-angat siya ng tingin at nagpalinga-linga. Hindi pala sa condo tower sila pumunta kundi sa isang gymnasium.
"May practice ang team ko today. I'm visiting," ani Phoenix, nakatingin sa kanya mula sa rear view mirror.
Team? Ang buong team nito?
Sandaling prumoseso ang lohika niya. Ibig sabihin no'n, mapapalibutan siya ng mga higante at ...artista?
Nanlaki ang mga mata niya. Dali-dali siyang naglabas ng compact powder at mabilisang nag-retouch.
"What the hell are you doing?" aburidong tanong nito maya-maya.
"Obvious ba? E 'di nagreretouch!" aniya habang pinapahiran ng lipgloss ang kanyang labi.
"Why?"
"Kasi maraming artista sa loob."
Nagbuhol ang mga kilay nito. "You do realize that we're basketball players and not showbiz personalities, don't you?"
Isinara niya ang compact powder at ibinalik iyon sa kanyang bag. "Nakikita kayo sa TV. Pinapanood ng madlang pipol. Marami kayong faney sa buong bansa. At kalahati sa inyo may dyowang artista. Gano'n na rin 'yon! Mang-iinggit ako ng mga chismosa naming kapitbahay kapag nag-post ako ng pictures mamaya sa Facebook!"
Nagmadali siyang bumaba ng kotse at binuksan ang pinto sa tapat nito. Maingat itong lumabas ng sasakyan, ayaw pa ring magpatulong sa kanya. Habang papasok sila ng gym, hindi niya mapigilang ma-excite. Nakikinikinita niya ang itsura ng mga chismosang mimosang kapitbahay nila na nangsasabing kadikit na raw niya ang malas kaya niya nabangga si Phoenix.
May malas bang mapapalibutan ng mga artistang basketbolista all in one day? Na-iimagine na niya ang pagnganga ng mga chismosa nilang kapitbahay kapag nakita na nila ang pictures niya. Ibabandera niyang lahat sa My Day niya.
"Magpapa-picture ako mamaya sa─"
"Bawal kang magpa-picture!" saway agad nito sa kanya.
Nalukot ang mukha niya. "Picture lang naman a!"
Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. "Bawal."
"Ang damot mo naman. Para picture lang," reklamo niya.
"I said don't," matigas ang tinig na sabi nito. Inihagod nito ang kamay sa buhok nito. "Also stay close to me. Never say a word. Okay?"
Naimbyerna na siya nang tuluyan. Bawal na nga magpapicture, gagawin pa siyang pipi ng masungit.
Monster talaga! Juskolerd!
"Gabbie?"
"Oo na! Oo na!" naiinis niyang sagot, ipinadyak pa ang paa.
Naunang lumakad si Phoenix sa loob ng gym. Nagngingitngit siyang sumunod. Bukas, pagpunta niya sa raket niya, dadaan siya talaga ulit sa chapel. Hindi lang siya magtitirik ng kandila, magpapa-exorcise na siya! Baka talagang nasapian lang siya ng kung anumang elemento kaya ngayon may nararamdaman na siya kay Phoenix Masungit. Hindi niya kasi maintindihan kung ano ang nagustuhan niya rito.
Dahil ba sa gwapo ito?
May perpektong muscle formation in all delicious angles?
At kahit lagi itong nagsusungit, nasisilip niya paminsan-minsan ang golden heart nito?
Natigilan siya. Lintek! Mukhang all of the above ang sagot!
Check na check na check!
Umirap siya.
Nakunsumi siya sa sagot niya. Hindi siya kasi believer ng the more you hate, the more you love.
E bakit si Tikboy, 'yong kapitbahay nilang siga na kaisa-isang nagbaka-saling manligaw sa kanya. Abot-langit ang inis niya ro'n kaya pinabarangay nga niya dahil ayaw siyang tantanan. Buti na lang kulong na ang loko sa kasong Robbery kaya natigil na nang tuluyan ang pambubuntot nito sa kanya.
O baka naman dapat sa alburaryo siya magpatulong. Baka nausog lang siya talaga kaya nahuhumaling ang marupok niyang puso kay Phoenix.
Bukas na bukas din, maghahanap siya ng alburaryo.
"Gabbie!"
"Ay alburaryo!" wala sa sarili niyang bulalas nang magulat siya sa malakas na tawag sa kanya ni Phoenix.
"You're spacing out again, Gabbie," ani Phoenix sa seryosong tinig, kunot ang noo.
Kumurap lang siya at iniikot ang tingin sa paligid. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang matanto niyang kaharap na niya ang mga higanteng artista na rason ng pagre-retouch niya!
"Gabbie, meet the Smart Shooters. Team, meet Gabbie," walang kabuhay-buhay na pagpapakilala ni Phoenix.
"Hi, Gabbie!" sabay-sabay na bati sa kanya ng teammates ni Phoenix. Pati pagkaway ng mga ito sa kanya in-sync din. Nakakaaliw panoorin.
Hindi niya napigilang ngumiti. Halos kilala niya kasi sa mukha lahat ng teammates ni Phoenix. Masarap sanang magpa-autograph kaya lang...
Sumulyap siya kay Phoenix. May pagbabanta ang mga mata nito. Agad niya itong sinimangutan at inirapan.
"You look pretty and non-violent. Ikaw ba talaga ang nakabangga kay Phoenix?" tanong ni Jay Constantino. May dyowa itong starlet na laging napapanood sa isang variety show kaya kilala niya.
"O-oo. S-sorry," alanganin niyang sagot sabay ngiwi.
"Ayos lang 'yon. Mukhang nag-eenjoy naman sa 'yo si Phoenix," natatawang sagot nito Jay, idrinible pa ang bola na hawak nito.
"What the hell, Jay?" saway ni Phoeni.
"Ang ibig kong sabihin, nag-eenjoy si Phoenix sa bakasyon niya," nakangising paliwanag ni Jay bago ipinasa sa kasama ang hawak nitong bola.
Lumapit sa kanya ang matangkad at chinitong lalaki. Hindi niya ito kilala dahil mas bata ito sa karamihan ng players na naroon. "Hi, I'm Rainier Tan," anito bago inilahad ang kamay. Alanganin niya iyong tinanggap.
"Gabbie."
"May boyfriend ka na?" mabilis na tanong nito nang bitiwan ang kamay niya.
"Whoah whoah, rookie, not so fast," ani Phoenix. Mabilis nitong iniharang ang sarili sa pagitan nila ni Rainier, yumuko bago nagsalita. "Find a comfortable seat for you on the upper bleachers. The farther the better."
Hindi na siya sumagot. Nahihiya siyang nagpaalam sa teammates ng masungit bago siya nagdadabog na tumalima sa utos nito. Pumuwesto siya sa pinakamaatas na hilera ng mga upuan. Dahil mas malayo sa masungit, talagang the better.
Inilabas niya ang cellphone niya at doon ibinuhos ang inis niya. Nag-snooze siya ng mga contacts niya sa Facebook na kung hindi pabebe, DDS naman o kaya Dilawan. At hindi pa siya nakuntento, naisipan niyang mag-rank game sa Mobile Legend. At dahil nagu-umapaw siya sa ngitngit at inis at hindi siya makapag-concentrate, dalawang beses na-tegi ang hero niya. Nalagasan siya ng dalawang stars na pinaghirapang trabahuin ng mga daliri niya nang ilang linggo!
Nanikwas ulit ang nguso niya.
Kasalanan 'yon lahat ng masungit!
"Pheonix! Phoenix! Phoenix!"
Gulat siyang nag-angat ng tingin sa court. Nakapalibot ang Smart Shooters kay Phoenix, tila nagchi-cheer. Si Phoenix naman nakatayo sa sa three-point line at may hawak na bola.
Dumiretso ang likod niya sa pag-upo. Naala niya ang eksena sa gymnasium ng SGU two weeks ago. Noong pinilit nitong i-shoot ang bola pero hindi nito nagawa. Sobra-sobrang kunsensya ang inabot niya noon. Pakiramdam niya tinanggalan niya ng karera si Phoenix dahil sa naaksidente niya ito. Kaya kahit na nagsusungit ito at nahihirapan ang puso niya sa pagsakay sa mga demands nito nang nakaraang mga linggo, hindi siya nagrereklamo. 'Yon lang kasi talaga ang kaya niyang itulong dito. Pasensiya at suporta.
Pero ngayon, mas maayos na ito. Naglalakad na ito gamit ang walking boot. Maayos ang recovery nito. Sana naman mai-shoot na nito ang bola.
Nag-dribble ito, sandaling tinantiya ang ring, inangat ang bola bago iyon pinakawalan. Matapos ang makapigil-hiningang ilang segundo, nilunod ng sigawan at kantiyawan ang pagsinghap niya.
Pasok ang bola sa ring! Naka-three point shot ang masungit!
Napangiti siya, maliban sa kilig pakiramdam niya mas nararamdaman niya ang saya kaysa rito. Gagaling si Phoenix. Gagaling ito at babalik sa paglalaro.
Nang sumulyap sa kanya si Phoenix, dali-dali siyang nagyuko ng ulo at nagkuwaring dinudutdot ang cellphone niya.
"Gabbie!" sigaw nito maya-maya. Nag-angat siya ng tingin. "Nakita mo?" Bakas ang excitement sa tinig at mukha nito.
Umiling siya kahit na pakiramdam niya nag-vivictory dance ang puso niya sa loob ng ribcage niya. Nalukot naman ang mukha nito at inis na inihagod ang kamay sa buhok.
Lihim siyang napangiti. Mukhang naimbyerna ito dahil akala nito hindi niya nakita ang pagpapakitang-gilas nito. As if naman importante ang reaksyon niya. Pabebe rin talaga minsan si Phoenix, ayaw lang nitong aminin. Maya-maya pa, sinenyasan siya nito na bumaba na. Agad naman siyang tumalima.
"Uwi na tayo. Malapit na 'yung Grab," anito nang tuluyang silang magkaharap. Tumango lang siya at umiwas ng tingin. Inilayo niya nang bahagya ang sarili nang magkumpulan sa tabi nito ang mga teammates nito. Ayaw niyang maki-chismis sa usapan ng mga ito.
"Gabbie," tawag ulit nito sa kanya, maya-maya "Come here." Agad niya itong nilapitan. "Give me your phone."
"Bakit?"
"Just give it to me," pamimilit nito.
Inis niyang dinukot ang kanyang cellphone mula sa bag niya at ibinigay iyon kay Phoenix. Umakbay ito sa kanya bago sumigaw ng "Photo Op! Photo Op!"
Agad na nagsilapitan ang mga kasamahan nito. Siniksik siya lalo kay Phoenix. Kinabig na siya nito nang payakap. Na-conscious siya tuloy kung ramdam ba nito ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. At bago pa man siya makapwesto nang maayos, inangat na ni Phoenix ang phone niya para sa kanilang groufie. Wala tuloy siyang choice kundi ngumiti.
Niyuko siya nito pagkatapos. Sinalubong naman niya ang mga mata nito. Kung siya ang masusunod, gusto niyang bigyan ng meaning ang pagtitig na 'yon sa kanya ni Phoenix. Kaya lang...
"O tayo namang dalawa," ani Jay bago siya hinila palayo kay Phoenix. Ito na rin ang humablot ng cellphone niya mula kay Phoenix. Hindi na rin siya tumutol nang akbayan siya nito habang nagpi-picture silang dalawa.
Siyempre, choosy pa ba siya? Ngayon lang kaya siya makakalapit nang husto sa artista.
Pagkatapos niyang magpa-picture kay Jay, sunod siyang nagpa-picture kay Rainier. Hanggang sa sumunod pa ang iba.
Marami pang iba.
*****
"Masaya ka na niyan?" ani Phoenix habang nasa lift sila patungo sa penthouse.
"Naman!" masigla niyang sagot, habang bina-browse sa gallery ng cellphone niya ang pictures niya kasama ang Smart Shooters. Naka-request pa siya ng shout out video greeting para sa tatay niya at kay Manny. Siguradong mapapasayaw ang tatay niya 'pag napanood nito 'yon.
"Para 'yan lang," bulong ng Masungit, pero narinig niya.
Agad na rumolyo ang mga mata niya. Ano ba talaga ang ganap? Kanina pa niya napapansin na aburido ang amo niya. May mga bago na naman yata itong ipinaglalaban.
Nang bumukas ang lift, ito ang naunang lumabas. Hindi na siya nagtangkang tulungan ito. Tutal, gusto nitong mag-solo.
"Mas sikat naman ako ro'n sa mga kina-picture mo," anito nang nasa sala na sila.
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ngayon?"
Humakbang ito palapit sa kanya. "Bakit sa akin, hindi ka nagpapa-picture?"
Ayaw niyang maging assumera, pero bakit tunog nagseselos talaga ang mga issue ng masungit ngayong araw. Pigilan man niya, lumundag pa rin nang slight ang puso niya sa naisip.
"Para do'n lang nagagalit ka?" aniya, binabalewala ang kabog ng puso niya.
"Hindi ako galit," tanggi nito, umiwas ng tingin at hinagod ang buhok. "Ba't naman ako magagalit? Hindi naman tayo magka-ano-ano."
Aray! Nga naman, bakit ito magagalit e hindi sila magka-ano-ano?
Kumibot ang labi niya. "K-kaya nga, b-ba't ka magagalit."
Tinalikuran na niya ito. Pakiramdam niya kasi 'pag hindi pa siya lumayo rito, aatakihin na siya sa puso.
Kotang-kota na sa pagsemplang ang puso niyang inosente at marupok ngayong araw. Meron bang crash course kung paano h'wag umasa at humopia? Mukhang kailangan na niyang mag-enroll!
Nang sumunod na mga sandali, ibinuhos niya ang atensyon sa pagluluto ng pananghalian. Si Phoenix naman, nanood ng TV sa sala. Maya-maya pa, nilapitan siya ni Phoenix.
"Anong ulam?" anito, sinilip pa ang nakasalang sa stove.
Humakbang siya palayo, tumikhim bago, "Afritada," aniya. Balik na sa regular ang diet nito.
"Looks, yummy." Ngumiti ito bago hinugot ang cellphone sa bulsa nito.
Hindi siya umimik, bagkus ay kumuha siya ng bottled water sa ref at ininom iyon. Nang tignan niya ulit si Phoenix, pini-picturan na nito ang putaheng niluluto niya.
Dineadma na lang din niya ang trip nito sa buhay. Malay ba niya kung may balak na itong mag-change ng career path at gusto na nitong maging shutterbug dahil pati pagpapa-picture issue na rin dito.
Tahimik niyang inihanda ang mesa matapos ang ilang sandali. Gaya ng nakaraang mga araw, maganang kinain ni Phoenix ang niluto niya. Ngunit mas pinili niyang tahimik na sumabay dito kahit na panay ang daldal nito. Ganoon din sa hapunan. Masaya itong nagkwento tungkol sa umpisa ng career nito habang nilalantakan ang niluto niyang pakbet.
Pagkatapos niyang ayusin ang mesa at kusina, mabilis siyang nag-shower at naghanda sa pagtulog. Kaya lang pati 'ata antok may sumpong. Kahit na sobrang pagod siya, hindi siya makatulog!
Patamad niyang pinulot ang kanyang cellphone at nag-research. Ang topic, How to unlove someone.
Segundo lang ang binilang, lumitaw sa screen niya ang mga articles na hinahanap niya. Pinili niya ang Four Easy Steps On Unloving Someone. Pagkatapos ng ilang minutong pagbabasa, umirap siya at nagkamot ng ulo. Nakunsumi siya sa nabasa niya. Pakiramdam niya inaltapresyon siya. Puro imposible kasi ang mga pinagsasabi ng mga sumulat ng article!
Una, limit seeing the person you love. E pa'no niya gagawin 'yon, amo niya ang masungit. Pangalawa, unfollow, unfriend or block them on social media. Sus, ni hindi nga sila friends sa Facebook at wala siyang balak! Gusto niya nang matiwasay na pamumuhay. Pangatlo, cut off any unnecessary communication with them. Jusko! pa'no niya magagawa 'yon e nakatira siya sa penthouse nito. At pang-apat, take a vacation. Bakasyon na ba 'yong kumain ng fishball, kwek-kwek at kikiam sa Luneta? Hanggang do'n lang kasi ang keri ng budget niya e.
Binitawan niya ang cellphone at bumuntong-hininga. Iniisip niya kung anong gagawin niya sa mga susunod na araw at linggo tungkol sa puso niyang inosente at marupok.
At bago pa man siya makaisip ng sagot, tumunog ang cellphone niya. May private message si Tori sa kanya. Screenshot 'yon ng picture na in-upload ng isang user sa Instagram na si NixesNiche. Babae ang nasa picture, nakatagilid habang umiinom ng tubig sa bottled water. Sa caption naroon ang merci may kasama iyong heart emoji na kumikinang. Taray!
Nag-message ulit si Tori. "Ate, Ikaw ba 'yan?"
Nanlaki ang mga mata niya . Tinignan niya ulit ang picture. Pamilyar lahat─ mula sa ref, sa counter tops, sa brand ng bottled water, maging ang damit na suot niya kanina!
Napasinghap siya.
Siyang-siya nga iyon! Hindi maipagkakaila!
Muling tumunog ang cellphone niya. Si Brandy naman ang nag-message. "Hoy babaita! Pinost ka ni Phoenix sa IG niya. Pa-isang sabunot nga!"
Hindi pa man siya nakakahuma sa sinabi ni Brandy, nagsunod-sunod na ang messages sa inbox niya. Hanggang sa in-off na lang niyon dahil naiingayan siya.
Tumitig siya sa kisame habang hawak ang kanyang dibdib.Lumundag na naman ang puso niya hindi lang sa langit. Nag-cart wheel, hopscotch at kandirit pa ito sa iba pang heavenly bodies.
Halos mapilas ang labi niya sa pagngiti. Kinikilig niyang niyakap ang isang unan. Hanggang sa inumaga na siya sa pagbibigay ng meaning sa shiny shimmering heart. ###
3343words/12:30pm/05152020
#AccidentallyInLoveHDG
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro