Chapter 10: Shoot!
Hindi mapakali si Gabbie habang hinihintay sa management office ang head security officer daw ng condo tower. Tinawagan niya si Mac at nagpa-advice kung ano ang dapat niyang gawin. Sinabihan siya nito na i-check muna ang CCTV footages bago siya umalis ng building. Kaya heto siya ngayon, tensyonadong naghihintay.
Maya-maya pa, umingit pabukas ang pinto ng opisina ni Mr. Contreras, ang manager sa condo tower. Pumasok doon ang guwapo at matangkad na lalaki na sa tantiya niya, halos kaedaran lang din ni Phoenix. Nakasuot ito ng t-shirt na black, pantalon na black at combat boots. Kulang na lang helmet, papasa na itong si Masked Rider Black.
Tumayo si Mr. Contreras sa upuan nito. "Paul, pakireplay naman 'yong CCTV footages. Para makita ni Ms─" bumaling sa kanya ang mataba at nakakalbo nang lalaki.
"Centeno. Ms. Centeno," maagap niyang sagot.
Tinapunan siya ng tingin ni Paul. Kunot ang noo nitong sinuyod siya ng tingin. Judgemental ang mga mata ni Paul. Hindi niya gusto.
"P-Personal aide po ako ni Phoenix este Sir Phoenix," depensa niya sa sarili kahit na wala namang nagtatanong.
Tumango lang si Paul bago humarap sa computer at tumipa roon. Ilang sandali pa, tumambad sa malaking monitor ang feed ng CCTV sa buong condo tower.
"Anong oras nawala si Phoenix?" tanong ni Paul.
"H-Hindi ko alam e," nakangiwing sagot niya.
"Akala ko ba personal aide ka niya? Bakit hindi mo alam?" si Paul ulit, lalong nangunot ang noo. Hindi siya agad nakaimik. Kalahi 'ata ni Phoenix si Paul, masungit. At bago pa man siya makaisip ng isasagot, muling hinarap ni Paul ang computer. "Tignan na lang natin 'yong feeds for the last three hours," deklara nito.
Mabilis nilang ni-review ang kuha ng CCTV. Doon nila nalaman na lumabas si Phoenix ng penthouse ng alas-singco y media ng hapon at nagpahatid sa isang security guard sa sakayan ng taxi.
"Tanungin natin si Kuya Piolo. Baka may sinabi si Phoenix sa kanya," si Paul ulit bago lumabas ng silid. Sinundan niya ito. Ang Piolo na tinutukoy nito ay ang matandang security guard na kakilala na niya dahil pala-bati ito sa mga tenants.
Pagdating sa guard post, si Paul mismo ang kumausap kay Kuya Piolo. "Sinabi ba ni Phoenix kung saan siya pupunta, Kuya?"
"Sa dati," anang sekyu.
Hinarap siya ni Paul. "Nasa Gymnasium ng SGU-Manila si Phoenix."
"SGU?"
"St. Gabriel University."
Isang mahinang 'ah' lang ang naisagot ni Gabbie. Ginawang sabaw ng nerbyos ang utak niya. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa St. Gabriel University? Ang paaralan ng mga sosyal of the sosyals at iba pang pinagpala.
"Hey!" Pumitik si Paul sa mismong tapat ng mukha niya. Napakurap siya. "Nakikinig ka ba?" Kumurap siya ulit. Humugong ang lalaki, umiling-iling. "Ang sabi ko, may sasakyan ka ba to go there?"
Marahas siyang umiling. "W-Wala."
"Okay. I'll take you there."
Wala sa sarili siyang sumunod sa lalaki.
*****
"You're that girl, aren't you?" tanong ni Paul sa kanya habang nasa daan sila patungong SGU.
"H-ha?"
Ngumiti si Paul, sarkastiko. "Ikaw 'yong nakabangga kay Phoenix 'di ba?" Hindi siya sumagot bagkus ay ibinaling niya ang tingin sa labas ng kotse. "Tell me, was it really an accident or staged?"
"Aksidente 'yon!" Hindi niya napigilang tumaas nang kaunti ang tinig niya.
Ngumiti lang si Paul. "Relax. Nagtatanong lang ako."
Umirap siya at itinutok ang mata sa daan.
"Blockmates kami ni Phoenix noong college sa SGU. I witnessed how his career took off. We're friends."
Napakurap siya. Kalahi pala ni Paul ang mga sosyal of the sosyals at pinagpala. Kung sabagay, accent pa lang nito, halata na.
"I was in Thailand when I heard of his accident. I pulled all data related to it to help with the invetigation just in case. I saw your file," dugtong pa nito. "Kaya nga nagulat ako nang makita kita kanina sa office ni Mr. Contreras. Tapos sinabi mo pa na personal aide ka niya. Did I sound rude back there?"
"Judger ka," bulong niya bago inis na humalukipkip at sumandal sa upuan.
Bahagya itong natawa. "Anong sabi mo?"
"W-wala."
Natahimik na sila pagkatapos. Ilang sandali pa, nakita na niya ang main gate ng SGU. Sandaling kinausap ni Paul ang security bago sila tuluyang pinapasok.
"This is where Phoenix started his career. Dito rin ang tambayan niya kapag gusto niyang mag-isip. You know what they say when you're feeling lost? You have to retrace your step back to get back on track. That's what he does everytime," ani Paul habang minamaniobra ang kotse papasok ng gate. "But I still wonder, kung bakit ka niya kinuhang personal aide. Well, Phoenix is very spontaneous these days. He abandoned his penthouse when his ex-girlfriend left. Hindi rin malayo na kunin niyang personal aide ang taong bumangga sa kanya."
Sumulyap siya rito. Hindi na niya inisip kung may pagka-sarkastiko ba o wala ang huling lingyang sinabi nito. Mas naka-focus ang isip niya sa naunang sinabi nito bago 'yon. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit nagmukhang binagyo ang penthouse noong datnan niya iyon. Nilayasan pala iyon ni Phoenix nang maghiwalay ito at si Penny.
"I've been staying at the Gold Hotel for two months now."
Sumayad din sa isip niya ang eksena noong isang gabi. Hindi man niya alam ang buong detalye, sure na sure siya na fixing-a-broken-heart pa rin si Phoenix kaya siguro lagi itong masungit.
"Pain makes your mind a little fuzzy. That's what I meant," dugtong ulit ni Paul bago ngumiti. Inihinto nito ang kotse sa tapat ng isang malaking building. "We're here," deklara nito, tumingin sa kanya. "By the way, I'm Paul. Paul Andrius Samaniego," dugtong pa nito, inilahad ang kamay sa kanya. Atubili niya iyong tinanggap.
"Gabbie─"
"Maria Gabriela Tereza Centeno," putol ni Paul sa pagpapakilala niya sa sarili.
"Paano─"
"I'm good with names and faces. It's a job thing." Ngumiti ito bago binitiwan ang kamay niya. "Go ahead and look for Phoenix inside. Hintayin ko na lang kayo dito."
Alanganin siyang tumango bago bumaba ng kotse. Bahagyang madilim ang gymnasium. Kakaunti lang kasi ang nakabukas na ilaw. Pag-akyat niya sa rampa patungo mismo sa court, nakita niya sa gitna ng court si Phoenix. Nakatayo ito gamit ang crutches, may hawak na bola sa isang kamay at nakatitig sa ring. Kahit na malayo ang puwesto niya, pansin na pansin niya ang pagpapawis nito. Patunay niyon ang pamamasa ng likuran ng suot nitong t-shirt. Pinilit niyang h'wag gumawa ng ingay habang pinagmamasdan ito. llang sandali pa, pinilit nitong i-dribble ang bola, sandaling tumigil at tinantiya ang ring, bago iyon pinakawalan.
Kasabay ng pagtalbog ng bola sa gilid ng ring ay ang pagalingaw-ngaw ng mura ni Phoenix sa walang laman na gymasium.
Nanatili itong nakatayo sa gitna ng court, marahas ang paghinga.
"P-Phoenix," alanganin niyang tawag dito.
Agad lumipad ang tingin nito sa direksyon kanya. "G-Gabbie? Anong ginagawa mo rito?
"Galing ako sa penthouse. Wala ka." Mabagal siyang humakbang palapit dito.
"How'd you know I'm here?"
"Si Paul, 'yong kaibigan mo raw. Hinatid din niya ako r-rito."
Sandali itong tumitig sa kanya bago umiwas ng tingin. "Bakit ka bumalik? 'Di ba sabi ko sa 'yo, tatawagan na lang kita at puwede namang hindi ka na bumalik?" Ngumisi ito, pinabukol ang dila sa pisngi. "Teka, kaya mo ba 'ko tinawagan kagabi dahil na-miss mo 'ko?"
Huminto siya sa mismong tapat nito. "Hindi 'no! Ano... ano lang.. nag-aalala 'ko sa 'yo."
Humugong ito, umiling-iling. "What sob story about me did my grandmother tell you?"
"Phoenix─"
"Maayos ako. Pwede ka nang umuwi sa inyo." Tumalikod ito, pahirapang pinulot ang bola.
"Hindi ako aalis na hangga't hindi ka kasama," puno ng determinasyon niyang saad.
Muli siya nitong hinarap. "Bakit ba ang kulit mo, Miss Virgin?"
Umirap siya at ibinagsak sa sahig ang dala niyang bag. "E bakit ka malungkot, Phoenix Masungit?"
Tumaltak ito. "Go away, Gabbie. Hindi pa 'ko uuwi."
"Puwes, hindi rin ako aalis."
"Leave."
"I'm staying." Humalukipkip siya, nakataas ang noo.
"Ang kulit mo!"
"Ang sungit mo!"
Umiling ito, nag-dribble ng bola. "I don't need your pity, Gabbie."
Nagbuga siya ng hininga. "Hindi ako naaawa sa 'yo."
"Then why are you here when we're not even friends?"
Bigla siyang natigilan. Dapat ba niyang sabihin na hindi siya nakatulog nang maayos kagabi dahil sa hindi niya malamang rason, panay ang kabog ng puso niya habang inaalala ito?
Hindi puwede!
"K-kasi ano... ano... p-pasyente kita!" Dumiretso siya ng tayo. "Oo pasyente kita!" Hindi ito umimik. Naglakad siya palapit dito, inagaw bigla ang bola sa kamay nito. "Ganito na lang. Kapag nai-shoot ko 'to kahit isang beses lang, uuwi na tayo."
Nagsalubong ang kilay nito. "That's unfair! Shooting the ball is easy. Even a kid could do it."
"Hindi ako sporty mula pagkabata. Mataray lang ako pero lampayatot ako."
"Halata naman," komento nito, nakangisi.
Umirap siya pero dinedma ang panlalait nito. "O ano, game?"
Sandali itong nag-isip. "Shoot the ball at least once from the 3-point line within 3 minutes, then we'll go home."
Hinayon niya ng tingin ang ring. Kumibot ang labi niya pagkatapos. Sa height niyang pinagkaitan, sa mga braso niyang sinukat subalit sadyang bitin at kulang, pakiramdam niya ka-level na ng heavenly bodies ang ring! Juskopo! Pero wala siyang choice kundi subukan para kay Phoenix.
Para kay Phoenix.
Bigla siyang naubo sa naisip. Bakit na naman para kay Phoenix? Hindi ba dapat para sa kanya─ sa kanyang naliligalig na peace of mind?
"Ano? G?" pukaw nito sa kanya.
"H-ha?"
Pumalatak ito. "You're lost again, Miss Virgin."
Nanikwas na naman ang nguso niya. "Game ako, 'no!" Drinible niya ang bola, in-stretch pa nang kaunti ang leeg. "Get ready to go home in three minutes!"
Umiling-iling lang ito bago gumilid nang bahagya sa court. Nagmamayabang siyang pumuwesto sa 3-point line at sinimulang ihagis ang bola sa ring. Siyempre sablay. Pasimple niyang tinignan si Phoenix. Wala itong imik, nakatingin lang sa kanya.
"W-warm up lang 'yon," pagdadahilan niya bago naglakad ulit sa 3-point line.
Tumingin sa sports-watch nito si Phoenix. "Your three minutes starts now."
Taranta niyang muling inihagis ang bola sa ring. Siyempre, sablay ulit. Ni hindi man lang sumayad sa ring. Hinabol niya ang bola. Pumuwesto siya ulit sa 3-point line at muling hinagis ang bola. Ang walanghiyang bola, may sarili atang lakad, kung saang direksyon na naman pumunta!
"Last two minutes," deklara ni Phoenix. Laro siyang nataranta. Pinulot niya ulit ang bola at bumalik sa puwesto niya. Muli niya sanang iiitsa ang bola nang pigilan siya ni Phoenix.
"Extend your arm, Gabbie," anito.
"Ha?" Nalilito niya itong tinignan.
"I said extend your arm upwards. Make sure it's in 11 o'clock position." Tumingala siya at ginawa ang sinabi nito. "Make your wrist work, bend it backwards then forwards." Muli, sinubukan niya ang sinabi nito. "Mind your stance. Bend your knees. Make your toes work as you jump slightly yet quickly when you release the ball."
Tumingin siya rito, diskumpiyado.
"Go ahead, try it."
Inayos niya ang tayo, inalala ang mga sinabi nito at ginawa iyon. Tumingin siya sa ring, huminga nang malalim bago tuluyang pinakawalan ang bola.
Sumablay ulit iyon pero malapit na sa ring. Mukhang effective ang coaching ng masungit. Nagmamadali niyang pinulot ang bola at bumalik sa 3-point line. Sinubukan niya ulit ihagis ang bola. Tumalbog iyon sa gilid ng ring.
"You have 30 seconds left," deklara nito, seryoso.
"Ha? Ang bilis naman!" reklamo niya, tensyonado na.
Nang muli siyang tumayo sa 3-point line, makailang beses muna siyang huminga nang malalim bago niya tinignan ang ring. Huling pagkakataon na niya iyong i-shoot ang bola. Kapag hindi niya nagawa 'yon baka mag-camping sila doon ni Pheonix ng isang linggo! Juskolerd!
"Twenty seconds," ani Phoenix.
Pumikit siya. Nagdasal nang mabilis bago muling nagmulat. Kalmado niyang sinunod ang insructions ni Phoenix kanina at nang handa na siya, maingat niyang pinakawalan ang bola.
Lumakas sa kanyang tainga ang pintig ng kanyang puso. Pakiramdam niya nag-slow mo ang buong mundo. Hindi siya kumurap at pinakatitigan ang bolang nagpapaikot-ikot sa mismong bunganga ng basket hanggang sa...
"Na-shoot! Na-shoot! Nakita mo? Na-shoot!" Nagtitili siya at natatarantang nilapitan si Phoenix. Wala sa sarili niyang hinila ang laylayan ng t-shirt nito at bahagya itong niyugyog. Hindi pa siya nakuntento, naglulundag pa siya bago nag-victory dance.
"Masaya ka na niyan?" supladong komento ni Phoenix maya-maya, naglalaro sa ngiti at ngisi ang labi.
"Naman! Naka-shoot ako e. Kaya uuwi na tayo!" aniya, ngiting-ngiti. Pinulot niya ang bag niya sa sahig at tiningala ito. Sandali silang nagkatitigan ni Phoenix. "O? H'wag mong sabihing aangal ka pa. Na-shoot ko na 'yong bola."
"You just won't give up will you?"
"Naman! Walang give-up give-up sa bokabularyo ko. Kaya tara na, uuwi na tayo."
Umiling ito, nangingiti. "Ang ingay mo," anito bago humakbang patungo sa exit ng gym.
Napangiti siya bago sumunod dito. Magkapanabay silang lumabas ng gym hanggang sa marating nila ang parking lot.
"The Phoenix has risen from the ashes!" nakangising bungad ni Paul sa kanila.
"Shut up, you psycho!" supladong sagot ni Phoenix bago binuksan ang backdoor ng kotse ni Paul.
"Yeah, welcome home to me too, buddy," ani Paul bago binuksan ang pinto ng passenger seat para sa kanya. "Hop in," alok nito sabay kindat. Nahihiya siyang pumasok ng kotse.
"What the hell, Paul? Are you hitting on my maid?" reklamo ni Phoenix na nakapwesto na sa backseat ng kotse.
Natawa si Paul habang sinusuot ang seat belt nito. "Are you threatened?"
"Why should I?" mataas ang boses na depensa.
"Exactly, why should you? Besides, I'm just being a gentleman. Right, Gabbie?" Tumingin ito sa kanya.
Alanganin siyang ngumiti. Sinamaan naman siya ng tingin ni Phoenix bago muling bumaling kay Paul.
"So, you're on first name basis now, huh? Gabbie is off limits, you psycho!" sita ulit nito kay Paul.
"Why?"
Aburido itong nagbuga ng hininga. "What do you mean why? Just shut the effin up and drive!"
Humahalakhak na pinaandar ni Paul ang sasakyan palayo ng gym.
*****
"Ayos ka lang? Walang masakit?" tanong niya kay Phoenix. Kasalukyan itong nakaupo sa hanging chair sa patio at nagpapahinga.
Umiling ito ay itinutok ang mata sa langit.
Kanina, pagdating nila sa penthouse, agad siyang nagluto ng dinner. Dapat doon din maghahapunan si Paul, kaya lang umabot hanggang langit ang pagtutol ng masungit. Hindi na niya ito sinaway, hindi rin niya ipinilit ang vegan diet rito, baka kasi ma-bad-trip na naman ito at muling mag-emo. Magana itong kumain ng niluto niyang abodo. Pagkatapos nitong kumain, nag-shower ito sa guest room, nagpalit ng damit at tumambay sa patio.
"Mauna na 'kong matulog," paalam niya rito. Kaya lang bago siya makalayo nagsalita ito.
"Sorry," anito sa mababang tinig.
Muli niya itong hinarap. "Para saan?"
Bumaling ito sa kanya. "I'm sorry that you had to hear that between me and my grandmother."
Tipid siyang ngumiti. "Normal lang 'yon."
Bahagya itong natawa, sarkastiko. "Abandoning your child is normal to you?"
"Phoenix─"
"I was seven. They were fighting, then Dad left home. Mom was drunk for two straight days then she left me all alone at home for three days. I lived off from bananas and cookies. I slept under my bed. I was so scared. Lola came on the fourth day and took me to her house. After that I had fever for a week. I was looking for mom and my dad but..." Yumuko ito. "Mom came to me few months after and she said that I'd have to live with Lola for a while." Tumingin ito sa kanya. "I never saw her since. Not even my Dad. Lola told me that my parents had me when they were young and they got married in haste hence, their poor life decisions. I didn't get it before, but as I grew up I realized that should I have not been born, I would've saved my parents and myself from having miserable lives." Pilit itong ngumiti. "Alam mo tama ka, dapat ipinunas na lang ako ng tatay ko sa kumot."
Nataranta siya, nagmamadaling umupo sa tabi nito. "Phoenix, sorry. Hindi ko sadya 'yon. Ano lang 'yon... ano─"
"You don't have to sugar-coat anything, Gabbie. I've lived and died a thousand times growing up. Believe me, I can take that insult. I've heard much worse." Ibinalik nito ang tingin sa langit. "You know why Penny left?" Umiling siya. "I can't marry her. That's why she chose to move on with her career and left me."
Parang may kung anong sumakal sa lalamunan niya. "P-Pero mahal mo pa rin siya?"
Sumulyap ito sa kanya. "I don't think I have a heart that can love, Gabbie. Attraction, is the correct term, I guess. It was her idea to move in with me. I agreed. She knew I don't believe in marriage. She knew what she'd be getting from the start and I thought she was in it for the long haul, but eventually... she left." Marahan itong nagbuga ng hininga. "Maybe, I'm not a good enough reason for them to stay that's why they left."
Parang may dumakot sa puso niya sa sinabi nito. "Kaya ka ba malungkot?" lakas loob niyang tanong maya-maya.
"I just don't like the idea of being left alone for too long. It brings back memories. Kaya umalis ako dito sa penthouse two months ago. I can't stop remembering Penny─ what we had and what could've been."
"Pero tinatawagan ka niya, 'di ba? Bakit hindi mo siya kinausap?"
Bahagya itong natawa. "I don't easily forgive, Gabbie. Besides, I don't chase people."
Sandali siyang nag-isip. Hindi niya alam kung anong uunahin na emosyon para sa malungkot na si Phoenix Masungit. Naawa siya rito na naiinis na hindi rin gaano pero parang gan'on na nga.
"Mahirap mabuhay nang hindi nagpapatawad, Phoenix," aniya, maya-maya.
"Easy for you to say. You're life is perfect."
"Wala namang perpektong buhay e. Kasi kung perpekto na ang buhay, makakalimutan na nating makiusap sa Diyos. Sa tingin mo ba, kung perpekto ang buhay ko, nandito ako ngayon? Kung may pera lang ako, matagal ko nang ibinayad sa 'yo. Kaya lang, waley. Kaya ito ako ngayon, nagya-yayey sa 'yo at nagse-sekyu. Matagal ko nang alam na ang hamon sa akin ng buhay ay kung paano ako magiging mayaman para maiahon ko sa hirap ang pamilya ko. Ikaw, hindi mo ba naisip na baka hinahamon ka ng buhay kung paano magmahal at magpatawad?"
Umiling ito. "You grew up with your family, Gabbie. You were surrounded with love all your life. I did not. You have a good father who was willing to go to jail in your place. While me, I hadn't even seen my parents for decades!"
"Pero nand'yan naman si Lola Candi. Mahal na mahal ka rin naman ni Lola Candi, a."
Natigilan ito, muling umiwas ng tingin.
"Alam ko but─"
"Hindi maganda 'yong ginawa mo sa kanya. Nasasaktan siya para sa 'yo."
Hindi ito agad umimik kapag kuwan ay nagbuga ng hininga. "I'll send her flowers by the end of the month. It's her birthday."
"End of the month pa? Matagal pa 'yon. Tawagan mo."
Alanganin itong tumingin sa kanya, para siyang tinatantya. "Kukulitin mo ba 'ko hanggang hindi ko ginagawa?"
Sandali siyang nag-isip bago, "Oo! Nang bonggang-bongga!"
Tuluyan na itong natawa. "Fine. I'll do it tomorrow."
Ngumiti siya. Mukhang madali nang kausap ang masungit, nabawasan na 'ata ang sumpong.
"Tulog na tayo," anito, maya-maya.
Tumango siya at tumayo. Bahagya niya itong inalalayan sa pagtayo. Nauna ito sa kanya sa pagpasok sa penthouse. At habang pinagmamasdan niya ang papalayong bulto nito, may kung anong nangyayari sa puso niya at dinidiktahan niyon ang kanyang lohika. Hindi niya alam, matapos ang nalaman niya tungkol sa pamilya nito, sa buhay nito, sa mga pinagdaanan nito, sa rason kung bakit ito malungkot, parang kailangan niyang bigyan ito ng mahigpit na yakap.
Nagsalita ito maya-maya. "Gabbie, b-bakit mo 'ko niyayakap?"
Sandaling nanirik ang lohika niya. Pinakiramdam ang sarili. Juskopong tunay! Nakayakap siya talaga mula sa likuran ni Phoenix!
Anong nangyari?
Agad niya itong binitawan. Mabilis naman itong humarap sa kanya. Nataranta siyang nag-isip ng dahilan.
"E-ewan ko. Dahil s-siguro ano... d-dahil nagkwento ka sa 'kin. Dahil... dahil pang-MMK ang kwento mo, tagos sa heart at buto-buto. Oo 'yon!" Ngumiwi siya. "Basta deadmahin mo na lang. At saka, fake girlfriend mo pa rin ako hanggang bukas, 'di ba? In-character lang ako para... para sulit ang bayad mo. 'Y-Yon lang 'yon."
Hindi ito umimik, nakatingin lang sa kanya.
"M-matutulog na 'ko," alanganin niyang paalam.
Subalit bago pa man siya makalayo, nahagip na nito ang isa niyang braso at muli siyang pinihit paharap dito. Sandali siya nitong pinakatitigan bago dinampian ng halik ang kanyang noo.
Pigil-hininga siyang tumitig dito pagkatapos. Ngumiti ito bago, "Goodnight, Gabbie," anito.
Nalilito siyang tumango bago nagmamadaling pumasok sa kanyang kwarto. Napasandal siya sa dahon ng pinto habang hawak ang kanyang dibdib.
Ang lakas ng tibok ng puso niya, tila gustong kumawala sa dibdib niya. Parang malakas ang tama, gustong magwala. Wala sa sarili niyang hinaplos ang kanyang noo. Suminghap siya nang muling umalon ang kakaibang damdamin mula sa kanyang dibdib.
Anyare? Ito na ba 'yon? Nadale na ba siya talaga ng Phoenix Charm?
Natigilan siya.
Mukhang totoo na. Na-shoot na nga 'ata sa banga ng pagsintang tunay para kay Phoenix ang puso niya!
Juskolerd, delikado na!
Delikadong-delikado na.###
3525words/4:37pm/05082020
#AccidentallyInLoveHDG
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro