Chapter 8
March 11, 2017, Manila
One day before I leave Manila. One day before I go to Japan. One day para itapon lahat ng confusion sa daan. Who would have thought na magiging ganito ako ka-confused bago ako umalis? Gusto ko lang namang mag-travel at mag-enjoy mag-isa pero langya. Mukhang magiging soul searching talaga ang labas nito.
Kasalanan talaga 'to ni Sir Mark.
For the past few days, hindi kasi masyadong nag-uusap dalawa. I was too busy endorsing my pending works and projects to Jenny at si Sir Mark naman, pinadala sa Cebu for a seminar. Not that I was complaining though. Okay rin pala yung may time off kaming dalawa. Yung hindi kami nagkikita at nag-uusap. Feeling ko kasi, mas naliliwanagan din kung ano ba talaga kami ngayon.
Jenny:
Ano? Kinausap ka na ba?
Jenny asked through text. Napahinto ako sa pag-iimpake ko dahil doon. Hindi naman kasi ako nag-e-expect na magpaparamdam siya palagi. Alam ko namang busy rin siya roon sa Cebu. And siya nga ang may sabi na mag-sort out kami ng feelings, 'di ba? Pero ewan ko ba. Parang may tiny hint of sadness na wala man lang nga siya kahit na isang text like ingat or whatsoever. Ni hindi nga nangungumusta at all. Parang wala lang bigla yung feelings at concern niya. Labo.
Thea:
Waley. Stop wishing for the impossible.
Jenny:
Ayan kasi! Sabi ko sa 'yo, jowain mo na, e.
Ano ka nga ngayon?
Nganga.
Thea:
Nah. There are plenty of fish in the sea.
Malay mo sa Japan ko na makita yung the one?
Natatawang reply ko kay Jenny. Hindi ko na alam kung epekto ba 'to ng puyat o excitement ko pero sure akong sabog na ako. After a few seconds, sumagot naman agad is Jenny.
Jenny:
Leche ka!
Saan mo napulot 'yang confidence mo ha?
Thea:
Someone must have been a bad influence to me.
Jenny:
OMG ka! Si Sir Mark ba 'yan???
Thea:
Gaga, hindi!
Si Kuya kasi pakapal nang pakapal ang mukha.
Jenny:
Ay. Akala ko pa naman...
And just like that, natapos ang araw na walang paramdam mula sa kanya. Natapos na ang pag-iimpake ko at lahat, waley talaga. Should I take this as a sign na ba? If yes, I guess, good riddance na rin? Hay, ewan.
***
March 12, 2017, Manila
Madalang akong gumamit ng Facebook. Instagram and Twitter, yes, palagi kong ginagamit. Pero Facebook? Hindi. Nagsasawa na kasi ako sa mga post na mga walang kwenta o kaya mga post na puro paninira o pagrereklamo. Mga akala mo puro perpect yung nagpo-post e sila rin naman mismo yung mga masasama ang ugali. Anyways, ayaw ko nga talaga sa Facebook. Pero bakit ba kung kailan naisipan ko bigla na magbukas ng Facebook, saka naman ito maglalabas ng bad news para sa akin?
I was scrolling through my feed habang naghihintay sa flight ko nung nakita ko bigla yung picture ni niya. Nung una, akala ko kamukha lang niya pero nung dinouble check ko yung pangalan. Upon closer inspection, siya nga talaga. There he was, smiling so brightly while his arm was wrapped around someone whom I didn't know.
Yes, it was none other than Sir Mark. Si Sir Mark na gustong-gusto raw ako. Si Sir Mark na hihintayin daw akong ma-sort out yung feelings ko. Si Sir Mark na kinulit ako nang kinulit tapos ngayon, biglang may kasama biglang iba.
Teka nga. Akala ko ba, seminar? I wanted to ask pero pinigilan ko ang sarili ko. Ano ba ako, ha? Sinuyo lang naman ako ng isang buwan, 'di ba? Hindi naman ako girlfriend so technically, wala akong karapatan. Kumbaga, situationship pa lang kami. Or wait. Pasok na nga ba kami ro'n kung ako naman ay 'di pa rin sure sa feelings? I guess not. Hay ewan. Basta may something!
Dahil sa tanga nga ako, lakas loob ko pang pinindot yung like sa picture niya. Muntik ko nga sanang i-heart react kaso baka ang OA na. A few minutes later, there he was, sending me a freakin' wave on Facebook.
Ah. Ganoon pala dapat para maalala niya na nandiyan ka pa. I smiled bitterly to myself. Hindi naman sa nag-e-expect ako na nasa akin pa rin palagi ang attention niya kasi ako rin naman may kasalanan kung bakit bigla kaming nagkalabuan pero ewan ko ba. I was kind of expecting more from him? Like if he could easily find another girl naman pala, bakit ako pa ang inabala niya?
Dahil sa kung ano-anong naiisip ko, hindi ko na binasa yung messages ni Sir Mark. Ang ending, in-uninstall ko pa tuloy yung Facebook pati Messenger ko. If he wanted to play this game, fine with me. Bahala siya sa buhay niya.
"Passengers of XX-123 bound for Tokyo, Narita, the departure gate has been changed to Gate 14. Kindly wait for the next boarding announcement in a few minutes. Thank you for your patience," I then heard the announcement say. Just when I was about to pick up my bags and go to the new boarding gate, bigla namang tumawag sa akin si Jenny.
"Hoy, babaita! Ano na namang ginawa mong kalokohan, ha?" agad na sigaw ni Jenny sa other line. Kinailangan ko pang ilayo yung phone ko sa tainga ko sa sobrang lakas ng boses niya. The heck. Ano ba'ng problema nito?
"Calm down, will you? Mamaya na tayo mag-usap. Malapit na yung boarding ko," kalmado kong sagot sa kanya. Ang kaso, wala rin naman palang use lahat ng sinabi ko sa kanya. Itinuloy pa rin niya ang paglilitanya.
"Tinawagan ako ni Sir Mark! Bakit daw hindi ka sumasagot sa messages niya sa FB. Tinatawagan ka rin daw niya sa cellphone pero cannot be reached. Just what on earth have you done, huh?" Napapikit ako as I tried to digest everything that has happened.
Dapat ko bang sabihin kay Jenny yung nangyari? Na nakita kong nakaakbay sa ibang babae si Sir Mark kaya nag-uninstall ako ng FB tapos blinock ko na siya sa phone ko? Pero what would that make me? Isang selosang babae na wala namang definite role sa buhay niya? Ako pa nga ang nagtulak sa kanya palayo, e. So technically, wala ako sa posisyon para umasta nang ganito. Pero ewan ko ba. Para akong sinapian na ewan.
"Wala lang. I just decided to start anew," lutang kong sagot sa kanya. I knew she wouldn't buy that crap, so I was kind of expecting more sermon from her. Through enough, may follow up questions pa nga siya.
"So ano? Ganoon na lang 'yon? Ni hindi mo man lang sasabihin sa kanya?" tanong niya sa akin. If na-gets niya nga ang gusto kong iparating, e di thank you. If not, ayaw ko nang mag-elaborate.
"What's there to say? Magkalayo rin naman kami ngayon. Hindi lang din kami magkakaintindihan dalawa," I said, trying to make myself believe that this was the best decision.
"Sira ka talaga! E pa'no kung umubra sa inyo yung distance makes the heart grow fonder?" Jenny asked and I had to stop myself from laughing. Jusko. Joker naman pala 'tong kaibigan. Grow fonder? E parang naging distance makes him go find another nga bigla!
"Ewan ko. Bahala na. Sige na. I'll talk to you once I get back." Bago pa makahirit ulit si Jenny, I already ended the call. Ayaw ko na munang makarinig ng kahit na anong magpapagulo sa utak ko. I just wanted to travel peacefully. Hindi ba talaga pwede 'yon?
Katatayo ko pa lang mula sa kinauupuan ko nung bigla namang may bumangga sa akin. Dahil doon, tumilapon yung cellphone, passport, at boarding pass ko. Pupulutin ko na sana ang mga 'yon pero naunahan na ako nung bumangga sa akin. Before I knew it, iniaabot na niya sa akin yung mga gamit ko.
"I'm sorry. Here are your belongings," sabi niya sa akin. Kinuha ko naman ang mga 'yon mula sa kanya. Nung tiningnan ko kung sino yung bumangga sa akin, it seemed like isa siya sa mga flight attendant sa flight ko dahil papunta rin siya sa same direction na pupuntahan ko. I could be wrong though dahil may iba pa rin namang mga gate sa side ng airport na 'yon.
"Thank you. I'm sorry I didn't look where I was going," sagot ko sa kanya. For some unknown reasons, nakatingin lang siya sa akin for a while hanggang sa tinawag na siya ng kasamahan niya. Doon lang siya natauhan at nag-sorry ulit siya sa akin bago siya umalis. Weird.
Umiling na lang ako and I tried to clear my mind from any useless thoughts. First solo travel ko 'to. I should be excited and happy. Kaya ko namang gawin 'yon, 'di ba?
Hay, bahala na.
Japan, I'll really see you soon!
***
March 12, 2017, somewhere along the skies
Kapag ba nakatitig lang sa 'yo yung flight attendant habang nagte-take off yung eroplano, may problema na sa 'yo? Iniisip ko ang bagay na 'yon the whole time na nagte-take off kami. Paano ba naman kasi, yung FA na nakabanggaan ko kanina, grabe kung tumingin sa akin. Kapag nililingon ko naman siya, bigla siyang nag-iiwas ng tingin. Hindi naman ako mukhang bandido, so why?
"Excuse me? Is there a problem?" hindi ko napigilang itanong sa FA nung umupo na ulit siya sa harap ko. He then looked at me at mukhang nagulat siya sa naging tanong ko. What was he expecting? Titiisin ko yung 4 hours na flight na sobrang awkward ng situation nang dahil sa kanya?
"Uhh..." Lalong hindi makatingin yung FA dahil sa naging tanong ko. I tried asking naman as discreetly as I could pero siyempre, nakakuha pa rin kami ng atensyon sa mga malapit sa amin.
"Jeremy, let's go." Sasagot pa lang sana siya nung tinawag siya ng isa pang FA. Hay nako. Hindi ko tuloy siya na-confront!
Don't get me wrong. Hindi naman ako mahilig makipag-away or whatsoever. Pero ewan ko ba. The way he looked at me was kind of uncomfortable already. Kung hindi ko sana pinoproblema si Sir Mark ngayon, malamang kinilig pa ako kasi may cute na guy na tingin nang tingin sa akin. Pero ngayon? Waley. Hindi ko magawang kiligin. Para bang naka-off yung kilig switch ko bigla.
Nanood na lang ako ng K-drama during the flight para makalimutan ko man lang kahit papaano yung stress na naranasan ko kanina. I was about to go back to my seat to be able to watch my third episode for the day nung biglang may tumawag sa akin.
"Ate Thea?" Paglingon ko, it was Dan, my schoolmate way back in college. I didn't know na FA rin pala siya sa flight na 'to. If I had known, e di kanina ko pa sana nareklamo yung kasamahan niya.
"Uy, Dan! Kumusta?" sagot ko sa kanya sabay ngiti.
"Okay naman, Ate. Ikaw ang kumusta? May kasama ka ba papuntang Japan?" dere-deretso niyang tanong. Napansin kong nakatingin na rin sa amin yung FA na nabunggo ko kanina pero hindi ko na lang pinansin.
"I'm travelling alone."
"O? May layover din kami sa Tokyo for 2 days. Mag-dinner naman tayo kung okay lang?" nag-aalangan niyang tanong. Ang tagal na rin kasi naming hindi nakakapag-usap kaya siguro hindi rin siya makapagtanong nang deretso sa akin.
"Hmm, okay," sagot ko sa kanya tapos nginitian ko na lang siya. Nagpaalam na rin muna siya sa akin dahil malapit na kaming mag-land.
By the time na nagla-land na yung eroplano, nakatingin pa rin sa akin yung FA na nakabungguan ko. Ano ba talagang problema nito? Hay ewan. Bahala na nga siya sa buhay niya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro