Chapter 18
Despite the cold wind literally slapping our faces, ipinagpatuloy pa rin namin ni Jeremy ang pag-iikot sa Disneyland. Just like sa Disney Sea, kung saan may maikling pila, doon kami pumupunta. We wanted to make the most out of our visit lalo pa't late na rin kami nagpunta.
"Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Jeremy sa akin. Katatapos lang naming manood ng show ni Stitch at nakatulala lang ako the whole time.
"Huy! Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin when I didn't answer him the first time. Iniharap pa niya yung mukha ko sa kanya para ma-check ako kung okay lang nga ba talaga ako.
"H-ha? Yeah. I'm okay, I guess?" alanganing sagot ko sabay pilit ng ngiti. I then saw Jeremy shake his head.
"Sino'ng niloko mo? Dalawang araw pa lang tayong magkasama pero alam ko nang may mali. Halatang hindi ka okay. Tell me, ano'ng problema?" Jeremy held my hand then he was drawing circles on my palms. Somehow, it's calming me down pero nalulungkot pa rin talaga ako.
"Ewan ko... Maybe it's a me problem?" I told him, but he just raised his eyebrow, halatang 'di pa rin kumbinsido sa sinabi ko.
"Fine... Medyo nalulungkot lang ako. I know I should be happy kasi I'm getting the chance to experience all of these pero ewan ko ba. At the back of my mind, there's this thought na nalulungkot ako kasi 'di ko ma-appreciate nang todo yung mga nangyayari today. Like, sure, some of the rides are similar sa Hong Kong pero kasi..."
"Wala kang maintindihan?" pagtutuloy ni Jeremy kaya napatingin ako sa kanya.
"How did you..."
"Thea, naiintindihan ko yung sitwasyon mo. Ganyan din ako nung una kong punta dito. Ang taas ng expectations ko kasi nga Disney tapos biglang wala ka naman palang mage-gets kasi walang translations," natatawang sabi ni Jeremy. Napasimangot naman ako dahil doon. Para kasing masaya pa siya na gano'n din ang nararamdaman ko ngayon.
"Why do you look happy, then, kung 'di mo naman pala naiintindihan?" I couldn't help but ask.
"Kasi po, hindi naman na yung lengguwahe ang importante sa akin ngayon. Mas importante na sa akin kung sino ang kasama ko. Kapag gusto mo yung taong kasama mo, okay lang kahit hindi mo naiintindihan ang nangyayari sa paligid. Basta makasama mo lang siya, okay na 'yon," nakangiti niyang sagot sa akin sabay kurot sa pisngi ko.
"And that's what made me happy the entire time that we're here. Hanggang ngayon, 'di ko pa rin naiintindihan yung kinakanta at sinasabi nila, but who cares?"
"Care Bears?" singit ko kaya napailing siya. One of these days, kailangan ko na talagang matutunan ang pagpipigil sa bunganga ko. Nakakasira ng image yung mga hinihirit ko.
"No, silly," aniya sabay kurot sa ilong ko. Then he continued, "Ang importante para sa akin, ikaw ang kasama ko ngayon. I'm making new memories with you, and that's what matters," nakangiti niyang sabi then he pulled me towards the next ride na pupuntahan namin. Ewan ko ba. Pero at that moment, na-gets ko na yung sinasabi niya. I'm actually glad that I'm making memories with him, too. Sana lang mas maraming memories pa nga ang magawa namin nang magkasama. Kasi pagkatapos ng araw na 'to, hindi ko na alam kung magkikita pa nga ba kami. Hay...
***
Jeremy did his best para makasakay pa kami ng maraming rides. He would often check his mobile app, looking for rides na halos walang pila. Tina-try din niya kung makakakuha pa kami ng passes para mas mapabilis yung pila namin. Muntik pa nga siyang magbayad for express passes, buti nahuli ko lang.
"Hoy! Gagastos ka na naman! Sabi naman sa 'yo hindi mo kailangang magbayad for the passes. I'm okay with falling in line. If hindi natin masasakyan yung ibang rides, okay lang din sa akin. No need to pay for anything para lang makasakay tayo. Masyado kang waldas pera," napapailing kong sita sa kanya. Napakamot naman siya sa batok niya, halatang nahihiya dahil nahuli ko siya.
Paano naman kasi, nagpaalam lang akong magpupunta sa CR tapos pagbalik ko, tutok na tutok sa phone. Akala ko may ka-chat na kung sino, pagsilip ko, ayun. Magbabayad na sana para sa passes. Baliw talaga kahit kailan.
"Sayang naman kasi yung experience..." pagrarason niya na siyang inilingan ko.
"Mas sayang yung pera. Apo ka ba ni Henry Sy para gumastos ka nang gumastos nang ganyan, ha?" tanong ko sa kanya. Kumislap naman yung mga mata, halatang may naiisip na naman na kalokohan.
"Pa'no mo nalaman?" tanong niya sa akin, and I swear! It took all of my will power para lang pigilan ang intrusive thoughts ko. Gustong-gusto ko na talaga siyang batukan dahil sa kalokohan niya.
"Ewan ko sa 'yo! Tara na nga!" singhal ko sa kanya then I started walking away from him.
Sa totoo lang, hindi ko na talaga alam kung saan ako pupunta. Sobrang daming tao tapos hindi ko na rin alam kung anong ride ang gusto kong sakyan. I didn't want to try the scary rides din naman kasi. Ewan ko ba. Feeling ko kasi iiyak lang ako sa takot kapag sumakay ako ro'n. Nauto na ako dati ng kaibigan ko when we went to Hong Kong Disneyland. Sabi niya okay raw do'n sa RC Racer. Nakakaloka! Kulang na lang tawagin ko lahat ng santo para lang iligtas ako sa pagpapahirap na nangyayari sa akin sa ride na 'yon. Never again talaga!
Chill lang akong naglalakad-lakad dahil alam kong nakasunod lang naman sa akin ni Jeremy. Pero nung bigla niya akong hatakin papunta sa Splash Mountain, muntik ko nang sabihin lahat ng mura na alam ko.
"Leche ka! Ayoko diyan! Tigilan mo 'ko!" sigaw ko. We were getting the attention of some people na rin. Yung iba, natatawa. Yung iba, naguguluhan. I tried my very best para makawala sa pagkakahawak ni Jeremy sa akin. And when I successfully did so, agad akong tumakbo palayo sa kanya tapos nagtago na ako sa loob ng isang store.
Jusko naman kasi yung trip niya! Ginaw na ginaw na nga ako tapos doon niya pa gustong pumunta kung saan kami mababasa. Kung gusto niyang manigas, siya na lang!
Nang kumalma na ako dahil sa ginawa kong pagtakbo, dahan-dahan na akong naglakad sa loob ng store. I tried looking for trinkets na pwede kong bilhin. Sa sobrang engrossed ko sa pagtitingin-tingin, nakalimutan ko na na may kasama nga pala ako. Napatigil lang ako sa pagtitingin nang mag-ring yung phone ko.
"Hello, Dan? Bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya the moment I answered the call.
"Ate! Nasa'n ka na raw? 'Di ka raw makita ni Jeremy. Nagpa-panic na yung isa," sagot ni Dan, halatang nagpipigil ng tawa. Nanlaki naman yung mga mata ko dahil sa sinabi niya. Oo nga pala! Hindi pa rin kami friends sa Facebook ni Jeremy. Wala rin siyang number ko kaya 'di niya ako matatawagan!
I mentally slapped my face dahil sa nangyari. Knowing Jeremy, baka magpatawag pa ng security 'yon para lang hanapin ako. Eskandaloso rin kasi ang buset na 'yon.
"Ah... Eh... Nagtago kasi ako sa kanya. Gusto kasi akong hatakin papunta sa Splash Mountain. Ginaw na ginaw na kaya ako!" sumbong ko kay Dan, and then I heard him laugh, halatang hindi na napigilan ang tawang kanina pa gustong palabasin sa katawan niya.
"Sira ulo talaga 'yon," natatawang aniya. "So, saan ka nga, Ate? I'll let him know," dugtong niya pagkatapos.
"'Wag na. Just give me the link to his account. Ako na kakausap sa buset na 'yon," sagot ko naman kay Dan.
"Sige, Ate. Send ko after the call. Pagpasensyahan mo na 'yan, ha? Ganyan talaga 'yan sa mga taong komportable siyang kasama. Mabait naman 'yan, minsan may sapak lang talaga."
"I know... Napansin ko na rin naman during the time na magkasama kami. Ito lang talaga ang 'di ko kinaya kaya nagtago na ako," I told Dan, a smile forming on my lips. Binalikan ko rin kasi yung lahat ng nagawa namin ni Jeremy nitong mga nakaraan. We did so much together at talaga namang alagang-alaga ako sa kanya. He never got tired of taking care of me kahit na dapat pareho lang kaming nag-e-enjoy na magkasama.
Magsasalita pa sana ako para magkuwento kay Dan nang biglang may brasong bumalot sa baywang ko. I stilled at the sudden contact pero agad din naman akong nag-relax nang makilala ko yung amoy ng pabango.
"Found you," bulong niya and at that moment, I finally realized that I was doomed.
***
Dan
Ate, are you sure you're okay?
Di ka na sumagot kanina, bigla na lang nag-end yung call.
Thea
Yes. Sorry.Bigla kasing dumating si Jeremy. Nagulat ako. 😭😭DanOkay. Just give me call pag may ginawang kalokohan yanAkong bahala
Thea
Hahahahaha
Thanks, Dan!
Tinago ko na yung phone ko pagkatapos naming mag-chat ni Dan. Sa totoo lang, gustong-gusto ko nang magkuwento sa kanya sa kung ano bang nangyayari at nararamdaman ko. Ang kaso, natatakot naman ako na makarating agad kay Jeremy kung ano man ang ikukuwento ko. Ayaw ko naman n'on, especially hindi pa naman ako gano'n kasigurado sa mga bagay-bagay. And so I decided to keep mum about it na lang muna.
"May gusto ka pa bang puntahan?" tanong sa akin ni Jeremy as he sat down beside me. When I looked at him, nakatingin lang siya sa akin.
At first, akala ko magtatanong siya kung sino ang kausap ko sa phone, but I was surprised when he didn't do it. Noon kasi with Sir Mark, nagtatanong lagi siya kapag nakikita niya akong may ka-chat. It was really suffocating and frustrating lalo pa't wala naman kaming relasyon at that time. Para bang he's being too possessive and territorial kahit na wala naman siyang karapatan. So to see this perspective from Jeremy, sobrang refreshing pala.
"We're just waiting for the fireworks, 'di ba? Anong oras ba 'yon?" I asked instead. He then checked his phone for the exact time. As I waited for him, I couldn't help but look at him intently. Sa sandaling panahon, iba't ibang klaseng emosyon na yung na-generate sa akin nitong makulit na 'to. Sobrang dali niya akong nagawang maging comfortable with him. I barely knew him, except for the fact na magkatrabaho sila ni Dan, but here I was, acting like I knew him for a very long time.
"Gwapong-gwapo ka na sa 'kin, 'no?" biglang tanong ni Jeremy na nagpailing sa akin.
"Ang kapal talaga ng mukha mo, ano?" sagot ko naman sa kanya na nagpatawa sa kanya nang malakas.
"Okay lang naman na ma-fall sa akin. Mas okay nga 'yon," nakangisi niyang sabi which made me roll my eyes. Baliw talaga, kainis!
"Anong oras na nga?" tanong ko sa kanya after a while.
"8:30 pa. Dinner muna tayo?" tanong niya. Tatanggi pa sana ako kasi medyo maaga pa for dinner kaso nung biglang kumalam yung sikmura ko, wala na akong choice kung hindi um-oo.
"Come on. I know where to buy food na magugustuhan mo," Jeremy said as he offered me his hand. Walang pagdadalawang isip kong tinanggap 'yon and off to the restaurant we go.
***
Jeremy and I talked about a lot during dinner. Sinabi niya sa akin yung tungkol sa trabaho at pamilya niya. He said he was the oldest in the family at may dalawa pa siyang nakababatang kapatid, one boy and one girl. Dahil nag-aaral pa yung dalawa, tumutulong daw siya sa pagbabayad ng tuition nila. Kahit naman daw kasi nagtatrabaho pa rin yung parents niya, iba pa rin daw yung nakakatulong siya sa mga gastusin nila.
Sinabi niya rin na hindi pa raw talaga siya nagkaka-girlfriend. Para kasi sa kanya, dapat yung the one na raw talaga yung magiging unang girlfriend niya. Umalma agad ako ro'n kasi hello? Parang hindi naman gano'n yung ipinapakita ng actions niya!
"Thea, alam ko mahirap paniwalaan. Pero seryoso nga ako," pagpupumilit niya. Ayaw ko pa rin kasing maniwala na kapag nagkataon, ako pa yung una niyang magiging girlfriend. Jusme. Gusto niya the one na yung una niyang girlfriend, e bakit biglang sa love at first sight niya naman manggaling 'yon? Ang labo.
"Sabi mo, e," sagot ko na lang sa kanya. Napasimangot siya roon, probably disappointed sa naging sagot ko. E sadyang hindi lang talaga kasi ako makapaniwala. Iba siya kung dumamoves, eh!
"Gutom lang 'yan. Ikain mo na at nang makabalik na tayo do'n sa pwesto for fireworks," dagdag ko kaya mas lalo siyang napasimangot. I really found him adorable at that time kaya 'di ko na napigilan, kinurot ko na siya sa pisngi niya.
"'Wag ka nang sumimangot. Para kang baby," natatawang sabi ko. Nagulat naman ako nang hawakan niya ang kamay kong may kurot sa pisngi niya at tinitigan niya ako nang deretso.
"Baby mo?" seryosong tanong niya. Sinubukan kong bawiin yung kamay ko pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya roon. I swear I could already feel my cheeks heating up because of that. Nakakaloka! Bakit ganito?!
"T-tumigil ka nga," nauutal kong sagot sa kanya. He then let go of my hand tapos ako naman ang kinurot niya.
"Cute mo talaga," mahinang sabi niya sabay ligpit sa pinagkainan namin. Pagkatayo niya, naglakad na siya papunta sa basurahan. And there, I was left alone with my heart beating fast.
Lord, normal pa po ba 'to?
***
Tahimik na kaming dalawa ni Jeremy nung naglalakad kami pabalik sa pwesto kung saan gaganapin yung fireworks. He was still holding my left hand using his right hand tapos yung left hand niya naman, hawak pa rin yung plastic bags ng mga pinamili ko. The silence was surprisingly comforting hanggang sa huminto kami sa isang spot para doon na maghintay.
It was almost time for the fireworks. Nagsisiksikan na ang mga tao, wanting to find a perfect spot for the show. Minsan, natutulak kaming dalawa. Madalas, nabibingi sa ingay ng iba. Pero nang one time, muntik na akong ma-out of balance dahil sa pagkakabangga ng isang grupo ng magkakaibigan, Jeremy suddenly let go of my hand. Akala ko makikipag-away pa siya dahil do'n pero laking gulat ko nang akbayan niya ako.
"H-huh? B-bakit?" naguguluhan kong tanong sa kanya. I was hyperventilating again! Hindi ako mapakali. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, hindi pa ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Instead of answering me, mas lalo lang akong hinapit ni Jeremy palapit sa kanya, almost gluing me to his side. Para bang takot na takot siyang mawala ako bigla kapag may bumangga na naman sa akin.
"T-teka. S-sandali, uy!" sita ko sa kanya, but I just found myself stupefied nang biglang magsimula ang fireworks kasabay ng pagbulong ni Jeremy sa tainga ko.
"I may joke most of the time, but let me clear things out for you. When I said I think I fell for you, seryoso ako do'n. We may be parting ways tonight, but please keep this in mind. Gusto kita, Thea," Jeremy said as he finally pulled me in for a hug. Napapikit ako nang mariin, not even minding the people around us or even the fireworks in the sky.
Oh, shocks. Could it be that I'm falling for him, too?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro