Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Hinatid ako ni Jeremy sa hotel. And well, yes, hanggang sa kwarto ko. I mean I couldn't carry everything that I bought kaya! It was too much for me and my body. To be honest, I did not even hesitate to let him in sa kwarto kasi I knew we weren't doing anything wrong naman. Not that I'm even thinking of anything naughty or what. 

"Are you okay?" tanong sa akin ni Jeremy pagkalapag na pagkalapag niya sa sahig ng mga pinamili namin. Dumapa kasi agad ako sa kama pagpasok ko sa kwarto. Para bang ngayon ko naramdaman yung pagod sa dami ng ginawa at pinuntahan namin ngayon.

"Y-yeah. Just tired," mahinang sagot ko sa kanya.

After a while, umupo sa tabi ko si Jeremy. Akala ko hihiga rin siya dahil sa pagod but to my surprise, kinalabit niya ako. Kahit ayaw ko na sanang kumilos, napilitan akong lumingon sa kanya.

"You have a spare keycard, right?" tanong niya sa akin na siyang ikinataas ng kilay ko. Ano'ng binabalak nito?

"Ops, before you even think of anything bad, may bibilhin lang ako sa baba na makapagtatanggal ng pagod mo."

"Ano naman 'yon, aber?" I asked him. Okay, fine. He got my attention there. Naku-curious ako sa kung ano man ang bibilhin niya. If he's going to give me tea, no thanks na lang. Kung beer naman, 'wag na rin. Wala sa plano ko ang malasing sa Japan nang may kasamang lalaki sa kwarto. Ayaw kong umuwi na may dala nang ibang buhay sa loob ng katawan ko.

Geez. This is bad. Kung ano-ano na ang naiisip ko.

"Hindi na surprise kapag sinabi ko sa 'yo. Just trust me on this. So, keycard?" Inilahad niya sa akin ang kamay niya, as if waiting for me to give him my spare keycard. Nakalagay na kasi sa may power outlet yung isa.

Hesitantly, I propped myself up and sat comfortably on the bed. Hinalughog ko na rin yung bag ko para makuha yung spare keycard. When I finally found it, itinaas ko pa muna sa ere for a dramatic effect.

"Siguraduhin mong matutuwa ako diyan sa bibilhin mo, ah? Kapag hindi, huwag ka nang magpakita sa akin bukas," pagbabanta ko sa kanya. Imbis na matakot sa threat ko, pinagtawanan lang ako ni Jeremy at kinurot pa ako sa pisngi ko.

"Ang cute cute mo talaga!" he said at mas lalong dumiin ang pagkakakurot niya sa akin. I swatted his hand away in an attempt to save my face. Kanina pa kasi 'to kurot nang kurot! Baka ma-deform na yung cheeks ko kakakurot niya.

"Aray ko, ha! Nawiwili ka na!" sigaw ko sa kanya pero pinagtawanan niya lang ulit ako. I don't know why though pero imbis na mainis sa kanya, it's as if butterflies were going circles inside my tummy. I couldn't explain the feeling, but I liked the way his laughter wakes different kinds of feelings in me. I was not even sure if I was making sense right now pero ewan. Para bang in just a day, he already got me bad.

Should I be worried that I was feeling this way already? Sa totoo lang, hindi ko na rin sure. I just wanted to go with the flow and see where this escapade with him takes me. Kung sa heartbreak ulit ako babagsak, e di wow. Mukmok na lang ulit ako sa kung saan. Hahanap ulit ako ng bansang tatakbuhan.

***

While waiting for Jeremy, sinimulan ko na lang ayusin sa isang gilid lahat ng pinamili ko. Napagdesisyunan ko na ring magbabad sa bath tub nang guminhawa naman ang pakiramdam ko. I was sweetly taking my time sa loob ng bathroom nung biglang may narinig ako sa labas.

"Thea?" narinig kong pagtawag ni Jeremy.

"Here!" sigaw ko sa kanya then he knocked on the bathroom's door. Shocks. Ano bang balak nito? I immediately shook my head nang mawala yung kung anong kademonyohang pumapasok sa utak ko. I then tried to relax at huminga muna ako nang malalim bago ko naisipang sagutin ulit 'tong makulit na 'to.

"Ano'ng kailangan mo? Huwag mong sabihing natatae ka. Humanap ka ng ibang CR!" panloloko ko sa kanya at narinig ko naman siyang tumawa nang malakas dahil doon.

"Bilisan mo na diyan. Baka lumamig 'tong binili ko," natatawa pa ring sagot niya kaya napangiti na rin ako. Nagbanlaw na lang tuloy ako tapos nagbihis na. When I was presentable enough, saka ako lumabas ng banyo to meet him.

Tumingin-tingin ako sa paligid, expecting find some tea or coffee or soup of some sort dahil sabi ni Jeremy baka lumamig yung binili niya. But when I couldn't find anything of that kind, napatingin ako sa kanya.

"Nasa'n na yung binili mo?" tanong ko sa kanya. He then revealed a plastic bag full of food from his back. Nanliit pa ang mga mata ko to inspect those kasi wala talagang parang mainit do'n. Pinaglololoko ba ako nito?

"Tada! Here are some of the best ice creams na mabibili mo sa convenience store dito sa Japan. Try it!" tuwang-tuwa niyang sabi sa akin. I, on the other hand, was so confused. Paano naman lalamig 'tong ice cream kung malamig naman na talaga siya in the first place? Labo.

"Pa'no lalamig 'to?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Natawa naman muna siya bago ako hinatak papuntang kama. He then sat beside me at isa-isa niyang nilabas yung mga binili niyang ice cream mula sa plastic bag. Sobrang excited pa siya sa pag-explain kung ano-anong klase yung mga binili niya. There were some mochi ice cream, matcha flavored ones, creme brulee ice cream, and many other variants. Sa sobrang dami ng binili niya, hindi ko malaman kung ano ang dapat unahin.

"Bakit ang dami mong binili? Pa'no naman natin mauubos 'to?" tanong ko sa kanya. He then shrugged his shoulders na para bang hindi naman problema yung concern ko.

"Hindi ko naman sinabi na uubusin natin ngayon. We could put the rest in your fridge," sagot naman niya. Tumango-tango naman ako roon. May point nga naman.

"But why buy a lot now kung pwede naman palang bukas na lang kainin yung iba? Nagkakaubusan ba 'to? Limited edition gano'n?" Instead of answering, Jeremy laughed with my questions. Sinamaan ko naman siya ng tingin and he tried his best to stop laughing.

"Curious kid ka ba? Ang dami mong tanong," natatawa niyang sabi. Sumimangot naman ako at sinimulan ko na lang pumili ng ice cream na kakainin. Nang makapili na ako, I sat farther from him para maiwasan muna siya. Baka kasi masapak ko na siya nang wala sa oras dahil sa inis ko sa kanya. But Jeremy, being the annoying creature that he is, umusog naman siya palapit sa akin. We kept on doing that hanggang sa ma-trap na ako kasi headboard na ng kama ang katabi ko.

"Why do you keep on moving away from me?" Jeremy asked.

"Why do you keep on following me ba kasi?" tanong ko naman pabalik sa kanya.

"I told you. I like you," he straightforwardly answered. Imbis na sagutin siya, yumuko na lang ako kumain na lang ulit ng ice cream. Kaso parang nanigas naman ako sa kinauupuan ko nang dumukwang siya palapit sa akin. I was about to protest pero nang bigla niyang punasan yung corner ng lips ko gamit ang hinlalaki niya, all hell broke loose. Nagwala bigla ang mga paruparo sa tiyan ko at sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.

Wala na. Tinamaan ng lintik na talaga.

***

I couldn't sleep that night. Kahit sobrang tindi ng pagod ko dahil sa dami ng napuntahan ko ngayong araw, hindi pa rin ako makatulog. Everything that Jeremy has said and done were replaying in head over and over again at hindi ako mapakali. 

I never felt like this before. Kahit nung umamin sa akin si Sir Mark noon, hindi naman ganito ang naramdaman ko. Everything felt so new and raw, and I'm kind of getting scared that I might end up getting hurt in the end.

Maybe this was why it took me this long before I got to experience something like this. Sa sobrang takot kong mag-open up sa ibang tao in the fear of getting hurt, I end up closing all of my doors to other people. I end up overprotecting myself, ayun tuloy, mas lalong hindi ko naransan ang mga ganitong bagay. Kaya nga siguro iniisip ng iba kong kamag-anak na tatanda akong dalaga.

And maybe I would... if I mess this all up.

When morning came, ramdam na ramdam ko ang antok. I was just staring at the ceiling and mumbling random nonsense when I heard the doorbell of my room.

"Shet naman..." reklamo ko. I then checked the time at mas lalo akong mapamura nang mapansin kong ang aga pa. Ang usapan kasi namin ay around 7:00 am pa niya ako susunduin. 6 am pa lang kaya!

Nakasimangot akong bumangon ng kama. I then stopped in front of the mirror to make an attempt in fixing the way I look at nang ma-realize ko na wala naman na talagang pag-asa, sinilip ko na kung sino yung nag-doorbell sa peephole. Once I confirmed na si Jeremy nga 'yon, nakabusangot na ako nang buksan ko ang pinto.

"Bakit naman gan'yan yung itsura mo?" natatawang tanong niya sa akin. Lalo lang akong sumimangot at sinamaan ko pa siya ng tingin.

"Bakit ang aga mong dumating?" tanong ko naman sa kanya. Inangat niya yung kanang kamay niya na may hawak na plastic bag tapos itinulak na niya ako papasok ng kwarto.

"Hoy! Nawiwili ka na talaga sa kakatulak sa akin," reklamo ko. I then heard him laugh tapos isinara na niya yung pinto ng kwarto.

"I had a feeling na hindi ka gigising nang maaga, so I made it a point na puntahan ka talaga dito at dalhan ka na rin ng breakfast. Do you want to take a bath first or kakain ka na muna?" tanong niya sa akin. Gustong-gusto ko sanang maligo muna nang maayos ko naman yung itsura ko dahil baka ma-turn off siya sa bird's nest sa ulo ko kaso baka lumamig naman yung pagkain. Dahil do'n, I decided to take a seat and wait for Jeremy to give me my food.

"Akin na nga 'yang pagkain. Sayang, baka lumamig," seryoso kong sagot. Narinig ko naman yung pagtawa niya pero nilalabas na rin naman niya yung pagkain mula sa plastic. When I saw that it was complete with coffee, na-touch naman ako.

"Thank you!" I told him. Bubuksan ko na sana yung bento box nung pagkain ko nang agawin niya 'yon sa akin. I looked at him pero he was just pokerfaced. Neutral lang ang expression niya habang binubuksan yung bento box, like it was the most natural thing to do in the world.

Teka nga... Natatakot ako na baka masanay ako sa mga ganito niya, ah!

"Wait lang," pagkuha ko sa atensyon niya. Tumigil naman siya sa ginagawa niya at saka ako tiningnan.

"Ganito ka ba talaga palagi?" tanong ko. Mukha naman siyang na-confuse sa tanong ko, so I continued, "I mean, ganito ka ba sa lahat? Maasikaso na parang automatic na ina-assist mo? Noticing every small detail..." I fought the urge to tell him every single thing that I wanted to confirm. Baka kasi ang ending, magmukha akong assuming at napo-fall na agad sa pinaggagagawa at sinasabi niya. Well, hindi pa nga ba?

Jeremy smiled sabay kurot sa cheeks ko. Naramdaman ko naman ang pag-init n'on. Leche talaga 'tong lalaking 'to. Ang hilig mangurot! Ugh.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro