Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

"Akala ko ba half rice lang? E bakit inubos mo rin yung iyo?" mapanlokong tanong sa akin ni Jeremy once we were done eating unagi don. Sasamaan ko sana siya ng tingin pero baka sabihin niya na naman na cute ako kaya I decided not to do it.

"What's next?" tanong ko na lang sa kanya, trying to change the subject. Pinagtawanan niya lang ako tapos nginuso niya yung isang stall na malapit sa amin.

"Huh? Ano'ng meron do'n?"

"Time for dessert," maiksi niyang sagot sa akin tapos naglakad na kami papunta sa tinuro niyang stall. When I checked what's being sold there, there were cute shaped food na mukhang manju na hindi.

"Manju ba 'yan?" 'di ko maiwasang itanong kay Jeremy. They really looked like one kasi. Yung parang mga binebenta sa mall na ang bango ng amoy tapos either yema or chocolate ang laman? Gano'n na gano'n.

"Nope. It's even better." Jeremy bought some of those manju looking things and apparently, they are called ningyo-yaki. Ningyo means doll and they were filled with sweet anko bean paste. When I took a bite, nanlaki ang mga mata ko. Bukod kasi sa napaso ako sa init niya, I did not expect that it would taste so good.

Like what I have expected, niloko na naman ako ni Jeremy dahil sa reaction ko. I would have been perfect daw to be casted for a mukbang kasi ang saya kong panooring kumain tapos grabe pa yung reactions na ibinibigay ko every time I taste something new. Pinalo ko agad siya sa braso niya dahil doon. Never in my life have I imagined na mag-mukbang. Saka hello? Masarap naman talaga kasi yung mga kinakain namin!

Nung naubos na namin yung binili ni Jeremy na ningyo-yaki, Jeremy asked me the most unexpected thing.

"Do you drink?" he asked nonchalantly. Dalawang beses pa lang akong uminom sa buong buhay ko at hindi pa 'yon alam ng parents ko. Nag-overnight kasi ako sa bahay ng officemate ko tapos doon kami uminom. Noong unang try ko pa nga, sabi ko may itse-check muna akong trabaho. Ang ending, nakatulog ako. Dahil doon, medyo hesitant tuloy ako kung sasabihin ko ba kay Jeremy ang totoo.

"If you can manage to carry me back to hotel if I pass out, I can probably drink," nahihiya kong pag-amin sa kanya.

"Gano'n kababa alcohol tolerance mo?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. Nakakahiya naman kasing i-elaborate pa yung mga nangyari sa akin kapag nakakainom ako. Turn off lang.

"Sayang naman. Isa pa naman 'yan sa kilala sa lugar na 'to."

"You can grab a glass naman if you like," I encouraged him. Sayang din naman kasi. Saka he should really be drinking with his workmates right now kung hindi lang siya sumama sa pag-iikot ko. He lost his chance tuloy, and I kind of felt guilty because of that.

"Promise, okay lang na uminom ka. I don't want to restrict you naman with what you like," pagpu-push ko pa sa kanya pero umiling na lang siya sa akin.

"Nah. I'd rather drink cola with you than drink a glass of beer by myself," he said with a smile. Nung hindi ako sumagot sa kanya, he continued, "Let's go meet Hachiko?" I nodded in response and I smiled back at him. Hindi ko alam kung bakit pero with the way he's acting this day, I don't think it's impossible for me to like him.

***

Since medyo rush hour pa, medyo marami pa ring tao nung naglakad kami papunta sa train station. Sa dami pa ng dala namin, lalong hassle para sa aming dalawa. Since it would take much longer din kung tren ang sasakyan namin (halos isang oras din 'yon), we decided to split the bill na lang sa taxi or Uber kung ano man ang una naming makuha. That way kasi, halos 30 minutes lang  ang biyahe namin, 'di pa hassle sa pagbitbit.

By the time na nakarating kami sa Shibuya, nagulat ako sa dami ng tao sa mismong crossing. Pero ang cool lang talahang tingnan kasi sabay-sabay talaga yung lakad ng mga tao. Alam mo yung feeling na akala mo sa mga video mo lang siya makikita tapos noong nasa harapan mo na, parang hindi pa rin siya totoo? Ganoon yung pakiramdam ko. Sa sobrang pagka-amaze ko pa nga, ilang beses naming hinintay ni Jeremy yung pagtawid ng mga tao and I took a time lapse video para doon. Too bad I was not that tall kaya 'di ko makunan nang maayos.

Nung naka-recover na ako sa mismong crossing, pumunta na kami ni Jeremy kay Hachiko. I had to stop myself from squealing when I saw it face to face. As usual, dahil sikat na spot 'to sa Shibuya, ang daming pumipila para lang makakuha ng picture. We patiently waited for our turn and even took pictures of those ahead of us. 

Noong turn na namin, pinauna ako ni Jeremy para daw may solo picture ako. After that, he asked the guy na nakapila sa likod namin para kunan kaming dalawa. Nagulat na lang ako nung bigla niya akong inakbayan.

"Huy!" pagsita ko sa kanya pero as usual, hindi niya na naman iyon pinansin. He didn't let go of his hold on me as well at hindi man lang niya ako nililingon.

"Smile, Thea," simple niyang sabi habang nakaharap sa camera. I tried my best to smile naturally, and when I saw our pictures, buti na lang at naitago ko yung gulat sa mga mata ko. Maybe because I was finally at the place where I thought I could only see in pictures. And yes, I was with someone who unexpectedly makes me carefree and happy. 

If only this day would last though.

"Jeremy, I read somewhere na meron dito sa Shibuya yung store na maraming variants ng KitKat. Saan ba 'yon dito?" I asked him when were done with Hachiko. Tumabi muna kami sa kung saan dahil may balak na namang gawin si Jeremy with my pictures.

"Ah, sa Don Quijote. Marami ngang variants doon but people who come here in Japan for a visit usually brings home the matcha flavored ones. Pero meron din namang banana, strawberry cheesecake, cranberry, even sake."

"Malapit lang ba 'yon dito?" 

"Yup. But first, let me take your picture," sagot sa akin ni Jeremy and just like what he has planned, pinapunta niya ako sa may crossing noong patawid na ang mga tao. Nakakahiya man, I posed as natural as I could and let him take the pictures. Noong malapit nang maubos yung timer sa pagtawid, bumalik kami sa sidewalk, laughing like crazy. Kung nakikita lang siguro kami ng mga kakilala namin ngayon, aakalain nilang nababaliw na talaga kami.

Jeremy and I waited for the next timer para makatawid na papunta sa Don Quijote. Ang dami pa ring tao sa loob kahit na medyo late na. 24 hours din naman kasi yung store kaya siguro marami talagang bumibili. Kumuha agad kaming dalawa ng push cart at dinala na ako ni Jeremy sa aisle ng mga Kitkat. I took 2 packs per variant. When I saw some mochi, bumili na rin ako. Kahit na hindi ko na talaga alam kung paano ako uuwi sa dami ng dala ko, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mamili.

We then roamed around the area, pumapasok sa bawat aisle to check kung ano pa ang pwedeng mabili. Ilang floors din yung store kaya grabeng pag-iikot talaga ang ginagawa namin. Nung pakiramdam ko parang ang tagal na naming nag-iikot, doon ko lang napansin na napuno ko na pala yung baskets sa cart ko. Pambihira nga naman!

"May sakit na yata talaga ako," mahina kong sabi noong nagbabayad na kami ni Jeremy sa cashier.

"Ha? Bakit? Ano'ng masakit sa 'yo? Ano'ng kailangan mo? Gamot? Doktor? Tell me," napapraning naman na tanong niya sa akin. May mga ilang Pilipino pa naman na nasa pila rin kaya napalingon sila dahil sa pinagsasasabi nitong kasama ko.

"Masakit na yung bulsa ko. Naubos yata agad yung pera ko kahit first day ko pa lang dito. Jusko. Paano ako magsu-survive nito? 'Di ko na rin talaga alam kung paano ko iuuwi lahat ng 'to." Tila nakahinga nang maluwag si Jeremy nung narinig niya ang sagot ko. Nung natapos na akong magbayad, kinuha na niya yung plastic bags tapos naglakad na kami papunta sa elevator.

"Sabi ko naman sa 'yo, I can go back here for you. Tutulungan na kita sa dala mo. All you need to do is say yes."

"Nakakahiya naman kasi e." I finally told him the truth. Feeling ko kasi parang abuso na kapag pumayag pa ako sa gusto niya. Ang dami na nga niyang nilibre sa akin ngayong araw. Pati ba naman problema ko sa pag-uwi, idadamay ko pa siya?

"Sus. 'Wag ka nang mahiya. It's better that way kaysa magbayad ka nang malaki dahil sa excess baggage mo."

"Let me think about it muna, okay?" sagot ko na lang sa kanya kahit na ang plano ko talaga, itaas na yung baggage allowance ko sa 40 kilos at bumili na lang ng balikbayan box. Buti na lang pumayag din siya sa sinabi ko at 'di na siya namilit agad na pumayag ako.

"May gusto ka pa bang bilhin?" tanong niya sa akin. Gusto ko pa sanang pumunta sa ibang shop dito kasi alam ko maraming sale dito pero nung tiningnan ko yung dami ng dala naming plastic bags, parang gusto ko na lang sumuko.

"I don't think kakayanin pa nating magbitbit ng mas maraming bags. I can go back here naman siguro sa susunod na araw," sagot ko sa kanya, feeling a little bit overwhelmed with what I have spent today. Literal na pikit-mata na lang talaga sa gastos, jusko!

Tumango naman si Jeremy sa akin. Akala ko, yayayain na niya akong umuwi dahil doon pero ang ending, dinala niya ako papunta sa isang part ng Don Quijote. Medyo may pila rin doon pero may naaamoy akong mabango.

"Huy, kakain ka na naman?!" gulat kong tanong sa kanya. Natawa naman siya sa akin dahil sa naging reaction ko.

"Hindi ako. Tayo. Sikat 'tong 10 Yen na tinapay dito. You should try it out," sagot niya sa akin. Bago pa man ako makapagreklamo dahil busog pa naman ako sa dami ng kinain namin kanina, iniwan na niya ako sa isang gilid at pumila na siya para mabili yung tinapay.

"Here." Iniabot ni Jeremy sa akin yung isang piraso then he held my hand bigla. Akala ko kung ano'ng gagawin niya, pero napailing na lang ako nang iposisyon niya 'yon sa tapat ng poster at saka niya kinunan ng picture yung kamay naming dalawa na may hawak na tinapay. After taking a couple of shots, he then encouraged me to start eating. Mas masarap daw kasi 'to kapag mainit-init pa.

Bilang isang uto-uto, sinunod ko ang sinabi ni Jeremy. Laking gulat ko naman na pagkakagat ko sa tinapay, humaba yung keso sa loob n'on.

"OMG!" hindi ko napigilang isigaw. Some people looked at us pero hindi ko na lang sila pinansin. Hinampas ko si Jeremy sa braso habang tawa naman siya nang tawa.

"Ang cute mo talagang mag-react sa pagkain!" nakangiting sabi niya sabay kurot sa pisngi ko. I then felt my cheeks heat up because of that. Ano ba?! Baka masanay ako bigla sa treatment nitong isang 'to. Nakakaloka na!

"E-ewan ko sa 'yo!" sagot ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Bumalik na lang ako sa pagkain at hindi na siya pinansin pa.

"So, saan tayo bukas?" he asked me kaya napalingon ulit ako sa kanya. Kaso, wrong move kasi grabe yung pagkakangiti niya sa akin. Para bang bumilis bigla yung pagtibok ng puso ko dahil sa ngiti niyang 'yon.

Ay, teka. Erase, erase!

I tried to bring my focus back on his question. Sa totoo lang, iba talaga ang plano kong gawin bukas but when I saw his smile, para bang nag-iba  ang takbo ng isip ko. Not that I was trying to be clingy, but I felt like I knew the perfect place to spend time with him. So with a smile, I looked up at him and said, "Disney Sea and Disneyland."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro