Chapter 1
At a time like this, sino pa ba ang naniniwala sa love at first sight? Sobrang superficial na ng love na minsan, hindi ko na alam kung paano ba talaga nagkakagustuhan ang mga tao through social media and other whatnots.
Okay, fine.
You can call me bitter all you want. Hindi ko naman kasalanan kung bakit ako umabot sa edad na 'to na walang boyfriend, 'di ba? I was just being realistic here. Dapat, kilala mo muna talaga yung tao bago ka mag-invest ng feelings. Ang hirap kaya nung saglit pa lang kayo magkakilala tapos biglang na-fall ka na only to find out na hindi lang naman pala ikaw ang pinapa-fall niya.
Been there. Done that.
That was why I decided to be extremely careful kapag may nagustuhan akong tao. For me, it's quite impossible to fall for someone just by meeting them once. Lalo na if you met by accident. Ano, nagtama lang yung mata, may sparks na? Sus. Sa K-drama na lang uso ang ganoon. Such things don't happen in real life.
Sure, fate is fate and destiny is destiny. Pero the heck. When you meet someone for the first time, bigla na lang bang tutubo sa puso mo yung feelings mo for the other person? Hindi naman, 'di ba?
Well, that's what I thought until it happened to me.
I am Thea, and this is my story.
***
January 28, 2017, Pampanga
"O, Thea, wala ka pa rin bang boyfriend? Naunahan ka pa nitong si Nina," salubong sa akin ni Tita Mae pagdating na pagdating ko sa family reunion namin. Ngumiti na lang ako nang pilit tapos nagmano na ako sa iba ko pang mga tito at tita, trying my best not to react to what Tita Mae said.
"Tingnan mo 'tong si Nina, gwapo na yung boyfriend, successful pa. E ikaw ba, kailan ka magpapakilala sa amin ng boyfriend mo, ha? Baka naman mamuti na yung mga mata namin kakahintay," pagpapatuloy ni Tita Mae. Napailing na lang yung iba kong mga tito at tita dahil doon. Kagat-kagat ko na rin ang dila ko para hindi talaga ako makapag-comment ng kung ano. I knew that the moment I open my mouth to talk back, masasabihan pa ako na hindi gumagalang sa nakatatanda. It was better to keep my mouth shut na lang talaga.
"Huwag mo ngang madaliin 'yang si Thea. Saka maganda naman yung trabaho niya tapos nakakapag-travel pa siya sa kung saan-saan. Okay na rin 'yon," pagtatanggol sa akin ni Tito Jhun.
"Ayan! Diyan kayo magaling. Kinukunsinti niyo kasi 'tong si Thea kaya feeling niya, okay lang kahit na tumatanda siya na walang jowa. Aba, hindi na siya bumabata. Aanhin niya yung paalis-alis niya ng bansa kung wala naman siyang kasama?"
"Tita, kasama ko po yung mga kaibigan ko kapag umaalis ako," sagot ko sa kanya sabay ngiti nang pilit. I tried to keep my voice neutral din para 'di naman masabing wala akong galang.
"Ewan ko sa 'yong bata ka! Saling ketket ka lang naman doon. Lahat sila, may jowa. Ikaw lang ang wala."
And this was why I hated attending this type of events. Lagi na lang nauungkat yung kawalan ko ng boyfriend. Aba. Sukatan na ba ng pagiging successful in life ang pagkakaroon ng jowa? Masama bang mag-travel kasama ang barkada mo kahit forever third/fifth/seventh wheel ka? Hindi naman, 'di ba?
Bago pa ako ma-corner ulit ni Tita Mae para ipagsigawan sa buong angkan namin na wala pa rin akong boyfriend at kung ano-ano pang issue ang maungkat niya, nagkulong na ako sa kwarto ng pinsan kong si Nina. Imbis na bwisitin ko pa ang sarili ko sa kalokohan ni Tita Mae, naghanap na lang ako ng pwedeng puntahan para makapag-unwind. I was on my third possible destination nung biglang pumasok si Nina sa kwarto.
"Ate Thea, sorry sa sinabi ni Mommy kanina, ha?" Yes, Nina is younger than me. To be specific, she's three years younger than me kaya ginagawang big deal ng mommy niya na nauna pa siyang magka-jowa kaysa sa akin. Jusme. Hindi naman ako na-inform na racing pala 'to. Pssh.
"Sanay naman na ako kay Tita Mae. Ganyan naman siya palagi sa akin." Feeling ko kasi the only flaw that she could see in me was the fact na wala pa rin akong boyfriend. I mean, I was a consistent honor student nung nag-aaral pa ako. Stable yung trabaho ko ngayon, nakakatulong ako sa parents ko, at nakakapag-travel pa ako kapag gusto ko. I mean, what more could I ask for, 'di ba?
Oh, right. Wala nga kasi akong boyfriend.
Bago pa ako makapagsalita ng kung ano tungkol kay Tita Mae, umupo si Nina sa tabi ko at tiningnan yung sine-search ko sa internet gamit yung laptop ko.
"Oh my gosh. Pupunta ka ng Japan, Ate?" tanong niya sa akin with a hint of excitement in her eyes.
"Ano ka ba? Hindi pa 'to sure. Naghahanap-hanap pa lang ako ng pupuntahan. Saka hindi nga ako sure kung makakakuha ako ng visa," sagot ko naman sa kanya.
"Sus, ikaw pa ba? Sa dami ng pinuntahan mong bansa, maa-approve ka niyan!" Nina told me and somehow, tumataas yung hopes ko na makapunta nga ng Japan.
Tokyo has been one of the few places na gusto ko talagang puntahan. It's the land of Hello Kitty pati na rin ng Disneyland at Disney Sea. Saka I've always wanted to witness how the people pass by the famous Shibuya Crossing. Sobrang fascinating din kasi ng culture nila and I wanted to explore more places. Kaso, dahil nga sa visa, palagi akong tinatamad mag-ayos ng requirements. Feeling ko kasi, sayang lang yung effort kapag hindi naman ako na-approve.
"Go na, Ate. Malay mo, diyan mo na mahanap yung magiging boyfriend mo," panloloko sa akin ni Nina. Tiningnan ko siya nang masama and she raised her hands in surrender.
"Just stating some possibilities, Ate. Huwag ka masyadong seryoso diyan. Loosen up! Balitaan mo na lang ako kapag matutuloy ka, ha?" she told me tapos lumabas na ulit siya ng kwarto para balikan yung boyfriend niya.
As much as I hated to do it, I just found myself looking at the list of requirements for that effin' Japanese visa. Bahala na si Batman. If it's really for me, makukuha ko naman 'to, 'di ba?
***
February 6, 2017, Manila
The moment na bumalik ako sa Manila, inayos ko na yung requirements na kailangan ko para sa pagkuha ng visa. Little by little, nakumpleto ko na yung mga kailangan ko. But the heck. Patindi rin nang patindi yung kaba ko. Feeling ko kasi hindi ako maa-approve plus if ever, I'd be travelling alone. First time 'yon kapag nagkataon. Paano na ako nito? Will I even survive?
Bago pa ako makapag-isip ng kung ano pang negative sa buhay ko, nagpunta na ako sa travel agency para asikasuhin yung visa ko. I gave them my application form and requirements and I was too scared to answer their questions.
"Mag-isa lang po ba kayo?" the person in the travel agency asked.
"Uhh, opo," I meekly answered. Tiningnan niya ulit yung requirements ko kaya mas lalong tumindi ang kaba ko. Paano kung may kulang pa roon? Paano kung may mali akong nasagot sa form?
"May titirhan na po ba kayo sa Japan?"
"Uhh, meron na po. Wait," sagot ko sa kanya tapos hinaluglog ko yung envelope para sa printed out version nung booking na ginawa ko sa isang hotel. Sabi ng iba sa group na nasalihan ko, hindi naman talaga needed 'tong hotel booking, but I still chose to book one in advance. I could easily cancel it naman kapag hindi ako na-approve kaya I chose that place. Saka maganda rin daw yung location so kung magiging okay ang lahat, it would really be convenient for me.
"So ilang araw po kayo doon?"
"Five days lang po."
"Okay, sige po. Ayusin ko lang po 'to tapos magbayad na po kayo doon sa cashier. After 5 to 10 days po bago niyo makuha yung passport niyo. Ite-text na lang po namin kayo kapag nandito na ulit yung passport niyo pero hindi po namin masasabi kung approved or hindi. Malalaman niyo lang po upon claiming," sabi ulit sa akin nung staff tapos pinagsama-sama niya na lahat ng requirements ko using the stapler. He then inserted everything in my passport and gave me the paper that I needed to show the cashier. Pagkatapos kong magbayad, lumabas ako ng travel agency na kumakabog ang dibdib.
Oh my god.
So this is it then?
Let the waiting game begin.
***
February 13, 2017, Manila
One week. One week has passed at wala pa rin akong natatanggap na text mula sa agency. I felt like giving up already. Sabi nila kapag lumipas yung one week at wala pa rin akong natatanggap na text, I could call them. Kaso ano naman ba ang sasabihin ko? Na kailangan kong malaman kung may visa na ba ako kasi hahanapin ko sa Tokyo yung soulmate ko?
Sheez. Ang diyahe naman nito, o.
"Huy, Thea. Kanina ka pa paikot-ikot diyan. Para kang sira," natatawang sabi ni Jenny habang tinitingnan niya akong lakad nang lakad sa hallway ng department namin. She knew that I applied for a Japanese visa and she even encouraged me to do it kaso the heck. Bakit ba natatawa pa siya sa agony ko? Nasaan na siya kung kailan kailangan ko ng suporta niya?
"You're not helping at all," sagot ko sa kanya sabay pout. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko. Magpa-follow up ba ako hindi?
"Stop pouting, you little creature. Nakatingin sa 'yo si Sir Mark! Alam mo bang gustong-gusto niya kapag nakikita kang ganyan? Eyesore siya para sa akin but he finds you really adorable when you're pouting like that. Seriously, girl. Ano ba ang ayaw mo sa kanya, ha? Halata namang may gusto siya sa 'yo, e." Lilingon pa lang sana ako to check kung saan ba nakatayo si Sir Mark nung pinigilan ako ni Jenny. She said it was too obvious daw tapos baka mag-expect na naman yung tao na may gusto rin ako sa kanya.
"Tingnan mo 'to. Sabi mo nakatingin sa akin pero bawal kong tingnan? Labo mo, girl. Saka pwede ba. Hindi ka naman sure if gusto nga talaga ako ng tao. Plus, there's nothing wrong with him din naman. Ako yata talaga ang may problema. Ayaw ko lang na magkaroon ng issue dahil sa nagtatrabaho kami sa iisang office. What if magkaroon kami ng problema tapos mag-break kami? Ang dyahe lang kapag nagkasalubong ulit kami sa office tapos magiiwasan kami, 'di ba?" dere-deretso kong sagot sa kanya.
"Hold up! Wala pa ngang kayo, break-up na agad ang iniisip mo. Kaya hindi ka nagkaka-boyfriend e! Umayos ka nga!" Napaisip ako bigla dahil sa sinabi ni Jenny. Masyado nga ba talagang advance ang utak ko kaya ganito?
Hay, ewan.
"Ganito. If Sir Mark asks you out for Valentine's Day, pumayag ka. No buts, no whys, no what ifs. Just go with the flow. Malay mo, you'll be lucky tomorrow. You might get your visa approved and you might have your first boyfriend." What Jenny said had me thinking. Bukas na nga ba talaga ang lucky day ko? Sana nga talaga, jusko!
I silently prayed to the heavens asking me to grant this chance. If I get my visa approved, baka ako na mismo ang manligaw kay Sir Mark.
Ay, leche. Erase. Erase.
Kapag na-approve ang visa ko bukas, hindi lang isang date ang ibibigay ko kay Sir Mark. Kahit tatlo pa. Promise na 'yan!
Will I regret this? My inner thoughts asked.
Well, I hope not.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro