Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

Kinabukasan nagising na lamang siya sa mga huni ng ibon sa kanyang bintana.

Medyo tanghali na kaya napahikab siya. Honestly, she still want to go sleep and get some day off. But she have to talk to his boss right away.

Bumangon siya at inayos ang kanyang higaan. Nang matapos siya ay nagmadali siyang naligo at nagbihis ng kanyang damit.

As usual, ganun parin ang klaseng damit na sinusuot niya. Lahat nakaitim ang panloob lang ata niya ang kulay puti. Pormal na pormal siya sa suot niya. Kasi agent siya eh.

Bumaba kaagad siya at pumunta sa kusina para kumain ng agahan. Nakahanda na sa mesa ang mga pagkain dahil maaga naman'g nagising ang kanyang ina.

"Goodmorning ma." Tugon niya sabay halik sa pisngi.

"Goodmorning din anak, maupo kana at nakahanda na ang almusal."

"Salamat ma." Nakangiting sabi niya rito at kaagad siyang naupo at kumain.

Nang matapos na siyang kumain ay nagpaalam siya sa ina at umalis narin. Hindi na siya nag-atubiling tumagal pa.

Kaya naman pinaandar niya ang kanyang motor at umalis na. Pagdating niya sa building nila ay dumiretso kaagad siya sa opisina ng kanyang boss. Kumatok muna siya bago pumasok.

"Sir, goodmorning--"

"How's your investigation?" salubong na tanong nito sa kanya.

"Okay naman po sir, may nakuha na ho akong lead kung saan nila tinatago ang biktima."

"That's good Raffy and where is that place might be?" Pormal nitong tugon.

"Nasa isang abandonadong gusali sa Malabon sir. Gusto ko sanang humingi ng pabor sa inyo sir kung maaari lang po sana."

"Of course, what is it?"

"Gusto ko po kasi sir, na ako na lang pong mag-isa ang pupunta roon." Matapang niyang sabi.

"Sigurado ka? Pero kayong dalawa ni Gilbertson ang inatasan ko sa kasong ito. Kailangang may kasama ka Raffy."

"Mas mainam naman po siguro sir kung mag-isa nalang po ako." Katwiran niya.

"Raffy, I understand your drive into this case. But I can't let you finish this mission alone. Gilbertson will be your partner and that's an order Miss Villafuerte."

"But sir-"

"No buts Miss Villafuerte." Seryosong tugon nito sa kanya. Kaya naman na patango na lamang siya sa desisyon nito.

Wala na siyang magagawa kundi ang sundin ang boss niya. Na magiging kasama niya ang binata. Hindi sa nagiging makasarili siya. Kundi ay gusto sana niyang walang disturbo.

"Raffy." Tawag sa kanya habang naglalakad sa lobby.

"Oh Jaden ikaw pala." Malamig niyang ani rito.

"Nakausap mo na ba si boss tungkol sa leading natin?"

"Oo bago lang bukas na bukas din pupunta tayong Malabon."

"Sige, siya nga pala napagkaalaman ko na matinik si Mr. Chong sa mga taong naglalaro sa kanyang casino na hindi nagbabayad."

Naalala niya kaagad ang nangyari sa lalaking pinatay ng may-ari.

"Paano mo nalaman?" Tanong niya sabay pihit sa pintuan sa kanyang opisina. At pumasok silang dalawa habang siya naman ay nakaupo sa kanyang swivel chair.

"Nung nawala ka nagtanong ako sa mga andoon. May isang tao kasi akong nakatabi habang nagmamatyag. Siya mismo, ang nagsabi na wala talagang puso iyang si Mr. Chong. Dahil mainit ang ulo niya sa mga taong nangungutang sa laro at hindi nagbabayad. Kaya ko nalaman na talagang wala siyang awa." Mahabang esplika nito sa kanya.

"Kaya nga kailangan natin'g kumilos ng maaga. Baka maunahan tayo ng ibang ahensya sa kasong ito."

"Sige bukas. Susunduin kita sa bahay niyo." Anito sa kanya, magsasalita pa sana siya subalit nakalabas na ito.

"Hindi na kailangan." Mahinang usal niya.

Mahaba ang oras niya sa trabaho. Kaya naisipan niyang kumain sa isang shop. Pumunta siya sa Green House Bistro. Gusto niya kasing kumain ng veggie salad.

Pagkababa niya sa kanyang motor. Isang sasakyang itim ang kumuha sa kanya ng atensyon. Kaya napatingin siya sa sasakyan.

"Wow what a nice ride." Puri niya at dahil sa bandang roon lang ang may lilim kaya doon niya pinarada ang kanyang motor.

Binitbit niya ang kanyang helmet at pumasok na sa bistro.

"Good morning ma'am." Masiglang bati sa kanya ng gwardiya.

Isang ngiti lang ang ipinukol niya rito at diretsong tumungo sa counter. Para pumili ng kanyang kakainin.

"Goodmorning ma'am may I take your order?"

"Goodmorning, I would like to order one Ceazar's Salad and one Banana Strawberry Shake." Kaswal niyang sabi.

"Okay ma'am it will be right away." Ani nito sa kanya at umupo na muna siya.

Kinuha niya ang kanyang phone at tinipa iyon. Nilagay niya ang kanyang helmet sa mesa. Nang may umupo sa kanyang harapan.

kunot-noong inangat niya ang kanyang ulo. Isang lalaking nakangiti ang sumalubong sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata.

"I can't imagine we will see each other again. What a coincidence." Nakangiting sabi nito sa kanya.

"Hmm... do I know you?" Taray niyang tugon rito.

"Oh! I neglect to introduce myself I'm Vernon Jeck by the way." Ani nito sa kanya sabay lahad ng kamay nito.

"Rafaela." Nakataas-kilay niya iyong tinanggap.

"Rafaela, what a lovely name."anito at hinawi na niya ang kanyang kamay. Habang hinihintay ang kanyang order.

"Thanks." Maikli niyang sagot. Maya-maya ay dumating na ang kanyang pagkain.

"Vegetarian ka rin pala. Where on the same side." Anito sa kanya na tila walang balak na umalis sa mesa niya.

"Oo, at bakit andito ka parin? Wala ka bang kakainin? O tapos ka na?" Mataray niyang tanong. She wants to be alone. And here it goes, andito ang lalaking ito na hindi niya gaanong kakilala at kinakausap siya.

"Actually, I'm about to leave but when I saw you entered. I decided to stay so that I can chat with you." Diretsong sabi nito sa kanya. Kumunot-noo naman siya.

"And why?"

"Why? I'd like to date you." Pagtatapat nito sa kanya.

"Excuse me?" Nabigla niyang sabi na medyo tumaas ang tono ng kanyang boses.

"I mean I'd like to meet you and be friend with you."

"Ah okay? But I'm sorry Vernon but my list is full to make some friends." Napalayo ito ng kaunti dahil sa pagkagulat.

"So you have a list of your friends. That's my first though."

"Yes, so will you excuse me. I want to continue my meal." Sarkastikong aniya rito.

"Okay, just take your time. Bye Rafaela." He said it formally and she just nod at him.

Hindi naman siya maganda para sabihin mo'ng kaakit-akit siya sa mga oras na iyon.

"Hindi nga ako nag-ayos para mapansin lang ng kahit sino." Nakalingong aniya at nagsimula ng kumain. Nilasap niya ang salad dahil ito ay napakasarap sa kanyang panlasa.

She enjoyed having herself all alone with no interactions or disturbance. Iyon ang gusto niya. Yun bang siya lang at wala siyang iniisip na iba. Kundi trabaho niya lang at ang kanyang ina at sarili niya. Wala ng iba.

When she's done eating. She paid for it and went outside. Nang pagdating niya sa parking area. Kung saan siya nakaparada.

Laking gulat niya at naroon parin ito. Nakatayong nakapamulsa sa isang lilim.

"Your still here?" Aniya na napipilitang napangiti.

"Of course, I've waited for you." Pasimpleng ani nito sa kanya na nakangiti pa. Bahagyang lumapit ito sa harapan niya.

Kumunot noo siya. Bakit siya maghihintay? Sino ba siya para intayin niya ko? Aniya sa likod ng kanyang sarili.

"Ah ganoon ba? Hindi mo naman kailangang gawin yan. Dahil may motor naman ako. Isa pa, ngayon lang tayo nagkakilala parang ang FC mo yata." Aniya siya sabay sakay sa kanyang motor.

Kumunot ang noo ng binata sa dalawang letrang sinabi niya.

"Anong FC?" Tanong nito na naguguluhan.

"Feeling close." Pagtatapat niya rito sabay suot ng kanyang helmet. Napansin niyang sumeryoso ang mukha nito.

"Pasensya ka na kung na-iistorbo kita. Kung hindi man lang kita maihatid. Mauuna nalang ako sayo." Napangiting anito sa kanya sabay kindat pa.

Nanlaki ang mata niya sa ginawang gestures ng binata. Para bang ang hangin nito pagdating sa kanya. Nakita niyang pumasok ito sa sasakyang nakaparada katabi ng kanyang motor.

Pinasadahan niya lang ng tingin ang kotseng umaandar papalayo. Bumusina pa ito kaya napakunot noo siya.

"Ang yabang kahit na maganda ang kanyang sasakyan. Mayabang parin siya." Napabuga siya ng hangin at marahas na pinaandar ang kanyang motor at umalis sa lugar na iyon.

Bumalik siya sa kanilang building para tapusin ang natitira niyang trabaho. Marami-rami narin kasi siyang kasong natapos at nagawan ng hustiya.

Ngunit ang mahirap ay kung paano niya magagawan ng paraan ang sarili niyang problema. Na hindi madadawit ang kanyang trabaho.

Siguro nga tama sila, kapag marunong kang umayos sa problema ng ibang tao. May panahon rin na sarili mong problema hindi mo kayang malulusutan.

Dahil sa mga bagay-bagay dito sa mundo. Pero wala sa bokabyularyo niya ang pagiging talunan. Hahanap siya ng paraan para managot ang dapat na managot! Kahit na bumaha pa ng dugo! Lalaban siya para sa kanyang pinakamamahal na ama.

Nang matapos na ang kanyang trabaho ay kaagad siyang umuwi. Pakiramdam niya'y naging toxic ang araw na ito sa kanya. Sa trabaho ba kamo o sa lalaking kumausap sa kanya sa bistro?

"Ma, andito na ako."

"Kumusta ang trabaho mo anak?" Ani ng kanyang ina na nasa kusina. Pagkuway lumabas rin ito para makita siya.

"Okay naman ho. Ay siya nga po pala ma, may sasabihin po ako sa inyo mamaya." Aniyang tinatamad na umakyat sa hagdan.

"Oh sige." Nakangiting sambit pa ng kanyang ina.

Hinagis niya ang kanyang bag sa kama. At nilagay ang helmet sa mesa. Napapagod talaga siya sa araw na ito.

Marahil sa init ng araw kahit na nakabalot ang buo niyang katawan. Sa mga proteksyon ng kanyang isinusuot. Mainit parin ang pakiramdam niya.

Kaya iniisa-isa niyang hinubad ang kanyang mga damit. At mabilis na pumunta sa banyo para maligo. Nagbabad yata siya roon dahil umaabot siya ng mahigit isang oras.

"Hooh! Ang sarap maligo!" Napasinghal niyang ani ng makalabas na siya sa banyo.

"Anak, kakain na tayo ng hapunan." Pasigaw na tawag ng kanyang ina. Kaya nagmadali siyang nag-ayos at nagsuklay ng kanyang buhok.

Pagkuway bumaba na siya sa kanyang kwarto. Dahil sasabihin rin niya rito na may undercover sila sa Malabon.

"Ang sarap mo talagang magluto ma." Nakangiting sabi niya ng matikman ang luto ng ina.

"Alam ko naman yun anak eh matagal na. Kahit pa noong nabubuhay pa ang papa mo." Kiming napangiting sabi ng kanyang ina.

"Ahh.. ma, bukas nga po pala aalis ako papuntang Malabon. May undercover po kasi roon tungkol sa kasong hinahawakan ko ngayon." Iniba niya ng usapan dahil ayaw niyang makita ang kanyang ina na maging malungkot.

Alam kasi niyang hanggang ngayon. Mahirap parin sa kanyang ina na tanggapin ang nangyari gayundin naman siya.

"Sinong kasama mo doon, anak? Dapat may kasama ka kasi napakadelikado ng trabaho mo." Suhestiyon nito.

"Meron naman po ma, pagkatapos nito ay aayusin ko na ang mga gamit ko."

"Anong oras ang alis mo?" Tanong nito sa kanya habang kumakain.

"Bukas ng umaga po ma." Sagot niya rito.

"Basta mag-ingat ka roon. Hindi natin alam ang takbo ng panahon anak."

"Opo ma, mag-iingat po ako." Nang matapos na siyang kumain. Ay tinulungan niya ang kanyang ina na magligpit ng kanilang pinagkainan.

"Ma, ako nalang po rito magpahinga na ho kayo."

"Sige anak. Salamat." Ani nito sa kanya at umakyat narin ito papuntang kwarto.

Siya na mismo ang naghugas ng mga pinggan at mga baso. Hindi naman gaanong marami iyon kaya madali lang siyang natapos.

Kunway umakyat rin siya sa kanyang kwarto. Inimpake ang kanyang mga gagamitin. Hindi gaanong marami ang kanyang dinala.

Tamang-tama lang ang kanyang damit sa iilang mga araw. Tinext na lamang niya ang kanyang kasama na si Jaden. Na magkita nalang sila sa mismong lugar.

Bagama't wala siyang natanggap na reply mula rito. Nang matapos na siya ay humiga na siya sa kanyang kama para magpahinga. Hanggang sa nakatulog siya ng mahimbing.

Kinabukasan ay tunog ng kanyang phone ang gumising sa kanya.

"Anong oras na ba?" Aniya na napahikab. Kinapa niya ang kanyang phone sa gilid ng kanyang lamesita.

"Hello? Who is this?" Tanong niya sa kabilang linya.

"It's me Jaden, I'm at your doorstep." Anito sa kanya. Napabalikwas siya ng bangon.

"Hijo, anong kailangan mo?" narinig niyang sabi ng kanyang ina. Kaya minabuti na lamang niyang pinutol ang tawag. At nagmamadaling bumaba sa may salas.

"Anak, may naghahanap sa iyo. Pasok ka hijo." Ngumiting kumaway ang binata sa kanya.

"Ma, siya si Jaden kasama ko sa trabaho. Mag-aayos lang ako sandali lang."

"Take your time Raff." Anito.

"Anak wag mong tagalan nakakahiya naman sa kasama mo."

"Yes ma." Pasigaw niyang sabi.

"Bakit ba ang aga-aga niya?! Nakakainis naman oo. Ayoko pa naman na minamadali ako. Tsk!" Aniya at pumasok na sa banyo para maligo at nang matapos siya ay nagbihis kaagad siya ng damit.

Isang traveling bag lang ang dala niya. At lumabas na siya sa kanyang kwarto.

"Ma, alis na ho kami." Aniya.

"Ano? Hindi ka pa kumakain anak."

"Okay lang po iyong ma'am dadaan na lang po kami ni Rafaela sa isang store." Sambit pa ni Jaden.

"Oh siya sige mag-iingat kayong dalawa." Lumapit siya sa kanyang ina at humalik sa pisngi.

"Bye ma, don't worry hindi kami magtatagal doon."

"Sige po ma'am alis na po kami." Magalang na ani ng binata sa kanyang ina.

Kinuha naman nito ang kanyang bagahe at nauna ng lumabas sa kanilang bahay.

Pagkuway lumabas narin siya kasama ang kanyang ina. Nakita niyang nakaparada ang sasakyan nito sa tapat ng kanilang bahay.

"Bye ma, huwag niyong pababayaan ang sarili niyo." Aniya at niyakap ang kanyang ina. At pagkatapos umikot siya sa may passenger's seat sa harapan.

"Let's go." Matipid niyang sabi.

"Okay." Pinaandar na nito ang sasakyan at umalis na silang dalawa. Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ng binata. Habang tinitipa niya ang kanyang phone.

"Anong ginagawa mo?" Biglang tanong nito.

"Tinitingnan ko ang gusaling inabandona sa Malabon." Aniya at pinakita niya rito ang litrato.

"Magkapareha nga ang lugar." Ani nito habang nagmamaneho.

"Magkapareha? Why have you've been there?" Tanong niya rito.

"Pinuntahan ko ang lugar na yan para malaman natin kung ano ang nasa lugar na yan."

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" Nagtatakang tanong niya.

"Kahapon ko lang din yan pinuntahan Raff. Pagkatapos nating mag-usap ay kinausap ako ni boss. Kaya pinuntahan ko agad ang location."

"Ah okay." Tanging sambit niya rito.

"Besides it's good to know things first before we enter to tragedy."

"Yeah, it's good to know it from you." Ani niyang may kompiyansa sa sarili.

"Let's take for a breakfast first. Hindi rin kasi ako nakapag-agahan." Anito at dumaan sila sa isang restaurant. Nang hindi pa sila nakakalabas ng Maynila.

Pumasok sila roon at umupo sa bakanteng mesa. Nilapitan sila ng isang waiter at kinuha ang kanilang mga order.

Ilang sandali ng kanilang pag-uusap ay natabig niya ang taong dumaan sa kanilang mesa.

"Oh my God! I'm so sorry." Aniya ng mapaangat niya ang kanyang mukha.

"We meet again." Nakangiting sabi pa nito na talagang mapapamangha ka. She clenched her jaw. At nanlilisik ang kanyang mga matang tumingin rito. This is odd!!!


A/N

Guys I'm so sorry for this late update... may inasikaso kasi ako sa work kahapon medyo nagkaproblema.. sana hindi po kayo magalit sakin... i love you all guys.. thanks for telling me to update... nakakainspire talaga sakin... honestly.. :-) ❤❤❤

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro