Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

Nang gabing iyon inayos na ni Raffy ang kanyang mga gamit. Ang usapan nila ni Jaden. Ay magkikita nalang sila sa casino.

Syempre dapat hindi sila magkasabay. Hindi nila alam kung iilan ba ang makakalaban nila sa lugar na iyon. Kung sakaling meron man. Of course she dress up like a lady who is always in with the game.

Hindi niya ginamit ang kanyang motor. Kaya nagtaxi siya papunta roon. Hindi naman masyado maiksi ang damit niya. Tamang-tama lang yung uso ngayon para sa mga taong gumagala paggabi.

Naka-black jeggings siya ang sleeveless. Syempre nakahulma ang katawan niya. Kitang-kita talaga ang kanyang makinis na mga balikat. She can do anything. Dress anything. As long as for her job. She will do everything whatever it takes.

Nang marating niya ang casino. Binayaran niya muna ang taxi at bumaba. Akmang papalapit na siya sa entrance. Ay may biglang humapit sa kanyang beywang.

Kaya napapitlag siya't nanlaki ang kanyang mga matang napalingon sa katabi.

"Don't scream it's just me." Pabulong nitong sabi. Habang patuloy silang lumalakad.

"You scared me to death. Next time don't do that." Mahinang usal niya rito. Ngumiti lang ito sa kanya.

"Dito muna ako."aniya.

"Okay take care by the way your stunning tonight." Nakangiting puri pa sa kanya.

Napailing nalang siya sa sinabi nito sa kanya. Habang naglalakad siya sa lugar. At nakikipaghalubilo kasama narin ang pagmamatyag.

Umupo siya sa may bakanteng upuan. Kung saan may naglalaro ng poker. Uupo lang sana siya at titingin sa laro. Nang biglang nagkagulo sa kabilang mesa.

"Bakit hindi pwede? Magbabayad naman ako!" Asik ng lalaki. Dinig na dinig niya ang sigaw nito dahil mag kalapit lang ng konti ang mesang kinaroroonan niya.

Napatingin rin ang ibang mga taong naroon. Napansin niyang may isang may edad na lalaki ang lumapit sa mesang nagkagulo. At may binulong ito sa naturang lalaki.

Umalis ang mga ito kasama ang lalaking kararating lang. Kasama ang mga tauhan nito. Lumabas sila sa mismong casino. Hindi niya mapagilan ang sarili.

Kaya pasimpleng sinundan niya ang mga ito. Habang patingin-tingin sa mga taong naglalaro. Nang mamataan niya kung saan dumaan ang mga ito. Ay hinay-hinay niyang tinahak ang daan.

"Ma'am? Saan ho kayo pupunta?" Tanong ng lalaki sa likuran niya. Nanuyo ang lalamunan niya at humingang malalim.

"Ah hinahanap ko kasi ang restroom sir." Aniya sa mapang-akit niyang boses.

"Ganoon po ba ma'am? Nasa kabilang banda po yung restroom ng mga customer ma'am eh."

"Ganoon ba, wala bang malapit rito? Na-iihi na talaga ako sir eh. Hindi ko na ata kakayanin kapag lumakad pa ako papunta sa bandang iyon." Alibi niya rito. She needs to go in. Kailangan niyang malaman kung ano ang gagawin nila sa lalaking iyon. At kung bakit nila ito pinaalis sa casino.

"Meron naman ho ma'am kaso for vip lang po kasi."

Lumapit siya sa lalaki at bumulong siya rito.

"Ano bang tingin mo sakin? Hindi ba ako pang-vip?" Malambing niyang sabi rito.

"Hindi naman sa ganoon ma'am. Ah cge ho ako nalang po ang bahala ma'am. Pasok lang po kayo pagkatapos kumanan po kayo. Naroon lang po yung restroom." Ani nito sa kanya. Magaling at nakuha niya ang kiliti ng lalaking ito.

"Thanks handsome." Nakangiting sabi niya rito sabay haplos sa pisngi nito. Tumalikod siya't pumasok siya sa mismong lugar na pinasukan ng mga lalaki kanina.

Pakembot-kembot pa siyang lumakad. Alam niya kasing naroon pa ang lalaki. Nang nasa hallway na siya. Inayos na niya ang kanyang paglakad. Pagkuway tinungo niya ang restroom.

Pumasok siya roon at ilang minuto siyang nanatili roon. Para hindi mahalatang hindi iyon ang talagang pakay niya.

Pagbukas niya ng pinto ay may narinig siya.

"Huwag. Huwag po, magbabayad naman ako." Pagmamakaawa nito.

"Magbabayad ka? Talaga lang ha?! Ilang araw ka ng binigyan ng palugit." Sabi pa nito na tila na iinis pa.

"Pasensya na Mr. Delgado hindi mahaba ang pasensya ko." Dagdag pa nito at binaril ang lalaki. Nakita niya iyon dahil hindi masyadong nakasira ang pinto. Hindi umaninag ang tunog sa ng baril dahil silencer ang ginamit.

Kaya dahan-dahan siyang lumayo sa pinto. At binilisan niya ang kanyang paglakad. Tama ang duda niya ang lalaking iyon ang amo.

Nang marating niya ang pintuan papalabas. Ay huminga siya ng malalim at inayos niya ang sarili.

Pagkalabas niya ay lumapit sa kanya ang lalaking nakausap niya kanina.

"Ma'am medyo natagalan ata kayo ah?" Tanong nito sa kanya.

"Ah.. hindi inayos ko pa kasi yung make-up ko." Malambing sabi niya sabay hawak sa batok nito.

"Ah ganoon po ba."

"Oo salamat nga pala sa tulong mo ha." Pagpapaalam niya rito.

Lumakad siya ng diretso. Habang patingin tingin ulit sa mga naglalaro. Nang may nakita siyang bar counter roon. She want to loosen up a little. To relax herself a little bit.

Umorder siya ng isang basong martini. At pasimpleng naglagay ng earpiece sa kanyang tainga.

Habang hinihintay niya ang kanyang inumin. Narinig niya na may kausap na ang lalaki.

"Ikaw na ang bahala sa taong nasa loob. Siguraduhin mong malinis ang pagkakaligpit nun Ismael." Matigas na utos pa ng kausap nito.

"Yes sir."

"Ma'am here's your drink." Anas ng bartender.

"Thanks." Kaswal niyang sabi sabay inom ng kanyang martini.

"I don't understand, why are we meeting like this." Ani pa nito sa kanya. Kaya matalim siyang napalingon sa kinaroroonan ng taong nagsasalita.

"So? Do I know you? And besides it's casino and everyone loves fun don't you think?" Pamamara niyang sabi rito hindi niya kasi matandaan kung kailan niya nakilala ang binata. Napakimi naman ito ng ngiti.

"Oh really? Where's my manners by the way I'm Vern-"

"Ismael bilisan mo dyan! At tulungan mo kong ilagay ang isang toh sa likod ng sasakyan!"

Halos mabingi siya sa malakas n boses nito. Kaya napahawak siya sa kanyang tenga.

"Is there's something wrong?" Puna nito sa kanya.

"Nothing, I'm sorry but I have to go."
Aniya at mabilis siyang tumayo at nag-iwan ng pera sa counter.

"Shit! Muntik na ako dun ah." Mahinang napamura siya. Dumiretso siya sa may exit. At tamang-tama pagkalabas niya sa mismong casino.

Naririnig parin niya ang pag-uusap ng lalaking nilagyan niya ng mini microphone. Nang dahil dun, nakuha niya ang address na pupuntahan ng mga ito.

"Bullshit!" mura niya ng maalala niyang hindi niya dala ang kanyang motor.

"You want a lift?" Biglang tanong sa kanya. Tinaas niya ang isang kilay niyang napalingon rito.

"No thank you. I can do it all by myself." Sabi niya at may dumaang taxi. Mabilis niya iyong pinara at sumakay.

Binigay niya ang address sa taxi driver at umalis na sila roon. Kinuha niya ang kanyang phone.

"Jaden, umalis na ako sa casino. Magkita nalang tayo mamaya. Just text me the location. Bye." Isang voice message lang ang ginawa niya.

Nang marating na niya ang naturang lugar. Nakita niya sa may bandang unahan ang sasakyan. Medyo malayo rin ang lugar sa kamaynilaan.

"Manong dito na lang ho." Aniya sabay abot nito ng pera.

"Mag-ingat ho kayo ma'am. Marami pong masasamang taong gumagala rito."

"Salamat ho sa paalala manong." At lumayo na siya sa sasakyan at umalis rin ito.

Ngayon niya lang napagtanto na naka-heels pala siya. Kaya naman pala hindi siya makalakad ng maayos dahil sa hindi semintado ang kalsada.

"Holy crap." Mura niya at mabilis niyang nilapitan ang sasakyan. Kahit sumasakit na ang kanyang mga paa.

Yumuko siya at nagtago sa likuran ng sasakyan. Nang narinig niya ang boses na papalapit na sa sasakyan ang mga ito.

Kaagad niyang ginulo ang kanyang buhok. Para hindi siya mamukhaan ng lalaking nakausap niya sa casino.

"Hello boys, could you tell me where is the hotel nearby?" Mapang-akit niyang sabi. Kaya napalingon ang mga ito sa kanya.

"Hotel? Pare may hotel ba rito?" Baling pa ng isang lalaki sa kasama nito.

"Ewan hindi ko alam. Eh ma'am bakit ka pa maghahanap ng hotel eh may sasakyan naman kami." Ani pa ng isa na nakangiti.

"Hindi kailangan ko kasi ng maluwang. At gusto ko nasa tabi ko kayong dalawa." Sabi niya sabay lapit sa lalaki.

Napansin niyang sumenyas ang lalaking kaharap niya para lumapit ang kasama nito sa kinatatayuan nila.

At lumapit nga ito talaga naman oo. Kapag inakit ng babae ay hindi na makakatanggi.

Nasa harap na niya ngayon ang dalawang ulol na lalaki na parang asong naghihintay ng pagkaing malapa.

"Ayan, mas gusto ko yan!" At mabilis niyang inumpog ang mga ulo nito. Napailing ang mga ito para mawala ang sakit. Subalit hindi na niya hinintay na magkaroon pa ng pagkakataon ang mga ito.

Kaya mabilis niyang sinunggaban ang dalawang lalaki ng kanyang malakas na sipa at mga suntok. Hindi makabawi ang mga ito dahil sa may bandang abdomen niya pinuntirya ang dalawa.

Mga ilang suntok at sipa ang ginawa niya. Bimunot naman ng baril ang kasama nito. Kaya mabilis siyang nakailag at pinagpulupot niya ang kamay nito.

Sabay kuha ng baril nito ngunit hindi niya iyon ginamit. Dahil maririnig ang putok nito. Kaya naman ginamitan na lamang niya ang mga ito ng martial arts na natutunan niya.

Gustong sumugod ng isa kaya mas diniinan pa niya ang pagpulupot sa kamay nito hanggang sa nabali nga. Nakailag siya sa nag-aambang suntok sa kanya. At sinipa niya ito at binali ang leeg. Patay ang isang lalaki.

"S-ino ka?" Nakapagsalita pa ang isang kasama nito kahit na nakahiga na sa sahig. Na napapangiwi sa sobrang sakit.

"Hindi na mahalaga kung sino ako. Nasaan si Mr. Lee?!" Tanong niya rito habang hawak-hawak niya ang leeg nito. Tumawa pa ito ng bahagya.

"Wala kang makukuha sakin'g impormasyon." Matapang anito.

"Talaga lang ha!" Gigil na aniya at nilabas niya ang kanyang maliit na balisong. Sinaksak niya ang hita nito ng mabilis.

"Ahhhh!" Sigaw ng lalaki sa sobrang sakit.

"Nasaan si Mr. Lee?!"

"Hindi ko alam..." diniin niya ang pagtusok nito at pinaikot pa ang balisong.

"Ahhh! S-sasabihin ko na. S-sasabihin ko na."

"Nasaan siya?!"

"N-asa isang abandonadong factory sa may Malabon. Doon siya dinala ni Mr. Chong." Nanginginig nitong sabi sa kanya dahil sa sakit.

"Saan sa Malabon?" Matigas niyabg tanong rito.

"S-a..aa.." diniinan pa niya ang kanyang balisong.

"Sa may Rivera street." Na-uutal nitong sabi. Pagkuway kinuha niya ang kanyang balisong sa hita nito. At napangiwi ito sa sobrang sakit. Tumayo siya at tumalikod.

Subalit may narinig siyang kasa ng baril. Bago pa ito nagpaputok ay inunahan na niya ito. Kaagad niyang itinapon sa ere ang kanyang balisong at sapul ang puso nito. Natumba ito at lumapit siya rito.

"Akala mo hindi ko alam." Aniya sabay kuha ng kanyang balisong. Pagkatapos sumakay siya sa kotse at pinaandar iyon at umalis na sa lugar.

Tumunog ang kanyang phone. Kaya kinapa niya iyon para sagutin.

"Where the hell are you?!" Nasa boses nito ang iritasyon.

"I'm so sorry Jaden. Sinundan ko lang ang mga tauhan ni Mr.Chong. At may leading na ako."

"What?! Ano kumusta ka na? Napano ka ba?" Nag-aalalang ani nito sa kanilang linya.

"Walang nangyari sakin okay lang ako. Isa pa, kung makapag-alala ka parang matagal na tayong magkakilala ah." Pambabara niya rito.

"Pasensya na syempre partner mo ako sa kasong ito Rafaela."

"I know, andyan ka pa ba sa meeting place?"

"I'm still here waiting for you." Seryosong sabi nito.

"Umuwi ka na lang Jaden. Medyo pagod narin ako. Ang mahalaga ngayon ay may leading na tayo."

"Okay sabi mo eh." Anito.

"Thanks bye." At pinutol na niya ang tawag rito.

Habang nagmamaneho siya ay napagdesisyunan niyang iwan ang sasakyan sa isang bakanteng parking area.

Bumaba siya sa sasakyan at bahagyang pumara ng isang taxi sa may di kalayuan.

Napahinga siya ng maluwang habang nakaupo sa may passenger's seat sa likuran.

"Ma, sa may Ellinwood Subdivision po tayo." Ani Raffy.

Pagdating niya sa kanilang bahay. Namataan niyang bukas pa ang ilaw sa salas. Napatingin siya sa kanyang relos.

Alas dose na pala ng hating-gabi. Binuksan niya ang kanilang gate at tinahak ang kanilang lown.

Alam niya ang ibig sabihin nito. Pagyapak palang niya sa hagdan ay pinagbuksan na siya ng kanyang ina.

"Anak saan ka ba nanggaling? Alam mo naman na mag-aalala ako sayo. Kapag masyado ng malalim ang gabi."
Ani ng kanyang ina.

"Ma, naman alam niyo naman po ang trabaho ko di po ba?" Sagot niya habang hinuhubad ang sapatos at nilagay sa shoe rack.

"Anak alam ko naman yun, kaso lang ayaw ko naman mapahamak ka Raffy."

"Ma, huwag po kayong mag-alala nag-iingat po ako." Sabi niya sabay halik sa noo nito at pumasok na sa loob ng bahay.

"I know how dangerous your job is. Kaya kung anong mangyari sayo anak. Ikamamatay ko." Katwiran nito.

"Ma! Ano ba naman kayo? Masyado na kayong naging pessimistic." Tumaas ang tono ng kanyang boses. Nakita niya ang kalungkutan ng mukha nito. Nilapitan niya ang kanyang ina at niyakap niya ito.

"Ma, wag na po kayong malungkot. Alam ko naman po ang pinasok ko." Aniya at hinagod niya ang likuran ng kanyang ina.

"Sige na ana matulog kana. Ang importante ay walang masamang nangyari sayo."

"Ikaw din mama, matulog ka na rin. I love you." At hinalikan niya ito sa pisngi. Umaakyat narin siya sa kanyang kwarto.

At naghubag ng damit at naligo. Pagkatapos nun ay nagpalit siya ng damit na pantulog.

Sleeveless at pajama ang sinuot niya. Sanay kasi siyang balot ang katawan niya. Kapag natutulog para naman hindi siya ginawin.

Humiga siya sa kama at napaisip ng sandali. Inaalala niya yung lalaking kumausap sa kanya sa bar counter.

"Sino kaya siya?" Aniya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro