Kabanata 2
Pagkauwi ni Raffy sa kanila. Inayos niya ang kanyang sarili. Kahit na hindi naging matagumpay ang kanyang pagmanman. Alam niyang darating ang araw makikita niya rin ang lalaking yun.
Nang dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Nag-imbistiga siyang mag-isa. Kahit alam niyang gumagawa ng paraan ang mga pulis. Dahil hanggang ngayon hindi pa nalulutas ang kaso ng kanyang ama.
Ayaw niyang tumunganga lang at maghintay sa mga posibleng kabaguhan ng kanilang mga balita.
Besides she's working in an agency. And she's brilliant and snappy. Lahat ng fields ng pagiging isang secret agent. Ay pinag-aralan niya at pinagtuunan niya ng pansin. Magaling siya sa lahat ng iyon.
She decided to engage this kind of job because of her late father. Kaya siya pinangaralan bilang "One of the Outstanding Agent" in their company.
Mahigit kumulang na tatlong taon niya rin iyong pinaghirapan. Makuha lang ang isang titulo na gusto niya.
She's terribly and definitely a fighter. She never loses and she will always win. Kahit anong gawin ng mga lalaki ay kaya rin niya. A black belter and a sharp shooter never misses her target.
Dalubhasa siya sa aspetong iyon. Marahil yung ibang bagay na alam niya. Ay karagdagan nalang sa kanyang kaalaman.
Dahil magaling siyang babae. Napakagaling! Kahit kasamahan niya sa ahensya. Hindi nakakapagpatumba sa kanya.
Dahil bihasa siya sa trabahong pinasok niya. Pinag-aralan niya ito ng husto para asintahin ang taong may sala sa kanya!
Suddenly she turn on her computer. Para matingnan uli ang laman ng cd tape na matagal ng ibinigay sa kanya. Ilang beses na niya iyong pinanood noon. Bagama't hindi niya matapus-tapos.
Habang maagap niyang pinanonood ang footage. Nakita niya na may dalang isang folder ang kanyang ama. Habang kausap ang isang lalaki.
Kaya inabangan niyang talaga ang takbo ng pangyayari. Sa laking gulat niya ay bumunot bigla ng baril ang lalaking kausap ng kanyang ama. At mabilis na nagpakawala ng bala! Namatay ito.
Halos hindi niya lubos maisip ang kanyang nakita. Ito palang eksenang ito ang hindi niya nasaksihan. At ngayon gusto na niyang tapusin hanggang dulo ang footage.
"Hindi! Huwag!" Napasinghal niyang sabi. Na napatikom niya ang kanyang bibig. Dahil nakita niyang ang kanyang ama na naman ang tinutukan ng baril. Napalunok siya't namamawis sa nginig.
Kitang-kita niya kung paano nito tinakot ang kanyang ama. Mabuti nalang at hindi tinuloy ng gagong lalaki ang binabalak niya.
Umalis na ang lalaki. At ang naiwan roon ay ang kanyang ama at ang duguang lalaki na nakaupo sa tapat ng mesa. May sinulat ang kanyang ama sa papel at ibinulsa ito.
Lumapit naman ang kanyang ama sa pinagkukuhanan ng camera. At nawala nang bigla ang koneksyon nito. Then it turn black!
Ini-rewind niyang muli ang footage. At nilakihan ang kuha nito para makita niyang mabuti kung sino ang taong may hawak ng baril.
Malaki ang suspetsya niyang may kinalaman rin ito sa pagkamatay ng kanyang ama.
She double click the screen monitor. Para luminaw ang pagkakakuha ng footage. Hanggang sa nakita na nga niya ang mukha ng lalaki.
"His face is so familiar. I just don't know where or when I saw his face." Napakuyom niyang ani.
"Don't worry dad. Papatayin ko ang lahat ng taong may kinalaman sa pagkamatay mo." Nagagalit niyang sabi.
"Subalit bakit mo kinukunan ang panyayaring ito. Ano ba talaga ang trabaho mo dad? Maliban sa pagiging isang GM." Nagtatanong na ani ni Raffy.
Hindi siya makatulog dahil sa kanyang nakita. Kahit hindi pa masyadong malinaw ang lahat. Isa lang ang alam niya may alas siya. At itong cd na ito ang alas niya!
Subalit ang tumatakbo sa kanyang isipan ngayon. Kung bakit kinunan ng kanyang ama ng pangyayari?
Ano ba talaga ang naging trabaho nito sa kompanyang pinapasukan? Ano ang koneksyon ng kanyang ama sa lalaking nakaupo at maging sa kausap nito? Naging palaisipan tuloy sa kanya ang cd tape na iyon at ang mga pangyayari.
* * * * * *
Kinabukasan, nagising si Vernon sa tunog ng kanyang alarm clock. Maaga siyang gumigising dahil may daily routine pa siyang gagawin.
Pumunta siya sa banyo at naghilamos at pagkatapos nagbihis. He wears sleeveless and jogging pants.
He always do his jog. Every thrice or twice a week. Depende kapag hindi pagod ang katawan niya.
Lumabas siya sa kanyang condo at tinahak ang lobby patungong elevator. Akmang sasara na sana ang lift. Tumigil ito at marahang bumukas.
"Hi... Vernon." Bati ng isang babae na naka-jogging attire rin.
"Hello." Tipid niyang sabi.
"Mag-jojogging ka?" Ani nito tila ba nang-aakit. Maganda naman ito at sexy. But this is not the kind of girl he likes.
"Obvious naman sa itsura ko diba?" Pabalang niyang sabi para bang umiba ang mood niya.
"Aray naman... nagtatanong nga lang. Ikaw naman." Napangiting ani pa nito sabay tapik sa balikat niya. At napatingin siya roon.
Napabumuga na lamang siya ng hangin. Para mawala ang pagkainis niya rito.
"Sabay na tayo Vernon. Sige na please." Ani nito na parang tuta kung magmakaawa sa kanya. Napaismid na lang siya.
"Fine but I won't be long." Aniya at bumukas na ang lift. Magkasabay silang lumabas.
"Good morning ma'am, good morning sir." Bati sa kanila ng receptionist.
Tumango lang siya at marahan niyang binilisan ang paglakad.
"Vern! Wait for me." Tawag sa kanya ng babae. Nang nakalabas na siya sa mismong building. Subalit parang hangin lang ito sa kanya. Naabutan siya nito dahil nag-warm up pa siya.
"This is so fantastic don't you think?" Anito na nagbabadyang magsimula ng usapan.
"I don't think so. Anyways I have to go ahead." Aniya at nagsimula ng tumakbo papalayo rito.
"Vern!!! Wait for me!" Pasigaw na wika nito. Talagang wala siyang balak na lubayan nito...
"Dammit!" Napamura siya ng maabutan siya nito.
"Ang bilis mo naman Vern." Anito.
"Masyado ba akong mabilis? Ay pasensya na pero nagmamadali kasi ako." Aniya at pinagpatuloy ang pag-jogging papalayo sa babae.
* * * * *
"Anak gising na." Ani ng ina ni Raffy habang kumakatok sa pinto niya.
Napabangon siya mula sa pagkakahiga. Napahikab siya ng kaunti.
"Anak, bilisan mo na riyan. Mahuhuli ka na sa trabaho mo."
"Yes ma." Aniya at bahagyang tumayo at inayos niya ang kanyang kama kasali narin ang mga bed sheets niya.
Bumaba na siya sa hagdan at tumungo sa kusina.
"Anong ulam natin ma?" Aniya sabay halik sa pisngi nito.
"Ang paborito mo." Nakangiting ani nito sa kanya. Umupo narin siya at nagsimula ng kumain.
Noon ay kompleto pa sila sa hapag. Ngunit ngayon ay dadalawa nalang silang mag-ina.
Dahil sa tumatakbo ang oras. Nagmamadali rin siyang kumain. Raffy is not like any other girls. Na parang wholesome kung kumilos.
Raffy is different because she's so cool and amazing girl. Dahil bihira lang ang babaeng kagaya niya. Bukod sa maganda na nakakapanindig balahibo pa. Lalo na't makikita mo siyang magagalit.
Nako, siguradong matatamaan ka. Ganyan si Raffy napakaastig at alaskang babae.
Pagkuway ay mabilis siyang umaakyat sa itaas. At naligo siya't nagbihis. She always wear her favorite garments. Na angkop sa kanyang trabaho. White inner polo shirt for woman, black suite and slacks.
"Ma, mauna na po ako." Aniya sabay halik sa pisngi ng ina.
"Mag-ingat ka anak." Anito sa kanya. Pagkatapos ay umalis na siya't sumakay sa kanyang motor.
Nakakabighani talaga siyang tingnan. Kaya nang makarating na siya sa building nila. Napapatingin talaga ang mga kasamahan niya.
Pinarada niya ang kanyang motor sa parking area. At lumakad siya papasok sa building.
"Goodmorning ma'am." Magalang na bati sa kanya ng gwardiya.
Marahan lamang siyang tumango. Ni isang ngiti ay wala. At nagpatuloy siya sa kanyang paglakad papasok na sa kanyang opisina.
Pumasok siya sa elevator at pinindot niya ang 5th floor button. Subalit bago pa ito nakasira ay may humabol sa lift ng elevator.
"Hi." Nakangiting bati nito sa kanya. Hindi siya umimik o ngumiti man lang. Sa lalaking nakasuot ng shades. Magara rin ang pamorma nito.
Napansin rin niyang hindi na ito pumindot pa ng ibang floor. Kaya napakibit balikat na lamang siya. They were going into the same floor.
Nang bumukas na ang lift ng elevator. Bahagya pa itong yumuko.
"Ladies first." Anito sabay ngiti sa kanya.
"Thanks." Tipid niyang sabi at lumabas na sa elevator. Ni hindi man lang siya lumingon. Kaya tinahak na niya ang hallway patungo sa kanyang opisina.
"Good morning Raff." Bati sa kanya ni Ellie.
"Good morning." Ngiting aniya.
"Sabi ni boss may meeting raw kayo."
"Okay, thanks El."
"Your welcome." Anito at pagkatapos niyang nilapag amg kanyang gamit sa mesa. At pumunta kaagad sa conference room.
Pagbukas niya ng pinto ay naroon na ang kanyang boss na may kasamang lalaki. Nakatalikod itong nakaupo kaya hindi niya makita ang mukha.
"By the way, Mr. Gilbertson I'd like you to meet Rafaela Villafuerte. One of my best agents." Pakilala ng kanyang boss na si Mr. Ramiro.
"Nice to meet you Mr. Gilbertson." Aniya sabay lahad ng kanyang kamay rito.
"Nice to meet you too Ms. Villafuerte."
Nakangiting ani pa nito ng tinanggap ang kamay niya.
Hinawi niya kaagad ang kamay niya. Umupo sa bakanteng upuan.
"I called you guys because I have an assignment for you two." Pasimula ng kanilang boss at naglahad ito ng dalawang case folder.
"Sa katunayan, matagal na ang kasong ito na hindi pa nalulutas ng mga awtoridad. Dahil sa wala silang makitang lead sa taong dumukot at pumaslang kay Mr. Lee. Humingi sila ng tulong sa atin na kabilang sa Top Secret Agency." Patuloy na esplika nito sa kanila.
Pabuklat niya ng folder litrato kaagad ng biktima ang kanyang nakita.
"And aside from that we are not the only one who's holding this case."
"You mean there is another agencies involve?." Tanong pa ni Gilbertson.
"Yes, kaya dapat galingan niyong dalawa. Dahil sa inyo nakasasalalay ang pangalan ng kompanya. Kung maaari tayo ang makakalutas sa kasong ito." Ani pa ng kanilang boss. Napatango na lang silang dalawa.
Kunsabagay, gayundin naman siya ayaw niya rin matalo sa kahit anumang laban.
"Yes boss." Sabay pa silang dalawa.
"I'm counting on you two. I know you can handle this case and beat the other agencies." Dagdag pa ng kanilang boss.
"Okay boss. We will do everything we can, right Ms. Villafuerte?" Baling pa ni Gilbertson sa kanya.
"Of course." Aniya.
"That's good. You can go now." Anito sa kanila.
At tumayo na siya pinagbuksan din naman siya ng binata ng pintuan. Kiming ngumiti na lamang siya.
"So, Mr. Gilbertson do you know hows the other agency is?"
"I'm sorry Ms. Villafuerte but I don't have any idea. And please stop calling me with my lastname. Just call me Jaden. Parang hindi naman tayo magpartners niyan." Ani pa nito sa kanya.
"Okay Mr. Gilbert-- ah este Jaden pala." Napalingang aniya.
"See you around Rafaela."
"Okay." Matipid niyang sabi at pumasok na sa kanyang opisina. Habang binabasa niya ang kasong ibinigay sa kanya.
Napag-alaman rin niyang galing pala ito sa mayamang pamilya si Mr. Lee. Na may mga iba't- ibang negosyong naipundar dito sa Pilipinas.
Kabilang na sa mga ari-arian nito ang gasoline station, furniture manufacturing at may malaki rin itong kompanya at marami pang iba.
Mahilig rin itong mag-casino. Sa katunayan matapos nitong maglaro sa isang sikat na Casino. Sa mismong parking lot ng lugar ito dinukot ng isang nakaitim na van.
Hindi mahagilap ang mga mukha nito dahil sa naka-bonnet sila. Napagdesisyunan niyang pupuntahan niya ang lugar na iyon. Para alamin ang lahat.
At kung bakit ito dinukot? Posibleng may kaaway ito. Kung anuman yun. Aalamin niya. Magsasaliksik siya tungkol rito.
Alam niyang hindi maging madali ang lahat. Pero pagsisikapin niya na malutas ang kasong ito. Kasama ang kaso ng kanyang ama.
A/N
Guys... please give me some comments and votes kung ano pong masasabi niyo sa kwento ko. Pasensya na po kung natagalan ang ud ko... :( may inaasikaso kasi ako... sana maintindihan niyo..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro