Kabanata 19
Isang makalat na sala ang bumulantang sa kanya. Ang bawat sulok ng kanilang bahay ay tila hinalughog ng masasamang loob.....
"Ma!...." kumaripas siya ng takbo para hanapin ang ina. Tumungo siya sa kuwarto nito ngunit wala ito roon.
"Ma!......" sigaw niya. Tumungo na naman siya sa kabilang kuwarto wala din ito roon. Halos nalibot na niya ang itaas maging ang ibaba ng kanilang bahay. Pati likuran ng bahay ay wala parin ang kanyang ina.
"Ma!..... Sinong may gawa nito? Magbabayad sila..." napaiyak niyang tugon na napaupo sa sahig na nakayuko ang ulo.
"Raff, I think you need to read this. I found it in your dining table." Isang sulat ang inabot ni Vernon sa kanya.
Pinahid niya ang mga luha at kinuha ang sulat. The writtings was clearly. It was a threat.
"Hand over the files and the cd tape. Or else your mother will die. Meet me at the abandone garage at Lucena this 10am."
Ps: If I were you, hindi na ako magdadala ng squad.
Binasa niya ang sulat. Gusto niyang magwala, sumigaw sa takot na saktan ang kanyang ina.
Kaagad naman'g may kinausap si Vernon sa cellphone nito.
"Raff, wag kang mag-alala papunta na ang mga tauhan ko rito. Para maimbestigahan kung sino'ng nasa likuran ng lahat ng ito. Do you know something about that tape?" He asked.
"Hindi ko nga rin alam. Unless....." nang napaisip siya sa isang cd tape na nasa kamay niya na matagal na niyang tinatago.
Tumayo siya at tinalunton ang daan patungo sa kanyang secret room. Nasa likuran iyon ng kanilang bahay. At hindi iyon makikita dahil wala ka naman'g makikitang pintuan.
Pagkuway pinindot niya ang isang parte ng haligi ng bahay. At bumukas ang lagusan papasok roon.
"This is my hideout. Sekreto sana ito subalit narito ka na at kasama ko. I have no choice but to expose this." Aniya.
"It's alright." Tugon nito.
Nakapasok na sila sa loob at sumara ang lagusan. It's so dark. Pinindot ni Raffy ang main switch ng kanyang secret room. Bumukas ang ilaw at isang napakalaking kuwarto ang bumungad sa mga mata ni Vernon.
Naroon ang motor ng dalaga nakaparada sa may sulok. This room was huge and has so many guns. Iba't-ibang klase pa. Napahanga ang binata ngunit hindi naman siya nagtataka. Dahil bilang isang agent talagang may mga ganinong bagay kang tinatago.
Hinanap ni Raffy ang cd tape na kanyang naalala. Kinuha niya ito sa jacket ng yumaong ama.
"I don't think this is the tape his trying to say." Aniya sabay pakita nito sa binata.
"What's this?" Tanong nito.
"Ito ang huli't huling habilin ng pumanaw kung ama. He held me this tape. Maybe it was an evidence to something. At malakas ang kutob ko na may kinalaman ang taong ito sa pagkamatay ng aking ama." Mariin niyang sabi.
"Papatayin ko talaga siya. Kung sino man ang taong ito." Dagdag niya na may bahid na galit.
"I'm here for you no matter what." Niyakap siya ng binata. Raffy knows that it was comforting. But for now, all she can feel is rage and revenge. Hindi pala ang mga Montebello ang nasa likod ng lahat. Ngunit sino? Sino ang talagang may kinalaman ng lahat ng ito? Sa ngayon isa lang ang alam niya ang mailigtas ang kanyang ina.
Lumabas na sila roon. Dahil sa may narinig silang mga yapak ng paa sa itaas.
Tinago niya muna ang tape sa suot niyang jacket. Umaakyat sila pabalik sa kanilang bahay.
"Carlo.. Kailan ka pa dumating?" Ani ni Vernon ng makita ang pinsan.
"Kahapon lang, anyways anong nangyari dito?" Tanong nito nang makita ang kabuuan ng bahay.
"Pagdating namin ganito na ang bumulantang samin. Her mother was missing and they leave a note Carlo." Ani ni Vernon sabay bigay ng sulat.
"By the way, Raffy this is Carlo my cousin." Ani ni Vernon.
"Hello." Sagot niya ngumiti lang ang pinsan ni Vernon.
"We will do anything to help you Raffy." Tugon ni Vernon.
"Of course, don't worry Raffy. Vernon will do anything for you." Ani pa ni Carlo sabay tapik sa balikat ni Raffy.
"Salamat. Hindi ko na talaga alam kung saan ako magsisimula." Malungkot na sagot niya.
"Wag kang mag-alala hindi naman namin pinapabayaan ang mga taong malapit sa'min, diba Vernon?" Ani nito at kumawala ng pilyong ngiti kay Vernon. Napansin niyang naningkit ang mga mata ng binata. Pero binalewala lang niya.
Kalaunan ay nagpaalam na rin ang pinsan nito sa kanila.
"I want you to come with me at our base. Para mapag-planuhan natin ang lahat. My colleagues will take care of this. I'm sure may mga bakas pa dito na naiwan ang kalaban." Ani ni Vernon. Alam niyang binubuhayan siya ng loob ng binata. Subalit hindi niya maiwasang di mag-alala para sa ina.
Pumayag siya sa sinabi nito. This is for her family. She will do anything, para lang sa ina . Maging sa kaso man ng yumao na ama.
Medyo may kalayuan ang lugar na sinasabing base ni Vernon. Pero hindi iyon magiging dahilan para maging kampante siya.
"It will be alright." Anito sabay hawak sa kamay niya habang sila'y bumabyahe.
Kimi siyang ngumiti. " Salamat ha." Tugon niya.
Ilang sandali lang ay dumating na sila. Isang malawak at malaking bahay ang bumungad sa kanya. Nang pinagbuksan sila ng gate. Sa unahan may nakita siyang apat na nakaparadang sasakyan.
" This is our base. Our private headquarter for our family. Especially in this situation." Ani ng binata.
Tango lang ang sagot niya. "Because your closes to me." Malumanay na dagdag pa ng binata. Simple words makes her interest sparks again. Pero hindi niya iyon binigyang kabuluhan.
Bubuksan na sana niya ang pinto ngunit pinigilan siya nito. Vernon step out to his car and opens the door for her.
"Thank you." Aniya.
Tinalunton nila ang daan papasok sa bahay. Hindi niya magawang mangusisa pa. Ang mas mahalaga sa kanya ngayon ay ang ina.
Pagpasok nila sa bahay ay may mga tao ng palang naroon. Nakita niya rin so Carlo.
Nasa salas ang lahat at pinakilala naman siya ng binata sa mga taong nandoon.
Jed, Nathaniel, Carlo and their Uncle Damian was there.
"Tito, siya nga pala may cd tape na gustong makuha ang taong dumukot sa mama ni Raffy." Simula pa ni Vernon.
"Let's discuss this to the office. " anito. Sumunod naman sila rito. Tiyak ngang mayaman ang lahi ng mga Montebello. Dahil hindi ito isang bahay lang subalit. Isa itong mansyon.
Nakaupo siya sa tabi ni Vernon. Matapos niyang ibigay ang cd tape sa tito nito para mapanood nilang lahat. Silent was in the midst of them. Habang pinapanood niya ang kanyang ama sa monitor.
Hindi niya maiwasang mapaluha. She barely remembered her dying father in her arms. Suddenly, she became emotional. At mabilis niya rin pinahiran ang kanyang luha gamit ang kamay.
"I knew it, may koneksyon ang taong ito sa dumakip sa iyong ina hija." Ani ng uncle ni Vernon.
"But Tito, patay na ang taong iyan." Sambit pa ni Carlo.
"His dead yes, but he has a son. Fredrick Jade is alive. Mahirap siyang matunton dahil nagpapalit siya ng identity. Just to cover up his smuggling business. We better move now or else it will be too late for us." Seryosong sabi pa nito sa kanila.
At pinagplanuhan nilang maigi ang pakikipagkita sa kalaban. Gumawa rin sila ng isang kopya ng cd tape.
Nang biglang tumunog ang cellphone ni Raffy. Kinuha niya iyon sa kanyang bag. Unknown Number.
Tumahimik ang lahat ng naroon. At tinanguan lang siya ni Vernon. Hudyat na sagutin ang tawag.
"Hello?" Aniya sa kabilang linya.
"Akala mo hindi ko alam ang pinanggagagawa mo. Humingi ka pa ng tulong!" Asik ng kausap niya sa kabilang linya.
"Anong pinagsasabi mo?" Sagot niya.
"Kung gusto mo pang makita ang dakila mo'ng ina. Ihatid mo na ang hinihingi ko ngayon din. Dahil kung hindi. Di na masisikatan ng araw ang nanay mo!"
"Huwag mong saktan ang mama ko!"
Napalakas ang boses niya.
"You have three hours. Kundi sasabog ang bungo nito." At pinutol na ang tawag.
Nanginginig siya sa galit at takot na baka patayin ang kanyang ina. Napaiyak siya't mabilis naman umalalay sa kanya si Vernon para yakapin siya.
"Don't worry we will going to find her and this person will pay the price." He assured it.
"May tatlong oras lang ako para mahatid ko ang hinihingi niya. Alam ng taong kumidnap kay mama na tinutulungan niyo ako." Iyak niya.
"Okay, three hours is long enough. Guys, you know what to do. Magkita na lang tayo sa hideout ng kalaban. Vernon you should stay with her."
Tumango lang si Vernon at kanya-kanya na silang umalis sa mansyon. Kasama niya ang binata patungo sa lugar na iyon. Nag-taxi lang sila.
Magkahawak ang kanyang kamay dala ng tensyon. Hindi madali ang lahat ng ito. Pati ang ina niya nadamay pa.
Pagkuway marahang hinawakan ni Vernon ang kamay niya. He smile at her.
"Don't worry. It will be over soon." Sabi nito na may determinasyon sa sarili.
"Thank you."
At sandali lang ay tumigil na ang taxi sa sinasabing lugar. May kalayuan ang kanilang binabaan.
"Be careful." Sabi nito. Tumango lang siya. Sa halip na tumalikod bigla siyang niyakap nito. Nabigla man siya pero ramdam niya ang pag-aalala ni Vernon sa kanya. Napahawak siya sa likod nito.
"Be careful." Ulit nito.
"I will. Don't worry." At kumawala siya sa yakap ng binata. Lumakad papalayo rito. Hindi ito ganun kadali. Dahil hindi niya alam ang lunggang papasukin niya.
Narating na ni Raffy ang abandunadong gusali. Tahimik. Subalit kailangang mag-ingat.
Nang papasok na siya roon. Nang biglang may tumutok sa kanyang ulo ng baril mula sa kanyang likuran.
"Lakad." Sabi nito. Sinunod naman niya ang sinabi ng lalaki.
Nakapasok na nga siya sa loob. May kadiliman ang lugar ngunit may mga ilaw parin'g nagsisilbing liwanag dahil sa mga posteng naroon sa labas ng gusali.
Nakita rin niya ang mga tauhan ng kalaban nila. Na nakakalat sa bawat sulok ng gusali. Nag-aabang. Naghihintay. Muntikan na siyang madapa dahil tinulak siya ng lalaki.
"Ang bagal mo'ng maglakad." Sambit nito.
"Saan ang mama ko?" Tanong niya sabay lingon.
"Maghintay ka." At biglang na lang tinakpan nang tela ang kanyang ulo at tinalian ang kanyang mga kamay ng lubid.
"Saan niyo ako dadalhin?" Nagpupumiglas niyang sabi.
"Tumahimik ka kung gusto mo pang mabuhay!" Sigaw nito sa kanya at hinila siya nito para mapasunod siya.
Wala siyang makita kundi ang dilim. Gusto niyang sumigaw. Pero hindi maaari.
Ilang sandali lang ay hinawakan ang magkabilang braso niya at pinaupo siya.
Napalinga-linga siya dahil sa kasikipan ng muntik na siyang hindi makahinga.
"Sige tanggalin niyo na yan." Utos pa ng lalaki na medyo pamilyar sa kanya ang boses.
At marahas ng tinanggal ang telang nakabalot sa kanyang ulo. Napahinga siya ng malalim.
"Kumusta na Raffy? Nag-enjoy ka ba sa munti kong palabas?" Tanong pa ng lalaki na nasa kalayuan. Hindi niya maaninag ang mukha dahil sa madilim na sulok ito nakatayo.
"Sino ka ba? Bakit mo ko kilala? Nasaan ang mama ko?"
"Hey...hey... Isa-isa lang, andami mong tanong." Tumawa pa ito ng malakas.
"Ang ganda mo'ng tingnan kapag pinapahirapan ka alam mo ba yun." Ani nitong sabay lakad papalapit sa kanya. Nang maaninag na ni Raffy ang mukha nito. Nanlaki ang kanyang mga mata.
"Walang hiya ka talaga! Ikaw ang mastermind nang lahat ng ito! Hayop ka talaga!" Tatayo na sana siya para sugurin ang lalaking kilala niya.
"Hep...hep... hep... Baka nakakalimutan mo ata'ng hawak ko pa ang ina mo." Pananakot nito sa kanya.
"Walang hiya ka talaga Jaden! Your a terrible double agent! Tinuring pa naman kitang kaibigan hayop ka!" Bulyaw niya rito. At marahas itong lumapit sa kanya sabay hawak sa kanyang mukha.
"Kasalanan ito ng magaling mong ama! Kung hindi lang siya naging pakialamero! Hindi ako magkakaganito!"
"Hayop ka talaga!" bulyaw niya rito. Sinampal naman siya nito. Napalinga ang kanyang ulo sa lakas ng pagkasampal.
"Wala ka talagang kasingsama. Pati mama ko dinamay mo. Mabubulok ka sa bilangguan!" Galit na wika niya.
"Talaga lang ha? Bakit naniniwala ka ba'ng ililigtas ka ng knight and shining armor mo?" Mapakla itong napatawa. Hindi siya makapagsalita. Dahil sa sinabi nito. Anong ibig sabihin nito?
"Kawawa ka naman, hindi na kayo masisikatan ng araw. Kayo ng ina mo. Akala siguro ng magaling mo'ng tagapagligtas ay makakapasok siya ha!." Tumawa pa nito sabay haplos sa kanyang pisngi. Sa sobrang galit niya dinuraan niya ito sa mukha.
Halos di maipinta ang inis nito sa ginawa niya. Pinunasan nito ang mukha gamit ang panyo nito. Pagkatapos ang mabilis siyang sinunggaban at hinila ang kanyang buhok sa likod.
"Talagang inuubos mo ang pasensya ko, babae ka!" Kinapa nito ang suot niyang jacket.
"Bakit cd tape lang itong dala mo!? Nasaan na ang files?! Bakit hindi mo dala!?" Bulyaw nito sa kanyang mukha.
Nang may bigla silang narinig na putok ng baril.
"Ano yun? Tingnan niyo bilis!" Utos ni Jaden sa kanyang mga tauhan.
"Talagang ginagalit mo ko. Halika dito." Hinala siya nito.
"Saan mo ko dadalhin?" Aniya.
"Para sabay na kayong mamamatay ng nanay mo. Tutal hindi mo naman dala ang hinihingi ko. Tatapusin na kita. Kayo ng ina mo!" Ani nito sabay tawa na mala-demonyo. Gustong-gusto niya talaga itong sapakin, bugbugin hanggang sa mabasag ang mukha nito. Kahit na naging kaibigan niya ito wala parin'g kapatawaran ang ginawa ni Jaden sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro