Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

Nanlaki ang kanyang mga mata. Dahil kilala niya ang bawat tindig at galaw ng taong iyon.

"Bakit siya andito? Kailangan hindi niya ako makita." Nagmamadali siyang tumayo at umalis sa lugar. Sa halip na maglakad ay pumara siya ng isang traysikle na dumaan malapit sa plaza at sumakay.

"Saan po tayo, ma'am?" Tanong ng driver.

Subalit hindi niya yun narinig dahil naiwan ang kanyang diwa sa taong kanyang nakita. Nilingon niya ito sa huling pagkakataon.

Bagama't may kalayuan na sila sa mismong lugar.

"Ma'am, mawalang-galang na ho. Saan po ba ang punta niyo?"

"A-aah, manong sa Montgomery Real Shop ho." Sagot niya.

Hindi naman gaanong malayo ang shop na ito. At halatang iisa lang ito sa lugar.

"Andito na ho, tayo." Anito.

"Magkano po?"

"Sampung-piso lang po." At binigay niya rito ang kanyang pambayad. Iba ang pumasok sa kanyang isipan.

"Ang Montgomery ay isang carshop ng mga sasakyan." Mahinang usal niya. Habang hawak ang kanyang camera.

Nang may isang taong napadaan sa tagiliran niya.

"Ma'am may bibilhin ho kayo?" Tanong nito.

"Ah, napadaan lang may nakapagsabi kasi sakin maganda ang serbisyo niyo rito. Yung sinabi mo na kung may bibilhin ako, ang ibig mong sabihin ay nagbebenta din kayo?" Paninigurado niya rito.

"Aba! Opo, kung gusto niyo pumasok po muna kayo." Niyaya siya nito.

"Sige po." Sagot niya.

Habang naglalakad siya ay inayos niya ang adjustment ng kanyang relos. Hindi kasi ordinaryong relo lang iyon. Isa rin iyong spy camera. Kaya naman kahit na naglalakad siya, panay rin ang pagkuha niya ng litrato.

"May kalakihan din po pala ang shop ito, ano ho manong ?" Puna niya rito.

"Oo ho ma'am, sa katunayan kami lang po rito ang may maayos at malinis na magtrabaho sa lugar na ito."esplika nito may garantisado.

"Ganoon ho ba?" Nang may napansin siyang isang Subaru sa may bandang unahan.

"May mga sportscar din ho palang nagpapaayos dito?"

"Opo, mas kampante kasi sila sa amin ma'am." Sagot nito sa kanya. Lumapit siya ng konti may kutob kasi siyang brandnew ang sasakyan. Kaya sikreto niya itong kinunan ng litrato pati yung plate number.

Ilang sandali pa ay nakapagdesisyon na siyang umuwi.

"Manong mauna na ho ako. Salamat ho, balik na lang po ako sa susunod."

"Sige ma'am." Sabay ngiti.

Nang nakalabas na siya sa shop. Ay kaagad siyang pumara ng traysikle. Tamang-tama pakaupo niya ay may dumating na isang sasakyan na tinted.

Mabilis niyang kinunan ng litrato ang sasakyan pati na ang plate number.

"Mas mabuti ng maraming pweba kaysa sa kulang." Aniya sa kanyang isipan.

At umalis na sila sa lugar na iyon. May kutob siyang posibleng makakakuha siya ng positibong ebidensiya para sa kasong kasalukuyan niyang hinahawakan.

Nang huminto ang traysikle sa tapat ng gate ng apartment. Inaabot niya rito ang bayad at pumasok agad sa loob ng bahay.

"Hija, nariyan ka na pala. Kumusta ang paggala mo sa lugar namin?" Tanong pa ng matanda ng nagkasalubong sila sa salas.

"Okay naman ho, iba lang po pala talaga ang probinsiya Manang. Kung ikukumpara sa kamaynilaan."

"Aba'y syempre naman, malayo sa polusyon at ingay lalong-lalo na sa daloy ng trapiko. Napaka-toxic ika nga sabi nila."

"Opo, may katwiran ho kayo. Ah.. sige po akyat po muna ako."

Tumango lang ang matanda pagkuway umakyat siya at tumango sa kanyang kuwarto. Nang nakapasok na siya, ay kaagad niya ini-upload ang lahay ng mga pictures na kanyang nakunan.

Afterwards, she send an email to her boss and attach the important pictures that she gather.

May dinayal siyang numero sa kanyang phone.

"Hey Nicks, I sent an email in your account. I want you to locate the plate number. Thanks." Aniya sa kabilang linya at ini-off ang phone.

Habang iniisa-isa ang bawat larawan ay may biglang kumatok sa kanyang pintuan.

"Sandali lang." kaagad niyang isinar ang kanyang laptop at dumukwang patungong pintuan.

"Ano yun?" Sambit niya ng binuksan ang pinto.

"Pinapasabi kasi ni Manang na kakain na tayo."

"Ah ganoon ba? Pero nakakahiya naman kung sasabay ako sa inyo. Infact kakarating ko lang."

"Naku, hayaan mo na. Mas maganda nga yun. The many the merrier, ika nga. By the way, I'm Isabella." Anito sabay lahad ng kamay.

"Rafaela but you can call me Raffy."

"Isabella, ano na?" Pasigaw na ani ni Manang sa ibaba.

"Tayo na Raff, ganyan talaga rito."

"Okay, sabi mo eh." Nakangiting aniya.

Sabay silang bumaba patungong dinner area. Medyo may kalakihan kasi ang bahay na iyon. Kaya sabay-sabay silang kumakain.

"Hija, maupo ka. Pasensya ka na sa naging tradisyon namin dito sa bahay. Talagang ganito ang pamalakad ko. Kailangang lahat tayo ay sabay-sabay kumain." Esplika pa ng matanda.

"Walang anuman ho yun, sa katunayan mas mainam na po ito. At least nagkakaroon din ng bonding kahit papano." Sagot niya.

"Tama ka dyan sis." Sabat pa ng isang babaeng naghahain ng ulam sa lamesa.

"Siya nga pala, Raff ito nga pala si Alexis, Ronna, Larrie, Isabella and Viaranna. Yung iba ay nakaalis na may trabaho kasi. Alam mo na call center agent."

"Ah... ganoon po ba. I'm happy to meet you all." Aniya.

"Oh siya, maupo na tayong lahat at makapagdasal na."

Larrie lead the prayer as their going to partake the food. Nang matapos na itong magdasal ay kumain na sila.

"Raffy, matanong ko lang. Ano bang pinagkakaabalahan mo rito sa Cebu?" Usisa pa ni Ronna.

"Uhm... may ginagawa kasi akong project rito na kailangan kong tapusin kaagad." Pormal niyang sabi.

"Ano naman'g klaseng project?" Tanong naman ni Alexis.

"Establishment ng isang kompanya."
Sagot niya.

"Kaya pala." Nakatangong sagot pa ng mga ito.

"Sige na, tama na iyang mga tanong na iyan. Kumain muna kayo." Saway pa ni Manang.

Nakangiting napalingo nalang siya. Dapat nga talagang mag-ingat siya sa mga ito. Dahil sa isang pagkakamali lang niya. Masisira ang lahat ng pinagplanuhan niya at mauuwi sa wala ang lahat.

"Dammit! I had to be more careful." Wika niya sa sarili.

* * * * * *

"Are you ready?" Tanong sa kabilang linya.

"What do you think of me? Still an apprentice?" Sarkastikong sagot niya sa kausap.

"I'm just tellin' you Vernon. If you blow this case off. You know it will be the first." Babala sa kanya ng kanyang kuya niyang si Jed.

"I know that, you don't have to remind me every now and then Jed. I have to pack my things." Pilosopong sagot niya rito at kaagad na pinutol ang tawag.

"I'm not a kid anymore Jed. If that what you think. I will never blow this case off." Mariing sambit niya habang iniimpake ang kanyang mga gamit.

Napatingin siya sa kanyang relo. Napamura siya. Dahil mag-aalas nwebe na ng umaga. He double check everything and left his condo.

Talagang nagmamadali si Vernon sa mga oras na yun. He doesn't want to fail. Infact, never pa naman siyang nagkamali o natalo man lang.

But as for the first timer in every cases. Talagang ini-small siya ng kanyang kuya. And he wanna make sure that this time he will be proud. At least by this time, he has something to brag too.

Hindi naman siya nahuli sa kanyang flight at kasalukuyang siyang nakaupo sa waiting area ng mga passengers...

Habang nakatutok ang kanyang mga mata sa kanyang phone. Hindi niya namalayan na ilang minuto na pala siyang ganoon.

"Hijo, okay ka lang ba? Batid ko kasing kanina ka pa nakatutok sa cellphone mo." Sambit pa ng kanyang katabi.... Napapitlag siya.

"A-ahm.. I'm fine, thanks." Napahikaw siyang napangiti at inayos ang pagkaupo. Pagkuwa'y tinawag na ang kanyang flight number at natural na nagpaalam sa katabi.

"Here it is. Let's see how far I can go in this mission." Sambit pa niyang papasok na sa eroplano.

Nang makaupo na siya sa kanyang seat number ay napasandal siya sa upuan at napapikit ang kanyang mata.

Magaan ang pakiramdam ni Vernon sa mga oras na iyon. Nang may isang babaeng nakaitim ang lumitaw sa kanyang namamayapang diwa.

It was black.... Everything was pitch black.... Except it's eyes! Those eyes are watching straight through him... Gusto niyang manatili sa kanyang tinatayuan......

Nang biglang nagka-turbulence ang sinasakyan niyang eroplano. Kung kaya napadilat siya.

"Pambihira. Panaginip lang pala." Sambit niya. Napabuntong-hininga siya sa pag-aakalang totoo ang nasa kanyang isip.

Nakalipas ang ilang minutong nasa himpapawid ay lumapag na ang kanyang eroplanong sinasakyan.

"Welcome to Mactan International Airport. This is your Captain Arguellez. Thank you for flying with us." Ani pa ng kapitan sa intercom.

Tumayo siya at kinuha niya ang kanyang backpack. Hindi gaanong karamihan ang kanyang dinalang gamit. Nang nakalabas na siya sa eroplano.

Ay tinalunton niya ang daan palabas ng airport. Nakatayo siya sa labas ng entrance. Kinuha niya ang kanyang phone sa bulsa and he turn off the airplane mode. May idinayal siyang numero at tinawagan ito.

"Hello, Carlo nasaan na ang tauhan mo?"

"Bakit hindi ka ba sinundo?" Tanong nito sa kabilang linya.

"Eto na kadarating lang. Sige mauna na ako." Aniyang nakita ang parating na sasakyang kulay itim. Na may sticker na Carlorinni.

"Okay, goodluck bro." At pinutol niya ang tawag.

"Sir pasensya na po at natagalan ako." Anito nang pagpasok niya sa loob ng sasakyan.

"Just drive." Pormal niyang tugon at sumunod naman ito sa kanya.

It was a long drive from airport to Carlorinni Hotel. Nang pinarada na ang sasakyan sa basement. Tahimik lang siyang bumaba at kinuha ang kanyang bagahe.

At tinalunton niya ang daan patungong elevator. He knows his attitude and when he is mad. He never talks.

Pinindot niya ang 9th floor at bumukas ang lift ng elevator. Pumasok siya't ilang sandali lang ay bumukas naman ang lift. Lumabas siya at tinahak ang lobby papunta sa kanyang kwarto.

Dahil sa katahimik ng lugar. He heard a shout of a woman. Napakunot noo siya. Kaya napatigil siya sa paglakad. Nang maisip niya na ibang sigaw pala yun. He just smiled. At pinagpatuloy ang paglakad patungo ng kuwarto.

Pinihit niya ang doorknob nang ma-swipe niya ang cardkey. Pagpasok niya ay kaagad naman niyang sinimulan ang mga kakailanganin niya.

That room is always been his fortress. Andun kasi ang mga gamit niya kapag nasa Cebu siya. His cousin Carlo gave them a room in each floor. Wala kasi sa lahi nila ang madamot.

Noong hindi pa ito napapatayo talagang pinagplanuhan nila ito ng mabuti. Na kung anong room at floor ang kukunin nila. Dahil iba ang magiging desenyo nito kaysa sa ibang kuwarto.

Mas double ang laki nito at mas magara rin ang desinyo. Tunay ngang sila lang ang nakakapasok sa mismong kuwarto na kinuha nila. Coz they cannot trust anyone.

Nang handa na ang lahat ng mga gamit niya. Umalis na kaagad siya sa hotel.

* * * * *

Lumipas ang umaga at lumalalim na ang gabi. Si Raffy naman ay nagbihis ng kanyang suit. At kinuha niya ang dala niyang tali at inilapat niya ito sa semento na nasa ilalim ng bintana para dumikit.

Nanghanda na ang kanyang pag-alis ay sinuot niya ang kanyang bonnet. Pagkuway hinay-hinay siyang bumaba sa bintana gamit ang tali. Ilang sandali ay nakababa na siya sa bahay.

Kung kaya't mabilis siyang kumilos papalabas roon. Hindi naging mahirap sa kanyang ang pag-akyat. Dahil may nakausling bakal sa pagitan ng bakod.

Mabilis ang kanyang pag-akyat at kaagad siyang nakarating sa labas ng bakod. Napalinga siya bago tuluyang tumakbo patungong Montgomery.

Nang di kalayuan ay pinagmasdan niya muna ang lugar gamit ang kanyang telescope. Galing sa isang punong kahoy.

Ang bawat sulok ng carshop ay may bantay. Na para bang isa itong high-end na kompany. Nakakaduda.

Nang ilang sandaling paghihintay ay nakakita siya ng spot, kung saan siya dadaan.

"It's my chance." Aniya at kaagad siyang kumilos ng mabilis at bumaba sa puno't tumakbo papalapit sa carshop.

Nang makalapit na siya sa bakod nito ay kaagad siyang umakyat rito. Nakapasok na siya sa loob ng carshop. Dahan-dahan siya sa bawat hakbang niya.

She already knew where to go. Kaya tinahak niya ang  napansin niyang pintuan no'ng isang araw. Nang mga oras na iyon ay walang nagbabantay kay nagmamadali siyang tumakbo patungo sa pintuan.

Huminga muna siya at pinihit ang pintuan. Nang binuksan niya ang pinto kaagad niya itong isinara. Madilim ang paligid. At kinuha niya ang kanyang maliit na flashlight.

Isang hagdan ang nakita niya. Sinundan niya ito hanggang sa maabot niya ang dulo nito. Nang marating niya ang ilalim. Isang malaking parking lot ang bumungad sa kanya.

Na mayroon pang iba't ibang klaseng sasakyan. Nilapitan niya ang isang kotse. Ito ay bagong modelo ng BMW na wala pang plate number.

"New model toh ah." Aniya at kaagad niyang kinunan ito ng litrato. Sa bandang dulo ng parking lot at may isang pinto. Tinalunton niya iyon para alamin kung ano ang nasa loob. She need an strong evidence for these smuggling cars.

Nang pinihit niya ang doorknob bago pa ito bumukas, ay may narinig siyang kaluskos. Nang mabuksan niya ang pinto ay nakita niyang nakabukas na ang isa sa mga drawers..

"Shit." Mahinang sambit niya. Lumapit siya rito at hinalughog ang files na naroon. Nakita niya ang isang brown envelope na may label na confidential.

At binuksan niya ito nang mabasa niya ang laman. Ay kaagad niya iyong kinuha. Isinara niya ang drawer nang may biglang tumakip sa kanyang bibig mula sa likuran.

Nagpupumiglas siya at bigla niya itong pinuwersahan ginamitan niya ng siko ang tiyan nito at mabilis niyang inapakan ang isang paa at sinuntok ang ulo patalikod.

Nabitawan siya nito at saglit na napayuko ang lalaki. Kinabahan siya dahil may nauna pa pala sa kanya.

"I'm not your enemy." Anito ng humarap ang lalaki sa kanya ay kinabahan siya. Subalit parehas silang naka-bonnet.

"I need that files. Please give it to me." Mariing saad nito hinawakan niyang mabuti ang dokumento.

"I won't." Sagot niya.

"Talagang inuubos mo ang pasensya ko." Agad naman siyang sinugot at tinakpan ang kanyang bibig.

"Anong ginagawa mo sa lugar na ito? Bakit isa ka rin bang spy?" Tanong nito na mariin siyang hinawakan sa kanyang braso.

Nakatutok lang siya sa lalaking kaharap niya. She can't say a word. Na para bang ang lakas ng kabog ng kanyang puso. Damn! That perfume is familiar to her.

"If your a spy then I want know who's our rival then."

Ayaw niyang malaman nito kung sino siya. Kaya nagpupumiglas siya. Subalit malakas ang lalaki. He block all her defenses.

Kaagad siyang napatalikod nito at mabilis na hinablot ang suot niyang bonnet at pinaharap siya nito. Kumakabog ang kanyang puso na humarap sa lalaki.

"Goddammit!" Mura pa nito ng makita ang mukha niya.

"Huwag kang maingay kung gusto mong makalabas rito ng buhay." Banta pa nito sa kanya. Magsasalita pa sana siya subalit para bang napaatras ang kanyang dila habang ito ay nagsasalita.

"Wear your bonnet and we have to get out of here." Utos pa nito habang hawak-hawak niya ang dokumento.

Umalis na sila sa kuwartong iyon na hawak-hawak ang kanyang kamay. Na tila bang may kuryenteng nagkokonektado sa kanilang dalawa.  Tinalunton nila ang parking lot patungong stairs. Wala kasing ibang daanan kundi doon lang.

"I put the guards to sleep. Kaya may ilang minuto lang tayo." Saad pa nito.

"Kaya pala parang wala akong nakitang guards kanina nung pagpasok ko." Aniya sa sarili...

Nang nakalabas na sila ng shop ay hawak parin nito ang kamay niya. Hinila siya nito patungo sa kabilang sulok ng shop.

"No...." pigil niya.

"We're running out of time." Anito sa kanya. Hinila siya nito para sumunod sa yapak ng lalaking hindi niya kilala. Wala siyang nagawa kundi ang sundin ito. Dahil alam niyang magiging delikado ang kanilang sitwasyon kapag naabutan sila ng mga kalaban.

Mas madali ang daan tinahak nila. Dahil may butas ng ginawa ang binata para mas mabilis silang makaalis. Nagmadali silang tumakbo hanggang sa may kalayuan na sila sa mismong carshop. May sasakyang nakaparada sa unahan.

"Sakay." Anito sa kanya.

"At bakit ako sasakay sa kotse mo? Kilala ba kita ha?" Pagsusungit niya rito sabay hubad ng bonnet.

"Because you don't know the people your dealing with." Sagot nito.

"That's why I'm here to investigate. Naunahan mo lang ako."

"Because I'm good at it. No, I'm the best of it." Pagtatama pa nito.

"Antipatiko." Sagot niya at tinalikuran niya ito. Mabilis naman itong nakasunod sa kanya at binuhat siya nito................

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro