Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16

Pagdating nila sa mismong lugar. Ay nanlaki ang kanyang mga mata.

Shit! Bakit dito niya ako dinala?! Biglang bulong niya sa sarili. It was an exquisite and expensive French Cuisine Restaurant. Ginapangan tuloy siya ng pagkakailang ng dahil sa suot niyang hindi angkop sa mismong lugar.

"Bakit di tayo pupunta?! Trip mo ba toh para mapahiya ako?" matigas na usal niya sa binata. Ngumiti lang si Vernon sa kanya.

"It's not a revenge Raff." Ani nito sabay hawak sa hibla ng kanyang buhok. Naniningkit lamang ang kanyang mga matang nakatitig sa binata. Habang kumakabog ang kanyang puso.

"I told you I wanna take you out for a dinner. Am I not allowed to do that? Dahil ba magagalit ang boyfriend mo?" Mapanuyong sabi nito na may kaakibat na mapunuksong ngiti.

"E-excuse me! Hindi natin napag-usapan kanina na mag-didinner tayo?! Besides, kung may boyfriend man ako sisiguraduhin kong hindi siya kasing tipo mo." Matigas niyang bawi rito. Dahil parang nadadali na siya sa mga mapanukso nitong mga tingin. Pakiramdam niya talagang sinusuri nito ang kahinaan niya hanggang sa bumigay siya rito ng unti-unti. But hell no!

"Raff ang dami mo pang sinasabi. Nagugutom tuloy ako ng husto." Isang kindat pa ang pinukol nito sa kanya. At napatitig pa ito mula sa kanyang mga mata pababa sa mga labi niya.

Napansin iyon ni Raffy kaya naman umayos siya ng pagkaupo at hindi na humarap sa binata. Ngumiti naman si Vernon sa naging reaksyon niya. Pagkuway huminto na ang sasakyan.

"Let's go?" Nakangiting tugon ni Vernon sa kanya. Umirap nalang siya at kusang lumabas ng taxi.

Lumakad siyang mag-isa na para bang walang kasama.

"Loko tong taong toh ah! Marami namang pwedeng pagkainan dyan bakit dito pa?!" Naiinis na bulong niya sa sarili.

"Napakafirst class naman dito." Nag-aalalang tugon niya sa sarili.

"Raff, I'm sorry." Biglang sambit pa ni Vernon sa kanya mula sa likuran habang naglalakad siya.

Kaya napahinto naman siya't napalingon rito. Napangunot-noo siya.

"For?" Nag-taas kilay niyang sabi.

"For taking you here without your permission. So may I dine with you?" Lumapit pa ito sa kanya ng dahan-dahan. At halos nanuyo ang kanyang lalamunan sa paglapit nito.

Gusto niyang iwasan ang malasuyong pag-aambang motibo ng binata. Subalit tila nanginginig ang kanyang mga tuhod na hindi niya magalaw ang mga ito.

"May I dine with you?" Muling sabi nito na may hatid na pagsuyo sabay lahad ng isang kamay nito mula sa kanya.

Slowly she cleared her throat saying...

"Try to fool them but not me Vernon." Seryosong usal niya sa binata at dahan-dahang huminga ng malalim.

"Hindi naman kita aanuhin, ba't ba ang seryoso mo. Lika na nga kain nalang tayo. Baka ano pang magawa ko sayo." Ani pa nito at nagpakawala ng pilyong ngiti sabay hila sa kanyang kamay patungong entrance ng restaurant.

She couldn't say a word. Tila ba naurong ulit ang kanyang dila. She knows these type of men. Na nagpapacute lang sa umpisa para makuha ang gusto nilang mangyari!

Halos madapa na siya sa paghila sa kanya ni Vernon.

"Ano ba!." Mariing hawi niya sa kanyang kamay ng matunton nila ang pintuan ng restaurant.

"Goodevening sir." Bati pa ng waiter.

"Table for two please." Pormal na tugon ng binata.

"Right this way sir, maam." Magalang na sagot nito. Inayos muna ni Raffy ang sarili dahil sa totoo lang hindi naman niya talaga alam na dito sila pupunta..

Habang nakasunod siya sa binata. Dinig na dinig niya ang mga bulong-bulongan ng mga naroon. Lalong-lalo na ang mga babae.

"Gosh, look at her. She's so informal, hindi niya ba alam na cuisine tong pinasukan niya."

"Sinabi mo pa, siguro nabagok ang ulo at pumasok sa maling pintuan..." ani pa ng isa at nagtawanan pa.

Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at huminga na lamang ng malalim.

"Take a sit Raff." Ani pa ni Vernon habang naghihintay na maupo siya sa hinilang upuan nito.

Tataasan na sana niya ito ng kilay. Subalit kumaripas siya ng lakad para maupo na at maibsan ang hiyang nadarama.

"Akala ko aangal ka pa." Masuyong sambit pa nito sa kanya na nakatayo sa likuran niya.

"Kung alam mo lang! Nakakaasar ka talagang ungas ka! Dinala-dala mo ko rito. Na alam mo naman ang suot ko!" Naiinis na sabi niya sa sarili.

"Raff, anong gusto mo?" Tanong pa nito sa kanya. Subalit wala siya sa kanyang sarili kaya lumipad ang kamay ni Vernon sa kanyang harapan. He snap his finger. Na kumuha sa kanyang atensyon.

"Bakit ba?!" Masungit niyang sagot.

"Ang sabi ko, anong gusto mo? Dahil kakain na tayo." Nakakiming ngiti pa nito.

"Kahit ano, ayoko ng masyadong oily. I'm in a Pescatarian diet." Nag-iba ang kanyang tono.

"Okay." Matamis na ngiti ang sumungaw sa mga labi ng binata. At ito na mismo ang umorder ng kanyang pagkain.

Nang ilang sandali pa ay dumating na ang kanilang order. Kaya mas ninais nalang ni Raffy ang kumalma at tumahimik habang kumakain.

Tumikhik si Vernon.

"Do you like it?" Tanong nito.

"Yes." Maikling sagot niya rito habang pinaglalaruan ang kubyertos.

"Sigurado ka? It seems like your too silent though."

"Nasasarapan naman talaga ako sa pagkain. And thank you by the way." Kiming ngiti lang ang sinukli niya rito.

Talaga naman'g masarap ang pagkaing inorder sa kanya ng binata. Ang sa kanya lang ay parang gusto na niyang umalis papalabas sa lugar  na iyon. Dahil sa mga gossip girls na nakapaligid sa kanila.

"Uhmm... Vernon?"

"At last you talk." He smiled sweetly. Na para bang nabunutan ng tinik.

"I want to go somewhere else." Aniya.

"Okay, after this." Sagot nito sa kanya at namayani sa kanilang dalawa ang katahimikan habang kumakain.

At kinuha na nang binata ang bill ng kanilang pinagkainan. Ito narin mismo ang nagbayad.

Nang tatayo na sana siya ay may biglang sumulpot na isang babae sa kanyang likuran.

"Hi, Vern. How are you?" Nakangiting ani ng babae sabay halik sa pisngi ng binata. Halata niyang nabigla ang binata. Subalit hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa't tumayo siya't lumayo sa dalawa.

"Hay nako, kung  alam ko lang na may...." natigilan siya ng biglang tumunog ang kanyang phone.

Kinuha niya ito at sinagot sa labas ng restaurant.

"Yes sir?" Sagot niya sa kabilang linya.

"Raff, I'm really sorry to tell you this. Nagkamali pala ako kanina sa flight details na naibigay ko sayo."

"H-o?!" Bulalas niya. "Eh? Ano po palang oras yung alis ko sir?"

"One hour from now na."

"Ano po?! Sige po bibilisan ko na lang po sir. Salamat po sa pagtawag."

Kaagad niyang pinutol ang tawag at bumaba sa hagdan. Nang maalala niya ang binata.

"Bahala na nga siya." Aniya at manilis na pumara ng taxi papauwi sa kanila.

"Manong, pakihintay nalang muna ha. Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa loob."

"Sige po ma'am." At mabilis niyang isinara ang pinto at humarurot ng takbo papasok sa kanilang bahay.

"Ma!" Tawag niya sa kanyang ina.

"Oh anak? Bakit ka nagmamadali? Tapos na ba kaagad ang pamamasyal niyo ni Vernon?" Ani ng kanyang ina na nakatayo sa may pintuan ng kusina.

"Hindi ma, iniwan ko siya kasi ngayon ang alis ko papuntang Cebu." Aniyang mabilis na hinubad ang suot na sapatos..

"Cebu?! Anong gagawin mo sa Cebu, anak?"  Wika nito na sinundan siya patungong hagdan.

"Ma, tungkol po ito sa trabaho ko. May kaso ho kasi akong tatapusin roon." Esplika niya sa ina.

"Huwag na ho kayong mag-alala sa akin ma, okay?" Aniya sabay halik sa noo rito.

"Ang akin lang naman anak ay mag-iingat ka sana."

"I will ma, mag-eempake pa ho ako ma ha." Aniya rito sabay talikod sa ina at tumungo sa kanyang kwarto.

Wala namang magagawa ang ina ni Rafaela kundi ang mag-alala para sa kanyang anak. Tanging si Raffy nalang ang naiwan na maging sandalan ng kanyang ina simula ng mawala ang kanyang ama.

Mabilis niyang inimpake ang kanyang mga gamit. Isang malata lang ang dala niya at mga importanteng gamit lang din ang dala niya.

Pagbaba niya sa hagdan at nagpaalam siya sa kanyang ina. Ay kaagad naman na sumakay pabalik sa taxi.

"Manong sa NAIA po tayo at pakibilisan lang ho ng konti."

"Sige po ma'am." Ay kaagad naman na pinaandar ang makina ng driver. Buti nalang at hindi gaanong matrapik ang daan. Kaya dire-diretso lang ang takbo nila.

Nang marating niya ang airport ay bahagyang iniabot niya ang kanyang bayad. At nagmamadaling pumasok sa entrance. At nagboarding na kaagad siya.

Medyo kinakabahan tuloy siya... dahil akala niya mahuhuli na siya sa kanyang flight.

"Thanks God! I'm not late. Kundi mapag-iiwanan talaga ako."

"Here you go ma'am." At iniabot sa kanya ang kanyang ticket.

"Thanks." Lumakad siya patungong waiting lounge.

"Eh bakit ba kasi niyaya pa ako ng Vernon na yun! Nakakainis talaga ang lalaking yun. Kunsabagay, hindi ko na siya makikita." Nakangising aniya.

Nakaraan ang kalahating-oras ay tinawag na ang lahat ng pasaherong pupunta ng Cebu.

Kaya tumuya siya't kinuha ang kanyang bagahe. .

"Medyo marami rin pala ang pupunta ng Cebu." Aniya.

"At least, it is a great adventure and journey for my life." Masayang tugon niya habang pasakay ng eroplano.

Nang nakapasok na ang lahat ng pasahero sa eroplanio ay ilang sandali na lang ay mag-tetake off na sila.

Isang oras din ang tinagal nila sa himpapawid. Kaya hindi niya mapigilang hindi maantok. Nang dahil sa pagod namataan nalang niyang lalapad na pala ang eroplano.

Nang makadama siya ng may kaunting yanig. Kaya siya nagising.

"Lumapag na po ba tayo?" Tanong niya sa matandang katabi.

"Lalapag palang hija." Anito na may matamis na ngiti.

"Okay po." At bahagya niyang inayos ang kanyang kagamitan at sarili. Sa di kalaunan ay lumapag na nga sila. At nagsipaghanda narin ang mga pasahero para makababa na sa mismong eroplano.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at ini-off ang airplane mode. Kaagad naman siyang nakatanggap ng text messages mula sa kanyang boss.

Boss:

Call me if you get there. Nasa files ang address kung saan ka tutuloy. Para mas mainam mong pagmanmanan ang suspect.

Kaagad naman niyang tinawagan ito ng papasok na siya sa arrival area.

"Hello sir, kararating ko lang po. Pupunta na po ako sa mismong location." Naka-voice message na lamang siya.

Pagkalabas niya sa airport ay kaagad na pumara si Raffy ng taxi.

"Manong, sa may Consolacion po tayo." Aniya.

"Sige po ma'am." At nagmaneho na ang driver.

Habang nasa kahabaan ng biyahe. Ay binasa niyang muli ang files. Nakita niyang may dapat siyang kunin na ebidensya sa mismong taong sangkot sa kasong pinanghahawakan niya ngayon.

Medyo mala-probinsiya ang lugar na bumungad sa kanya. Pumarada ang taxi sa mismong address kung saan siya mangungupahan habang naroon siya. Inabot niya ang bayad at tinulungan siya nito para maibaba ang kanyang dalang bagahe.

She take a deep breath. At humakbang papalapit sa asul na gate at nag-door bell. Ilang sandali lang ay may isang babae ang bumukas sa kanya.

"Hello po, ito po ba ang Lisondra's Apartment?" Tanong niya

"Opo ma'am pasok po." Ani nitong nauutal pa. "Pasok lang po kayo." At tumuloy naman siya.

Napatingin siya sa bawat palagid. Maganda naman ang napiling apartment ng kanyang boss kung saan siya mamamalagi.

Pumasok ang babae at may tinawag na isang babae na may edad na.

"Hello hija ako pala si Elise ang taga-pangalaga ng apartment na ito, ano bang pangalan nila?" Tanong nito sa kanya.

"Ah, Rafaela po."

"Ah.. ngayon nga pala ang dating mo. Pambihira naman itong si Ferdinand hindi man lang nagsabi na ngayon ka pala darating. Na hala pasok ka.." ani pa ng matanda at napatawa tuloy siya sa reaksyon nito.

Pumasok siya na dala-dala ang kanyang mga gamit. Napalinga rin siya sa lugar at napansin niyang may kalumaan na ito. Ngunit maganda parin ang mga kagamitan lalo na ang pagkakaayos ng bahay.

"Pansin ko po ay nagpapaupa kayo?"batid niya sa matanda.

"Oo, swerte mo nga kasi bayad ka na sa dalawang buwan mong pagtira rito. Siya nga pala maiba ako, dalawang buwan ka lang ba talaga di ne?" Tanong pa nito sa kanya.

Tila kinabahan siya sa tanong nito. Dahil ang alam niya dalawang buwan lang ang binigay sa kanya para kaso. What if she couldn't make it?

"Uhmm... Oho, pero depende parin po yun sa takbo ng panahon." She smiled to ease the tension.

"Kunsabagay, ang karamihan sa dumadayo rito samin. Pasimula lang yung panandalian laang. Hanggang sa nagustuhan na nilang dito nalang tumira." Esplika pa nito habang tinalunton nila ang hallway patungo sa kanyang kwarta.

"Ganoon po ba."

"Ito nga pala ang magiging kwarto mo. Mabuti na lang at may bakante pang isang kuwarto. Dahil sa totoo lang bedspacer kasi talaga rito. Pero dahil sa nagpupumili si Ferdinand. Kaya hindi na ako nakapagtanggi pa."

"Ganoon po ba." Kimi siyang ngumiti.

"O sya mauna na ako sa iyo. Dito muna ako sa baba para makapag-ayos ka naman." Tumango na lang siya at umalis na ito.

Pumasok siya sa kwarto at pinalibutan niya ng tingin ang buong silid. Not to shabby though. But it's kind of antique. Napakibit balikat na lamang siya at iniisa-isang inayos ang mga kagamitan sa kabinet.

Pagkuway hinay-hinay niyang pinag-aralan ang kasong kanyang lulutasin. Ang bawat detalye at pahina ay kanyang pinag-isipang mabuti. Kung ano ang hakbang na kanyang gagawin.

May mga clues ngang nakuha ang kanyang mga kasamahan. But it's not enough to handcuff the suspects and the mastermind.

"Ang huling lugar na pinuntahan nila ay ang Montgomery Realparts. Anong meron sa Montgomery?" Tanong niya.

Kinuha niya ang kanyang laptop at ginu-google ang mismong lugar. Kinuha niya ang kanyang camera ng makuha niya ang address ng location.

Ini-lock niya ang kanyang kuwarto at nagmadaling bumaba. Pagkababa niya ay nasalubong niya ang care-taker ng bahay.

"O hija, saan na ang punta mo?"

"Dyan lang po sa tabi-tabi."sagot niya sabay turo pa sa kawalan

"Alam muna ba ang pasikut-sikot dito sa Cebu? Naku, itong batang ito. Kakarating palang, halika muna may niluto kaming pagkain." Hinila nito ang kanyang kamay. Mapasunod lang siya sa kusina.

"Pero po...."

"Mamaya na yan, dapat magrelax ka muna. Kararating nga lang." Wala siyang nagawa kundi ang sumunod rito. Tinikman naman niya ang mga niluto nitong mga pagkain na ang sarap-sarap.

"Ang sarap naman ho." Masayang puri niya.

"Masarap ano? Mabuti naman at nagustuhan mo hija. Maiba ako saan ba ang punta mo at may dala kang camera?" Puna nito sa kanya sabay upo.

"Doon lang po sa mga lugar na kinahuhumalingan ng mga taong dumarayo rito."

"Ah... saan ba ang punta mo hija?"

"Hindi ko pa nga po alam Manang. Pero matanong ko lang saan po bang lugar na pwedeng pasyalan po rito?" Tanong niyang hindi nagpahalata na iba ang pakay niya sa lugar na ito.

"Naroon lang sa bandang kanto hija. May plaza naman roon, pwede mong lakarin kung gusto mo." Nakangiting tugon nito sa kanya.

"Sige po, lalakarin ko na lang po. Salamat."

At nagpaalam na siya rito. Habang naglalakad siya ay pinagmasdan niyang mainam ang bawat lugar. Kahit ang totoo ay hindi naman ito ang talagang pakay niya. May kainitan man ang lugar balewala lang iyon sa kanya.

Ilang sandali pa ay napagtanto niya ang plaza. Na mismong sinabi sa kanya ni Manang Elise. Pagkuwa'y tinalunton niya ang paseo ng plaza. Maraming mga batang naglalaro, nagtatakbuhan. Na may kanya-kanyang mga yaya.

Umupo siya sa isang bench. Sa dako niya ay hindi masyadong matao. Kaya kinuha niya ang kanyang camera na kanina pa nakakabit sa kanyang leeg.

Inayos niya ito at kumuha ng iilang litrato. Hanggang sa isang dako ay may nakita siyang isang taong tila pamilyar sa kanya...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro