Kabanata 14
Maayos naman ang paghatid sa kanya ng binata. Kung noong nakaraan ay hindi nito nakita ang kanilang tahanan. Ngayon ay halos tanaw na tanaw na nito.
Simple lang ang kanilang bahay. At masagana rin sa mga berdeng halaman ay may puno rin ng manga.
"I like your place. I want a home like this for a lifetime." Anitong nakatayo malapit sa sasakyan nito.
Napangunot noo siya sa sinabi nito. Kaya siya napalingon rito.
"Lifetime? Hindi ata bagay sa'yo ang ganitong bahay Vernon. As I can see.... hmmm..." aniyang pinasadahan ng tingin ang binata mula ulo hanggang paa.
Then he caught her eyes suddenly. She hates his tentalizing eyes which makes her trembles to death.
"Are you done checking me out?" Nakangisi nitong sabi.
"Well..." napalunok pa siya.
Putek... bakit ba ginawa ko yun? Aniya sa sarili.
"My place, is nothing to do with your monkey ideas. Besides, alam ko naman na mas maganda pa ang kinalalagyan mo." Diretsong sabi niya rito.
Humalakhak ito at napahawak sa panga nitong kay sarap hawakan.
"Siguro nga, tama ka. Pero bakit ba ang init ng dugo mo sakin, Raff?"
"Ako? Mainit ang dugo sayo? Naku hindi..... Hay nako, ewan ko nga sayo kung bakit ako nakikipagtalo sa isang katulad mo." Aniyang tinalikuran ang binata.
"Palagi mo kasing inu-object ang mga sinasabi ko. We're not in a debate team Raff."
"You know what, everytime you open your mouth with your charming words......." Aniya niyang tinuturo pa nito ang binata.
"Ano? Dahil gusto mo naman?" Simpleng pakawalang sabi pa nito sa kanya sabay ng mga pilyong ngiti.
"Gusto ko? Managinip ka! Sumasakit ang ulo ko sayo! Sige salamat sa paghatid!" Pabagsak niyang isinira ang gate ng kanilang tahanan.
Ay dumiretso siyang lumakad papasok sa kanilang bahay. Nakangiti na lang si Vernon sa bawat asal na pinapakita sa kanya ng dalaga.
He can barely see her, kasi hindi naman lahat ng gate ay natatakpan ng metal. Kaya kahit na malayo na ito sa kinatatayuan niya.
Ay kitang-kita parin niya ang mukha ng dalaga. Na nakasimangot ng dahil sa inis at galit sa kanya.
"I really don't understand myself, why I like your angry face so badly, Rafaela." Nakangiting tugon niya sa sarili habang pumasok sa kotse.
Mainam na pinaandar ang sasakyan palayo sa lugar ng dalaga.
Habang nagmamaneho ay hindi niya mapigilang mapangiti. Para bang ang saya-saya niya sa tuwing kausap niya ito o nakikita niya ito.
Naputol ang kanyang imahinasyon ng tumunog ang kanyang cellphone.
"Hello, dude! You ruin my nightmare!" Pabagsak niyang sabi sa kabilang linya.
"Nightmare? Are you alright hijo?" Nag-aalalang anito sa kabila. Mabilis niyang nilayo sa tenga ang cell at tiningnan kung sino ang tumawag.
Shit! Si mama pala. aniya sa kanyang isipan.
"I'm sorry ma, akala ko kasi si Carlo."
"How's your meeting son?"
"It's alright ma, the investors is good to go according to our plans. Magkikita na lang sila ni Ciara para maumpisahan na ang project."
"Alam na ba ng kapatid mo?"
"Of course ma, I already send a copy on her email."
"Patay ako nito ang totoo hindi pa niya talaga alam."sambit niya sa kanyang isipan.
"O siya, kung ganoon wala na tayong problema. Alam mo naman ang kapatid mo may ibang trabaho."
"Ma, hindi ba talaga siya hihinto sa fashion industry na yan?" Aniya sa ina.
"Hindi ko siya mapipilit anak. Alam mo naman ang kapatid mo. She's our only girl. And she loves what she do. Kaya nga, para walang problema sa ibang negosyo natin. Kailangan mauna siyang makakaalam, okay. Ano, uuwi ka ba dito sa bahay?"
"Hindi na ho siguro ma, sa condo nalang ako didiretso. Bukas na ako uuwi ma."
"Sige, mag-iingat ka anak. Bye." At nawala na ito sa kabilang linya.
Pagkatapos niyang kausapin ang ina binilisan niya ang kanyang pagmaneho. Palibhasa, madaling araw na rin naman at medyo hindi na rin masyadong ma-trapik. Kaya kampante lang siya sa gaanong tulin ng takbo niya.
Pagdating niya sa building ng kanyang condo. Ay kaagad niya itong pinarada sa basement area. Kinuha niya kanyang mga gamit. At may tinawagan.
"Hello Jed, favor naman o."
"Sino ba ito?" Namamaos nitong sabi.
"It's me Vernon. Jed, pakiusap naman o." Wika niya rito.
"Ano na naman yan, Vernon? Alam mo malalim na ang gabi. Pinapapuyat mo ako ng husto."
"Pinapapuyat? I'm sure hindi ka pa tulog. Alam ko rin na may katabi kang babae dyan ngayon. Pakiusap naman Jed o, ikaw nalang ang kumausap kay Ciara tungkol sa negosyo ha?" Aniyang pinindot ang button ng elevator.
"At bakit ako ang kakausap sa kanya hindi ba dapat ikaw ang gagawa nun?" Umambang anito sa kabilang linya.
"Kasi ikaw ang panganay, pangalawa mas makikinig yun kaysa sakin."
"Vernon, it's not my job to interfere." Seryosong saad nito sa kanya.
"Then, you want to blow this investment off? I did my very best to settle those fucking meeting kahit na may misyon akong inaasikaso." Tila nanigas siya sa galit para makumbinsi lang ang kapatid.
"So the blame is on me? That's it?"iritadong saad nito sa kabilang linya. At tumunog na ang elevator sa tamang palapag.
"That's not what I mean. I just want you to talk to her. Unless you want that deal turns to nothing, don't you think?" He said confidently.
Alam niyang wala na talagang palulusutan ang kanyang kapatid. Bahala na kung ano pang iisipin nito sa kanya. Mahirap ng masayang ang pinaghirapan niya. Kung hindi papayag si Jed. Magiging wala lang ang lahat. Lahat ng pinaghirapan niya.
Ang hirap kasi amuhin ang kapatid niyang si Ciara. Kapag trabaho na nito ang madedehado. Talagang lalabas ang pagiging suplada nito. And he knows it's his fault. Kasi nakalimutan niyang sabihin rito ang tungkol sa kanilang business meeting.
"All right. But this is your last straw Vernon Jeck." Seryosong saad nito sa kabilang linya.
"I know, thank you." At pinutol na niya ang tawag.
Pinihit niya ang pinto matapos niyang maipasok ang card key. Kinalas niya ang kanyang kurbata at hinubad ang suot niyang Armani suit.
He slightly breathe when he reminisced her beautiful face. What a such beauty. Stunning. Gorgeous.
Wala na siyang maihahalintulad kay Rafaela kundi ang kanyang pagkamangha sa kagandahan ng dalaga.
When his about to take his shower. At some point that came out to his mind. Habang nakatopless at boxer short lang ang suot. Ay dinayal niya ang numero ng dalaga.
Yes, he gets it. Why did he gets it? Because he definitely find it. Ganyan siya kapag interesado sa isang bagay, tao o lugar. Naghahanap siya ng paraan para makuha ang gusto niya.
* * * * *
Tapos na si Rafaela'ng maligo para makapagpahinga na. Habang inaayos niya ang kanyang higaan. Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Hindi niya nakita kung sino ang tumatawag ay bigla niya iyong sinagot.
"Thank God I found you." Tugon nito sa kabilang linya.
"Huh?" Parang napatigil siya sa pag-isip.
"Wait a minute... sino--" inilayo niya ang kanyang cellphone sa tainga at tiningnang maigi kung sino ang tumatawag.
"Dammit! Unknown number." Sambit niya.
"Teka nga lang muna, baka mali ang tinatawagan mo. Kasi hindi ka nakaregister sa phonebook ko." Seryosong salaysay niya rito.
"Ahh ganoon ba? Baka hindi mo lang talaga sinave ang number ko. Kaya unknown ang lumalabas."
"Aba! Pilosopo ka ah! Pwede ba kung sino ka man. Huwag kang mang-trip ng tao!" At mariin niyang pinindot ang cancel icon sa screen.
Nilapag niya sa side table ang kanyang cellphone. At tumunog na naman ulit ito. Si unknown parin ang tumatawag.
"Loko tong taong ito! Walang magawa sa buhay kundi mang-trip! Bahala ka nga sa buhay mo!"
Tinipa niya ang kanyang cellphone at pina-silent mode pa ito. May message siyang na tanggap.
Unknown
Your voice is the loveliest voice that I ever heard.
Me
Your voice is the dummiest voice I ever heard. Don't patronize me coz I swear I'll hunt you down!!!
"Nakakasira talaga ng gabi! Urggg! Kung sino ka man mananagot ka talaga sakin!" Halos mahulog na ang kanyang cellphone sa lakas ng kanyang paglagay sa sidetable.
"Makatulog na nga." Sambit niyang tinakpan ang kanyang mukha ng kumot. Hanggang sa makatulog siya.
Kinabukasan ay inagahan niya ang pagpunta sa kanilang opisina. Coz she wants to know who's that fucking person annoys her last night!
"Goodmorning Raff, ang aga mo yata ah." Bati sa kanya ng kasamahan niya.
"Oo nga eh." Aniyang may kasamang ngiti.
Pumasok siya sa kanyang opisina at bahagyang pinindot kaagad ang CPU ng kanyang computer.
"Humanda ka talaga sakin." Aniya at nabigla siya ng nag-vibrate ang cellphone niya.
"Son of a....." napamurang kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa.
Isang message ang natanggap niya. Pagbukas niya nun ay hindi nga siya nagkakamali.
Unknown:
Goodmorning gorgeous :-)
Binasa niya ang text message.
"Loko talaga to'ng taong toh! Talagang kilala ako nito dahil hindi niya ako nilulubayan!" Mariin niyang pinindot ang delete button sa cell niya.
"Tingnan lang natin kung sino ka. Talagang makakatikim ka sakin."
Nang gumana na ang kanyang computer ay kaagad niyang binuksan ang tracing program nila.
Para malaman niya kung sino ang nang-gogood time sa kanya ng todong-todo.
At tinipa niya ang keyboard para maipasok ang number ng taong gumugulo sa kanya.
"Scanning pa." Mahinang sambit niya.
"Oy.... Raff, ang aga mo naman milagro." Ani pa ni Ellie.
"Anong milagro? Maaga naman talaga ako ah... mas napaaga lang ako ngayon."
"Ano bang pinag-aabalahan mo?" Ani nitong naki-usyuso sabay tingin sa computer niya.
"Sinong tinitrace mo?" Usisa nito.
"Isang taong walang magawa sa mundo. Na gusto ng mamatay ng maaga." Naiinis niyang sabi.
"Hala ka... baka admirer na yan."
"Admirer!? Wala akong admirer ano. At kung malaman ko lang kung sino itong taong toh... makakatikim talaga sakin toh ng gulpi!" Aniyang nakakamao pa.
"Oh tama na yang kadramahan mo... nag-loload na siya." Ani nitong tila na-eexcite pa yata. Napairap siyang napatingin rito.
"Anong gagawin mo kapag nahanap mo ang taong gumugulo sayo?"
"Eh di ano pa..." nang biglang nawalan ng kuryente.
"Ano ba naman yan?!" Singhal niya.
"Ay sayang si mystery guy nagkabrown-out tuloy." Tukso pa ni Ellie sa kanya.
"Ang tagal naman ng generator." Aniyang hindi mapakali sa pagkainip.
"Hay nako, naiinip ka na agad. Hindi pa nga lumilipas ng isang oras. Grabe ka naman." Panunukso pa nito sa kanya.
"Alam mo, pwede bang bumalik ka nalang sa trabaho mo." Asar niyang sabi rito. Bumalik na ang kuryente pero generator lamang.
Mabilis niyang ini-on ang computer. Para tapusin ang kanyang ginagawang pag-titrace. Habang sinisimulan na naman niyang tinipa ang keyboard.
"Raffy, good morning." Nakangiting bati pa sa kanya ni Jaden.
Halos mapatalon siya sa gulat ng bigla lang itong sumulpot.
"Jezzz! Jaden! Bumalik ka na pala." Aniya niyang nagugulat pa.
"Oo, long time no see ah... matagal rin akong nawala kumusta kana?" Masuyong ani pa nito na nakangiti.
"Eto okay naman, ikaw ang kumusta? Okay na ba ang pamilya mo?" Tanong niya.
"Medyo, kaya nakabalik na ako rito. Balita ko binigyan ka raw ng appreciation." Ngumiti pa ito sa kanya. Sa mga gestures na pinapakita ni Jaden sa kanya ay normal lang sa kanya.
Kaya naman, kahit na guwapo ito hindi siya apektado...
"Bakit kaya ganito kahit na anong pa-cute ang gawin niya. Hindi ako naaantig." Aniya sa sarili.
"Hmm...sa tingin ko parang ang busy mo ata. Mamaya treat kita ng lunch okay?" Nakangiting sabi nito.
"Sure... pasensya na talaga Jaden. I can't chat right now."
"Okay lang, gawin mo na iyang ginagawa mo baka importante." Ngumiti pa ito at umalis na rin.
"Hay nako bakit ba ang tagal nitong ma-complete!" Naiiritang aniya sa harap ng kanyang computer.
Sa ilang sandaling paghihintay ay napapikit niya ang kanyang mga mata.
"Your eyes is very ravishing. At ang mga labi mo ay kay sarap namnamin ng mas malalim pang mga halik. Rafaela." Aniya ng binatang napahaplos sa kanyang sa pisngi.
Halos hindi siya makagalaw ng dahil sa sensasyong kanyang nadarama. Para bang nalulutang siya sa alapaap. Kapag ito na ang kanyang kaharap.
Unti-unti ng nagkalapit ang kanilang mga mukha. Hanggang sa maliit na lang ang espasyong namamagitan sa kanilang dalawa.
Napalunok siyang nakatitig rito.
"Rafaela. Mahal kita." Ani sa kanya ni Vernon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro