Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

"Melliona, hindi ka ba tapos diyan? Recess na oh, baka hindi ka na makakain." Tumingala ako sa kaibigan kong nag-aalala nang nakatingin sa akin na siyang ikinangiti ko na lang nang tipid. Hindi ako puwedeng umalis dito nang hindi natatapos ang ginagawa kong assignments.

Huminga ako ng malalim, "una ka na, Ceress, kailangan ko pa 'to tapusin. Don't worry, hindi pa naman ako gutom, ayos pa 'ko." Mahinhin kong sabi sa kaniya. Katulad ng ginawa ko, huminga rin siya ng malalim.

"Sure ka ba? Gutom na kasi ako, baka maubusan ako eh." Kamot niyang turan pabalik na siyang ikinahagik ko na lang. Napansin kong parang nanlaki nang bahagya ang mga mata niya na para bang may napagtanto. "Ganito na lang! Bilhan na lang kita ng paborito mong sandwich tapos bigay ko rito sa'yo, go?" Napailing na lang ako habang nakahalik pa rin sa mga labi ko ang ngiti.

"Ikaw bahala, kung hindi ako nakakaabala."

Kailan ko na kasing i-pass ang tatlong assignments mamayang recess. Hindi puwedeng mahuli at hindi rin puwedeng maaga. Hindi ko kasi sila agad nagawa kagabi dahil nga sa nakalimutan ko. Wala rin akong kasama sa dorm na magpapaalala sa'kin dahil nga ako pa lang nag-ookupa no'n. But it's okay for me, advantage ko, walang maingay at peaceful ang surroundings. Comfy akong gumagalaw at malaya akong nagagamit ang mga instrumento ko na walang nadidisturbo.

Hindi nagtagal si Ceress at binilhan niya nga talaga ako ng pagkain. Bago pa man siya dumating ay natapos ko na rin ang mga assignments ko. An hour after, nag-class na rin kami at sabay kaming lahat nagpasa sa propesor naming strict pa sa lahat ng strict. Perfectionist nga ika nila kaya kahit ang pinakamatalino sa klase namin ay kinakabahan pa rin kapag siya na ang nagtuturo.

Nasa Class-C ako, hindi naman gano'n kababa ang class namin pero hindi rin ganoon kataas. Nasa middle class kami at nandito ang mga taong hindi pa ganoon sanay sa paggamit ng mga kapangyarihan nila at iba pang talento. Sa side ko, okay naman na ako, puwede na nga akong mag-ask ng permission to transfer eh pero hindi ko lang ginawa. I'm happy here, no deviants, other violators, feeling superiors or troublemakers. Lahat kami rito neutral, hindi nakikisali sa gulo sa ibang classes lalo na sa Class-A at Class-B. Sila kasi ang mga class na parating nagpapayabangan o minsan sila rin ang masiyadong competitive when it comes to activities and other events dito sa academy.

While Class-D and Class-E? Hayst, no comment na lang talaga.

We're divided into five classes and we have different buildings rin. But when it comes to dorms, it depends when you enroll. If both of you and your friend enrolled on that day, then there's a high possibility that you'll be together in one place. As for me, I'm alone, dito ko lang sa academy nakilala si Ceress. Siya lang rin ang kaibigan ko.

"Hi, Melliona." Napatingin ako sa ibang corners at nakitang nakangiti sa akin ang ibang mga kababaihan. Kumakaway sila sa akin na siyang ikinakangiti ko na lang ng matamis. Hindi ko rin naman kasi ugali ang mangdedma, kung mabait sila sa'kin, mabait rin ako. Kung ayaw nila sa akin, wala na akong pakialam do'n.

At least ako, gusto ko tahimik at ngumiti sa mga mababait sa'kin.

"They are really so into you, my dear friend, pati ako nakikilala na rin nila kahit hindi naman kami close." Ceress suddenly uttered. I femininely chuckled.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Ceress." I immediately responded.

"Melliona, alam naman natin na sikat ka rito sa building natin.. no, sikat ka sa whole Class-C! It is not just because of your voice and talent when it comes to playing instruments! It is because of your ethereal beauty! You look like a crowned princess!" Para tuloy siyang nag-hysterical sa sinabi niyang 'yon. At tiyaka ang oa naman sa sikat! Ni hindi ko nga alam na 'yan na pala ang kumakalat eh! Wala akong kaalam-alam!

"Ceress, ang exaggerating ah.."

"Look, you're ruby eyes are so rare, no other students here possessed such eye color! You're pink hair is unique! Wala ring ganiyan rito sa building natin! Well, I don't know sa ibang building. Then your buttoned kind of nose, round eyes, heart-shaped lips and then your white skin makes you glow more! Ibahin mo pa ang kaseksihan mo at ang height mo!" She exaggeratedly said. I shook my head.

"Ceress, wala pa ako sa beauty mo, baka nakakalimutan mong ikaw ang face ng class natin?"

Ceress is the most beautiful woman here in our building and everyone will approve to that. She's the face of our building. Everybody voted her as the Goddess of Class-C because of her otherworldly beauty. She is the sexiest I must say. Her morena skin makes her stand out and with that gray eyes? All of men here will drool and will go crazy if she'll just look at them. Her gray straight hair makes her more sophisticated, she looks literally a Goddess. Greek nose, almond gray eyes, small chin and high cheekbones... she's a perfect sculpture. A perfect painting.

"Well..."

"Ewan ko sa'yo." Natatawa ko na lang na sabi na siyang ikinatawa niya na lang rin.

Hindi pa nagtatapos ang lahat do'n. She is not just beautiful, she's strong as well. Her physical body is not just ordinary, she can throw punches and kicks without hurting herself. That's her talent, or maybe, an in born ability. She's immune to fire and poisons, that's what she said. I still don't know the origin of her power but as far as I remember, she wields light from the moon.

"Melliona! Ceress!" As usual, ngumiti na naman ako sa mga tumatawag sa'min. Itong kasama ko naman ay natutuwa sa mga papuri. Well, hindi ko siya masisisi, deserve niya namang mapuri. Mas matangkad ako sa kaniya pero kung sa ganda lang talaga at talino ang pag-uusapan, si Ceress na 'yon.

"Malapit na ang main event ng Vayloces Academy, gaya ng nakaraang buwan, kukunin ka pa rin naming guest performer. Okay lang ba sa'yo, iha?" Ngumiti ako ng matamis dahil sa sinabi ng headmistress. Perks of being a first year student, you can't say no because you have to impress them. Dagdag points na rin.

"No problem po, it's my honor to perform rin po." Ngiti kong sambit na siyang ikinangiti niya agad ng malapad.

"Don't worry iha, I'll tell your professors to give you extra points. Wala ng libre ngayon." Natawa na lang ako sa pagkakasabi nito. Kaya ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako humihindi. Nadadagdagan ang points ko, hindi rin naman kasi ako ganoon mautak, need ko rin ng extra points from extracurriculars.

Vayloces Academy is known for its high quality education and highest quality training program. Compared to other academies, Vayloces almost got it all. Quality education, the best training programs, beautiful spots, high-end buildings and well-paid great professors. This academy is famous as well because almost half of the royalty students from different kingdoms are studying here.

"So it's settled then?" Tumango ako sa headmistress at ngumiti.

"Oh my gosh! Am excited! I will be able to see you again performing on stage! The last performance you had was last month pa, sabi ko sa'yo kahit kantahan mo lang ako eh!" Ceress is a drama. We were both first year students but she's acting like two years advance. I don't know, never kong na-imagine na magki-click kami as friends. We are both different.

"Nako, nakakahiya nga last month eh. At tiyaka, hindi ako sanay sa stage, napilit mo lang ako no'n."

"Kung hindi pa kita narinig kumanta, hindi mo sasabihin sa'kin na maganda ang boses mo! Napanganga mo lahat! Lahat sa class natin!" She joyously uttered and that made me feel more nervous. I just remember something.

"Ceress, kinakabahan ako." Natigil siya sa pagngiti dahil sa pagkakita niya sa pagbago ng ekspresiyon ko. Huminga ako ng malalim. "Kinakabahan ako dahil sa araw na 'yon, hindi lang ang class na 'to ang makakarinig sa boses ko, l-lahat ng classes na." Nanlaki ang mga mata niya na siyang mas lalo ko lang ikinatakot para sa sarili ko.

Bago kasi ako umalis ng office ng headmistress, humabol pa siya. At doon na ako halos matulala dahil sa sinabi niyang lahat ng classes ay nandoon sa event na 'yon. Hindi ko naman alam na annual event ang mangyayari, meaning, every year. At tiyaka, hindi naman ata puwede na ako na lang palagi ang magpe-perform! I just said yes because I am a first year student! And I need points to put colors in my final grades!

"Say what?" Halos sigaw niya. Nandito kami ngayon sa cafeteria at ang daming tao. Lunch break kasi ngayon at dito talaga dagsaan ng mga estudyante. Masarap ang food, maayos ang paligid at walang gulo.

"Anong gagawin ko? Tuloy ko ba?" I nervously asked, hoping I could get a better answer. But I think I'm wrong, she just nodded her head and her playful smile is slowly appearing!

"Nako! Chance mo na 'to, ano ka ba? Marami pang estudyante ang makakakilala sa'yo! At ayaw mo no'n? Mas lalo kang magiging sikat! Mas lalo kang makikilala!" Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa sinabi niya o kakabahan. I don't need fame. I don't need that. What I need is grades that's why I accepted the headmistress' deal. I have to make a good picture of myself so that my parents would be proud of me.

Hindi ba delikado ang pinapasok ko? This academy is not just ordinary and if other classes will attend that annual event, I know for sure that I'll trigger them... especially the Class-A and Class-B.

Kilala silang mga competitive at fame whore.

An hour after, I decided to go back in my dorm. Tapos na rin ang class, hindi na kasi pumasok ang last professor kaya mas naging magaan ang araw ko. Less stress na rin dahil digmaan ata bukas. Training days kasi at need namin mag-ensayo. Paparating na kasi ang annual event, after that day, missions will pop out. Maraming hihingi ng tulong sa academy kaya need ng matinding ensayo. From opening until next month, hindi tumatanggap ng tasks from other kingdoms ang academy kaya for sure ay dagsa ang mga misyon na darating after the event.

All classes will be given missions, depende rin sa missions.

I opened my room's window and then stared at the orange sky, night is really fast approaching. I can now see some stars and the white moon is gradually greeting everybody a 'hi'. I smiled sweetly and readied my black flute. A gift from my mother.

Hinay-hinay kong inilagay sa mga labi ko ang plawta at unti-unting hinipan ang dulo nito. Hindi ko alam pero nagsimula na namang pumikit ang mga mata ko nang marinig ko na ang magandang tinig na nagmumula sa bagay na hawak ko. Unti-unti ko ring ginalaw ang bawat daliri ko para makagawa ng magagandang tono at sinusundan pa ito ng dahan-dahang pag-ihip ng hangin mula sa'kin.

When I opened my eyes, I was stiffened a bit but after seconds, I smiled sweetly when I saw some different birds flopping their wings in front of me. Looks like they are really enjoying the music from my flute and the way I danced my fingertips on top of the instrument.

"I know you..." I sang some parts of that familiar lyrics from my mother. "... I walked with you once upon a dream.." I continued. I can clearly see some sound waves getting out from my flute's mouth and it echoed in my room. The birds tweeted altogether like they are asking for more.

"..I know you, that look in your eyes is so familiar a glea--" I was stopped when I suddenly heard a monstrous roar outside! And I am hundred percent sure that it's coming from outside of the academy! Suddenly, the birds flew away like they were so scared!

"Melliona!" Napalingon ako sa direksiyon kung nasa'n ang pintuan papalabas ng dorm. Kinakabahan kong tinakbo ang distansiya ng kwarto ko sa pinto ng dorm at dali-dali itong binuksan. Ceress' smiling face surprised me and that made me feel confused.

"Let's go outside please! Some royalties will perform out of nowhere and ayaw kong i-skip this one. Doon sa fountain daw. Tara!" Masaya niyang aya sa'kin. Nagtataka man, hilaw na lang akong ngumiti sa kaniya bago ulit lumingon sa kwarto ko.

Hindi niya ba narinig ang malakas na pag-ungol na 'yon?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro