Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Hindi ko alam kung anong isasagot ko habang nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa dalawang oso. Ang mga mata niya ay kasingkulay ng akin at hindi ko alam kung paano nangyari 'yon. Sigurado akong katulad na katulad ng kulay ng mga mata ko ang kanila. Ibang-iba sa kung anong kulay nito kanina.

What is happening?

"Miss! Lumayo ka diyan! Let me handle this! I am the president of our class, it's my responsibility to protect all of you in Class-C!" Hinay-hinay akong napalingon sa narinig na boses. Hinanap ng mga mata ko ang sumigaw hanggang sa dumako ang tingin ko sa isang lalaking mariing nakatitig sa mga mata ko. Ilang segundo ay napansin kong para siyang natigilan, napansin ko rin na parang napaatras siya at tila parang gulat sa nakikita niya ngayon.

"Melliona, alis ka na diyan please! Siya na bahala sa mga oso! President will kill them for us! He'll protect us!" Ceress screamed that made me stunned. I felt something pang in my chest like I wanted to reprimand her for saying those words. I just don't want hearing it from other people like killing for them is easy to execute!

"Binibini, tulungan mo kami." Lumingon ako muli sa dalawang oso at tinignan sila muli sa mga mata. "May sumisira sa tahanan namin, kailangan namin silang mapigilan bago maglaho ang aming tahanan." Dagdag pa ng lalaking oso na siyang ikinatigil ko.

They are really talking!

"S-She tamed them. Those monsters.. were tamed." Rinig ko sa iba pero hindi ko na lang sila pinansin at nakapokus lang ako sa mga oso.

"A-Anong puwede kong maitulong sa inyo?" Bulong ko. The other bear roared but it was so soft. I didn't know that bears can growl softly just like what the other bear did. And I don't know but I felt responsible and obligated to help them!

"Lumabas ka binibini, makikita mo sa gitna ng gubat ang nangyayari. Pagkatapos ng tatlong araw, makakalabas ka pagkatapos ng importanteng araw ng akademya. Makikita mo kung ano ang kalagayan ng aming tahanan." Sabi ng babaeng oso. Magsasalita pa sana ako nang mapansin kong unti-unti na silang naglalaho!

"A-Anong nangyayari?" Taranta't kaba kong tanong sa kanila. Nakikita kong parang nagbu-blur ang mga katawan nila sa hindi ko malaman ang dahilan! Teka, anong nangyayari?

"Huwag kang mag-alala binibini, kami ay babalik muna, maghihintay kami sa iyo sa gitna ng gubat." Agad akong kumalma dahil sa sinagot ng lalaking oso. "Hanggang sa muli, aasahan namin ang iyong pagdating." Bago pa man ako makapagsalita ay pareho na silang naglaho sa harapan ko na parang apoy na unti-unting hinihipan ng malakas na hangin.

"Melliona!" Rinig kong tawag sa'kin ni Ceress kaya lumingon ako sa kaniya. She immediately hugged me that made me stiffened but seconds ago, I just smiled tiredly. What was happened was so exhausting. It almost drained my energy.

"Anong nangyari? Nabalitaan kong may mga halimaw na sumugod rito. Nasa'n na sila? Bakit parang wala naman akong nakikita?" Sabay kaming napalingon sa isang babaeng hinihingal siyang dahilan kung bakit kami napalayo sa isa't isa ng kaibigan ko. Natigilan ako dahil sa kulay ng uniporme niyang suot. Napalunok pa ako at pansin kong nag-iba rin ang ekspresiyon ni Ceress.

She's wearing a red uniform, she's... she's from Class-A!

Tila natuod ako sa kinakatayuan ko ngayon nang mapatingin siya sa direksiyon ko. Ramdam na ramdam ko ang enerhiya niya na siyang nagpataas halos ng mga balahibo ko sa katawan. Ang babaeng 'to... ang babaeng 'to ay hindi basta-basta! Ang mahaba niyang puting buhok at ang maputi't makinis niyang balat ang siyang mas nagbigay sa kaniya ng sobrang ganda! Ang kaniyang insik na mga mata ay kasingpula ng dugo ang kulay, ang kaniyang labi ay natural na mapupula at ang kaniyang mga pisngi ay parang kakulay ng buhok kong mala-rosas. Bumagay ang matangos nitong ilong at magandang hubog ng kaniyang mga panga sa kaniyang maliit na mukha. May hubog rin ang katawan at maituturing ko talagang mas sexy pa siya kaysa kay Ceress!

"H-Heirra? N-No, you're not her." That name again! Wait, kilala niya ang nagmamay-ari ng pangalan na 'yon!

"Flessa, stop uttering that name!" Nabigla naman ako dahil sa pagsulpot ng lalaking president ng class namin. Ngayon ko lang siya nakita at ngayon ko lang rin siya nakilala. Guwapo siya pero seryoso rin ang ekspresiyon, katulad na katulad ng ekspresiyon no'ng lalaking parang lider ng tatlong lalaki na 'yon na pumunta sa cafeteria. He's tall, napakatangkad, sigurado ako ro'n. Siya na ata ang pinakamatangkad na lalaking nakita ko sa akademya na 'to. Hindi siya brusko pero alam kong may tinatago siyang magandang hubog na katawan. Natural na itim ang kulay ang buhok, makapal ang mga kilay, sobrang tangos ng ilong, depinang-depina ang panga at bilugan ang kaniyang dilaw na mga mata.

Parang hinubog ng maayos ang mukha niya ng mga Diyos!

"B-Bakit? I-I just thought that she was her, Aleris. Walang masama do'n." That Flessa woman responded while still staring at me. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

"We had a promise, no one will utter that name again!" He roared like a mad lion! Flessa was stiffened, kami rin ni Ceress habang ang ibang mga estudyante ay nakatingin sa amin na nalilito. Ramdam na ramdam namin ang namumuong galit na 'yon sa boses niya. Ang kaninang kaba at takot ay parang bumalik!

"L-Let's go, Ceress, we are done here." I whispered to my friend. She looked at me and then nodded. We were about to walk away but someone grabbed my arms that made me stopped. Lumingon ako sa humawak sa'kin at nakita ang lalaking president ng class naming mariing nakatitig sa'kin.

"Anong ginawa mo sa mga oso? Bakit sila naglaho? Pinatay mo ba sila, ha? Paano?" He curiously questioned while his eyes were like daggers. I immediately shook my head because of what I've heard from him.

Bakit ba laging pagpatay ang unang naiisip nila?

"I-I am an animal tamer, president. Those bears are asking for help that's why they went here, nanghihingi sila ng tulong pero they were misinterpreted and mistreated." I seriously responded. Nakita ko kung paano rumehistro ang gulat sa mga mata niya. Nagtataka man, dahan-dahan ko na lang binawi ang kamay ko at tinignan si Ceress na ngayo'y naghihintay na sa akin. Tinanguan ko siya at sabay na kaming umalis.

I don't care kung ano man ang katayuan niya rito sa academia but hearing those unbelievable words from him? I think he doesn't deserve that title.


"Why are they calling me, Heirra?" I asked myself while watching my reflection from the mirror in my room.

Hindi ko maintindihan. Pangalawa na ang babaeng 'yon na tumawag sa'kin ng maling pangalan at tila parang may alam rin ang president ng class namin sa pangalan na 'yon. Sabi niya, may promise sila na hindi nila muling sasambitin ang pangalang 'Heirra'. Ano bang nangyayari?

Huminga na lang ako ng malalim at napagpasiyahang humiga sa kama. Nakakapagod ang araw na 'to lalo na't kailangan ko ring tuklasan kung anong nangyayari sa tahanan ng mga oso na 'yon. Hindi sila bihirang mga hayop lalo na't bumubuga sila ng apoy. Ang ganoong klaseng mga hayop ay malalakas at mahirap paamuhin, mabuti na lang, dahil sa suwerte ko, nagawa ko silang paamuhin. At nagawa ko rin silang makausap.



"So what song will you play, Melliona? Is it about love? Or maybe, magical? Am so damn excited talaga!" Ceress joyfully said that made me sighed so deep while writing something on my notebook.

I don't know but I felt pressured. All of my classmates already knew about the performance that I am going to do, they were all excited as well just like this woman in front of me. They were cheering for me so I know that they are expecting so huge about my performance!

Anong gagawin ko?

Isa pa ang mga propesor. I have to impress them. Kailangan maging worth ang malalaking grades na ibinigay nila sa akin in advance! Ayaw ko silang i-disappoint lalo na't nasa Class-C ako!

"I still have no idea yet, Melliona, I am still thinking." Nandito kami sa classroom, kami na lang ang natira dahil sa ginagawa ko ang assignments ko. Ayaw ko sila patagalin pa dahil alam kong makakalimutan ko sila kapag nasa dorm na 'ko. Ito namang kaibigan ko, walang ginawa kun'di ang disturbuhin ako sa ginagawa ko! Palibhasa, matalino! Palibhasa, hindi makakalimutin!

"Nako friend ah, you have to think na because tomorrow is your big day. Well, may other performers rin naman and I am sure that some of the royalty students will do the same thing." Umangat ang tingin ko sa kaniya dahil sa sinabi niya. "You know, royalties are really known for their performances as well. Especially, in singing and in playing instruments. Mukhang wala atang royalty na hindi talented when it comes to performing arts and music." Dagdag pa niya. Yeah, she's right. Wala pa ata akong naririnig na walang royalty na hindi magaling sa pagperform.

Royalties were born with talents, it was already nature within them.

"I-I have to pass, Ceress, grades ko nakasalalay."

"Exactly! In fact, I know that you're gonna perform not because you wanted to impress those students, you'll perform because of the professors. I know that Melliona, I know the pressure... geez, that heavy feeling." Mahabang sabi niya na siyang ikinahinga ko na lang ulit ng malalim.

"By the way, you're right, change topic muna tayo ah? So yeah, I heard it." Kumunot ang noo ko. "But first of all, gosh! I can't believe that I already met our president! And what's more exciting is that, nakita rin natin sa malapitan ang president ng Class-A! It was so suntok talaga daw sa buwan to see them in one frame! And gosh, they were so damn gorgeous!" Dagdag niya.

The president of our class and that president woman of the highest class, those aren't joke. Those aren't ordinary student. Those are some superiors that need to be really respected by many! Especially the power that surrounds them, the auras they were releasing that time and the royalty-like attitude they shown was evidently hair-raising! The whole field yesterday was filled with so much power and I can't believe that I just had an almost conversation with them!

"H-Hindi rin ako makapaniwala," I nervously responded. Bigla na lang tuloy bumalik ang kaba na naramdaman ko no'ng nakilala't nakita ko sila.

Ceress laughed excitedly, "President Flessa is a royalty, I heard from other students in our class while our president is still unknown! Wala pa akong naririnig tungkol sa kaniya except na isa siyang good samaritan and leader. He is quite mysterious but.. handsome!" She said while giggling.

That explains why that Flessa woman's aura is something that I can't deny that she's powerful! Well, the president of our class is powerful too, I sensed it. But there was something in his eyes when he looked at me and when he knew about my power.

"At 'yon na nga, tama ka, narinig ko silang tinawag kang Heirra. And what's more mysterious about that name is that, it was a long time ago promise and up until the present, students who knows her was forbade to utter her name." She explained and that made me more curious. If I wasn't mistaken, I heard the president of the Class-A calling me that name and almost expecting that I was Heirra. And then suddenly, our president reprimanded her that stop uttering that name because they had a promise.

Ano bang meron sa pangalan ng babaeng 'to?

"Hanggang ngayon, Ceress, hindi ko maipaliwanag kung bakit tinatawag nila akong Heirra." Mahinang turan ko sa kaniya at doon siya natigil sa pagngiti. "May isa ring lalaki na tinawag ako no'n, wait, remember the guy in the cafeteria? 'Yong guy from Class-D na kasagutan mo? He called me with the same name." Dagdag ko pa at doon na siya natigilan lalo. Her gray eyes stared at me for so long like she was thinking something inside her mind.

"Heirra," she whispered and I don't know but I suddenly got nervous and chills. Bigla na lang akong pinagtaasan ng balahibo sa katawan. "I really have to investigate about that name, baka mapaano ka dahil lang sa maling pag-aakala, Melliona." Sambit pa niya na siyang ikinatakot ko kaagad. 'Yon na nga ang sinasabi ko dahil baka bigla na lang akong atakihin ng kung sino na walang kaalam-alam!

"Ceress," I called her name. "Hindi ba may kapatid ka sa fourth year sa class na 'to? Ahm, why don't you try asking him? Baka may a-alam siya tungkol sa pangalan na 'yan. Looks like, walang alam ang mga first year students about that name, and I noticed that some of the fourth year students in our class were staring at me differently. Parang may iba sa tingin nila, last month pa 'yon. Hindi ko lang pinapansin." Mahaba ko pang dagdag at tila parang nanginginig na ang boses.

"Gosh, bakit 'di mo kaagad sinabi? What if napaano ka?" She concernedly said.

Akala ko tinitignan lang nila ako dahil sa mukha ko o baka curious lang sila sa kung sino ako. Pero hindi ko alam na 'yon na pala ang ibig-sabihin no'n.

I think they were staring at me because they were expecting that I am that same girl!

"And right! Yeah you're right, si Kuya nga pala!" She suddenly exclaimed. "Sige, tanungin ko siya about that. Baka nga may alam siya tungkol sa name na 'yan, don't worry, I'll help you. Saan pa't naging magkaibigan tayo." She said while giving me that assuring sweet smile.

I smiled a bit, "Thank you so much, Ceress. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka."

I am starting to feel more uncomfortable. Last month, I performed and all of the audiences are coming from our class. And that time, I was so shy because some of the senior students were staring at me like I did something suspicious. At first, I didn't give a care because I was thinking that they were just jealous of me. But it was all covered up when all first year students up to third year cheered for me and throw me such compliments. I was so uncomfortable before thinking that almost half of the students in our class knows me and about my talents.. but I just adopted it. I am starting to adopt what's going on but not until this day happens.

Not until that Heirra enter the picture.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro