Chapter 3
Hindi ko alam kung ilang beses na 'kong napapahinga ng malalim. Sa araw na 'to kasi, grabe na talaga ang training naming mga estudyante. Well, hindi naman kami lahat magkakasama kasi nga hindi kami magkakatulad ng year level. Siyempre, ang mas matataas sa amin ay kalaban rin nila ang katulad nilang year level. Hindi puwedeng maglaban ang first year sa second hanggang fourth year. Para ka na ring pinaparusahan no'n!
"Ceress, I don't still have an idea on how you can use your power in daylight. As of now, you have your strength with you so you can do combats. Your fire and poison resistance are quite rare, you almost have a body of a true warrior." Napangiti ako sa compliment ni Professor Lheno kay Ceress. Kahit sino naman kasi ay sasabihing napakagaling ng ability niya. "You will be more stronger in night time, so what you need to do is to strengthen your power and practice it more. You can be a front liner in the future missions." Dagdag pa ng prof na siyang ikinatuwa naman agad ni Ceress.
"Thank you sir! Don't worry sir, I'll find out about this power. Tama po kasi kayo na sa gabi ko lang talaga nagagamit ang kapangyarihan ko, pero baka these coming days, malalaman ko kung paano siya gamitin hindi lang sa gabi." Ceress responded like a girl who wants to be complimented more by her crush. Hay nako, kahit kailan talaga.
Ceress power is to control the light of the moon and I still don't have a broad idea about it... on how she can use it to the battle and on how she can use it as her protection from the enemies. Ahm, like blind them?
Natigilan ako nang mapatingin sa akin si Professor Lheno. Mahigpit kong hinawakan ang plawta na dala ko. Alam ng lahat kung ano ang kakayahan ko at hindi ko alam kung nakakatulong ba talaga siya sa'kin sa pakikipaglaban.
"Your flute is familiar, Melliona, who gave it to you?" He asked curiously. Ngayon ko lang nga pala 'to dinala sa training. Hindi ko kasi 'to dinadala lalo na't alam kong may chance na baka masira 'to sa training. I am using this as my weapon kasi. Through the sound waves from my flute, I can hypnotize and control all animals that I can see in surroundings. Any type of animals.
"A-Ah sir, bigay po 'to ni Mama. Nakasanayan ko na rin po kasing dalhin 'to kapag minsan alam kong dehado ako sa training." I respectfully uttered back and that made him nodded. I noticed how serious his eyes were when he looked at my flute once again.
"You will be a great support, Melliona, just practice more. I saw how you play the flute masterfully an hour ago and I know that you have a potential. Find about your power, I know there's more deeper about it." Bago pa man ako nakapagsalita ay agad na siyang umalis sa harapan namin ni Ceress. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya pero binalewala ko na lang dahil sa wala rin naman ako masiyadong naintindihan. Nagtataka na lang akong napatingin sa kaibigan ko.
"You heard it? You will be a great support! Alam mo naman kung gaano kamilagro ang bibig ni sir eh. At tiyaka, alam mo kung gaano katulis mga mata niya when it comes sa mga estudyante na may mga potential." Napatingin ako kay Ceress habang nakangiti sa akin. Ngumiti na lang ako ng tipid dahil alam ko sa sarili ko, na ayaw kong maging isang support. Like Ceress, I wanted to be a front liner. Gusto kong makipaglaban gamit ang kapangyarihan na meron ako, pisikalan man 'yan o labanan ng liksi.
But how? I'm just an animal tamer, what I can just do is to command them to attack the opponents. But what if there are no animals in the battlefield? That's too pity for me! What I want to learn is to fight physically!
"I'll learn martial arts, I'll learn how to wield other weapons aside from my flute." Tila natigilan si Ceress dahil sa pinal na sinabi ko pero agad rin naman siyang ngumiti sa akin ng matamis. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tumango.
I.. will.. learn.
"I'll help you."
Maganda ang liwanag ng buwan ngayon. Pakiramdam ko, sa akin lang siya nakatapat kaya ganoon na lang rin kaliwanag tignan ang buong balat ko. Kitang-kita ko rin kung paano magningning ang mga bituin na para bang may gusto silang ipahiwatig. Kasabay ng malamig na pag-ihip ng hangin ay siyang paglipad ng iilang hibla ng buhok ko.
Hindi ko alam kung bakit ako nandito sa ball field, nakaupo habang nakatingala sa kalangitan at dinaramdam ang malamig na hangin. Hindi ko alam kung bakit bumalik ako rito na kahit alam ko na kung gaano kadelikado para sa akin ang lugar na 'to. Hindi ko alam pero.. nagbabakasakali akong makita ang lalaking nagligtas sa akin sa araw na 'yon. Na kahit ilang beses kong sinusubukan na kalimutan ang mga oras na 'yon, tila para siyang naging isang tattoo sa utak ko na hindi ko na mabura.
Napatingin ako sa plawta ko. Ngumiti ako ng tipid at kinuha iyon mula sa damuhan. Inangat ko ito at itinapat sa bibig hanggang sa maglapat ang aking labi sa plawta. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagsimulang magpatugtog.
Parang may kung anong humahaplos sa puso ko bawat paglabas ng mga tunog galing sa plawta. Para rin bang may nakayakap sa kabuuan ko. Ang malamig na hangin ay sumasabay rin sa tugtog, bawat pag-ihip ko sa plawta ay siyang para ring sumasayaw ang hangin sa paligid. Bawat tunog ay parang dinadala nito ako sa ulap na siyang dahilan kung bakit parang ayaw ko na ring tumigil. Napakaganda talaga ng musika.
My mother taught me on how to use this flute when I was a child. She taught me so many things like on how can I make sound waves through it, on how can I hypnotize animals from it and how can I use it to perform such great music. My mother is a great musician, just like my father who has a golden voice.
Napamulat ako't napabalikwas at bigla ko na lang nabitawan ang plawta ko dahil sa biglaang ungol na narinig ko hindi ganoon kalayo sa kinakaupuan ko ngayon! Unti-unting nanlalaki ang mga mata ko dahil sa pamilyar sa akin ang nakakatakot na ungol na 'yon at hinding-hindi ko 'yon makakalimutan! Hinding-hindi ko makakalimutan ang malakas na ungol na 'yon!
"A-Anong klaseng hayop ba 'yon?" Nanginginig ko na halos na sambit sa sarili ko.
"Ah!" Malakas kong tili nang umungol na naman ang hayop na 'yon kaya agad kong pinulot ang plawta ko sa lupa. Akmang aalis na sana ako nang bigla na lang akong may naaninag sa kalangitan! Tila nanlamig ang buo kong katawan dahil sa nakita! Hindi ko man maaninag kung ano talaga 'yon pero nasisiguro akong isa siyang uri ng ibon! Sa laki ng mga pakpak nito, alam kong isang uring ibon 'yon.
Isang malaking ibon!
Mabilis lamang ang pangyayari na 'yon pero alam kong napakalaking klaseng ibon ang isang 'yon! Anino lang ang nakita ko pero alam ko sa sarili ko na hindi lang basta-basta ibon 'yon! Ramdam ko sa kinakatayuan ko ang enerhiya na nagmumula sa hayop na 'yon at sinisigurado kong ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sobrang kilabot sa isang hayop!
"What are you doing here, woman?" Gulat akong napalingon sa isang anino na papalapit sa akin. Dahil sa kaba at takot ko, napaatras ako at hindi ko namalayan na natumba na pala ako sa lupa! Napapikit na lang ako dahil sa impact ng pagkakabagsak ko.
"Didn't know that you're stupid." I heard from the guy not until the light from the moon hit his face. I was stiffened because of his familiar face and that made me feel more nervous. He may not wearing his uniform but the intimidating aura is still there, circling his wholeness.
"A-Anong ginagawa mo rito?"
"I should ask you that question, stupid woman, why are you here? In the middle of that ball field, feeling scared... and nervous." Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ako lang ba pero may kung ano sa boses niya ang nangungutya. Teka, sinisisi niya ba 'ko sa nangyari sa kaibigan nila?
He's the other guy. Siya 'yong kasagutan ni Ceress. He's from Class-D, meaning, he's dangerous just like his other friends. And now we're here. Meeting him is like meeting death.
"I-I was playing my flute peacefully, not until a lou--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa bigla na lang siyang nasa harapan ko. Bago pa man ako makatayo, agad niya akong kinuwelyuhan at inangat sa ere! Mas lalo akong natakot dahil sa ginawa niya kaya agad akong nagpumiglas! Pero dahil sa lalaki siya at mas malaki siya sa akin at mas malakas, hindi ko kayang makawala sa kaniya!
He is mad. His raging eyes are staring at me like I am a sinner to his eyes! He is gritting his teeth and his jaw is clenching! I feel his hands are trembling because of anger!
"A-Ano ba! Let me go!" I shouted but he's just staring at me dangerously. He's not listening and like he wanted to hit me any seconds now!
"If you won't tell who fucking hurt our friend, I won't let you go." Sambit niya na siyang dahilan kung bakit nanaas ang balahibo ko! Lumaki pa ng bahagya ang mga mata ko dahil sa nakikita kong parang may kung anong namumuong usok sa kaniyang palad hanggang sa maaninag ko ang isang dagger na ngayo'y unti-unting tumatapat sa leeg ko! Takte! Nakakatakot siya!
His violet eyes and hair made him more dangerous looking. He has an earring on his left ear and a skull necklace. He is white, with protruding kind of eyes and thin lips. He's gorgeous even though he look dangerous but this is not the right time to compliment him! He's killing me!
Huminga ako ng malalim hanggang sa sinipa ko siya sa private part niya. Hindi niya 'yon inaasahan kaya agad siyang napaluhod sa lupa at umuungol dahil sa sakit. I am almost out of breath because of what he did but luckily, I found an idea to escape from his strong hands! Nabitawan niya ang dagger kaya agad akong lumayo.
"Ilang beses ka ng sinabihan na hindi kami ang gumawa no'n sa kaibigan ninyo! At h-hindi galing sa class namin ang may gawa no'n! Kung maninisi ka lang rin naman ng iba, mas mabuting bigyan ka ng ganiyang leksiyon!" Malakas kong sigaw sa kaniya. Pero mukhang hindi siya natinag dahil sa tinignan pa niya 'ko ng masama. Agad akong naghanda nang tumayo siya habang iniinda ang sakit.
"You'll pay for this, Herria!" He roared! He suddenly ran towards me and because of being scared and nervous at the same time, I readied my flute. I placed my lips in front of the small hole and then started to play the instrument. I don't have any idea why I am doing this but I am hoping that a miracle will happen!
Mas nilakasan ko ang tugtog hanggang sa may nakikita na akong sound waves na lumalabas galing sa plawta. Napansin kong parang natigilan ang lalaki na siyang dahilan kung bakit pa ako mas lalong nagpatuloy sa pagtugtog! Hanggang sa bigla na lang may mga paniki akong nakikita na paparating sa direksiyon niya.
"At hindi ako si Herria!" I shouted while watching those bats attacking the guy. Mabilis siyang kumilos at parang madali lang sa kaniya ang iwasan ang bawat atake ng mga paniki pero dahil sa rami nito, hindi niya magawang magamit ang dagger na hawak niya na. Tumigil ako sa pagtugtog habang ang puso ko ay parang lalabas na dahil sa sobrang kaba at takot!
This is the right time to escape! At hinding-hindi na ako babalik rito kapag gabi!
"Hindi ka ba natulog kagabi, Melliona?" Tanong sa'kin ni Ceress na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim. Kung alam niya lang talaga kung anong nangyari kagabi!
Hindi ako nakatulog dahil sa nangyari at inaalam kung bakit parang may galit talaga sa'kin ang lalaking 'yon. Tinawag pa niya ako sa maling pangalan kaya nakakapagtaka. At tiyaka, kung tutuusin, wala rin naman akong alam sa mga nangyayari sa academy dahil nga sa bagong pasok pa lang ako no'ng nakaraang buwan. This is my second month studying here, I still don't have that much informations to inject in my brain.
"I am just tired, maybe, I'll sleep after this class. Break rin naman na, tambay na lang ako sa library." Sabi ko na lang na siyang ikinatango niya ng bahagya.
"Mabuti pa nga, mukhang pagod na pagod ka talaga." Turan niya na siyang ikinatango ko. "By the way, nagkita kami ng headmistress, sabi niya ay ready ka na ba daw sa annual event. Next week na 'yon." Tila parang nabuhay ang sistema ko dahil sa sinabi pang 'yon ni Ceress. Agad akong napaayos ng upo at hinarap siya.
"Ceress, what if hindi na lang ako mag-perform? You know, para maiba naman. Narinig ko na parang may gusto ring mag-perform eh, siya na lang kaya?" Kumunot ang noo ni Ceress dahil sa sinabi ko kaya napanguso na lang ako. Alam ko naman na hindi siya agree sa idea ko, gustong-gusto niyan na nagpe-perform ako.
Eh sa natatakot ako. Maraming dadalo at baka magkita na naman kami ng lalaking 'yon. Worst, baka sugurin niya ako dahil sa ginawa ko sa kaniya kagabi! Takte naman oh!
"Melliona, I know you're nervous okay? Sabihin man nating ayaw mong mag-perform that day, how about your grades?" Parang huminto ng saglit ang oras ko dahil sa narinig mula sa kaniya. "Nasabihan na ang mga professors natin na dapat dagdagan ang points mo, probably by now, your grades are already fixed. So babawiin mo?"
Patay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro