Chapter 1
Dagsa ang fountain ngayon dahil sa may kung ano pa lang malaking stage ang naroon. Nanliit pa ang mga mata ko dahil sa may iba't ibang mga uniform kaming nakikita. Blue, red, yellow, orange and violet. Each color is representing a class. This is not good. Lalo na't nasa iisang lugar ang mga class!
Kaming mga Class-C, we're wearing red uniforms, bagay siya sa'kin actually, nagiging maganda siya sa balat ko at sa buhok ko. All girls and boys has similar lower, black pants lang talaga at black skirts paired with black leather shoes and doll shoes. Wearing white socks na halos abot na sa knees naming mga kababaihan, sa mga lalaki naman ay medjas lang talaga na black.
They look united, but deep inside, I know that they are thinking on how they can drag other classes down.
"Ang r-raming tao." I whispered and then held Ceress' hands tightly. Napansin niya 'yon kaya lumingon siya sa'kin habang nagliliwanag ang mga mata dahil sa galak at tuwa. Napailing na lang ako dahil alam kong paborito niya ang mga ganitong eksena lalo na may mga royalties na magpe-perform.
What's with them? We're not aware that royalties will perform. There's no announcement, ngayon lang.
"Alam mo ba ang dahilan kung bakit magpe-perform ang iba sa mga royalties ngayon?" Tanong ko kay Ceress, ngumiti siya sa'kin at tumango. Lahat naman ata alam nito kapag tungkol sa mga royalties eh. Ako? Kakapasok lang namin last month, marami pa akong hindi alam sa academy na 'to.
"They are doing this because one of the royalties from a kingdom will transfer here, it's a tradition, Melliona. Hindi mo ba nabasa 'yon sa booklet na ibinigay sa'yo no'ng pagpasok mo rito sa Vayloces?" Umiling ako dahil sa hindi naman ako mahilig sa pagbabasa kung hindi lang rin tungkol sa musika. Masakit sa ulo.
She sighed, "Lalimar Egnis Kingdom's only prince will transfer here, that's why other royalties from Lalimar Island are now performing as a welcome and respect." She explained and that made me nodded. Well, not bad, good info.
Magsasalita na sana ako nang bigla na lang ako hinila ni Ceress papalapit sa stage. Ang iba naman ay iritang napapatingin sa kaniya lalo na sa iba-ibang class, ang mga ka-class naman namin ay ngumingiti lang sa amin at nagpapaubaya. Pinapadaan rin kami at ang iba ay nagbibigay agad ng daan bago pa man kami makaraan. Ako nahihiya kay Ceress pero ano pa nga bang magagawa ko? Mahilig siya sa maraming tao, ako naman, nag-aaral pa kung paano makihalubilo sa ganito karaming tao.
"T-That's lovely," I suddenly softly mumbled when I saw how swifty that woman's moves. She is swaying her body beautifully while wearing a white dress that touches the stage. She is controlling the water while dancing, manipulating it skillfully like she was doing it so many times. I looked at the other women and like her, they are dancing as well while manipulating their powers! The other one is wielding the flow of the wind while her long dark hair is flipping beautifully. The other one is manipulating the sparks of the electricity coming from her fingertips and then she's letting it dance on her skin.
They are masters in performing! What a fantasy!
"Tignan mo ang boys, like you, they knew how to play instruments as well." Nilingon ko ang sinabi ni Ceress at napamangha ako dahil katulad ko, marunong din silang gumamit ng plawta! Ang isa naman ay gumagamit ng sistrum na siyang mas lalo kong ikinatuwa. Hindi ko aakalain na matutuwa ako ng ganito habang pinapanuod ang mga kalalakihan na magtugtog ng mga ganitong klaseng instrumento.
"See, you fell in love with their talents, like you, they are fonds of music. But mind you, they are all coming from Class-A." Parang bulang pumutok ang ngiti ko dahil sa narinig mula sa kaibigan ko. Muntik ko ng makalimutan, karamihan nga pala sa mga royalties, lahat sila ay nanggagaling sa Class-A. May iba naman na nasa Class-B, kaya doon daw nagsimula ang siklab sa pagitan ng dalawang class.
I can't even relate.
Teka, muntik ko ng makalimutan! Ang ungol ng isang hayop na hindi ko batid kung anong klase ito! Nakakatakot! Nakakakaba!
"Ceress, did you hear some noise from outside of the academy? Like... a growl? Ahm, just minutes ago?" I carefully asked but she just wrinkled her forehead, looking at me confusingly.
"Wala naman akong narinig, at tiyaka, nandito na 'ko kanina pa. Pinuntahan lang kita para may makasama ako. Kung meron man, hindi ko pa rin maririnig. Look, the sounds from instruments are loud." Huminga na lang ako ng malalim dahil alam kong wala rin akong makukuhang sagot sa kaniya. Kung hindi niya narinig, mukhang hindi rin narinig ng iba. Mukhang wala sa ekspresiyon nila ang takot at kaba, hindi katulad ng naramdaman ko no'ng kani-kanina lang.
That was a monstrous growl, it was ferocious. Kaya ako kinabahan dahil hindi ko alam kung anong klaseng hayop 'yon... o kung hindi hayop, baka sa isang halimaw 'yon nanggaling! Pero anong gagawin ko? Hindi rin ako puwedeng lumabas kung walang pahintulot sa headmistress. At tiyaka, hindi pa break.
I was stiffened a bit when I heard some of the students' cheered. They were like amazed because of some reasons. I followed their gazes and I was stunned when I saw a man wearing a red see-through polo and a white pants revealing a bit of his bulky figure. He's barefoot but I saw how his feet danced like it has its own brains! While dancing coolly, he's slowly manipulating a fire and slowly making it as his whip. He controlled it and then danced more like he already mastered it. He circled his whip to his body and float it in the air gorgeously. The other women danced with him with their powers while the only guy is watching them with so much passion while dancing with them.
What a hair-raising performance!
"Ceress, I need to pee." I whispered to my friend but looks like she was stunned as well because of the guy's performance! I just sighed and then let go of her hand, I walked away from the crowd and looked for the comfort room.
I sighed so deeply when I went out from the cubicle, releasing all the stresses. I went near the mirror and watched my reflection. I smiled sweetly and slowly waving my hand, I gradually touched the mirror and then caressed it.
Habang tinitignan ko kasi ang mukha ko, naaalala ko ang mga mata ni Papa. Naaalala ko rin ang buhok ni Mama sa buhok ko.
"Who are you? You don't belong here, this is a Class-B comfort room... from our.. building." Nahinto ako dahil sa malamig na boses na 'yon at dahil sa kaunting gulat, tinignan ko ang repleksiyon niya sa salamin. Kakalabas niya lang ng cubicle and she's wearing a blue uniform, a student from Class-B! Agad akong kinabahan dahil sa alam kong hindi sila friendly sa mga mas mababa sa kanila, lalo na sa Class-A.
Ano na lang kung Class-C lang?
"A-Ah, sorry, malayo na kasi kung sa building pa namin ako pupunta. Galing kasi ako sa fountai--"
"I don't care, you have to leave." She coldly uttered, cutting me off. She didn't even let me explain my side. I just noticed that like me, her blue uniform makes her more beautiful especially her blue long wavy hair. Her eyes are blue as well like the color of the sky, she's sexy and tall but I am taller than her. I sensed nothing but an ordinary presence, but I know for sure, she is just hiding her true aura.
"O-Okay." Sambit ko na lang at agad lumabas sa comfort room na 'yon. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil tama naman nga siya sa sinabi niya. Delikado ako rito lalo na't hindi ako Class-B student, at tiyaka, alam ko kung gaano sila katapang at kadelikado.
"Bakit nga ba 'ko pumunta ro'n? Hayst, eh sa naiihi na kasi ako!" Inis kong kausap sa sarili at agad nang tumakbo ng mabilis papalayo sa building na 'yon.
"Don't you like the prince's performance? You know, that guy with a fire whip?" Ceress asked while we are now here in the ballfield where all of the classes can meet. Dito ang maraming away na nangyayari, payabangan o pasikatan pero hindi naman delikado sa aming mga Class-C, hindi kasi kami nakikisali sa circus nila.
"He's a good performer." I shortly responded.
"Yeah, Lalimar Island known for their unique and beautiful performances, especially in their traditional dancing and playing instruments." Natigilan ako dahil sa bigla niyang inilapit ang mukha niya sa'kin. Mas lalo ko tuloy nakita ang abo niyang mga mata. "Teka, baka naman taga Lalimar Island ka? Hmm, saang kingdom? Wait, baka isa ka talagang prinsesa ah? Nako!" Napaka-oa niya na talaga kahit kailan.
"Ceress, kung isa akong prinsesa, nasa Class-B o nasa Class-A na sana ako. At tiyaka, kung tunay akong prinsesa, sana sinalubong na rin ako ng mga ganoong performances." Biglang bumagsak ang mga balikat niya. Her excitement immediately faded because of what I said.
Huminga siya ng malalim, "sabagay." She almost whispered.
"You fucker! I know you were just jealous because she was in love with me!" Nagkatinginan kami ni Ceress dahil sa malakas na sigaw na 'yon na nanggaling sa isang lalaki. Hinanap namin kung saan 'yon nanggaling at napansing may nagkukumpulan na hindi ganoon kalayo sa puwesto naming dalawa.
What's with that word love?
"Why would I? She.. was.. in love with you, meaning, before! A stupid ex! A damn past! A disgusting history! Hindi ako ang nagseselos kun'di ikaw! You're fucking jealous because she's now in love with me! I am now her present!" Sigaw pa ata ng kaharap ng isang lalaki.
"Nako, usapang selosan ata." Nanliit ang mga mata ko nang mapansing pinapagpag na ni Ceress ang skirt niya. Nakatayo na siya ngayon at nakatingala ako sa kaniya.
"Where are you going?" I confusingly asked.
"Trying to leave my comfort zone, I want to know what's the feeling of being a chismosa." She smirked and before I could say anything, she suddenly ran away from me! I immediately felt nervous and scared because of what she did! Ang bruha! Makikiisyosa pa ata!
Mas lalo akong kinabahan nang bigla na lang akong nakarinig ng malakas na pagsabog! Ito na nga ang sinasabi ko! Alam niya naman na delikado sa lugar na 'to!
"Ceress!" I screamed. I don't have any choice but to run my lungs out and find that woman!
"Ceress! Gosh!" I shouted again and I was stopped when I saw the two guys are now fighting! I felt more nervous because I saw Ceress standing like a statue near those two men! Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa at agad tumakbo ng mabilis papunta sa kaniya! Ramdam ko ang malalakas na kapangyarihan na nagmumula sa dalawang lalaki na ngayo'y mabilis nagpapalitan ng mga atake! Kung hindi ako nagkakamali, ang isa sa dalawang lalaki ay nag-perform kahapon! Siya 'yong lalaking nagtutugtog ng plawta!
Class-A is really a troublesome as well!
"Ceress, come here!" Nang makalapit ako ay agad ko siyang hinila. Napansin kong tulala siya at tila takot dahil sa labang nagaganap. Agad ko siyang inilayo doon pero natigilan ako nang may naramdaman akong paparating sa direksiyon namin. Unti-unti akong lumingon at tila parang nanlamig ang buo kong katawan dahil sa dalawang bolang gawa sa yelo ang paparating sa akin ngayon!
My instincts tell me to push Ceress away from me and that's what I did. I pushed her and that made her fall on the ground while I am gradually closing my eyes, facing the attacks and waiting for my end! If it will hit me, it will make a huge damage since those ice balls are bigger than my head! It has a lot of pressure and power and I don't have that power to stop it!
I am just an animal tamer!
Bigla na lang may kung anong yumakap sa buong katawan ko na siyang dahilan kung bakit ako napadilat. May malalaking brasong nakayakap na sa'kin ngayon na siyang dahilan kung bakit ako kinabahan lalo.
No men hugged me this tight except from my father!
"Idiot. Are you trying to kill yourself, woman?" His voice is deep. Hindi ko maaninag ang buo niyang pagkatao dahil sa liwanag na nanggaling sa araw. Gusto ko siyang titigan pero tanging itim lang ang nakikita ko sa mukha niya. Hinay-hinay akong lumingon sa kung saan ako nakatayo kanina at napansing doon tumama ang dalawang bolang gawa sa yelo. Nakita ko pa si Ceress na ngayo'y papatakbo nang paparting sa'kin na siyang ikinahinga ko ng malalim.
This man saved my life. He is.. so.. fast.
I suddenly felt weakened, my knees are now trembling because of the realization. If those huge ice balls hit me, I know for sure that it will be my end.
"Next time, if you are willing to save your friend, save yourself as well." I stared at his face once again but I can't see it. Nang dahan-dahan akong napatingin sa suot niyang uniporme, doon na ako natigilan at mas lalong kinabahan. Hanggang sa halos kapusin na ako ng hininga.
He's wearing violet uniform, meaning, he's from Class-D.
And everything went void and black.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro