HP 9
Alisis.
Pagpasok pa lang namin sa eskwelahan nila ay agad kong naramdaman ang mga iba't-ibang klaseng presensiya, kakaibang kapaligiran, atmospera at ang kapangyarihang bumabalot sa buong Satharia Academia. Tumingin ako sa itaas at napansin kong may nag-go-glow do'n and I think they called it barrier para walang makakatakas at makakapasok.
Lumingon ako kung saan kami pumasok, the mini door. Hindi 'yon lock pagpasok namin kaya delikado din 'yon para sa mga estudyanteng nagsasanay sa loob. Puwede silang salakayin kung may magtatangka and worst—hindi sila makakalaban dahil bago pa silang nag-aaral kung paano nila gamitin ang mga kapangyarihan nila.
"Puwede po ba kaming lumabas ng eskwelahan kapag may kailangang puntahan? I mean hindi po kasi namin matiis na hindi bisitahin ang mga magulang namin." Pagsisinungaling ko and please forgive me my Lord in heaven sa hindi ko pagsasabi ng totoo.
"You can ask permission sa Headmistress dito, huwag kayong mag-alala dahil hindi naman siya strikta. Just follow her para madali ang usapan." Turan nito sa amin kaya tumango nalang ako para ipakitang naiintindihan ko.
Sunud-sunod lang kami sa kaniya at kasabay no'n ang paglibot ng mga mata ko sa kapaligiran. Opposite ito sa labas, gloom siya kung tignan. More on black and red ang nandidito, mga bulaklak na puro pula at itim lang ang kulay at may malaking paru-paro pa do'ng lumilipad mag-isa na parang sinosolo ang mahalimuyak na mga bulaklak. The buildings, its divided in to three.
"Sa tatlong gusali na 'yan, nasa gitna ang office ng Headmistress, ang room ng mga Royal blooded at ng mga Diyos dito. Nasa magkabilang-gilid naman ang mga specialist na may kakaibang kapangyarihan kaysa sa Natharia." Pagpapaliwanag nito sa amin.
"Ang lalaki ng mga building dito ah?" Manghang turan ni Chester na nakanganga pa. Tinakpan agad ni Sera ang nakangangang bibig nito gamit ang palad niya.
"Don't talk Chester, diyan tayo napapahamak." Bulong ni Sera pero rinig na rinig ko naman.
Hindi naman nakakatakot ang lugar, its just that hindi mo lang talaga maiwasang hindi makaramdam ng kaunting takot dahil sa kakaibang lugar. Hindi ko inaasahan na ganito pala sa loob, malayong-malayo sa labas ng eskwelahan. Oo nakakamangha sa labas pero mas nakakamangha ang mga bagay-bagay dito sa dahil sa lawak, linis at ganda ng bawat eskinita.
Agad kaming pumasok sa pasilyo ng nasa gitnang gusali.
"Konektado ang tatlong gusali dito kaya hindi kayo maliligaw kung may gusto kayong puntahan. Just be careful dahil mga loko-loko din minsan ang mga estudyante dito."
"Sir Satro, kung hindi niyo po nalalaman, may kasama din kaming loko-loko kaya patas na din. Siya ang ipapain namin kapag may gustong kumalaban sa amin." Natawa ako sa tinuran ni Venedict na nakangisi na ngayon at napansin kong nakakunot ang noo ni Chester.
"Talaga? Meron din kasi akong kilala na mas loko-loko sa lahat. At huwag niyo na rin akong tawaging kuya, hindi lang naman nalalayo ang edad natin. I'm just nineteen." Agad akong nagulat sa sinabi ni Kuya Satro. Napasinghap din si Sera at Venedict dahil sa nalaman.
"Ang OA niyo naman, ngayong lang ba kayo naka-encounter ng nineteen years old?" Inis na turan ni Chester.
"Ibang-iba ang oras ng Avalon sa mundo ng mga tao. Isang taon do'n, labinwalong taon na dito. Pero hindi tumatanda ang mga specialist na nanggaling sa Avalon kapag pumunta sila dito, they will become more younger."
So kung nandito si Auntie ay baka kasing-edad lang din namin siya? My God! Bakit hindi ko kaagad naisip ang mga sinabi ni Auntie sa akin? Ang dami ko kasing iniisip sa school no'n kaya hindi ko naisaulo ang lahat ng mga sinasabi ni Auntie.
At ibig-sabihin, kung kilala ni Kuya Satro—o Satro si nanay, tiyak na magkasing-edad lang din pala kami ni nanay? May rason ba sila nanay bakit ipinadala niya ako kay Auntie? May kinalaman din kaya ang nanay ni Venedict dito? Nakakalito! Hindi ko alam pero parang may gustong pumasok sa utak ko pero hindi ito pinapayagan.
"O-Okay." Utal na sambit ni Venedict kaya taka ko naman siyang hinarap at namumula pa siyang tumingin sa direksiyon ni Satro. This time, hindi ko na pala siya tatawaging kuya.
"Well, ako na ang bahala magpa-enroll sa inyo dito. Ang kailangan niyo lang ay maghintay sa Cafeteria at pupuntahan ko nalang kayo do'n para ibigay ang mga dorm keys niyo." Seryosong sambit ni Satro sa amin na siyang ikinataka ko.
Kanina, maaliwalas pa ang ekspresiyon niya pero agad naman itong napalitan ng pagkaseryoso.
Tumango nalang kami at agad itong umalis sa harapan namin.
"Shit! Hindi man lang natin natanong kung saan ang Cafeteria na sinasabi niya!" Sigaw ni Sera kaya agad ko siyang sinita. Binigyan niya naman ako ng peace sign kaagad.
Nakita kong lumiwanag ang harapan ni Venedict at lumitaw do'n ang hologram na kanina niya palang ipinaliwanag sa amin.
"Nakakalimutan niyo atang may Dora dito." Ngising asong sambit ni Veneduct kaya agad kaming nagtawanan.
Sinundan lang namin ang nasa hologram na nasa kategorya ng mapa ng Satharia Academia. Makikita do'n ang mga dots kung saan may mga pangalan ng lugar sa itaas nito. Agad naman naming nakita ang Cafeteria dahil sa mga estudyanteng pumapasok do'n. Glass ang gamit ng kanilang Cafeteria kaya kitang-kita kung anong ginagawa nila sa loob.
Agad iwinala ni Venedict ang hologram at humarap sa akin. Tinignan ko siya sa mga mata dahil may nababasa akong hindi angkop sa kaniya. Parang may gusto siyang sabihin sa akin pero nagdadalawang-isip siya.
"Sabihin mo na Venedict, ano ang bumabagabag sa'yo?" Concern kong tanong sa kaniya at agad naman itong napabuntong-hininga.
"Satro suspecting us, nahalata niya ata kasi ang kakaibang ikinikilos ko. Remember, walang bakla sa lugar na'to Alisis kaya mas magiging delikado tayo. Ayoko din namang magpanggap na lalaki because its eewy talaga na nakakaloka! Anong gagawin natin?" Halata sa boses niya ang natataranta kaya agad ko siyang nginitian.
"Gumalaw ka lang kung gusto mong gumalaw bilang ikaw. Huwag ka ngang matakot dahil sa kung sino ka, remember? Isa ka sa mga Apostoles ko dahil alam kong malakas ka, mapagkakatiwalaan ka at may pinaglalaban. Huwag mo munang isipin ang mga bagay na magpapabagsak sa'yo, just continue living. Nandito kami para suportahan ka." Ngiting pagpapakalma ko sa kaniya at agad niya naman akong niyakap.
"Venny tandaan mo, ako lang ang may mahinang puso. Ayokong gano'n ka rin okay?" Bulong ko sa kaniya at tumango-tango naman ito.
I think ang Venedict na man hater noon ay unti-unti ng natutunaw dahil sa mga nangyayari ngayon. Siguro involved din ang mate niyang bampira na hindi namin alam kung magpapakita pa ba siya kay Venedict.
"Drama niyo!" Napatingin kami kay Sera dahil sa biglaan nitong pagsigaw kaya nagkatinginan kami ni Venedict at nagsihagikhikan.
Agad kaming naglakad papuntang Cafeteria at agad tinulak ang glass door kaya bumungad sa amin ang mga ingay, iba't-ibang mukha at kapangyarihan.
"They are so cool." Dinig kong bulong ni Chester na tila namamangha pa siya sa mga nakikita na naglalaro ng kani-kanilang mga kapangyarihan.
"Itikom mo bibig mo Chester, baka mapahamak tayo." Turan sa kaniya ni Sera kaya agad siyang tinignan ng masama ni Chester.
"Bakit ba ako nalang palagi ang nakikita mo? Psh! May gusto ka ba sa akin?" Inis na turan sa kaniya pabalik ni Chester kaya agad siyang tinignan ng seryoso ni Sera.
"Paano kung sabihin kong oo? Tatahimik ka ba?" Tila tumigil ang oras ni Chester dahil sa sinabi ni Sera na pati ako ay natigilan din. God! Are they confessing?
"W-Wai—"
"Huwag kang mautal Chester, niloloko ka lang ni Sera. Hello! I can read minds at basang-basa ko ang iniisip ni Sera." Tila bagot na turan ni Venedict.
Kaninang gulat na si Chester ay ngayo'y parang nakahinga ng maluwag. Si Sera na kanina ay seryoso ay ngayo'y tatawa-tawa ng nakatingin kay Chester.
"Ang daya talaga ni Venedict eh! He can read minds! Huwag mo nga basahin ang mga nasa isipan namin! Baka kung ano nalang ang masagi sa utak ko at mabasa mo pa Diyos ko lagot ka!" Ako na yata ang nahihiya dahil sa lakas ng boses ni Sera kaya agad akong humanap ng bakanteng lamesa good for four dahil baka kung ano nalang ang gawin ni Sera kung magtatagal pa kami.
"Hindi naman ako nagbabasa ng mga isip kung hindi importante. At tiyaka, nanghihina ako Serafina kapag basa ako ng basa ng isip. So magwe-waste pa ba ako ng energies para sa'yo? Yaks!" Dinig kong turan sa kaniya ni Venedict kaya napapailing nalang ako.
May nakita akong bakante at saktong apat din ang bakanteng upuan kaya agad akong pumunta do'n. Nakasunod lang sa akin ang tatlo kaya hindi ko na kailangang tawagin sila. Agad silang umupo habang ako naman ay nakatayo at tinignan sila isa-isa.
"Ano ang sa inyo? Sabi sa akin ni Auntie no'n, lahat ng mga Academia dito ay libre ang mga pagkain kaya wala tayong poproblemahin." Ngiting sabi ko sa kanila kaya agad silang nagsingitian.
"Burger and coke in can please kung meron sila dito." Venedict.
"Akin Spaghetti kung meron din sila dito." Sera.
"Pizza kung meron din sila dito." Chester.
Agad akong napa-face palm dahil sa inakto nila. Puro nalang silang 'kung meron sila dito' eh kung wala? Nganga nalang?
"Hayst ako na nga lang mag-o-order para sa inyo." Turan ko at agad tumalikod sa kanila at pumunta sa counter.
Napangiti naman ako dahil may naka-display na mga pagkain sa glass na parang aquarium pero malaki kaya ang daming pagkain sa loob na pagpipilian. Karamihan ay mga karne tapos the rest ay mga gulay na. Wala silang isda dito siguro dahil mas maraming protein ang mga karne. Nakita kong may burger style dito and Spaghetti kaya agad kong tinuro ang mga iyon.
"Isa lang niyan at ng isa pa no'n ate." Magalang kong sabi kaya agad itong tumango. Hindi ko na muna sinabi ang mga pangalan baka kasi hindi burger ang name at Spaghetti, malalagot tayo.
Agad nag-serve si ate.
"Ano po ba ang mga pangalan niyan ate? Sorry po pero makakalimutin ho kasi ako." Awkward smile appeared on my lips. Nginitian naman ako ng ate.
"Burger 'yan at Spaghetti."
Hmmm—so pareho lang din pala ang mga pangalan ng pagkain dito at sa mundo ng mga tao? Great!
Okay po at agad kong kinuha ang tray na may libreng coke siguro 'to at ang burger at Spaghetti. Naglakad ako pabalik sa lamesa namin na nakatingin parin sa tray.
Parang may kulang ata?
"Ay Chester! Nakalimutan ko ang pizz—hey! Anong ginagawa niyo?!" Sigaw ko ng makitang may nakahawak sa leeg nina Sera, Chester at Venedict.
Isang babae at dalawang lalaki na may pare-parehong mga buhok, puti.
"A-Alisis." Hirap na sambit ng tatlo habang nakatanaw ang mga mukha nila sa itaas dahil sa pagkakasakal sa kanila ng tatlo gamit ang mga braso nito.
"Oh hi dear! Gusto lang sana namin maglaro pero tinanggihan kami ng tatlo eh." Ngising sambit ng babae na may mga puti ding mata. She gave this long white hair na hanggang bewang ang haba.
"Kung ayaw nila makipaglaro edi huwag niyong guluhin." Mahinang sambit ko na may pagkamalumanay pero agad akong dinilaan ng babae.
"Ganito kasi tradisyon namin dito, kapag may bago, may laro. At kapag tinanggihan.." Pagkatapos niyang sambitin ang huling salita ay umakto siyang ginilitan ang leeg gamit ang pagpapatulis ng palad na sinasabing mamamatay ang mga kaibigan ko kapag hindi sila makikipaglaro.
"Austrine huwag mong takutin, naiiyak na oh! Hahaha!" Narinig ko naman ang buong tawanan sa loob ng Cafeteria dahil sa sinabi ng lalaking may puti ding buhok na nakatayo pa, para siyang rockstar kung tignan. May puti din siyang hikaw sa magkabilang tenga kaya kuhang-kuha niya ang rockstar, ang kaibahan lang puro siya puti na imbis itim.
And how I hate this heart dahil sa agad na nasasaktan.
"Yndigo, huwag niyo ngang asarin, hindi siya kasali dito." Turan naman ng isang lalaking ginawang bangs ang puting buhok kaya halos sakupin na nito ang mga mata.
"Shh ka na nga lang diyan Shiloh, 'yan na naman ang pagkamaawain mo." Turan naman ng babaeng tinawag na Austrine.
"Bibitawan niyo sila o pipilitin ko pa kayo?" Walang emosyon kong sabi at nakita kong napaigtad sila sa inakto ko.
Napansin kong nag-i-spark ang mata ni Austrine, umuusok naman ang braso ni Yndigo na nakasakal kay Chester at nagliliwanag ang mga mata nitong si Shiloh na nakatingin sa akin.
"Napakalakas ng loob mong sabihin 'yan sa mga Royal blooded na kaharap mo." Turan nitong si Yndigo habang humihigpit ang braso nitong nakasakal sa leeg ni Chester na nagngingit-ngit ang mga ngipin.
Biglang kumuyom ang mga palad ko at nakita kong tinignan 'yon ni Yndigo at bahagya pa siyang nagulat pero agad itong napalitan ng ngisi.
"An Ice Specialist? Psh! Hahaha hinding-hindi mo ako matatablan dahil kakaiba ang yelo ko sa yelo mo." Ngising turan ni Yndigo.
"Bitaw sa kanila." Cold kong sabi pero kabaligtaran ang ginawa nila sa sinabi ko, mas lalo nilang hinigpitan ang pagkakasakal.
Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga estudyante dahil bakit pa ba daw ako nagmamagaling, nagmamalakas o nagpapabida. Psh! Kakaiba nga din talaga ang mga specialist dito. Mas grabe pa sila kung mam-bully, pisikalan.
"Stop that you three!" Napalingon kami sa may sumigaw at halos bunutan ako ng tinik at laking pasalamat dahil sa biglaan niyang pagdating.
"Kuya Saytro naman eh! We are just having fun!" Maarteng sigaw ni Austrine habang nakakapit parin ang braso nito sa leeg ni Sera na nakapikit habang nagngingit-ngit din ang mga ngipin.
"Bitaw." Seryosong utos sa kanila ni Satro na siyang ginawa nilang tatlo kaagad kaya napabuntong-hininga ako.
"Psh!" Singhal ni Yndigo at agad lumayo pero masama ang mga tingin niya sa akin habang naglalakad palayo. Sumunod naman kaagad si Austrine na nakayuko pati si Shiloh.
"Paumanhin sa inakto ng mga 'yon, they are spoiled." Seryosong sambit sa amin ni Satro.
"Ayos lang." Sera uttered.
"Yah ayos lang." Segunda naman ni Venedict habang hinawakan ang leeg.
"Ayos na ayos lang bro." Turan naman ni Chester habang hinihilot ang batok nito.
"Of course not, ito na nga pala ang dorm keys niyo. Sabi ng Headmistress na iisa lang kayo ng dorm pero may limang kwarto. Kayo na ang bahala kung anong gagawin niyo sa isa pang kwarto and also, you are officially enrolled kaya wala ng problema. Bukas na bukas ay papasok na kayo sa training gamit ang uniform for battling. By the way, sorry sa mga inakto ng mga 'yon. Wala lang 'yon sa disiplina kaya lumayo nalang kayo sa kanila." Paliwanag niya kaya agad kaming napatango lahat kaya tumango din siya pabalik.
"Sige aalis na ako, siguro naninibago pa lang kayo dahil iba ito sa mundo ng mga tao." Sabi niya at bago pa kami maka-react ay tumalikod na ito sa amin.
Agad kaming nagkatinginang apat na may nanlalaking mata dahil sa gulat kasabay no'n ang kaba sa dibdib.
He knew.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro