HP 8
Alisis.
"Wala na ba kayong naiwan? Hindi bihira ang magiging misyon natin sa Avalon." Turan ko sa kanila at umiling naman silang tatlo na nagsasabing wala na nga talaga silang naiwan o nakalimutan.
This is the day, ito na ang hinihintay naming mangyari. Tama ba talagang kami ang magliligtas sa mga nangangailangan? Paano kung hindi namin magawa? Paano kung magiging sagabal lang pala kami? Paano kung mali kami? Paano—
"Sa sobrang daming tanong mo Alisis sa utak mo, lahat sumasaulo din sa utak ko. Can you stop being paranoid?" Turan sa akin ni Venedict kaya napatango nalang ako.
Hindi ko naman kasi maiwasang hindi mag-alala sa magiging kalagayan namin kapag napunta na kami sa lugar kung saan maraming katulad namin ang nando'n. Napakadelikado at magiging bago ang atmosphere, lahat magiging bago sa amin. The air, the place, not ordinary people and their different kind of powers.
"Wala na tayong maaatrasan Alisis, this is your promise to your Auntie na siyang hindi natin dapat talikuran. Remember, ililigtas niyo ang pamilya niyo at ang pamilya ko. Ewan ko lang kay Chester." Turan ni Sera at napatingin kay Chester na parang wala lang, parang hindi siya kinakabahan.
"Wala akong pakialam, makasalubong lang ang mga kagaya natin ay napaka-cool na no'n grabe! Iba't-ibang kapangyarihan makikita't ma-e-engkuwentro nating apat." Proud pa niyang sabi kaya napabuntong-hininga ako.
"We need to be careful Chester, huwag ang pagiging tanga ang atuparin." Suway naman sa kaniya ni Venedict na siyang ikinalukot ng noo ni Chester.
"Tsk! Panira naman kayo! Huwag na nga kayong magsalita at buksan niyo na ang lagusan na sinasabi ni Tita Azania." Inis na turan ni Chester na siyang pinagsang-ayunan naming Sera.
Hindi sumama sa amin si Auntie, dapat daw kasi siyang magpaiwan para iligaw ang mga nagtatangkang hanapin ang presensiya ko. Gagawa siya ng kawangis ko at kay Venedict para hindi mapaghalataan na nawala na kami sa mundo ng mga tao. Auntie Azania sealed my presence kaya hinding-hindi mararamdaman ng mga taga do'n ang presensiya ko.
Nandito na kami sa kagubatan hindi malayo sa bahay namin nina Venedict. Dito daw kasi kami no'n lumitaw matapos kaming patakasin ni Auntie Levinas, nanay ni Venedict. Kahit ngayon nga hindi parin siya nag-o-open up tungkol sa nanay at tatay niya kung nami-miss niya ba ang mga ito. Wala siyang sinasabi sa akin if he is excited, if he is desperate kung hahanapin pa ba niya ang mga magulang niya. Ako? I really wanted to look for my father and mother, gusto ko na silang makita at ipagmalaking lumaki ako na may malakas na kapangyarihan.
Bigla nalang may kinapa sa ere si Venedict na parang may chine-check na kung ano at nagulat kami ng bigla nalang lumiwanag—sobrang liwanag. Agad akong gumamit ng invisibility para hindi mahalata o makita ng kung sino man ang ginagawa namin. Mahirap na at baka hindi pa kami makapunta ng Avalon.
Ang liwanag ay parang unti-unting nagiging spiral dahil din sa kakaibang ikot nito sa loob. Nakakasakit ng ulo kung titignan mo dahil sa bilis ng ikot sa loob. Katulad ng liwanag ni Venedict, its a golden-like na may kakaibang kapangyarihan ang bumabalot dito.
"Hindi man lang naging masaya ang mga taon ko sa mundong 'to." Napatingin ako kay Sera dahil sa biglaan niyang pagsalita.
"We will find happiness here after our mission kaya huwag kang mag-alala Sera. Ang kailangan lang natin ay agad tapusin ang hindi natapos ng pamilya namin." Paninigurado ko sa kaniya at binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti.
Kahit ako Sera, hindi ko rin naramdaman ang kasiyahan sa mundong 'to. Wala akong naging kaibigan maliban sa inyo, I dreamt to have a lot of friends, gusto kong mag-inom at iwala ang kainosentihan ko sa lahat ng bagay and I also wanted to become a bad girl at magkaroon ng boyfriend. Nagsulat na ako no'n ng bucket list ko pero parang hindi ko rin naman magagamit dahil nga alam kong dadating ang araw na mawawala din kami sa mundong 'to.
"Lets go." Napalingon ako kay Venedict na ngayo'y seryosong nakatanaw sa gintong liwanag. Ito na ata ang portal na papasukan namin na siyang tinutukoy din ni Auntie Azania.
Ewan ko pero inilabas ko ang dyamanteng libro at pinagmasdan ito ng maigi at binuksan ang unang pahina.
"Don't worry, tutulungan namin kayo para matulungan niyo din kaming matapos ang lahat." Bulong ko at agad itong pinaglaho at sumunod sa mga kasama kong nauna na pala sa akin.
Napapikit ako sa kadahilanang naninibago ako sa portal na pinasukan namin ngayon. Hindi katulad ng kay Venedict ay agad kang makakarating sa destinasyon na gusto mong puntahan pero iilang segundo pa para makapunta sa ibang mundo ang portal na'to. Auntie taught us how to act like we really live in Avalon, huwag na huwag daw kaming magpapahalatang galing kami sa mundo ng mga tao. And also avoid using human's language na hindi nila agad naiintindihan.
Sa pagpikit ng mga mata ko ay sumabay ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa iba't-ibang emosyon na nararamdaman. Kaba, takot, galak at saya. Kaba dahil baka hindi namin magawa ang misyon, na baka hindi namin mapagtagumpayan ang misyong inatasan sa amin. Na baka kami lang ang magpapagrabe sa sitwasyon. Takot dahil baka hindi ko maprotektahan ang mga nasa paligid ko, alam kong poprotektahan nila ako bilang Apostoles ko. They will do everything for me pero hindi sa lahat ng panahon ay lagi nila akong ililigtas, I need to help them too. Galak dahil sa wakas ay makikita na namin ni Venedict ang mga magulang namin at matutulungan na din namin si Sera para hanapin ang pamilya niya. Saya dahil mayayakap na namin ang mga mahal namin sa buhay.
Pero hindi ko maiwasang hindi mangamba dahil sa lahat ng galak at sayang nararamdaman ko ngayon ay agad-agad na napapalitan ng kaba at takot dahil sa posibleng kapahamakan na sasalubong sa amin.
But I trust my Apostles.
Naramdaman kong may natatapakan na akong lupa kaya agad kong iminulat ang mga mata ko. May kaunting hilo pa akong naramdaman dahil sa kanina pero agad kong sinuri ang lugar.
Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita! Its so beautiful! Ang ganda! Nakakamangha! I didn't expect na ganitong klaseng lugar kami mapupunta! Tinignan ko ang likuran ko kung saan kami pumasok at bato nalang ang nando'n. Bato na hugis bilog na parang isang pinto at may mga batong-ugat ding nakapalibot dito. May maliit ding bilog sa gitna.
"Ang ganda naman dito! Mas maganda pa 'to sa Tagaytay na napuntahan ko!" Sigaw ni Chester kaya agad namin siyang sinita dahil baka may makarinig sa amin dito.
"Kapag tayo napahamak Chester, kakalbuhin talaga kita." Giit na turan sa kaniya ni Venedict na nanlilisik ang mga mata.
Umiiling-iling nalang ako at sinuri ulit ang kapaligiran. Punong-puno ng mga berdeng-berdeng kapunuan, mga iba't-ibang klaseng kulay ng mga bulaklak at mga damong nagsasayawan dahil sa flow ng hangin. The clear blue sky, mga huni ng mga ibon ay nakakaginhawa. The fresh air inhaled by our system ay nakakapanabik and the sunlight touches our skin, its great! Hindi mainit dito! Ibang-iba sa mundo ng mga tao!
"God this is breathtaking!" Nagulat ako ng sumigaw ulit si Chester at akmang sisitahin siya ng agad siyang binatukan ni Venedict.
"Kakasabi lang namin diba?! Huwag ngang maingay sabi!" Inis na suway sa kaniya ni Venedict at ang Chester, tumawa lang na parang tuwang-tuwa sa nagiging reaksiyon ni Chester.
"Go—"
"Sige magsalita ka pa, makikita mong hindi lang si Venedict ang kakalbo sa'yo." Seryosong turan ni Sera na siyang ikinatahimik kaagad ni Chester.
Buti nga!
Bigla nalang may lumitaw sa harapan ni Venedict na parang computer kaya gulat ko siyang tinignan.
"What is that Venedict?" Takang tanong ko kaya tumingin siya sa akin.
"Auntie told me, this is a hologram. Namana ko ata to kay nanay dahil minsan na daw nakita ni Auntie na gumamit si nanay nito no'n no'ng naghahanap sila ng Diyos at Diyosa." Sagot naman nito sa akin kaya mangha kong sinuri ang hologram na kaniyang sinabi.
May nakikita kaming malalaking dots na may iba't-ibang kulay. May apat na malalaking dots at 'yong iba ay maliliit na. May gold dots, red, blue and black. May mga nakalagay ding mga words do'n.
"The gold dots ay Natharia, ito namang red dot ay may Satharia sa itaas. Ito namang itim ay Westheria at itong blue ay Eastheria. Anong ibig-sabihin no'n?" Takang sambit ni Sera kaya agad kong sinuri ulit ang mga dots.
Eastheria—Natharia—Westheria at Satharia. They are the four major isles of Avalon!
"I think its a map." Ngiting turan ko sa kanila at tumango naman si Venedict.
"And that blue dot, diyan namamalagi ang mga kalaban, the Eastherians. Pero hindi tayo nasisiguro dahil baka may iba pang Eastherian na umiikot-ikot lang dito kaya mag-iingat tayo." Sambit ni Venedict.
"Sa Satharia nalang muna kaya tayo? Ang bigat na ng bag ko eh." Reklamo ni Chester na alam niya namang pareho lang kaming may dalang bag sa likuran.
"May paparating." Naalerto kami sa sinabi ni Venedict at agad naghanda na baka kalaban ang paparating.
This presence, hindi gano'n kalakas pero hindi parin kami dapat mag-kompiyansa dahil baka mahulog kami sa patibong na kami rin ang may gawa.
"Bakit kayo nandito mga bata?" Napalingon kami sa isang lalaking may authority kung maglakad. Kakaibang tindig pero ang suot niya, is it a uniform?
"Sino ka?" Tanong ni Sera na siyang ikinalingon sa akin ng lalaki, nasa likuran ko kasi si Sera.
Napansin ko ang gulat sa mga mata niya kaya taka ko naman siyang tinignan.
"G-Genesis? I-I thoug—"
"Mawalang galang po, hindi po Genesis ang pangalan ko. Alisis ang pangalan ko Ginoo." Respetado kong turan sa kaniya at tila nagtaka pa siya sa sinabi ko.
"Huwag na huwag mong sasabihin na anak ka ni Genesis, Alisis."
"Bakit po?"
"Kasi delikado ang pangalan na meron ang nanay mo, at mas magiging delikado kung malalaman nila na ang dugo at kapangyarihan niya ay nasa iyo."
Dapat maging maingat ako sa sasabihin ko dahil baka mabuking ako at itong mga kasama ko.
"O-Oh sorry for that, a-akala ko ikaw ang kilala ko no'n." Turan nito kaya sikreto akong nagulat dahil sa sinabi niya.
Kilala niya nanay ko! Kilala niya! Malaking pag-asa ang nasa puso ko ngayon dahil sa wakas ay may magtuturo na sa akin kung nasaan ang batong katawan ni nanay.
"Ahmm—puwede po bang makilala kung sino po kayo?" Magalang na tanong ko.
Kung titignan, he is handsome pero sigurado akong magkasing-edad sila ni Auntie Azania. His white hair, masculine body and perfect face makes him more gorgeous.
"Saan ba kayo nanggaling at ni hindi niyo alam ang pangalan ko?" Bigla kaming natulala dahil sa tanong niya. Whoo! Hindi namin inaasahan ang tanong niya sa amin.
"Galing kami ng Natharia." Dinig naming sambit ni Chester at tila hindi kami makahinga dahil sa seryosong ekspresiyon ng lalaki ngayon.
"Hmm—nabalitaan kong wala na ngang eskwelahan do'n para sa inyo pero kayo lang ata ang taga Natharia ang gustong pumasok sa Satharia?"
May eskwelahan sila dito? At naniwala talaga siya kay Chester? Agad akong napabuntong-hininga na parang nabunutan ako ng tinik. Buti nalang at agad sumagot si Chester, kung hindi nganga kami ngayon. Worst, mabuking pa.
"Tama po kayo, wala na ngang eskwelahan sa amin kaya naisipan naming lumakbay papuntang Satharia para maensayo ang aming mga kapangyarihan. Paumahin po sa pang-iistorbo Ginoo...."
"Tawagin niyo akong Satro."
"Paumanhin po sa pang-iistorbo Ginoong Satro. Gusto lang po naming mabihasa sa kapangyarihan para makatulong sa mga kalaban." Turan ni Sera.
"Sige sumunod kayo sa akin." Ngiting sambit sa amin ni Kuya Satro kaya nakangiti din kaming sumunod sa kaniya.
"Gosh! Ang lalim no'n Sera hahaha!" Tawang turan ni Venedict.
"Tumahimik ka nalang Venedict kung ayaw mong masipa sa mukha." Banta sa kaniya ni Sera.
"Shhh! Baka marinig kayo ni Kuya Satro." Turan ko habang tinatanaw ang likuran ni Kuya Satro iilang metro ang layo sa amin.
Lakad lang kami ng lakad, nakakaramdam na din ako ng gutom at pagod. Sa ngayon, excite na excite ako dahil hindi ko alam na may eskwelahan din sila dito katulad sa mundo ng mga tao. Oo graduate na kami pero alam ko namang hindi academics ang itinuturo sa eskwelahan nila dahil sa mga labanan na nangyayari. I think more on training na ata sila kaya na-e-excite ako.
"Welcome to our Academia."
Agad napaangat ang ulo ko dahil sa paghinto ni Kuya Satro and wow! Just wow! Ang laki ng school nila! Nasa labas palang ako pero alam kong ang laki-laki na nito sa loob! Mas malaki pa ito sa university na pinapasukan namin sa Parañaque ah!
"Welcome to Satharia Academia."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro