HP 76
Genesis.
After all, tapos na lahat ng mga problema. Tapos na ang misyon na sinasabi sa akin ng nagngangalang Xysoness na nasa harapan namin, tapos na daw ang paghihirap na siyang matagal na naming inaasam.
"Hindi ko magawang tumulong sa iyong paglalakbay Genesis dahil isa ka sa mga naukit sa kasaysayan na makakapagbago ng tadhana. Ikaw ang kauna-unahang Diyosa na nagpabago sa tadhana sa iyong henerasiyon. Hindi ako nagkamaling ipaubaya sa'yo ang libro ko, libro na siyang naglalarawan ng iba't-ibang mukha na may kani-kanilang problema na kinakaharap." Magalang at hinay-hinay na sabi ni Xysoness sa akin habang ang kaniyang mga mata ay puno ng pagmamahal na nakatingin sa aking mga mata.
I didn't see this coming, tapos na ang lahat at wala ng iba pang naagrabyado at nawala.
"Hermania will be punish dahil sa kaniyang ginawang kasamaan sa inyong lahat. Nagpakalat ng napakalaking kasalanan, nagpakalat ng kasamaan at kadumihan sa inyong malinis na kapaligiran." Maleah said na siyang nagpaginhawa sa aming lahat. Agad kong tinignan sa mga mata si Hermania na ngayo'y nakayuko habang ang mga kamay ay nakatali gamit ang puting liwanag na nanggagaling sa kapangyarihan ni Maleah.
"Nagagalak kaming makita kayong lahat, kumpleto ang mga Diyos at Diyosa na naririto. Kaya handa kaming bigyan ng importansiya ang inyong mga suhestiyon o di kaya ay paunlakan ang isang kahilingan ninyong lahat." Seryoso pero may lamang sabi ni Mever na ngayo'y isa-isa kaming tinignan sa mga mata.
"Iisa lang kahilingan namin Mever, and that's peace and unity of one Gampenun. Gawing isa ang pinto ng mga bampira sa mga Specialist at iba pang nilalang na siyang kabilang sa Gampenun." Makahulugang turan ni Venny na siyang nagpangiti sa aming lahat na nandito. Hindi lang siya lumaki ng malakas, he grew up with brilliant mind and pure heart. Hinding-hindi ako naghihinayang na nakilala ko siya, my one and only bestfriend in human world.
"Napakagandang kahilingan para sa lahat dito sa inyong mundo, pero may kapalit ang napakalaking kahilingan na iyong nais." Agad akong nalito dahil sa sinabi ni Xysoness, akala ko ba mapapaunlakan ang kaisa-isang kahilingan? Pero bakit parang may kapalit pa atang mangyayari?
"Wow, kasasabi niyo lang na papaunlakan? I thought walang kapalit 'yon? Niloloko niyo ba kami?" Agad akong napatampal sa noo dahil sa ugaling ipinakita ni Menesis, well Menesis is Menesis. Hindi siya magiging Menesis kung hindi ganiyan ang pag-uugali niya, grabe talaga magsalita ang kambal kong 'to.
"Wala kaming sinabi na hindi kami kukuha ng kapalit but it's all for you. Ang kapalit na ito ay siyang mas lalong magbibigay ng pag-iisa ninyong lahat. Just tell us kung handa ba kayo sa kapalit? Tutal, kumpleto kayong mga Diyos na nandito, ang mga namayapang Diyos at Diyosa ay ngayo'y masaya ng naninirahan sa ibang mundo ng mga kaluluwa ay tiyak na magiging masaya kapag hindi kayo tututol sa aming magiging kapalit." Mahabang eksplenasiyon ni Xysoness, wala kaming magawa dahil tama at may punto ang sinasabi niya.
"Well, kung sa ikakabuti rin naman ng lahat, papayag kami sa kapalit na inyong nais." Napatingin kami kay Satanina dahil sa sinabi niya. Avanza and Devonna nodded like they agreed of what Satanina says.
"Wala naman kaming ibang kahilingan kundi ang kapayapaan at pagkakaisa ng lahat." Segunda naman ni Avanza with her sad eyes, kahit ako ay malulungkot sa mga nagdaang nangyari. Ignite's betrayal and death are very painful for me, lalo na ang mga kaibigan naming nagsakripisyo para sa aming lahat. Hindi nasayang ang kanilang mga sakripisyo and I'm happy dahil sa sinabi ni Xysoness na masaya na ang mga kaibigan namin sa mundo ng mga kaluluwa.
"Ahmm, hindi ba puwedeng paunlakan ang bawat isang kahilingan?" Napabaling ang mga mata namin kay Enzyme dahil sa biglaan niyang pagsabat. Sarionaya on his side na parang may binubulong like she's stopping Enzyme for what he is asking for.
"Anong ibig mong sabihin? Na may iba kang kahilingan na gusto mong matupad?" Maleah asked at tumango naman si Enzyme.
"Ang babaeng nasa tabi ko, siya ang babaeng nagpakita ng pagmamahal at importansiya sa akin despite of what I did before na nagpaapekto sa Natharia noon. At sa gusto kong suklian ang pagmamahal niya, I want to help her find her mother. Niloko na siya ng tadhana, pinaglaruan na siya ng kasinungalingan sa mundong 'to and only her mother can satisfy her needs para maging mapayapa at masaya sa buhay." Enzyme explained na siyang nagpangiti sa akin.
I remember the day na unti-unti ng nahuhulog ang loob ko noon sa kaniya dahil sa mga matatamis na salitang binibitawan niya sa akin noon. He is very kind, alam ko 'yon kahit hindi niya hinalikan noon si Athena. At sino bang mag-aakala na ang mga kaaway namin noon ay siyang magtutulungan din ngayon? Enzyme, he is a brave Specialist at masaya ako dahil nakikita ko sa mga mata niya na mahal na mahal niya nga talaga si Sarionaya. Spencer must be happy dahil ang babaemg pinag-iingatan nila noon pa man ay may lalaki ng mag-aalaga ngayon. Specter smiled weakly, hindi 'yon nakatakas sa mga mata ko nang mabaling ang tingin ko sa kaniya.
Xysoness laughed like there is something funny, pero ang tawa na 'yon ay nagpapahiwatig ng kakaiba.
"Maleah and Mever, tignan niyo ang maamong mukha ng babaeng iyan na nagngangalang Sarionaya. Hindi ba pamilyar ang kaniyang mukha? Hindi ko alam na nandidito lang pala ang hinahanap ng babaeng kasamahan niyo sa mundo ninyo." Lahat nagtaka dahil sa sinabi ni Xysoness pero sina Maleah at Mever na ngayo'y nakangiti ng nakatingin kay Sarionaya, alam ko na ang dahilan.
"Tama ka Xysoness, ang babaeng ito ay kamukhang-kamukha ng ina niya, pero ang kinis ng kaniyang balat ay namana pa niya sa kaniyang ama. Tadhana nga naman, Sarionaya...." Tawag ni Maleah kay Sarioanaya.
"....Anak ka ng isang Diyos at Diyosa sa aming mundo, hindi namin alam kung paano ka napunta dito pero alam naming ikaw ang nawawala nilang anak. Kamukhang-kamukha mo si Serina." Maligayang sabi ni Maleah.
"Pero bakit hindi nila ako hinanap kung gano'n?" Natonohan ko ang lungkot sa kaniyang boses and I feel her, gano'n din ang naramdaman namin ni Menesis noon nang hindi namin nakilala agad ang mga magulang namin. Napalingon ako kay Satanina at nakita ko kung paano lumungkot ang mga mata niya habang nakatanaw kay Menesis, naibaling nito ang tingin niya sa akin na siyang ikinalihis ko kaagad.
Huli na nang malaman namin kung sino sila, napakaraming problema ang dumaan and Draxunox died. Our father died for sacrificing his self para lang mailigtas kami sa kalaban at makatulong sa kasamahan. I salute him together with my friends na hindi nagdalawang-isip na isakripisyo ang kani-kanilang mga buhay.
Spencer..
Wenessa..
Enexx..
Kung nasaan man kayo ngayon, salamat dahil nagbigay kayo ng oras para magkasama tayong lahat.
"Cylechter, saan ka pupunta pagkatapos nito?" Dinig kong tanong ni Bill kay Cylechter na ngayo'y parang tulala parin sa nangyari.
"Hindi ko alam, baka siguro magpakalayo-layo muna ako dahil sa pagkawala ni Wenessa. Siguro nagpaplano akong pumunta ng isla kung saan nandoon ang mga kamag-anak ko." Agad naman napatango si Bill sa sinabi ni Cylechter.
"Ate Senny, I love Tito Venny's wish for everyone." Sabi no'ng bata na katabi ni Senny. Napatango naman si Senny at napalingon sa akin.
"Ate." She called and I nodded, siguro makakabawi siya sa mga sakit na naiwan dahil din sa pagkawala ng minamahal niya.
"Sarionaya, katulad mo ay may dinaramdam din silang sakit at tulad sa mundo niyo, may problema din kaming pinoproblema. Sa narinig kong kuwento, iniwan ka nila sa mundong hindi nila pinangalanan dahil para sa kaligtasan mo. Sa panahong iyon ay may madugong labanan na kahit ngayon ay hindi pa humuhupa ang galit at labanan sa mundo namin— natin pero huwag kang mag-alala, ipapaulat namin ito sa iyong mga magulang para kayo ay magtagpo at magkamustahan. Huwag mong isipin na hindi ka nila hinahanap, matagal ka nilang natagpuan pero hindi ka lang nila malapitan dahil sa takot na masaktan ka ng mga kalaban sa mundo namin. Hmm, hindi ako makapaniwala, kamukhang-kamukha mo nga si Serina. "
Sarionaya is a Goddess— no, a Titan Goddess of Invisible, Visible and Shield. That's explain na hindi ordinaryo ang presensiya niya, malakas at kakaiba.
She has a hidden power.
"Wala ng problema pero hindi tayo mapapasiguro dahil nasa sa atin din ang kasamaan. Tayo ang gumagawa ng gulo kaya iwasan natin ang galit at poot sa nararamdaman. Kung magmamahalan tayong lahat, maipagpapatuloy ang pagkakaisa at kapayapaan na hinahangad ng lahat." Napatango ang lahat sa sinabi ni Xysoness gano'n din ang kambal na kayang patigilin ang oras.
"Ito ang kapalit sa inyong kahilingan para mapanatili ang kapayapaan at pagkakaisa ng bawat isa." Agad akong kinabahan dahil sa pagliwanag ng mga mata ni Xysoness, her golden eyes makes me tremble na para bang hindi kami dapat gumawa ng mga hakbang.
"Kukunin ko ang mga hiyas na nasa katawan ng mga Diyos at Diyosa, narinig niyo ang kuwento ko na ako mismo ang nagbiyak sa makapangyarihang bato kaya obligado kong buuhin ito pabalik. Lahat ng mga Diyos at Diyosa na naririto na napasahan ng kapangyarihan, at Titan Goddesses and Titan Gods na nananatili sa mundong 'to, mapapasa akin ulit ang mga hiyas at kapangyarihan na nasa katawan ninyo para ibuo ang batong matagal ng nawasak at nadestinong buuhin ulit at ipaalaga sa mundo ng mga Diyos at Diyosa. Kayo ba ay payag sa aking kapalit na kahilingan upang mapanatili ang inyong kapayapaan at pagkakaisa?" Agad tumango lahat na walang pagdadalawang-isip na siyang ikinangiti ng matamis ng Diyosa ng lahat.
"Then, you are free from your responsibility."
Agad nagliwanag ang kaniyang palad kasabay ang mga katawan namin na siyang ikinapikit ko. I feel the warmness in my body na parang nagta-transfer ang iba kong enerhiya, pero hindi 'yon nababawasan ang lakas na meron ako ngayon at mas lalo pa ngang gumiginhawa ang aking buhay. Siguro ito rin ang nararamdaman ng mga kasamahan ko ngayon, siguro masaya din sila katulad ng nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas, hindi magiging mabigat ang lahat ng bagay para sa amin. We will be happy and contented dahil sa wakas, wala na kaming kakaharaping kasamaan at problema.
Agad kaming napamulat nang maramdaman na naming tapos na ang proseso, at sa pagbuka ng aking mata ay bumungad sa akin ang asul na kalangitan, buhay na buhay na katubigan mula sa ilog at mga nagsasayawang mga puno kasabay nito ang mga huni ng mga ibon. Agad akong nagalak dahil sa kakaibang pakiramdam, hindi katulad noon na parang ang dumi-dumi ng aming puso at katawan. Pakiramdam ko ngayon, ibang-iba na ako, bagong-bago at parang may kakaibang namumuhay ngayon sa aking puso. Halos wala ng pait na aking nararamdaman, ni hindi ko maramdaman ang lungkot ko at hinagpis sa pagkawala ni Ignite.
"Sarionaya, you are destined to be one of us, pero hindi ka namin aasahan na sumama sa amin ngayon. You have now your own life and answer to your questions, mabuhay ka. You still have your power and responsibility as the Titan Goddess of Invisible, Visible and Shield. Sarionaya, mabuhay ka at nang magiging pamilya mo sa hinaharap." Makahulugang turan ni Maleah at tumingin sa amin ngayon.
"Your future is blurry pero kung magkakaproblema kayo, hindi kami magdadalawang-isip na tulungan kayo ulit sa problema. Mahirap kaming hanapin pero may isang nakatakdang bata na kaya kaming tawagin just using her voice." Namamalikmata lang ba ako na nakatingim siya kay Senny o sa batang kasama nito?
"Hanggang sa muli." Pagpapaalam ni Mever habang nakangiti gano'n din si Maleah at sabay na naglaho kasama ang puting liwanag at si Hermania.
"Dito na nagtatapos ang inyong problema laban sa sakim at kasinungalingan. Pero huwag lang kayo magpapakampante, tandaan, nasa atin ang kasamaan kaya kung magiging matalino tayo, makakaya natin itong ikulong sa pinakailalim-laliman ng pagkatao natin. Hanggang sa muli Genesis, hanggang sa muli sa inyong lahat." Ngiting turan ni Xysoness habang nakangiting nagpapaalam at kasabay no'n ang paglamon sa kaniya ng magkatulad ng liwanag na sumakop sa katawan ng kambal kanina.
Napabuntong-hininga ako at napatingin sa mga kasamahan na ngayo'y may mga ngiti na sa kani-kanilang mga labi.
"Hindi ito magiging huling pahina ng aming buhay sapagkat ito pa ang kauna-unahang papel sa libro."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro