Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 75

Third Person


Nagkakalituhan na ang lahat dahil sa mga sinasabi ni Hermania habang ang anak naman nitong si Sarionaya ay walang maisip kundi manahimik na lamang. Ayaw niyang maging ganito, gusto niya ng payapa at makasama ang tunay na mga magulang pero sadiyang hindi siya binigyan ng pagkakataon ng tadhana.

Opened doors? Mga portal sa iba't-ibang mundo? 'Yan ang mga tanong na nasa isip ngayon ni Levinas kung paano niya masasagot ang mga ito. Habang sina Menesis at Genesis naman ay hinihingal na dahil sa pagkawalan ng enerhiya sa katawan at isabay mo pa ang pagpapahina ni Hermania sa kanila.




"A-Anong ibig mong sabihin Hermania? Anong mga pinto ang pinagsasabi mo?" Hindi mapigilang tanong ni Levinas na pati ang lahat ay sumang-ayon sa tanong nito dahil sa kuryusidad.


"Those doors, hindi ko dapat banggitin ang mga ito dahil sila nagbibigay ng lakas sa akin. Kaya bakit mo pa dapat malaman Levinas? Even your power can't do anything, gusto kong gumawa ka ng maraming portal para sa akin!" Sabay halakhak ni Hermania pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yon na hindi parin nagpapaintindi sa kanilang lahat.



Nakaluhod parin silang lahat dahil sa panghihina, si Seyvana ngayon ay unti-unti ng nawawalan ng ulirat dahil sa kawalan ng lakas. Hindi siya puwedeng manghina ng ganito dahil bumabase lang ang lakas niya sa kaniyang pisikal na katawan to tame and kill beasts. Gano'n din ang nararamdaman ngayon ng mga bampira dahil hindi sila gano'n kalakas sa kapangyarihan. Malakas man sila sa pisikal pero pati ang kanilang katawan ay kinokontrol din ng kapangyarihan ni Hermania.



Sa katawan ng lahat, bumabalot ang ubeng usok na siyang nagpapakawala ng lakas sa kanilang lahat. Pero hindi iniinda 'yon ni Genesis, still she thinks of Ignite's death. Hindi siya makapaniwala na wala na siya, na ginamit lang siya at higit sa lahat, nawala siya na hindi niya ito minahal ng totoo.



Pilit tumatayo si Menesis para labanan ang kapangyarihan na bumabalot sa kaniyang katawan. Her destruction power helping her to stand, lumalaban ang kapangyarihan niyang kayang gibain ang anumang kapangyarihan.

"Baka nakakalimutan mo Hermania, I am still a Goddess na kayang gumawa at sumira ng isang kapangyarihan." Pilit na ngisi nitong turan at akmang gagawa ng enerhiya sa kaniyang palad na bigla nalang siyang napaluhod ulit dahil sa paghigpit at paglakas ng ubeng usok.



"Menesis!" Sigaw ng halos lahat, Bill on the other side ay gustong-gusto niya ng gumalaw dahil hindi niya maatim na makitang higit na nasasaktan ang nobya. Pero wala siyang magawa dahil napakalakas ng usok na bumabalot sa kaniya na siyang ikinakainis niya.


Napangisi na lamang si Hermania pero agad 'yong napawi dahil sa pagtayo ulit ni Menesis looking at her intently.


"Menesis! Huwag mong pilitin! Nawawalan ka ng lakas sa ginagawa mo!" Hirap na sigaw ni Genesis na ngayo'y naluluha dahil sa awang nararamdaman para sa kambal.



"Wala akong pakialam kung mawawalan ako ng napakaraming lakas, for me, I want to save you all from this bitch witch." Seryosong turan nito na siyang mas lalong nagpabuhos ng luha ni Genesis. Hindi rin naiwasang maluha ni Satanina looking at her daughter like this, pati si Devonna na biglang bumalik ang nakaraan sa kaniyang isipan kung saan pinagtanggol siya noon ni Menesis at kung paano siya minulat sa katotohanan.




"I want all of you to live happily, gusto kong ako naman Genesis. You've been into a lot of trouble and chaos, gusto kong ako naman ang tutulong." Sa pagkasabi niya no'n ay bigla nalang lumiwanag ang buong katawan niya dahil sa kakaibang lakas na ipinapakita niya ngayon. Walang reaksiyon si Hermania na nakatingin kay Menesis na ngayo'y nagbabagong anyo.


Menesis now on her battle suit. Ang puting metal na tumatabon sa buo niyang katawan ay siyang nagpapakita ng lakas. Kita ngayon ang napakagandang mga muwebles sa kaniyang kalasag. Her white see through cape floating in the air from her back makes everyone amaze in the middle of chaos. Her suit representing the creation's power and her black sword, umuusok ng itim at nagpapakita ng takot sa lahat dahil sa kakaibang itim na liwanag din nito, representing the destruction's power.



"Kahit anong anyo mo Menesis, you can't have the peace you are talking about. Hindi mo ako matatalo." Ngisi na ngayong turan ni Hermania, Sarionaya is now nervous for Menesis. Nag-aalala siya ngayon kay Menesis dahil alam niya kung ano ang kayang gawin ng ina niya, she can even control her body and power na siyang ikinamatay ng napakalaking dragon.



"Gagawin ko ang makakaya ko, kahit ako pa ang dehado. You need to fight with me, hindi ko kailangan ng mga pangaral at iba pang mga sinasabi mo." Seryosong bato ni Menesis kay Hermania at agad tumalon ng napakataas. Menesis pointing her destruction sword towards Hermania na expressionless na naman ngayong nakatingin sa kaniya. Nang malapit na nitong matamaan ay bigla nalang itong naglaho na parang isang papel na naging abo. Tumama ang espada ni Menesis sa lupa na siyang ikinabiak nito ng malaki.


Agad niya 'yong hinugot at hinanap ang presensiya nito pero sadiyang maliksi at wais ang babaeng kalaban niya ngayon.



Nakabalot parin kay Menesis ang ubeng usok na siyang nagpapahirap sa kaniya dahil umaatake din ang lakas nito sa katawan niya.


Ang mga kasamahan naman ni Menesis ay nagmamatyag rin, at sa tulong ng mga bampira, ang abilidad nilang makaamoy ng dugo na siyang bihira lang nila maamoy ngayon dahil sa napakaganda at napakasarap na dugo— natagpuan nila si Hermania na nasa likuran lang ni Menesis. Agad rumesponde si Laura na kahit nanghihina, lumabas ang mga puting rosas nito galing sa kinakatayuan ni Hermania na siyang nagpa-visible sa katauhan nito. Agad nanlaki ang mga mata ni Hermania dahil sa naramdaman na siya ni Menesis, she kicks Hermania's stomack with too much force na hindi niya naiwasan na siyang ikinatalsik niya.


Agad 'yon dinalo ni Menesis at akmang sasaksakin nang tumayo ito at binato siya ng ubeng enerhiya. Iniwasan kaagad 'yon ni Menesis pero agad din siya napapikit dahil sa bumabalot sa kaniyang usok.


'This is not fair', sa isipan ni Satanina habang nakatanaw sa kaniyang anak na nahihirapan sa usok. Nag-iisip ito kung paano nito malalabanan ang usok at hanggang sa nakagawa siya ng ideya para makatulong sa kaniyang anak at sa lahat.


Satanina summons a lot of souls. Nag-iiyakan ang mga kaluluwang lumabas galing sa lupa na siyang ikinagulat din ng lahat. Nagsasayawan ang mga kaluluwa sa ere na para bang ang saya-saya nila dahil sa pagkawala nila. Mourning about something, needing help for something, 'yan ang mga pinagsasabi ng mga kaluluwa.

Sa pagliwanag ng pulang mga mata ni Satanina, those souls transform into a black-gray smoke at agad pinuntahan ang mga may ubeng usok. The violet and black-gray smoke combined kaya naglalaban ito sa katawan ng lahat. Naginhawaan ang lahat dahil hindi na gano'n kalala ang panghihina na nararamdaman nila.

Agad napalingon si Genesis kay Satanina na ngayo'y nanghihina narin kaya agad niyang tinapat ang palad niya sa kaniyang ina at umilaw iyon. Biglang may liwanag na lumabas like a lazer form na siyang nagbigay kaunting lakas sa kaniyang ina. Agad namang ngumiti ng matamis si Genesis na siyang ikinatuwa ng kaunti ng kaniyang ina.



"At least, hindi na malabong magiging close kayo Satanina." Bulong ni Devonna na ngayo'y tumatayo na.


"And I will never waste that opportunity Devonna." Balik nitong sabi na nagpatango kay Devonna.



"Hindi ka gano'n katalino Hermania, hindi mo ba alam na lahat ng malalakas ay may kani-kanilang kahinaan?" Agad namang napaatras ng kaunti si Hermania.


'Hindi! Hindi nila maaari malaman ang kahinaan ko!' Bulong sa sarili ni Hermania na ikinanuot ng noo ni Venny. He can read minds kaya nagtaka siya sa inakto ni Hermania. Tama si Menesis, hindi nga siya gano'n ka katalino dahil nababasa niya ang isipan ni Hermania. Paank siya naging Diyosa ng lahat kung hindi siya nag-iisip?



At dahil sa galit ni Hermania, biglang lumabas ang napakaraming usok sa kaniyang katawan, intense violet smoke at agad iyon inatake si Menesis na siyang ikinasinghap ng lahat. Sa isip-isipan ni Menesis, she got the nail part, natamaan niya ang hindi dapat matamaan kaya ganito siya kagalit ngayon. Namangha pa si Menesis dahil sa galit nito and not minding the intense violet smoke attacking her now.



Hindi na nakaiwas si Menesis na siyang ipinagtaka ng lahat.


"Menesis! Umiwas ka!" Sigaw ni Genesis na pati ang mga Satharia Royals ay gano'n din ang sinisigaw. Pero hindi na sila marinig ni Menesis dahil sa unti-unti ng papalapit ang usok na ikinawala ng paningin at pandinig niya. Menesis smile, alam niyang may tutulong at hinihintay niya ang aksiyon nito.





Nakangisi na ngayon si Hermania pero wala siyang alam sa balak ni Menesis kung magiging matagumpay 'yon. Ilang metro nalang ay mawawala na sa landas si Menesis na siyang ikakatuwa niya dahil siya ang nakakaalam sa kahinaan nito. Hindi niya alam, tinatakot lang siya ni Menesis para ma-trigger ang kapangyarihan niya.



Hermania counts from one to three pero pagdating ng pangatlong bilang, the smoke fade away na siyang ikinagulat niya dahil nakatayo parin si Menesis habang nakangisi sa kaniya.





"Hermania, anong kasinungalingan ang mga pinagsasabi mo sa kanilang lahat ah?" Agad nanlamig ang katauhan ni Hermani sa boses babaeng nagsalita. Lahat ng mga kasamahan nina Menesis at Genesis ay napabaling din sa babaeng hindi pamilyar.




"Titan Goddess of Universe ah? Nahihibang na ata ang babaeng 'to." Hindi nagkakamali si Hermania sa naririnig, ang pangalawang boses na galing sa lalaki ay siyang mas lalong nagpatigas sa buo niyang kalamnan.




Unti-unting nilingon ni Hermania ang dalawang pamilyar na boses at bumungad sa kaniya ang babaeng sa dibdib lang ang may puting saplot at puting saya na hanggang lupa. Ang lalaking naka-short ng puti lamang at walang saplot pang-itaas na siyang nagpapakita ng kakisigan ng buong katawan.




"A-Anong ginagawa niyo d-dito Maleah at Mever?" Kabadong turan ni Hermania sa dalawa, ramdam na ramdam ng lahat ang kabadong boses ni Hermania. Ngayon, lahat ng mga Specialist ay nagtataka sa inaakto ngayon ni Hermania at mas lalong nadagdagan ang kanilang kuryusidad dahil sa biglaan paglitaw ng dalawa.





"Nandidito kami para parusahan ang mga dapat parusahan. Ang mga Diyos at Diyosa na lumabag sa batas ng nakakataas na Diyosa ay dapat kitilin. Isa sa mga pinagbabawal ang pagsisinungaling sa kanilang katauhan at gamitin ang kasinungalingan na ito sa masamang gawain." Turan ng babaeng nagngangalang Maleah.





"Hinayaan naming bigyan ka ng pagkakataong magbago para mapatunayan ang sarili mo sa nakakataas na Diyosa, hinayaan naming buksan ang mga pinto ng bawat mundo pero hindi mo iyon kinuha bilang oportunidad para magbago. Sapagkat ginamit mo ito para buuin ang kaligayahang gusto mo." Segunda naman ng lalaking nagngangalang Mever.




They have the same face and power presence, ngayon ay nagkaroon ng sagot ang lahat kung sino ang kambal na tinutukoy ni Hermania. At silang dalawa ito na ngayo'y seryosong nakatingin kay Hermania.




Napansin ng dalawang bagong dating ang mga tingin ng mga hindi pamilyar sa kanila. Tumikhim si Mever at napatingin kay Maleah na ngayo'y nakangiti na ng matamis.



"Patawad at napakabastos namin, ni hindi man lang kami nagpakilala ng pormal. Ako pala si Maleah at siya si Mever na aking kambal, kami ang kanang kamay ng nakataas-taasang Diyosa ng lahat. Kami ang Diyos at Diyosa ng oras, The Titan God and Titan Goddess of Time. Maligayang pagbati sa inyong lahat." Ngiting turan ng babae na siyang ikinamangha ng lahat dahil sa punong-puno ng katotohanan ang mga katagang kaniyang sinasabi.



"At ang babaeng ito na si Hermania, nagpapanggap bilang aming Diyosa. Isa din siya sa kanang kamay noon pero pinatapon siya sa mundo na ito para magbago at hanapin ang tunay na depinisyon ng katotohanan at kabutihan. Hindi siya ang tunay na Diyosa ng lahat, she is the Goddess of Portals." Agad nagsinghapan ang lahat dahil sa sinabi ni Mever na halos ikahagikhik ni Menesis.



Una palang, Menesis knew na hindi siya ang Diyosa. Sa isipan ni Menesis, walang Diyosa na napakalakas na boba.



Si Hermania na ngayo'y wala ng mukhang maihaharap at unti-unti ng nanghihina. Naglaho na ang mga usok na bumabalot sa lahat ng mga katawan ng mga kasamahan nina Menesis at Genesis. Si Sarionaya naman ngayon na yakap-yakap na ni Enzyme mula sa likuran. Hindi maiwasan maluha ni Sarionaya dahil sa baka kasinungalingan na naman ang lahat.

"She's not my mother, ewan ko kung matutuwa ba ako dahil hindi siya ang ina ko o malukungkot dahil pinaglaruan na naman ako ng kasinungalingan?" Bulong ni Sarionaya na siyang rinig na rinig ni enzyme. Naawa bigla si Enzyme kaya agad niya itong dinala sa malayo.



"Kumukuha siya ng lakas sa bawat pintong nakabukas and the two of you.." Tinuro ni Maleah si Levinas at Venny.



"..are her hope para mas maging malakas. Kayong dalawa ang nabiyayaan ng kapangyarihang lumakbay gamit ang portal and also you can make your own world. Sa nakita namin kanina, napakaraming portal ang binuksan ninyo na siyang mas lalo niyang ikinalakas pero huwag kayong mag-alala. Dadalhin na siya sa kulungan ng mga Diyos at bibigyan ng kaparusahan, kung nalilito kayo, let me explain this." Tumikhim si Maleah at tumingin sa amin.







"Iba ang Titan Gods and Titan Goddesses doon sa amin. We have our own world na puro Diyos at Diyosa lang ang nakatira. Iba din dito sa inyo, may Diyos din kayo at nagmumula ito sa hiyas. Sa amin, natural ang kapangyarihan namin, hindi nanggagaling sa hiyas. We, me and Mever are the Titan Goddess and Titan God of Time at meron din kayo dito sa inyo sigurado. Pero iba sa inyo, napapasa ang kapangyarihan kapag ang mga Titan Gods and Titan Goddesses ay gusto ng bumitiw sa responsibilidad na siyang nagiging God nalang at wala ng isa pang pangalan na 'Titan' sa unahan, sa amin, hindi naipapasa. Responsibilidad naming ibalanse ang bawat mundo gamit ang kapangyarihan namin habang buhay."




Agad naman napatango ang lahat, naintindihan nila ang lahat ng mga sinasabi nito.




"So meron din kaming Diyosa ng lahat dito? I mean the real Titan Goddess of Universe?" Tanong ni Senny na siyang nagpatango sa kambal.



"Kilala namin siya, at nasa libro siya ng babaeng iyan.." Turo ni Mever kay Genesis at kasabay no'n ang pagliwanag ng palad ni Genesis. Lumabas doon ang libro, the Heiress' Book at nagsiliparan ang mga pahina sa kahit saan hudyat na lalabas na ang Diyosang inaasahan ng lahat.




Lumiwanag pa ng lumiwanag hanggang sa narinig nila ang boses na puno ng pagmamahal at awtoridad.




"Magandang pagbati sa inyo." Halos nganga ang lahat dahil sa angking ganda nito, her face is like an angel at hindi ka maniniwalang nasa harapan mo nga siya ngayon. She is floating like a paper with his milky color dress na hanggang paa na kapag bumaba siya ay sasayad talaga sa lupa. Her paper like skin showing more purity also the natural red lips na mas lalong nagpahanga sa lahat lalo na ang gintong mga mata nito.




"Tapos na misyon mo Genesis, niligtas mo lahat ng mga Diyos at Diyosa kasama ang mga kaibigan mo. Ako si Xysoness, the Titan Goddess of Universe in Gampenun."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro