Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 74

Third Person



Nakaharang ang mga Apostoles ni Genesis sa kaniya habang seryosong nakatingin kay Ignite na ngayo'y seryosong nakatingin ng pabalik sa mga Apostoles. Dinidinig ang kanta ng hangin, ang bawat paghinga ng bawat isa at ang huni ng mga insekto. Ang mga Apostoles ngayon na seryosong nakatingin kay Ignite na ngayo'y nakangisi na rin dahil sa inaakto ng lahat.

"Apostoles? Gano'n na ba talaga kaimportante si Genesis sa inyo para lang isakripisyo ang buhay ninyo?" Ignite fired.

"Bakit Ignite? Hindi ba siya gano'n ka importante para lokohin mo siya ng matagal na panahon?" Menesis fired back na siyang hindi inasahan ni Ignite pero he still manage to wear his smirk. Madali lang naman para kay Ignite na sabihing hindi gano'n kaimportanti si Genesis, pero parang merong kung ano sa lalamunan niya na hindi niya maintindihan na siyang dahilan na hindi niya masagot agad.


"Ano po ang Apostoles?" Tanong ng batang si Brooch kay Senny na ngayo'y concern na nakatingin kay Genesis.


"Sila ang mga Specialist na handang isakripisyo ang buhay para lang sa pinakamalakas na nilalang na gumagabay sa kanila, Brooch." Sagot naman sa kaniya ni Senny na ngayon ay ang bigat-bigat na ng paghinga. Unang-una, nagulat si Senny dahil sa kakayahan ni Brooch and it's very powerful too for his generation. Ni hindi niya alam kung bakit sinabi sa kaniya ng bata na gusto niyang maging kuya sa magiging anak niya.


"So Tito Venny will sacrifice his self for that woman? So you mean, that woman is powerful?" Tanong ng inosenteng bata, hindi mapigilan ni Senny ang pagkamangha dahil sa bata palang si Brooch, matalino na itong bata at daling nakakaintindi.


"Hindi importante sa akin si Genesis, I betray her—all of you kaya bakit siya importanti sa akin?" Ngayo'y sagot ni Ignite kay Menesis.



"Venny." Bulong ng nag-aalalang si Wyeth na handang-handa ng sumugod.


"Kahit anong mangyari, we will protect the Titan Goddess of Death and Life na kahit buhay pa natin ang kapalit. We are bound to do this, this is our destiny." Seryosong bulong ni Olcor na siyang nagpatango sa lahat ng mga Apostoles.


"I didn't see this coming, matagal na panahon mula noong magkaroon ng mga Apostoles ang mga malalakas na nilalang. Genesis, my daughter ay isa sa mga malalakas na specialist na naukit sa kasaysayan." Hindi mapigilang sabi ni Satanina habang seryosong nakatingin kay Hermania. Mahirap sa kaniya nang mahiwalay ang mga anak sa kaniya at hindi napatagumpayang bigyan ng hiyas si Menesis. Lumingon si Satanina kay Menesis na ngayo'y seryoso lang ding nakatingin kay Ignite.

Hindi nila alam, namana ni Menesis ang itsura ni Satanina and Genesis, ay sa ama niya. Pero hindi na nila nakita 'yon dahil sa dami ng problema na kinakaharap nila. Everyone's death, Dracunox death, Children's mourns for their family's death and every each of them, thinking and wondering of when they die. When this day ends and let peaceful life spread whole over the world.


"Satanina, ni hindi ko kailanman naramdaman ang magkaroon ng tunay na anak but let me tell you this, huwag mong hayaan ang mga anak mong malayo sa piling mo." Matotonohan ang lungkot sa boses ni Devonna and Satanina heard Devonna's sad melodies.



"Ang dami niyong satsat! Ignite ano ba?!" Ni hindi nagulat si Ignite sa biglaang pagsigaw ni Hermania.

"Okay then." Agad napaatras ang iba dahil sa biglaang pag-uyog ng mga lupa, ang mga itim na puno ay nagsitauban dahil sa hindi malaman na dahilan. Bigla silang nakaramdam ng init sa lupa, at bigla nalang sumingaw ang usok galing doon.

"Hindi puwedeng manalo sila sa laban na'to, they killed my father, they killed everyone's happiness. And now, I won't let them win this war, they will bleed more blood and kneel in front of us." Seryosong bato sa sarili ni Athena na ngayo'y may luha ng pumapatak galing sa kaniyang mga mata. Igneous on the other side, mataman lang na naka-obserba sa kaniya.


"Athena, I will make you fall in love with me again." Bulong nito sa sarili at agad naghanda. Lumuhod siya at tinapat ang kanang kamay sa lupa, bigla itong umilaw ng kahel na kulay. Dinamdam niya ang init ng lupa, hindi niya namalayan ay tumabi sa kaniya si Athena at ginaya ang ginagawa niya. Hindi katulad kay Igneous, intense red ang kulay ng liwanag na nagmumula sa kaniyang kamay.



Senny do the same thing, using her white fire ay naiibsan nito ang sobrang init na nararamdaman ngayon ng mga hindi Fire Elementalist.


"Ignite, sumuko ka na." Pagmamakaawa ni Genesis na halos ngayo'y naluluha na, ni hindi pa niya alam kung ano ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Ignite. Biglang napatingin sa kaniya si Ignite na ngayo'y seryosong nakatingin sa kaniya.


"Hindi kita mahal Genesis, I just used you and your power. Nalaman ko na kapag isang Diyos ay nakipagtalik sa isang Titan, mas lalakas ako at 'yon ang dahilan ko. Kaya huwag kang mag-expect pa Genesis, hindi kita mahal. Matagal ko ng alam na isa kang Titan, bago pa tayo nagkakilala. Everything was a plan and I'm proud dahil sumang-ayon sa akin ang lahat."



Parang literal na kutsilyo ang sumaksak sa puso ni Genesis dahil sa sinabi nito. Tumulo na ang nagbabadyang luha kanina pa niyang pinipigilan. Ngayon, alam na niya ang dahilan kung bakit siya niloko, kung bakit siya pinatay ng paulit-ulit ng kasinungalingan at bakit siya pinaglaruan. Napatango-tango nalang si Genesis na para bang wala na siyang magagawa, wala na siyang magagawa kundi hintayin kung ano ang magiging resulta ng labanan na ito.

Gustong sabihin ni Genesis sa kaniya na kasinungalingan lang ang lahat pero wala na siyang boses para magsalita pa ng marami.


Biglang nagngitngit ang mga ngipin ni Olcor at kaagad nagpalabas ng mga asido sa kamay niya at walang pagdadalawang-isip na ibinato ito sa puwesto ni Ignite. Agad naman iyon nailagan ni Ignite, mas bumulusok pa ang mga usok pero hindi na gano'n kainit ang temperatura dahil sa pagkokontrol nina Athena, Igneous at Senny nito.


Agad sumugod si Venny na siyang pagbilis ng kilos ni Ignite at naiwasan ang mga hologram daggers. Agad gumawa ng portal si Venny at agad pumunta sa likuran ni Ignite at akmang susuntukin ito sa mula sa likuran ay agad siyang napatalsik dahil sa pagbato sa kaniya ng apoy. Nalapnos ang bandang dibdib niya na siyang ikina-ungol niya dahil sa hapdi.


"Venny!" Sigaw ni Wyeth pero bigla siyang pinigilan ni Laura na gumawa ng kung anong aksiyon.


"Prince Wyeth, we are here to help them all pero huwag natin abusuhin ang bilin ng mga Reyna at Hari. They are expecting us to be home safely, oo selfish pakinggan pero we need it. Kayang-kaya ng mga Specialist iyan, we, vampires are very sensitive when it comes to magic." Turan ni Laura na siyang nagpatigil sa kung anong gagawin ni Wyeth sana. Pati siya, napaisip dahil sa sinabi ni Laura. Wala namang pakialam si Wyeth kung mamamatay siya, basta lang maprotektahan niya si Venedict ng buhay, ay ayos na para sa kaniya.



Pero, kailangan siya ng Verdugal kaya nagdadalawang-isip siya. Nang makita niya si Venny na ayos lang at parang wala lang sa kaniya ang atake, nanatili siyang nag-obserba at tahimik na pinapanuod ang laban mula sa malayo. Tama din si Laura, hindi gano'n kalakas ang mga bampira sa mga mahika, hindi sila gano'n ka immune para isalang ang kanilang mga katawan.


"But I will involve myself kung may mangyayaring masama sa kaniya Laura." Napatango nalang si Laura at napangiti, kahit siya ay gusto niyang tumulong pero hindi siya gano'n kalakas ang kapangyarihan na meron siya. Vampires are willing to help, pero may kinakaharap itong problema sa Verdugal kaya hindi sila makatulong ngayon.



Agad nag-cast ng spell si Senny pagkatapos niyang makontrol ang temperatura ng init. She casted a spell na siyang magpapahina sa lakas ni Ignite, samantalang si Levinas naman ay gumawa ng napakaraming portal para sa mga usok na siyang humaharang sa laban. Gumawa din ng napakalaking portal si Levinas para maharangan ang mga kasama nito sa mga maiinit na mga usok pero lalo nilang nararamdaman ang lakas ni Hermania na nakangisi lang ngayon.




Biglang umulan ng mga yelong palaso galing sa kalangitan at agad inatake ang puwesto ni Ignite. Kaagad naman naalerto si Ignite at agad gumawa ng kaniyang sariling panangga. Nawala ang mga yelong palaso dahil sa init ng apoy na pinakawalan ni Ignite, napasinghap don' si Serafina dahil sa lakas ng kapangyarihan ni Ignite. Agad namang rumesponde si Chester at binato ng mga ubeng kulay na mga apoy na mas mainit pa sa mga ordinaryong apoy. Hindi 'yon namalayan ni Ignite kaya agad siyang napasigaw sa hapdi nito.


"Sorry brother, but sorry not sorry." Ngising turan ni Chester at kaagad tumakbo pabilis papunta kay Ignite. Gumawa ng malaking bolang apoy si Chester mula sa kaniyang palad at agad 'yon ibinato kay Ignite pero, Ignite's power upgraded and enhanced dahil sa pagresponde din ni Hermania na para sa kaniya ay laro lang ang lahat kaya naiwasan ito.


Biglang lumaki ang katawan ni Ignite, mas lalong lumakas ang kapangyarihan niya. Naglalaban ang lakas ng kapangyarihan niya at ang casted spell ni Senny. Genesis assist her Apostles, binigyan niya ng magandang ginhawa, lakas at liksi na siyang mas lalong nagpabilis sa mga kilos nito. Menesis on the other side, hinay-hinay siyang naglalakad at hinuhili ang mga mata ni Hermania para sa kaniya matuon ang mga mata nito.


Bigla nalang napasinghap ang lahat dahil sa biglaang pagbago ng anyo ni Ignite. Katawa't mukha ay parang oso at ang kaniyang mga paa ay parang mga binti ng kabayo. Matikas, mas malakas at nakakatakot ang kaniyang itsura ngayon.

"A-Anong ginawa sa'yo ni Hermania?" Natatakot na bulong ni Levinas na pati ang mga Satharian Royals ay kinabahan sa anyo ni Ignite.



"Tapusin na natin 'to before he touched our Titan Goddess." Napatango ang mga Apostoles sa sinabi ni Chester.


Kitang-kita nila ang nanlilisik na mga mata ng halimaw na si Ignite habang nagbabaga ang mga kamay nito habang ang nadadaanan nito ay nagliliyab.


Bumuo ng napakalaking ubeng apoy si Chester na dinagdagan ni Olcor ng init nito. Lumabas din ang mga itim na yelong palaso ngayon ni Serafina at handa na ang mga hologram swords ni Venny.


Patakbong papunta si Ignite sa apat habang ang mga Apostoles ay naghihintay na lamang ng signal para sa atake. Sa kanilang isipan, sabay-sabay silang nagbibilang at hanggang sa dumating na ang oras.

Serafina's black arrows attacked Ignite na siyang nagpaatras nito at pilit kinukuha ang kaluluwa. Sumunod ang mga hologram swords ni Venny na siyang mas nagtulak sa malaking katawan na anyong halimaw na si Ignite. Mas dumiin ang mga palaso ni Serafina dahil sa tulong ng mga hologram swords ni Venny.

Ang dalawang lalaki naman ngayon ay naghihintay ng pagkahina ng halimaw at nang nakita na napapapikit ang halimaw dahil sa sakit ng mga nakatusok sa kaniyang katawan, doon na nila ibinato ang napakainit na apoy na may kasamang asido. At sa tulong ni Genesis na palakasin ang kanilang kapangyarihan, ay mabilis itong tumabon sa buong katawan ni Ignite na siyang nagpapikit kay Genesis hindi dahil sa nanghihina siya, kundi sa sakit na kaniyang nararamdaman sa nakakaawang sigaw ni Ignite dahil sa sakit. Dinig na dinig sa buong Westheria ang malakas na sigaw ni Ignite, pero nakita nila na lumalaban parin ito.


Laking gulat nalang ng lahat na biglang lumitaw si Athena at ang asawa ni Levinas at agad inatake si Ignite gamit ang kani-kanilang mga sandata na siyang pagkamatay ni Ignite ng tuluyan.


Agad naman napahinga ng malalim ang lahat, tumingin ang lahat ngayon kay Hermania katabi ni Sarionaya. Wala na rin ang lalaking may kakayahang hawakan ang kidlat at gumawa sandata gamit nito. Now, Sarionaya ang Hermania na magkatabi. Si Sarionaya na kinakabahan habang ang kaniyang ina ay parang expected na mangyayari ito.




"The portals of different kind of worlds are open because of the other twins and because of Genesis and Menesis sudden lost of power." Nagtaka ang lahat dahil sa sinabi ni Hermania at pilit na isinasa-isip ang sinasabi nito.

Sinong twins ang binanggit ng kaniyang bibig? 'Yan ang nasa isip nilang lahat, na pati si Avanza ay naalimpungatan mula sa pagluluksa ng pagkamatay ng asawa niya.




"And that's the reason why I become more powerful, every opened door, more powers come to my body. Now, kneel everyone." Sa pagkasabi niya no'n ay bigla nalang napaluhod ang lahat hindi dahil sa gusto nilang gawin ang utos nito, kundi ang pagkakahilo nila at pagkawalan ng lakas nila bigla.






"No one can stop the power of the doors, not even you Levinas. I will take all of your life, and even Menesis the Goddess of Creation and Destruction and Genesis the Titan Goddess of Death and Life can't do anything about it."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro