HP 72
Genesis.
Akala ko matatapos na ang lahat kapag wala na ang mga halimaw na umatake sa amin, pero may nakalimutan pa pala ako, may Diyosa pa silang siyang nagkokontrol sa mga kakayahan ng bawat isang kalaban. Ni hindi ko malaman kung bakit ako, bakit ako ang napili na maging isa sa mga kasapi ng nga kasamahan ko. Ang gusto ko lang naman noon pa man ay maging payapa, masaya, malaya at hanapin ang totoong kasiyahan sa buhay ko. Akala ko matatapos na ang lahat, akala ko lang pala.
Hawak-hawak ni Ignite ang leeg ni Azania, sakal na sakal si Azania na halos lumuwa na ang mga mata niya. Hindi ko alam kung ano ba dapat gawin, kung ano ba dapat ang maramdaman sa nakikita ng mga mata ko ngayon. They both betrayed, they both killed our precious friends and now they are making a scene na hindi ko malaman kung totoo ba o hindi. Pagpapanggap lang ba o katotohanan.
"I-Ignite, a-akala ko wala ka na? Pero bakit nasa harapan ka namin at suot ang kakaibang ngiti sa mga labi mo?" Bulong ko sa sarili, at parang narinig niya ang sinabi ko kaya bahagya pa siyang lumingon sa akin at binigyan ako ng kakaibang ngiti, kakaibang ngisi na para bang hindi kami magkakilala.
"Genesis, nalagpasan mo lahat ng pagsubok." Ngisi niyang turan na halos ikatumba at ikinanginig ng mga tuhod ko. I miss his voice, his presence, I miss everything from him. Hindi ko akalain na nasa harapan ko siya, he is smiling at me—I mean smirking. Hindi na 'yan ang ngiting nagpapasaya sa akin noon, hindi na 'yan ang ngiting nagbibigay sa akin ng inspirasiyon at hindi na siya ang lalaking minsan ko ng binigyan ng importansiya at pagmamahal.
"Manloloko ka, Ignite." Ngitngit kong turan na siyang mas lalong nagpangisi sa kaniya.
"Nagpaloko ka." Agad niyang tugon pabalik, at sa mga katagang 'yon ay para akong sinaksak sa puso ng paulit-ulit at nag-uumapaw ang dugo sa aking puso. Gusto kong hawakan ang mga pisngi at mga kamay niya hoping na nagsisinungaling lang siya at may balak siya para puksain ang nga kasamaan. Pero sa mga mata niya? Mga mata niyang nagbago, iba na ang emosyon at kulay dahil sa pagtataksil.
"Dahil niloko mo kami!" Agad kaming napalingon kay Menesis na masama ang tingin kay Ignite, ngisi lang ang tinugon ni Ignite na para bang naglalaro lang siya, na para bang laro lang ang lahat para sa kaniya.
"Hindi ko kasalanan kung napaniwala ko kayong lahat at ang babaeng 'to, masiyado kayong uto-uto." Tumawa siya ng malakas na para bang may nakakatawa sa sinabi niya.
"What's funny brother? Ni hindi kami natuwa sa pinagsasabi mo, akalain mo nga naman, nabaliktad ang sitwasiyon natin ngayon." Agad napalingon si Ignite kay Igneous na parang nagtataka dahil kung bakit nandidito siya.
"Wow, Igneous? What are you doin' here? Kita mo nga naman, ang noong nagmamagaling ay ngayo'y nagmamagaling parin." Turan niya na siyang mas ikinalungkot ko pa.
Hindi na siya si Ignite, ibang-iba na siya sa lalaking minahal ko, ibang-iba na siya sa Ignite na pinahalagahan ko. Ibang-iba na siya sa lahat, ang mga memorya namin, experiences ay parang naglaho nalang lahat. Isa siyang kalaban, isa siyang taksil sa aming grupo, ni hindi niya naisip ang mga posibleng bagay na kakaharap sa kaniya sa susunod na mga araw. Hindi man lang niya naisip na may anak siyang naghihintay ng kumpletong pamilya. Ignite, anong nangyari sa'yo?
"Sarionaya, ano na? Masaya ka na sa ginawa mo? O unang-una palang masaya ka na dahil sa wakas, sa simula palang ay pinaglaruan mo na kaming lahat?" Seryosong turan ni Specter, hindi ko batid kung ano ang kumikislap sa gilid ng kaniyang mga mata pero ramdam ko ang lungkot sa mga seryoso niyang mata.
Boys are really good when it comes to hiding their emotions.
"Una palang, hindi ko alam kung sino ako Specter kaya huwag kang magsalita na para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa inyo. Ipinakita ko lahat ng katotohanan, totoo ako no'n pero nang dahil sa namulat ako na hindi tayo magkadugo and Satana is not my mother, lumayo ako and investigate things. At nalaman kong Vreneya is my real mother, the Goddess of Universe. The Goddess they worshipped here"
Agad akong natuod dahil sa sinabi niya. Napalingon ako sa mga kasamahan ko na ngayon ay seryosong-seryoso na nakatingin kay Sarionaya. Agad kong binalik ang mga mata ko kay Sarionaya na nasa tabi lang ni Ignite.
"Wala kaming pakialam kung kanino kang anak, bitawan mo na si Azania, Ignite!" Sigaw ni Menesis na mas lalong nagpangisi kay Ignite. Nakita ko kung paano mas lalong nag-ugat ang kamay ni Ignite na nakasakal sa leeg ni Azania. Rinig namin ang malakas na ungol na siyang ikinataranta ko.
"Ignite!" Sigaw ko na siyang pagbaling niya sa akin ng tingin.
"Sigurado ka na ba sa ginagawa mo? Hindi ka na ba magbabago ng isip? Pinatay niyo na si Wenessa at si Spencer, ano pa ba ang gusto niyo? Isa-isahin kaming lahat?" Malumanay kong sabi, hindi nawala ang ngisi sa mga labi niya. Ibinagsak ni Ignite ang katawan ni Azania sa kaniyang harapan, si Azania naman na hirap-hirap ng makahinga at unti-unting gumagapang sa amin.
Akmang tutulungan na siya ni Sera pero doon nalang ang gulat naming lahat. Napasigaw ako dahil sa kawalang hiyaan ni Ignite, gusto kong tumakbo kay Azania, gusto ko siyang alalayan, gusto ko siya gamutin pero natigilan ako sa ngiting iginawad niya.
Ang nagliliyab na katawan ni Azania ay siyang dahilan kung bakit hindi makalapit ang halos lahat sa amin. Ang mga kamay ni Ignite na patuloy parin sa pagliliyab, patuloy parin ang galit ng apoy sa kaniyang mga palad na siyang nagpasilab sa katawan ni Azania na ngayo'y unti-unti ng nalalapnos ang mga balat at unti-unti na itong naglalaho.
"Genesis." Agad akong naluha dahil sa pagtawag sa akin ni Azania at kasabay no'n ay siyang paglaho ng kaniyang katawan dahil sa pagsabay nito sa hangin.
Bigla nalang kaming nakarinig ng matinding kidlat sa itaas na siyang dahilan kung bakit napaatras kaming lahat.
"Dito magsisimula ang totoong laban, mga hangal." Agad akong nanghina dahil sa pagdeklara ni Ignite ng laban.
Hindi na nga talaga siya si Ignite. I will survive for my daughter.
***********
Senny.
Sa kidlat na 'yon ay agad kaming napaatras at siya ding pagdeklara ni Kuy—Ignite ng laban. Walang hiya siya, sinaktan niya si Ate Genesis at ni hindi man lang niya naisip na may anak silang naghihintay ng kapayapaan. Naaawa ako kay Alisis ngayon dahil sa wala siyang ama na kukumpleto sa pamilya niya.
Pupuntahan ko na sana si Ate Genesis nang may humarang sa aking harapan na siyang ikinaatras ko. That man, ang lalaking isa ding Enchanter.
Napahawak ako sa tiyan ko dahil parang may gumalaw do'n pero agad akong naalerto dahil sa itim na dumadaloy sa katawan niya.
"Saan ka pupunta? You can't escape from darkness, you can't escape from me." Seryoso niyang turan, hindi ko siya uurungan.
"You have the darkness within you, but I have the light that can kill you. I can escape, hindi lang ako mag-isang lalaban. I have my man within me, I have my love." Pagkasabi ko no'n ay siyang pag-atake niya sa akin ng mabilis.
Nilingon ko saglit ang mga kasama ko and now they are fighting with their lives. Agad akong napaiwas sa suntok na may kakaibang enerhiya, I kick his stomach, hindi niya 'yon naiwasan kaya agad akong bumuwelo ulit para suntukin siya pero nawalan ako ng balanse dahil sa mga ugat na nakapulupot sa mga paa ko.
"Black Nature." Sambit niya na siyang pag-uga ng lupa at lumabas ang mga itim na mga ugat.
I cast a spell para makawala at nagawa ko naman 'yon. Umiwas ako sa papalapit na malaking ugat na aatake sana sa akin pero hindi ko napansin ang isa pa kaya agad akong natamaan sa binti na siyang ikinasigaw ko ng malakas.
Agad dumugo iyon, tinignan ko ang lalaki na ngayo'y nakangisi na sa akin ngayon.
"Where is your fictional love? Where is your imaginary man?" Ngising turan niya, agad siyang nag-cast ng spell at napatingin ako sa itaas dahil umuulan na ng mga itim na malalamig na tipak ng yelo.
"Guard Shield!" Sigaw ko at bigla nalang may lumitaw na barrier sa katawan ko. Pero dahil sa mahina na ang katawan ko, may ibang mga tipak na nakapasok sa barrier na siyang mas lalo kong ikinasigaw. Natamaan ang mga braso ko at likuran, nawala ang mga umuulan na tipak na mga yelo kasabay no'n ay ang paglaho ng barrier.
"You will die, hindi ka na sisikatan ng araw." Umatras siya ng kaunti at tumingin sa akin ng nakangisi.
"Black hole!" Agad akong napaatras dahil sa spell na binitiwan niya. That spell, hindi lang ako ang mapapatay nito kundi pati narin ang nag-cast nito. Black hole is one of the forbidden spells na pati ang lugar na tinatapakan ng nag-cast nito ay maglalaho. Hindi niya ba alam na pati ang mga kakampi niya ay maglalaho rin?
Unti-unti ng lumilitaw ang itim na bilog hanggang sa palaki na palaki na ito.
Agad akong nagtaka dahil biglang natigil ang itim na bilog sa paglaki. Unti-unti itong naglalaho at ang lalaki ay nakahawak sa kaniyang sentido na parang ang sakit-sakit ng kaniyang ulo.
Napalingon ako sa gilid ko ng may maramdaman akong presensiya at halos mapatalon ako dahil sa nakita. Bakit nay bata dito?! Inobserbahan ko siya at nakatingin lang siya sa lalaki na patuloy paring nakahawak sa kaniyang nga sentido.
"Kill." Rinig kong sabi ng bata, agad kong napag-alam na siya pala ang nagpapasakit ng ulo ng lalaki. Agad akong tumango dahil sa sinabi niya at tinignan ang lalaki na kahit masakit ang kaniyang ulo, nakakaya niya parin akong tignan ng masama.
Agad kong dinamdam ang sarili kong kapangyarihan, ang kapangyarihan ng aking minamahal. Ang init ng aking dugo, laman at puso ay parang nagkakaisa. Ang mga kamay ko ngayon na nagliliyab ng kakaibang apoy, kita ko ang gulat sa mga mata ng lalaking nakatingin parin sa akin ngayon.
"Feel the heat of the inferno, heat from my love. The power of a Devil Lord of Anger, power of my Enexx, power of the real him, Devil Lord Leviathan is within me. Our powers combined because of our forever love." Mas lalong lumakas ang pagliyab ng puting apoy na nasa aking mga palad, puting apoy na siyang nagsisimbolo na kayang magmahal ng isang Enchanter ng isang demonyo na nanggaling sa impyerno. Puting apoy na siyang nagsisimbolo na walang imposible sa pagmamahal kahit ano pa ang lahi na meron ka.
Agad kong dinamdam ang kapangyarihan na nasa katawan ko at tinignan sa mga mata ang lalaki. Kitang-kita ko ang mga mata niyang takot dahil sa kung ano na ang kaya kong gawin.
"Senny, mahal kita at lagi lang akong nasa tabi mo. Senny, I'm not dead, I'm in everywhere." Napapikit ako dahil sa boses ni Enexx na siyang bumubulong sa aking mga tenga.
"We will see each other soon, take care always." Bulong ko din at kasabay no'n ay ang pag-ilaw ng puting liwanag at kasabay no'n ay ang malakas na ungol na narinig ko.
Agad nawala ang liwanag, napaluhod ako dahil sa lakas na nawala sa akin. Agad akong napatingin sa bata, nakangiti siya sa akin at agad din siyang dumalo sa tabi ko.
Napansin ko kaagad ang dalawa niyang pangil sa kaniyang ngipin kaya agad akong nawili. This is the first time na nakakita ng isang bampira, harap-harapan pa. Akala ko isa lang silang nilikha ng mga ninuno naming mga matatanda, but they are real. And this boy in front of me is the evidence.
"I'm Senny, you are? Anong pangalan mo cute na bata?" Tanong ko sa kaniya at ngumiti siya sa akin ng matamis.
"Brooch, ngalan ko po ay Brooch. And I'm orphan, I want you to be my mother and brother to your baby in your womb."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro