Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 71

Dedicated to Dakureimi for making the nice cover.






*************


Menesis.




Dalawang lalaki ang nasa harapan namin, ibang-iba ang presensiya na meron sila. Kakaibang kapangyarihan at lakas, alagad din sila ng Diyosa na sinasamba nila.

"They are strong, nararamdaman ko 'yon." Turan ni Specter, agad naman akong napatango dahil kahit ako ay hindi makakapagsinungaling na kakayanin namin sila.

"Pero marami tayo, hindi nila tayo agad mapapatumba Specter kaya huwag kang mawalan ng pag-asa. Huwag nating sayangin ang buhay ng kapatid natin at ni Wenessa, we need to fight and to beat them down." Turan ko na siyang nagpatango sa kaniya.

"Tama si Menesis, kailangan nating lumaban, magkamatayan man." Agad kaming napalingon kay Cylechter na seryoso lang na nakatingin sa dalawang lalaki na seryoso ding nakatingin sa amin.

Nakakaramdam ako ng awa, kapag tumitingin ako sa mga mata ni Specter at ni Cylechter ay parang nanghihina na din ang loob ko dahil sa mga lungkot ng mga mata nila. Malapit na din sa akin si Spencer at lalong-lalo na si Wenessa kaya hindi biro ang pagkawala nila, hinding-hindi ko makakalimutan ang sakripisyo na ginawa nila para sa amin.

Agad kaming naghanda dahil sa biglaang pagliwang ng itim ng lalaki, ang isa naman ay puting liwanag. Their bodies are now glowing, lumalabas din ang mga kapangyarihan na meron sila. A Light and Dark Specialists.

"Sumuko na kayo at ibigay sa amin ang libro ng Heiress, magiging maayos ang buong buhay niyo kapag sinuko niyo ang libro." Turan ng lalaking nagliliwanag ng itim.

"Hindi kami tanga para ibigay sa inyo ang libro, at lalong-lalo na, hindi kami tanga para maniwala sa inyo na magiging maayos ang buhay namin kapag nasa inyo na ang libro. Hindi kami bobo o tanga, kayo 'yon kasi pumanig kayo sa masama." Seryoso kong turan, wala namang nagbago sa ekspresiyon ng dalawa at seryoso paring nakatingin sa amin.

"Hindi mo alam ang pinagdaanan namin, naghirap kami at ang Diyosa lang ang nag-aruga sa amin. Kailangan naming maghiganti sa mga specialist na nagpahiya sa amin noon, mga specialist na ibinaliwala ang mga presensiya namin." Turan naman ng isa pang lalaki na siyang nagpangisi sa'kin.

"Tanga pala kayo, bakit niyo sila hinayaang pahiyain kayo. Naimbento nga ang salitang 'lumaban' para hindi maapi, ang tanga niyo." Sambit ko na siyang ikinabago ng dalawa mg ekspresiyon.

At sa inaasahan, below the belt na ang nasabi ko kaya mas lumiwanag ang dalawang lalaki. Agad kaming naalerto dahil sa paglitaw ng maraming bolang puti at itim na liwanag sa kani-kanilang likuran.

"Maghanda kayo." Diing sabi ko sa katabi ko na siyang ikinatango nilang dalawa.

Agad nagpalabas ng mga bolang itim at puti si Specter, being the God of Day and Night is not easy. Pero nakakakuha siya ng lakas sa gabi at sa araw kaya malakas pa ang katawan ngayon ni Specter.

Gano'n din ang ginawa ni Cylechter, seryoso siyang nagpalabas ng mga bolang tubig sa kaniyang likuran. Alam kong seryoso sila sa laban na'to, they are ready to fight for their love ones. Hinding-hindi nila ako bibiguin, hinding-hindi nila sasayangin ang pinaghirapan ng mga mahal nila, hinding-hindi nila sasayangin ang pag-asa at hinding-hindi nila hahayaang mas lumakas ang kasamaan kaysa sa kabutihan.

"Handang-handa kaming labanan kayong dalawa, magkamatayan man." Seryoso kong sambit kasabay no'n ay ang pag-atake ng mga bola na nasa likuran ng mga kasamahan ko. Sinalubong naman ang mga atake nina Cylechter at Specter sa mga bola ng mga kalaban.

Nagsanggaan ang mga ito at nagulat kami dahil nilalamon lang ng liwanag at dilim ang bolang tubig ni Cylechter samantalang sumabog naman ang mga atake ni Specter.

Mas dinamihan pa ni Cylechter ang pagbabato ng mga tubig pero nilalamon lang ng dilim at liwanag, mas lalong nainis si Cylechter at sumugod na siya. Napailing nalang ako sa padalos-dalos niyang atake kaya agad akong sumunod sa kaniya. Binato siya ng dalawang kalaban ng mga bolang liwanag at dilim at bago pa siya matamaan ay kaagad kong ginamit ang Zero Gravity para sumabog ito ng kusa na hindi pa nalalapat kay Cylechter. Kaagad akong tumalon ng mataas at humarang sa harapan ni Cylechter.

"Huwag kang padalos-dalos Cylechter, hindi biro ang kakayahan nila at puwede kang lamunin ng liwanag at dilim na galing sa kanila. Mag-isip ka, huwag kang tatanga-tanga." Turan ko sa kaniya, agad ko namang napansin ang pag-atras niya kaya agad din akong napaatras.

Sa tutuusin, kayang-kaya ko silang dalawa pero nauubusan na ako ng enerhiya. Kailangan ko ng lakas pero alam kong nawawalan na din ng lakas ang mga kasamahan ko, nanghihina na din ang mga katawan nila kaya hindi sila puwedeng maging source ng enerhiya ko. Puwede nilang ikamatay 'yon.

"Kailangan nila ng katapat, 'yong katulad ng kakayahan nila." Turan ko, madaling basahin ang mga kinikilos ng mga kalaban nang dahil kanina. Ang mga atake ni Cylechter ay nilalamon lang ng liwanag at dilim kaya baliwala lang 'yon pero kung si Specter ang umaatake ay sumasabog din ang mga atake ng dalawang kalaban.

"Cylechter huwa—" Agad akong napahinto sa pagsasalita dahil sa lumulutang na sa ere ang dalawang kalaban. Nasa loob sila ng napakalaking bola ng tubig, kitang-kita sa ekspresiyon ng dalawa ang pagkakaseryoso na parang expect na nila ang mga atake ni Cylechter.

"Lulunurin ko silang dalawa, hindi ko sila kaya kapag maliit lang na bola ng tubig kaya ginawa kong malaki." Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kabobohan ni Cylechter o hindi, nakakinis dahil hindi siya marunong makinig ngayon at kung anong nasa isip niya, 'yon ang ginagawa niya. Saradong-sarado ang utak niya sa sinasabi ng iba, ang mga tenga niyang nagbibingi-bingihan lang dahil mas gugustuhin niyang umatake muna kaysa sa mag-isip ng matino.

Napatingin ako sa dalawang lalaki na lumulutang sa ere dahil sa bolang tubig na yumayakap sa kanila, napansin kong nagiging itim ang tubig at ang isa naman ay nagiging puti. Nakita kong nagkunot ang noo ni Cylechter, napabuntong-hininga nalang ako dahil sa katangahang ginawa niya.

Agad namang nakawala ang dalawa sa malalaking bola ng tubig na ngayon ay malaking bola ng liwanag at dilim na. Agad akong naalerto ng sabay nilang ibinato ang malalaking bola sa amin. Kaagad akong gumawa ng napakalaking barrier, nang niyakap na kami ng ginawa kong barrier ay kaagad kong ginamit ang Zero Gravity ulit na siyang idinulot ng malakas na pagsabog. Pati sa loob ng barrier ay naramdaman namin ang malakas na impact kaya natumba pa kami dahil sa puwersa ng pagsabog.

"Tanga ka talaga Cylechter!" Sigaw ko sa kaniya na ikinayuko niya.

"Makinig ka kasi muna bago ka umatake, 'yan ang magpapahamak sa ating lahat. Mapapahamak tayo sa mahinang kukote mo, mag-isip ka nga!" Dagdag na sigaw ko sa kaniya, napatingin ako sa lupa dahil nababasa 'yon dahil sa mga luha na ngayong tumutulo galing sa mga mata niya.

"G-Gusto ko lang ipaghiganti si Wenessa." Bulong niya na ensakto lang para marinig ko.

"Kung gusto mo siyang ipaghiganti, mag-isip ka muna bago umatake. Huwag kang padalos-dalos at ngayon, huwag na huwag kang aatake dahil kinakain lang ng kapangyarihan nila ang bawat bolang tubig na binabato mo sa kanila." Mahabang paliwanag ko sa kaniya na siyang ikinatango niya nalang. Wala siyang choice kundi makinig sa akin, mapapahamak kami kapag ipinagpatuloy niya ang paghihiganti niyang 'yan na napupunta lang sa kapahamakan.

"Kailangan nating gumawa ng paraan, ang kakayahan lang muna ni Specter ang dapat nating pagtuunan ng pansin. Ang kakayahan lang ni Specter ang katapat sa dalawang 'yan." Turan ko, agad namang nawala ang barrier na ginawa ko dahil sa limitasyon ng oras.

Agad kaming napatingin sa itaas dahil sa malakas na kidlat na narinig namin. The presence, power and energy are very familiar to me. Hinding-hindi ako nagkakamali, nandito sila.

Napatingin ako sa kalaban, napansin ko ang pagyeyelo ng mga paanan nila na siyang ipinagtaka nila. Akmang magiging dilim na naman ito at liwanag na mas lalo itong kumapal ng kumapal hanggang nasa binti na nila ang yelo. Agad na namang kumidlat at halos mapatakip ako sa bibig ko dahil sa tumama ang malakas na kidlat na 'yon sa dalawang kalaban. Napasigaw naman ang dalawa at napansin ko ang bahagyang paghina ng mga katawan nila. Kasabay ng kidlat ay siyang paglitaw ng mga metal sa likuran ng dalawa at kaagad 'yong sumaksak sa likod ng dalawang kalaban na mas lalong ikinasigaw ng dalawa.

"Sorry we are late." Agad kaming napalingon sa boses babae na pinagmamay-ari ni Gemartha, the princess of Satharia Dark Kingdom.

Sumunod sa likuran niya si Satro at iba pang Royal blooded na galing sa Satharia Academia.

Agad inatake ni Satro ang lalaking may kakayahang magpalabas ng liwanag sa katawan. Agad sumabog ang atake ni Satro at mas lalong nanghina ang katawan ng lalaki. Hindi nagpahuli si Gemartha at kaagad naging bolang itim, kaya niyang magpalit ng anyo gamit mismo ng kapangyarihan niya. Nakakaya niyang sumanib sa sarili niyang kapangyarihan, I wonder kung gaano kalalim ang pag-eensayo nilang lahat.

Agad umatake ang anyong bola ni Gemartha sa lalaking may kakayahang magpalabas ng itim na liwanag sa katawan. At katulad ng kay Satro, sumabog din ang bola at nanghina din ang lalaki dahil sa ginawa ni Gemartha. Parang isang anino si Gemartha nang bumalik siya sa dati niyang anyo at agad na ngumiti sa akin ng matamis. Hindi ko siya nginitian dahil wala ako sa mood, hindi parin nawawala sa isip ko na halos aatakihin nila si Genesis no'n. Hindi ako masaya na nandito sila, hindi ko sila feel.

"Magpasalamat ka nalang kaya Menesis? Hindi 'yong nakasimangot ka diyan habang nakatingin sa aming lahat." Agad ko namang sinamaan ng tingin si Daneel dahil sa sinabi niya.

"At bakit naman ako magpapasalamat?" Taas-kilay kong tanong sa kaniya na nagpangisi sa kaniya.

"Dahil iniligtas namin ang buhay niyong tatlo, salamat lang hindi mo pa masabi." Turan niya pabalik na siyang mas lalo kong ikinainis.

"Sino bang nagsabi na tulungan niyo kami? Kayang-kaya naman namin ang dalawang 'yan, umepal lang kayo na parang kailangan na kailangan namin kayo." Turan ko na ikinawala ng ngiti ni Daneel. Napatingin ako sa dalawang lalaki na nanghihina ngayon, agad akong napapitik sa ere na siyang ikinasabog ng katawan ng dalawang lalaki. Gulat na gulat naman ang Royal blooded sa ginawa ko na siyang nagpangisi sa akin.

"I am the Goddess of Creation and Destruction, I can destroy the powers na nasa loob nila na siyang ikinasabog din nila. At kayang-kaya ko 'yon gawin ulit sa'yo Daneel, sabihin mo lang." Seryosong turan ko na ngayon kay Daneel na ikinaatras niya naman ngayon. Agad namang pumaharap si Satro kay Daneel at seryoso akong tinignan sa mga mata.

"Bakit hindi parin sarado ang bawat pinto? Nakabukas parin lahat?" Takang tanong niya sa akin na siyang ipinagtaka ko.

"Bukas lahat ng pinto ng bawat mundo?" Takang tanong ko pabalik din kay Satro na siyang ikinatango niya lang.

"Sinabi sa amin ni Headmistress na may dalawang kambal siyang nakita na aksidenteng nakapasok sa opisina niya. Nagkausap sila, ang kambal na ito ay mga bata pa at dahil sa kakayahan nilang dalawa na kontrolin ang oras ay nagawa nilang maglakbay sa nakaraan at sa hinaharap." Turan nito pabalik sa akin na mas lalong nagpakunot ng noo sa akin.

"They are the God and Goddess of Time and Space. Siguro hindi pa nasisirado ang mga pinto dahil sa kung saan-saan sila pumapasok, kaya din nilang buksan lahat ng mga dimensions. Kaya dapat natin silang mahuli." Turan ni Yvino.

"Kung hindi sila kalaban at kung wala pa silang nagagawang mali ay hindi muna dapat sila ang problemahin natin. Ang problemahin natin kung paano natin matatalo ang Diyosa nila na mas malakas pa sa ating lahat." Seryoso kong sambit na nagpatango sa kanilang lahat.

Napalingon kami sa banda kung saan may paparating, agad nanlaki ang mga mata ko pati na si Specter at si Cylechter. Nandito nga siya!

"Sarionaya! Kasama niya si Azania pero bakit gano'n? Sinasakal ni Sarionaya si Azania?" Agad naging seryoso ang ekspresiyon ko dahil sa ginagawa ni Sarionaya kay Azania.

Kitang-kita sa mga mata ni Azania ang lungkot at sakit, sakit dahil sa ginagawa ni Sarionaya at hindi ko alam kung para saan ang pagiging malungkot niya.

"Lahat ng taksil pinapatay, lahat ng mga traydor kinikitil!" Sigaw ni Sarionaya.

Agad kaming napalingon sa likuran niya, may dalawang lalaki. Ang isa ay may sandata na lumiliwanag pa, liwanag ng isang kuryente. Ang isa naman ay seryoso lang na nakatingin sa isang direksiyon. Kaagad ko namang sinundan ang tingin niya, nakatingin siya kay Senny.

May isa pang lalaking paparating, sa tindig niya ay pamilyar siya. Nakasuot siya ng blue coat at hood na nakatabon sa pagmumukha ng lalaki. Nang makarating siya sa harapan ni Sarionaya ay unti-unti niyang inaalis ang hood sa ulo niya at siyang nagpasinghap sa aming lahat ng mga kasamahan ko.

Tama si Sarionaya, ang taksil ay dapat patayin at ang traydor ay dapat kitilin.

"We are fooled, niloko tayo ng lalaking pinakamamahal mo Genesis. Niloko tayo ni Ignite, hindi siya patay kundi nagpanggap lang."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro