Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 70

Genesis.




Nakabantay lang ako kay Olcor dahil baka malingat siya sa atake niya at maging bato siya. Nag-aalala ako kay Olcor, imbis ako ang lalaban ay siya ang lumaban para sa akin pero nanghihina na siya, ang bigat na ng paghinga niya kaya para akong natutulala minsan sa aking kinakatayuan.


"You will die, you'll become not a living stone, but a lifeless statue." Ngising turan ng lalaking kayang gawing bato ang isang nilalang, hindi siya bihira dahil kakaiba ang lakas na meron siya.

Agad lumiwanag ang katawan ko at parang may lumiwanag din sa katawan ni Olcor, bigla nalang binato ng lalaki ng kung anong liwanag si Olcor at agad ito natamaan. Imbis na maging bato, ay wala lang ito sa kaniya kaya agad namang nagtaka ang lalaki. Agad naman napatingin ang lalaki sa akin at nagngitngit ang mga ngipin dahil sa ginawa ko. Ang liwanag, it's a power to prevent specialist to become a something like stone. Akmang aatakihin niya ako nang pumaharap sa akin kaagad si Olcor.

"Hindi mo siya malalapitan, you'll kill me before you can touch her." Agad nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa sinabi niya, my heart is now beating fast na para bang nagkakarerahan dahil sa bilis nito. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin ko sa nararamdaman ko ngayon.

Mali ito, kakamatay lang ng asawa ko na si Ignite. Hindi para kay Olcor ang puso na'to, pero bakit gano'n? May kakaiba pa akong nararamdaman!

"Then die." Agad akong naalerto nang bigla nalang umatake ang lalaki sa kinakatayuan ni Olcor. Agad namang naghanda si Olcor at napaatras ng isang hakbang, kahit likuran niya ang natatanaw ko ay alam kung sumisigaw ng kaseryosohan ang presensiya na meron siya.

Agad akong napaatras nang bigla nalang lumitaw ang pakpak niya sa kaniyang likuran, nagbago ang haba at tulis ng kaniyang mga kuko at ang katawan niya ay hindi na ordinaryo, katawan na ito ng isang halimaw. At hindi rin magpapahuli ang sungay niya, mahaba at matulis na mga sungay.

Agad nagsanggaan ang suntok nilang dalawa, it cause a little crack sound kaya napangiwi ako dahil parang may nabali. Agad akong napaatras at tumalon papalayo sa kanila ng kaunti, agad akong nanghina dahil sa pagluhod ngayon ni Olcor ng hinay-hinay. His fist, nabali ang mga buto sa kamay niya at hindi ko maiwasang hindi mainis dahil sa ngisi ng lalaki.

Akmang aatake ako nang napahinto ako dahil sa palad na nakatapat sa puwesto ko, palad ni Olcor na para bang sinasabi na huwag na huwag akong gagawa ng kilos na hindi niya magugustuhan.

"Stay there, just stay there." Turan niya, bakit parang iba ang nararamdaman ko sa kaniya? Dahil ba 'to sa pagsasama namin noong wala pa akong naaalala? Mga panahon na siya pa lang ang lalaking nagpapatibok sa puso ko ng ganito? Bakit? Bakit siya? May mali, may something na bumabagabag sa akin pero hindi ko malaman kung ano. Na kapag umibig kami sa isa't-isa ay parang may mga hadlang sa amin.

Agad tumayo si Olcor at kaagad lumipad, pakpak niyang iba ang ibig-sabihin, mga pakpak niyang parang nanghihingi ng kapatawaran, pakpak niyang nagsisilbing lakas niya sa buhay. I didn't expect this, akala ko isa lang siyang ordinaryong specialist but he is a dragon's son. Akala ko manyak talaga siya no'n, pero disguise niya lang ang attitude na 'yon para agad akong matalo.

Paglipad sa ere ni Olcor, kaagad siyang sinugod ng lalaki pero nahinto ito dahil sa dalawang likidong pumuporma ng bola gamit ng magkabilang pakpak. Nang matapos ito ay walang atubuling ibinato ito sa lalaki. Agad umiwas ang lalaki pero dahil sa bilis ng measure ng atake ay kaagad nalapnos ang isang braso niya na siyang ikinasigaw niya. May mga dugo kaagad na lumabas do'n, dahil sa sakit ay kaagad siyang napaluhod at napangiwi habang napapahawak sa braso niya. Kahit akong nanunuod lang at nakabantay ay hindi ko maiwasang hindi mapapikit ng ilang segundo dahil sa nasaksihan.

Napansin kong lumiliwanag ang sugat niyang bahagi sa braso, parang may something na gumagapang at nang matapos ay nakita ko kung paano ito naging isang matibay na bato. Ginawa niyang bato ang braso niya para lang maibsan ang sakit, gusto niyang protektahan ang sarili gamit ang bato niyang kapangyarihan.


Agad sumugod ang lalaki, hindi niya iniisip kung gaano kasakit ang braso niya pero napapansin ko ang pagngiwi niya dahil ata sa hapdi ng ginawa niya. Agad akong nagulat dahil sa pagtalon niya ng napakataas at napapantayan niya na si Olcor na lumilipad sa ere. Agad akong napasigaw dahil sa pagsuntok ng lalaki kay Olcor na siyang ikinabagsak kaagad nito sa lupa, agad akong dumalo sa kaniya at kaagad lumiwanag ang buo niyang katawan. Hinawakan ko kaagad ang palad niya na may bali at kaagad lumiwanag ito.

Tumayo na ako at akmang lalayo na kay Olcor nang napatingin ako sa likuran dahil sa isang presensiya. Agad akong umiwas dahil sa liwanag na papunta sa akin, tumalon ako ng mataas at kaagad hinarap ang lalaki. Kaya niyang gamitin ang force ng lupa para makatalon siya ng napakataas, siyempre ang lupa ay may koneksiyon sa kapangyarihan na meron siya kaya nagagawa niyang tumalon ng mataas.

"Papatayin muna kita para maging bato na ang lahat!" Sigaw ng lalaki, agad akong kinabahan sa sigaw niya at napaatras dahil sa paghakbang niya ng ilang metro.

Napatingin ako kay Olcor, agad akong napasigaw dahil sa unti-unting nagiging bato ang katawan niya. Agad lumiwanag ang katawan ko at agad kumonekta sa katawan ni Olcor, agad naglalaban ang kapangyarihan ko at ang kapangyarihan ng lalaki. Napansin kong may sumusugod na sa akin kaya agad akong nagpalabas ng yelo sa paanan niya kaya agad siyang natigilan.

Yelo na parang diyamante, hindi siya kaagad makagalaw at nakita ko ang pagngiwi niya. Mas lalo kong pinakapal ang yelo pero laking gulat ko dahil sa nabiyak ang iilang parte ng yelo, grabe talaga ang lakas na meron siya. Nakakaya niyang biyakin ang yelo, kailangan kong gumawa ng paraan para hindi na siya makalapit sa amin. Agad kong napansin na wala ng bahid na bato ang katawan ni Olcor pero pansin na pansin ko ang panghihina niya dahil sa kakayahan ng bato na'to. Sa ilang minuto, makakaramdam ka ng kakaiba, hindi ka magugutom o mauuhaw o naaantok pero sa reyalidad, unti-unti ng mamamatay ang katawan mo.

"Hindi tatalab sa akin ang mga yelo mo." Sa sinabi niyang 'yon ay napansin kong unti-unting nagbabago ang yelo. Nagiging bato ang ibang parte kaya agad akong naalerto at mas lalong pinakapal ang yelo.

"You can change it into stone, pero hindi mawawala ang katotohanan na nanghihina ka na dahil sa lamig ng yelo." Turan ko na siyang ikinainis niya, mas lalong gumapang ang yelo sa buo niyang katawan hanggang sa nilamon ang kabuuan niya. Agad akong napabuntong-hininga dahil alam kong hindi na siya makakatakas, manghihina siya sa yelo na 'yan, hinding-hindi na siya makakawala pa sa mga yelo ko.

Agad kong dinalo si Olcor, ngumiti ako ng tipid sa kaniya at ginantihan niya naman ako ng ngiti. Hinaplos ko ang buhok siya na siyang nagpapikit sa mga mata niya, naramdaman ko na naman ang kakaibang sensasiyon sa kaloob-looban ko.

"Kaunting hakbang nalang Olcor, magiging tahimik na din ang buhay natin." Turan ko sa kaniya na siyang nagpatango sa kaniya.


Akmang magsasalita pa sana ako nang napalingon ako sa likuran at nanlaki ang mga mata. Unti-unting nabibiyak ang yelo, unti-unting natutunaw ang ibabang bahagi nito kaya mas lalo akong kinabahan. Hindi ko expect na ganito kalakas ang kakayahan niya, I'm a Titan Goddess, napapantayan niya ang kakayahan na meron ako kaya mas lalo akong kinabahan.

They are really incredibly strong, kakaibang-kakaiba talaga ang kakayahan na meron sila. Mga kapangyarihan na meron sila, they have sources at 'yon dapat ang problemahin namin. Malakas ang Diyosa na meron sila, malakas na malakas dahil nagawa niyang sanayin ang mga kasakop niyang ganito kalakas.


Hanggang sa ngisi sa mga labi niya ang nasasaksihan ko ngayon, ang nakikita ko ngayon. Parang walang nangyari sa kaniya, parang hindi siya naapektuhan sa yelo na meron ako. Parang hindi siya naapektuhan ng lamig, kainis!

"Don't you know? Any type of elemental powers can't crash me down, walang kapangyarihan na kaya akong patayin. Remember that, sinumpa." Sa sinabi niyang 'yon ay kaagad akong napaatras, ni hindi nila nakalimutan ang sinumpa thingy na 'yan. They are out of update, hindi nila alam na gawa-gawa lang 'yon ng ama namin.

"Then, ako pala ang makakadurog sa'yo?" Agad kaming napalingon sa likuran ko at kaagad bumungad sa akin ang mukha ng Headmistress ng Satharia Academia.


"At sino ka na namang mahina ka?" Agad napangisi si Avanza dahil sa sinabi ng lalaki, agad pumaharap sa akin si Avanza habang confident na confident siyang naglalakad papunta sa harapan ng lalaki. Ang lalaki naman ay napansin kong napapalunok, pero agad nababago ang ekspresiyon niya because he is hiding his fears.

Kung titignan si Avanza on her age, magkasing-edad lang sila tignan ni Donessa, kapatid ni Don. They are not growing old, para silang mas bumabata pa habang tumatagal.

"Avanza, ano ang ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Olcor ay do'n ko na nalaman ang humahadlang sa aming dalawa.

We can't be together, he is my cousin. Anak siya ni Avanza, kapatid ni ama ang ina nila ni Athena kaya bawal na bawal ang pagmamahalan na meron kami-pagmamahal na meron ako kay Olcor. Agad akong nalungkot sa katotohanang, hanggang dito nalang kami.


"Huwag ka na munang magsalita Olcor, kailangan mong magpahinga. Tatapusin ko muna ang lalaking 'to, hindi ka niya dapat hinahawakan dahil 'yon ang bilin niya." Agad naman nagtaka si Olcor sa sinabi ni Avanza pero kaagad nalang siyang napatango.


"You can't beat me lady, mamamata-" Agad nagulat ang lalaki dahil sa bilis ng kilos ni Avanza at ngayon ay nasa harapan na siya ng lalaki. Akmang aatras pa ang lalaki pero huli na dahil sinakal na siya ni Avanza, nakita ko kung paano magkaroon ng ugat ang kamay ni Avanza dahil sa pagkakadiin ng sakal sa leeg ng lalaki. Pero ang lalaki, parang wala lang sa kaniya pero kitang-kita sa mga mata niya ang sakit.


Why he is hiding his pain and fears? Ito ang ginusto niya, mali siya ng kinampihan, mali siya sa lahat ng bagay.


Agad lumiwanag ang palad ko at lumitaw do'n ang libro ng Heiress. Agad napalingon sa akin ang lalaki at kitang-kita ko sa mata ng lalaki ang gulat. Akmang kikilos siya ulit pero hindi siya makagalaw dahil sa higpit na pagkakasakal ni Avanza. Nagtaka naman ako dahil kaagad din nawala ang libro.


"All this time, you have that book!" Inis na sigaw ng lalaki sa akin pero hindi ako nagsalita at napatingin lang sa palad ni Avanza na nakasakal parin sa leeg ng lalaki.



"Avanza! Your hand!" Sigaw ko dahil unti-unti ng nagiging bato ang kamay nito, kitang-kita ang ngisi sa labi ng lalaki pero nahihirapan parin siya dahil sa higpit ng sakal.

Parang wala lang ni Avanza ang pagiging bato ng kamay niya, hindi niya iniinda na ang pagiging bato ng kamay niya ay unti-unti ng gumagapang sa bandang siko. Kinakabahan ako sa ginagawa ni Avanza, akmang tatakbo ako sa kinakatayuan ni Avanza nang may humawak sa braso ko at seryoso akong tinignan sa mga mata.


"Alam niya ang ginagawa niya Alisis, huwag ka ng makialam. Mapapahamak ka." Sa sinabi niyang 'yon ay automatic akong napatango, bakit gan'on? It's unfair! Napapasunod niya ako sa mga sinasabi niya.

Napalingon nalang ako kay Avanza, agad naman akong nagtaka dahil sa ngisi na meron siya. Ngisi sa labi ni Avanza na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko, ni hindi ko man lang siya nakitang ngumiti sa amin no'n. Siguro kay Menesis, pero ewan!

Nagtaka ang lalaki dahil kung bakit nakakagalaw pa ang kamay ni Avanza.

Nabigla ako nang bigla nalang nagbago ang balat ni Avanza, ang braso niya ay bigla nalang naging kakaiba. Her skin is changing, parang sa isang halimaw at napansin ko ang gulat sa mukha ng lalaki. Ang kamay na kaninang bato ni Avanza, ngayon ay nawala na at napalitan nang kakaibang balat ng halimaw.

"You shouldn't underestimate the dragon's mate, boy." Sa sinabing 'yon ni Avanza ay agad nawalan ng buhay ang lalaki dahil sa pagdiin pa lalo ni Avanza ang pagkakasakal, huli naming narinig ang palahaw ng lalaki hanggang sa naging abo nalang ito at sumabay sa ihip ng hangin.



"Told you Alisis, she can do it by herself. She is a dragon anyway."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro