HP 69
Athena.
This would be chaos! Lahat ng Devil Lords ay nabuhay, except kay Enexx—I mean Leviathan. Hindi siya kasali sa spell ng lalaking kaharap namin, Enexx is not an enemy. Oo nagsinungaling siya pero sa sariling kagustuhan niya 'yon, yes he killed an innocent before just to be with me pero naiintindihan ko siya. I'm just thinking, paano kaya kung hindi namin nalaman ang lahat? Baka sana kasama pa namin si Enexx at makatulong sa pakikipaglaban sa mga kalaban na Eastherians.
Kaunti nalang kami, nagsakripisyo na sina Wenessa at Spencer para mas mapaliit ang bilang nila na 'yon nga ang nangyari ngayon. Kaunti nalang sila, napansin kong may mga halimaw pang kinakalaban ang iba kong kasamahan.
Agad nanlaki ang mga mata ko nang mapansin may nagsilabasang ugat sa puwesto nina Levinas pero kaagad naman 'yon nawala dahil sa portal na ginawa niya. Agad silang naglaho, she is doing it again for her comrades. Ganiyan din daw ang ginawa niya noon sa mga kasamahan niya nang sumugod ang mga kalaban.
"Athena, Enexx is not here." Chester said kaya tinignan ko siya sa mga mata.
"Ang spell na ginamit niya ay buhayin ang mga naging kalaban natin no'n, Enexx is not an enemy kaya wala siya dito." Tugon ko sa kaniya na ikinatango niya naman.
"Athena, long time no see!" Sigaw ni Lerves, he can still talk even he was manipulated by the spell. Malakas nga ang spell na binanggit ng lalaking Mage, he is incredibly strong. Saan kaya siya napulot ng Diyosang sinasamba nila? Nasa ibang mundo siya, malayong-malayo sa mundong ito na binubuo ng ilang maliliit na mundo.
"Lerves, para namang hindi natin siya nakita kanina." Agad namang segunda ni Beezlebub, nakakainis! Hindi dapat sila nabuhay! Ramdam na ramdam ko ang mga kapangyarihan nilang nangingibabaw, bakit gano'n? Kung ano ang kapangyarihan nila no'ng nakalaban namin sila ay gano'n parin ngayon!
"Well, hindi ko kaagad nakilala si Athena. Siya pala 'yong babaeng nando'n sa eskwelahan na pinasok ko." Sabat naman ni Amon, mas lalo akong kinabahan dahil sa mga ngisi ng mga labi nila, they are playing teasing game and they are provoking me to do anything na makakapagpasaya sa kanila. Hindi ako dapat padalus-dalos, hindi ko sila kaya lahat.
"Oh? Nag-iisip ka na Athena kung paano mo kami mapapatay lahat?" Ngising turan sa akin ni Mammon na ikinaatras ko ng kaunti, bakit ba nasa akin ang mga mata nila?
"You just can't use your powers boys, kokontrolin lang kayo ni Amon." Bulong ko na ikina-igting lang ng mga panga nila, Igneous is serious at gano'n din si Chester. Magkamukhang-magkamukha nga sila, mas mature lang tignan si Chester dahil sa itsura niya na masiyado ng matanda kaunti.
"Hindi pa ba kayo nadala at bumalik pa kayo?" Agad kaming napalingon kay ama dahil sa seryosong tono niya sa pananalita.
"Aragaduos! Para namang wala tayong pinagsamahan sa imyerno niyan! Baka nakakalimutan mong tinulungan ka naming makalabas para mahanap ang pamilya mo?" Ngising sambit ni Asmodeus, agad siyang tinignan ng masama ni ama dahil sa sinabi nito.
"Hindi ka pa nadadala Asmodeus, sarili mong mahal ay ayaw sa ugali mo kaya ka pinagtataguan." Walang-buhay na turan pabalik ni ama na ikinawala ng ngisi ni Asmodeus.
"At hindi mo ba alam Asmodeus? Lerves and Beezlebub hid Sarah, nakaharap siya namin kanina pero agad naman siyang namatay dahil pinatay siya ng mga kasamahan mong demonyo." Agad ako napangisi dahil sa gawa-gawa kong istorya, sa kanilang anim, si Asmodeus ang pinakauto-uto sa kanila. Hindi mo masasabing hindi siya gano'n kalakas pero may kakayahan pa din siyang magpatumpag ng ilang gusali at pumatay ng maraming nilalang kung gugustuhin niya.
"Huwag kang maniwala sa kaniya Asmodeus, hindi siya nagsasabi ng totoo!" Sigaw kaagad ni Lerves na mas lalong ikinalapad ng ngiti ko sa labi.
"Asmodeus, I'm a demon-dragon at magkatulad tayong demonyo. Sa tingin mo ba, kaya ko pang magsinungaling sa'yo? Malalaman mo naman kung nagsisinungaling ako eh, look at my eyes, I'm telling the truth. Nasa kamay mo na sana si Sarah pero tinago nila sa Westheria at pinagsamantalahan. Naaawa ako sa'yo Asmodeus, ikaw ang naghihirap maghanap, pero sila ang nagpapakasarap sa katawan ng babaeng mahal na mahal mo." Mahabang litaniya ko na siyang ikinadilim ng ekspresiyon niya at kaagad pumaharap kay Beezlebub na ngayo'y napaatras dahil sa mga tingin ni Asmodeus.
"Ginawa niyo akong laruan, akala ko ba magkakapatid tayo?!" Sigaw niyang tanong.
"Magkapatid nga kayo, nagbibigayan ng makakain!" Sigaw ni Aragaduos kaya agad akong napaatras nang nagpalabas ng apoy si Asmodeus sa kamay niya at kaagad niyang sinugod si Beezlebub. Agad namang naalerto si Beezlebub at nagpalabas ng mga insekto at inatake si Asmodeus pero kaagad nagliyab ang mga insekto na 'yon dahil sa apoy niya.
Nakita ko ang Mage na nagtataka sa inaakto ng mga minamanipula ng spell niya. Kaagad akong nag-isip ng paraan kung paano namin matatalo ang lalaking 'to. Hindi siya bihira dahil hindi siya katulad namin, mahirap basahin ang galawan ng mga hindi namin kalahi. Isa siyang Mage, isa kaming specialist at ang nakakalungkot do'n ay hindi kami magkakonekta, magkaibang-magkaiba ang dugo na nananalytay sa mga sistema namin. Mahirap siyang kalaban, mahirap na mahirap.
"Athena!" Sigaw nang kung sino at huli na ng malaman ko kung anong nangyari dahil ramdam ko na ang lambot ng lupa. Napapikit pa ako dahil sa aksiyong 'yon pero kaagad kong naidilat ang mga mata ko dahil sa lalaking nakayakap sa akin ngayon.
"Shit! Ayos ka lang Athena?!" Sigaw niyang turan sa akin kaya agad naman akong napapikit dahil sa lakas ng sigaw niya. Agad ko naman siyang tinulak dahil sa awkward naming posisyon at tumayo, pinagpag ang damit at matalim na tinignan si Igneous.
"What are you doing? Baliw ka na ba talaga Igneous?" Diing turan ko sa kaniya pero napahawak lang siya sa batok niya.
"Malapit ka ng matamaan ng insekto kaya kita iniwas, walang malisya 'yon kaya puwede ka ng huminahon." Turan niya na siyang ikinainis ko lalo, hindi ko nalang siya pinansin at huminga nalang ng malalim.
Agad kong nakita na nakikipaglaban na si ama kay Lerves, nagpapalitan sila ng apoy at suntok. Si Chester na ngayo'y umiiwas sa atake ni Mammon na nakangisi lang, ang mga ngising siyang nagpatalo sa kanila no'n na sana dapat mangyari din ngayon.
"Hindi ko pa kayang maging dragon, kailangan ko pang kumuha ng lakas." Bulong ni ama kaya agad akong kinabahan dahil mas lalo kaming agrabyado, pero alam kong kayang-kaya ni ama ang mga kalaban na'to. Ang apoy niya lang ang nagpapasakit sa mga demonyong 'to!
"Napakagandang tanawin!" Sigaw ni Belpregur, kaagad ko siyang binato ng apoy na ikinatigil niya sa kakasigaw at agad akong tinignan sa mga mata.
Sumugod siya sa akin kasabay no'n ang panunumbalik ng anyo kong dragon, kaagad akong lumipad paglabas ng mga pakpak ko at kaagad siyang binugahan ng apoy.
Tumingin ako sa lalaking Mage, napapansin kong bumibigat ang paghinga niya kaya agad akong napaisip.
Sa pagmamanipula niya ng spell na'to, unti-unti ding nababawasan ang enerhiya siya sa katawan niya. Kaya pala sinabi ni Chester na hindi bihira ang spell na ginamit niya dahil malaking kawalan na enerhiya 'yon kung saka-sakali. Kailangan pa naming magmatiyag, baka may paraan pa para matalo siya kaagad.
Agad akong bumaba at sinuntok sa panga si Belpregur, hindi siya nakaiwas do'n kaya agad siyang tumalsik. Strength by my punch, nanggaling pa 'to kay Avanza. Kamusta na kaya ang babaeng 'yon?
Bumangon naman kaagad si Belpregur at inis akong tinignan sa mga mata, may lumabas na demonyo sa likuran niya pero kaagad ko 'yong tinira ng apoy kaya nawala din.
Napaatras ako dahil sa pagliwanag ng lupa, buong lupa ay lumiwanag kaya agad natigil ang pagsusuntukan ng mga kasamahan ko. Napalayo sila sa kalaban at tumabi sa akin, agad ko naman hinanap ang kapangyarihan na 'yon, at ito siya, chanting spell for I don't know what is the reason at ano ang purpose nito.
"No one can escape after this battle, hell will be close and won't open again. No one will summon them again, no demons will come again, no one can enter hell nor real world. The portal will be closed and won't open again!" Pagkatapos isigaw ni Senny ang spell na 'yon ay siyang pagliwanag ng buong paligid na nanggagaling sa lupa. Napatabon ako sa mga mata ko dahil sa sobrang liwanag na idinulot nito at hanggang sa humupa na parang walang nangyari.
"You will be dead after this Devil Lords, hindi na kayo mabubuhay ulit dahil sa spell na 'yon." Turan ni ama kaya agad akong napatango, tama, that spell is for demons, wala ng makakapasok na demonyo sa lugar na'to, wala ng mga demonyo pang makakasagabal at maghihimagsik ng kadiliman!
"Patayin ang babaeng 'yon at pilitin ibalik ang spell na ibinigkas niya!" Sigaw ni Lerves na ikinaalerto ng mga kapatid niyang demonyo. Nag-anyong halimaw lahat ang mga kasama niya, hindi din nagpahuli si Lerves na naging halimaw din. I didn't know na kaya nilang mag-transform into this mess, magkatulad lang ang mga mukha nila at parang iisa lang. Mas lalong lumakas ang mga kapangyarihan nila, isa-isa silang tumakbo at papunta kay Senny na ngayo'y nanghihina na. Si Asmodeus na parang nagising na sa kalokohan na sinabi ko.
"Hindi niyo maaaring patayin ang babaeng 'to, ginawa niya lang kung ano ang tama." Agad nahinto sa pagtakbo ang mga halimaw, napatingin kami sa babaeng naka-red coat at nakahood, the coat of great Satharia.
"Sino ka hangal?!" Sigaw ni Mammon pero kitang-kita ko na kilalang-kilala ni Amon ang babaeng kaharap nila ngayon. Napansin ko ang pag-atras ni Amon kaya agad akong nabuhayan ng loob, may malaki kaming pag-asa na matalo sila at ang babaeng nasa harapan nila ang siyang makakatulong sa amin.
The Goddess of all Living Beasts
"I'm Seyvana, your worst nightmare." Turan nito at kaagad itinaas ang ere kasabay no'n ay ang pagtunog ng nabibiyak na lupa, hindi makagalaw ang mga demonyo at unti-unti sila nilalamon ng lupa. Sumisigaw sila na para bang humihingi ng tulong, mga mura at kung anu-ano pang salita na nanggagaling sa bibig nila ay hindi pinakinggan ni Seyvana sapagkat mas lalo niya lang ipanalamon sa mga lupa ang mga demonyo. I didn't know, ang lupa na kinakatayuan namin ay isa din palang buhay na halimaw.
"Lahat ng mga bagay-bagay ay puwedeng maging halimaw, thanks to Senny's Spell dahil nalaman ko kaagad na isa ding halimaw ang kinakatayuan nating lupa. Naghihintay lang ng tiyempong lamunin kayong lahat." Agad akong kinabahan sa sinabi ni Seyvana pero mabuti nalang at kaagad niyang naagapan. Hanggang sa nawala na ang mga demonyo, nakita namin kung papaano naging abo ang mga katawan nila.
"Hindi niyo ako matatalo ng gano'n-gano'n nalang, hin—"
"Wala ka ng enerhiya, inubos mo lahat para lang makontrol ang mga demonyo kanina. Kung sana nag-isip-isip ka kung saan ka kakampi, hindi ka na sana mamamatay pa. Hindi ka na masasali sa gulong 'to at hindi ka na sana mawawalan ng hininga." Turan ni Igneous na ikinanuot lang ng noo ko.
"Where did you get that words?" Takang tanong ko sa kaniya kaya napatingin naman siya sa akin.
"Practice ko lang 'yon kaya huwag ka na ngang maingay, mas kinakabahan ako magsalita kapag nakikinig ka eh." Napailing nalang ako sa tinuran niya, isip-bata talaga 'tong lalaking to kahit kailan. Hindi parin siya nagbabago, sa tingin ko pati nararamdaman ko sa kaniya hindi parin nagbabago.
Napansin kong may china-chant na spell ang lalaki pero may malaking pagtataka sa mukha niya na para bang hindi gumagana ang spell niya.
"You can't summon anything in hell, Mage. Sa spell na binigkas ko kanina kung nakinig ka, wala ng papasok sa mundo na'to na nanggagaling sa impyerno. Isa kang Summon Type of Mage, summoning is your power pero you're basing to hell and enemies." Turan ni Senny sa kaniya kaya agad naman itong nanghina, kasabay no'n ay siyang pagluhod niya sa lupa.
"Just kill me then, wala na akong magagawa, wala na akong magagawa pa kundi mamatay nalang. I just want to take my revenge, pinatay ang mga magulang ko ng mga tulad niyong specialist." Turan niya, agad kaming napalingon kay Levinas dahil bigla nalang siyang lumitaw sa harapan namin at hinarap ang lalaking nanghihina na at parang wala ng kapag-a-pag-asa.
"You have to live, magbago ka at bibigyan ka namin ng pagkakataon. At magmulat ka, hindi lahat ng mga katulad namin na naiisip mo ay kayang gawin ang ginawa ng mga nilalang na 'yon sa mga magulang mo" Sa sinabi ni Levinas na 'yon ay bigla nalang may lumitaw na portal sa likuran ng lalaki.
"Galing ka sa Goriath, malaking mundo kung saan matatagpuan ang mundo ng mga katulad mong Mage, mundo ng mga Sorcerers at mundo ng mga tao." Turan ni Levinas at kasabay no'n ay ang paghigop unti-unti ng portal sa katawan ng lalaki.
"M-May mabubuti pa pala sa inyo, mag-iingat kayo at sana maipanalo niyo ang laban na'to. Hihintayin ko ang lahi niyo sa mundo namin, ako pala si Magum, prinsipe ng isa sa mga kaharian sa Magnelia, mundo ng mga Mages." Pagkasabi niya no'n ay siya ding paglaho ng katawan niya at ng portal.
Isa pala siyang prinsipe. Agad akong napangiti, hindi naman pala siya gano'n kasama katulad ng prinsipeng mahal ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro