Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 68

Levinas.





Nasa kamay na ni Lola Thorna ang mga anak namin kaya medyo gumagaan na ang pakiramdam ko dahil at least nasa maganda at ligtas na kamay ang mga bata. Ang kailangan ko lang problemahin ay ang kaharap namin ngayon na nakangisi lang na nakatingin sa amin na para bang nang-iinsulto siya sa mga tingin niya.




"Nhelina, hindi ka parin nagbabago. Sana natuwa ka sa mga ginagawa mo, sana napatunayan mo sa sarili mo na malakas ka sa lahat. Tandaan mo Nhelina, hindi ka malakas kung walang nagmamahal sa'yo." Turan ko sa kaniya na ikinairap niya lang sa ere, wala siyang pakialam.



"Alam mo, hindi ko alam kung saang parte ka eh. Sa mahina, sa malakas o tagapayo? Pero alam ko namang hindi niyo ako kakayanin, I'm enough for pretending ng ilang taon at handa na ako para patayin ang mga sinumpa niyong kaibigan." Turan niya sa amin kaya agad kaming napahagikhik.




"Sinumpa? Matagal ng panahon na 'yon ah? Hindi mo ba alam na mga kasinungalingan lang lahat ng mga sinabi ni Dracunox? Siya lang ang gumagawa-gawa no'n kaya huwag kang pagpapakampante, at tiyaka hindi mo sila kakayanin tandaan mo 'yan." Turan ko pabalik sa kaniya pero napatawa lang siya sa sinabi ko. Baliw nga ang babaeng 'to, hindi nadadala sa magandang salita.




"Kung napatay man nila si Werrestella na kasama na namin sana ngayon ay mas lal—"



"Kaya lang pinatay siya ni Genesis, at gano'n din ang gagawin namin sa'yo." Agad napatingin si Nhelina sa kapatid ko na para bang naiinip narin sa nangyayari.



"Huwag kang makialam kung ayaw mong mawala kaagad sa mundo—"



Agad akong nagulat dahil sa ginawa ni Wyeth, Lauron's mate dahil nasa harapan na siya ni Nhelina habang nakatutok ang hologram sword sa leeg nito. Agad namang nagulat si Nhelina dahil hindi niya expected 'yon pero imbis na matakot, ngumisi lang ito at kaagad tumalsik si Wyeth na hindi namin namamalayan na may ugat palang lumitaw.



"Wyeth!" Sigaw ni Lauron, agad naman nang-init ang ulo ni Lauron at kaagad siya sumugod. Agad namang lumitaw ang malaking ugat na malalaki ang tinik sa katawan nito, magkatulad sila ni Enzyme ng kakayahan.


Umiwas lang si Lauron sa paghampas ng ugat, kaagad siyang tumakbo ng napakabilis, his vampire ability at kaagad sinipa sa sikmura si Nhelina pero nakaiwas lang 'to. Agad namang umatras si Lauron dahil sa paggalaw ng ugat pero kaagad ulit siyang sumubok na umatake at sinuntok sa tiyan si Nhelina pero sadiyang nakakasabay din siya sa bilis ni Lauron.



"Hinding-hindi mo 'ko kakayanin pusong babae na nasa katawan ng lalaki, mamamatay ka muna bago mo ako mapapatay." Turan ni Nhelina pero hindi niya alam na may portal akong ginawa sa likuran niya kaya hinigop siya nito. Agad namang naintindihan ni Lauron ang ginawa ko kaya paglitaw ng isa pang portal ay kaagad niyang sinalubong ng suntok na siyang tumama sa pisngi ni Nhelina na nagpatalsik sa kaniya ng ilang distansiya.



"Don't mess up with this vampire ability." Pagkasabi ni Lauron no'n ay kaagad lumiwanag ang ginto at pula niyang mga mata, it glows like it's already looking for blood.



"Psh! Tiyamba lang 'yon, hinding-hindi ka na makakaulit dahil papatayin ko na kayong lahat!" Sigaw niya at agad nalang lumitaw ang mga naglalakihang mga ugat. Agad ako napalingon sa likuran ko dahil sa baka mapahamak ang mga kasama ko pero may kalaban din silang kinakaharap kaya hindi nila mapapansin ang mga atake ni Nhelina. Kailangan naming pumunta sa ibang lugar kung saan walang madadamay na tanging kami lang apat ang magkakaharap.



Kaagad akong gumawa ng portal para sa aming lahat at kusa kami nitong hinigop hanggang sa napunta kami sa pamilyar na lugar.



"This is the place where the door for Verdugal is here." Napatango ako sa binulong ni Wyeth, tama nga siya dahil nasa gitna kami mismo ng isla ng Satharia at Westheria. Pinapalibutan kami ng napakaraming puno, wala ang mga kasama ko. Si Demeter na kasama ang mga ibang nakikipag laban sa iba pang buhay na halimaw.




"Don't you know? Forest is my life and power, dinala niyo nalang sana ako sa lugar kung saan wala akong kalaban-laban." Turan ni Nhelina, hindi siya marunong tumahimik. Kaya ayaw na ayaw sa kaniya ni Menesis at Genesis dahil sa ugali niya, kaya pala muntikan na siyang mamatay no'n sa labanan.




"Alam mo Nhelina, lumalaban kami ng patas kaya pinagbibigyan ka namin na maging malakas. Ang ayaw namin sa kalaban ay 'yong mahina, 'yong dada ng dada, 'yong magaling lang sa salita pero hindi naman kayang isagawa." Agad akong napatango sa matapang na sinabi ni Lauron, kakaiba na nga talaga si Lauron. He is very brave and strong, ibang-iba na siya sa Lauron na nakita ko no'n na madaldal dahil sa pagiging bakla, 'yong mahinhin dahil sa iwas siya sa mga lalaki.




"Nhelina!" Napalingon kami sa likuran ni Nhelina dahil sa may sumigaw, sa itsura ni Nhelina ay bahagya siyang natuwa dahil sa narinig na boses.



Agad naming sinundan ng tingin ang lalaking naka-blue coat at tinignan ang mukha nitong walang hood na suot kaya kitang-kita namin ang itsura nitong nag-aalala para kay Nhelina. Agad itong sinalubong ng yakap ni Nhelina at napatingin sa amin, para bang nagmamayabang si Nhelina dahil sa may kakampi na siyang kaagapay.




"Well, hindi ko naman alam na isa ka palang Eastherian, Hyros. Long time no see." Agad naman akong nagtaka dahil sa sinabi ni Lauron, nakita ko din ang gulat sa ekspresiyon ng lalaki at nanlaki ang mga mata. Napatingin siya sa akin at nang mapatingin ang mga mata niya kay Wyeth ay agad itong naging seryoso na para bang hindi niya nagugustuhan ang nakikita.




"Oh? Ang kaagaw ko noon sa'yo Venedict? Ang tagal na nating hindi nagkikita, pare!" Agad na ngising turan ni Wyeth, I think this Hyros ay isang suitor ng isang Venedict noon.






"He was my ex-boyfriend, sister." Napa 'oh' nalang ako dahil sa binulong ni Lauron. Ang haba naman talaga ng buhok ng kapatid ko, iba talaga kapag magaganda ang lahi.



"Magkakilala kayo?" Tanong ni Nhelina pero kaagad namang sumagot si Lauron.



"Hindi, wala akong kilalang katulad niyong mga baliw, masamang nilalang at kayang-kayang ipagpalit ang ibang bagay para sa minamahal niya." Kasabay no'n ay ang pagsayaw ng mga puno dahil sa lakas ng hangin na idinudulot ng kapangyarihan ni Lauron. May lumalabas na pulang liwanag sa kaliwang kamay nito at gintong liwanag sa isa pa nitong kamay, hanggang sa namumuo ito ng isa bolang liwanag. Sa pagkabuo nito, kaagad ipinagdikit ni Lauron ang dalawang magkaibang liwanag na bola kaya kaagad itong naghalo ng lakas at kulay hanggang sa naging isa ang bola.





Palaki ng palaki ang bola hanggang sa sakto na ang laki nito at walang alinlangang ibinato sa puwesto ng dalawa. Nagdulot ng buong pagsabog ang atake niyang 'yon at nabawasan din ng lakas ang katawan ni Lauron sa atake niyang 'yon, the fusion power ay malaking enerhiya para sa kaniya kaya siya hinihingal kaunti ngayon.




Agad na-absorb ang mga usok pero laking gulat namin dahil ni wala mang gasgas na natamo ang dalawa. Pumaharap si Hyros kay Nhelina na para bang pinoprotektahan niya ito mula sa pagsabog.



"Do you think you can defeat us that easily?" Seryosong tanong sa amin ni Hyros pero nginisihan lang siya ni Wyeth at kaagad kumilos ng mabilis. Nagpalitan na ngayon ng suntok at sipa at iba pang klaseng atake silang dalawa ni Hyros habang ako ay nakatingin lang kay Nhelina na seryoso na ngayong nakatingin kay Lauron.



"So ikaw pala ang baklang sinasabi ni Hyros na kinabaliwan niya no'n? Psh! Anong nakita niya sa'yo maliban sa katawan mong lalaki? Mukha mong lalaki at boses mong lalaki? Walang bahid ng pagkababae ang makikita sa labas ng anyo mo, wala kang binatbat sa babaeng katawan ko." Turan nito na para bang inaasar si Lauron pero sadiyang hindi marunong maasar si Lauron dahil nakangisi lang siyang nakatingin sa mga mata ni Nhelina.




"Ayon na nga, katawan lalaki ako, mukha ng lalaki at boses lalaki pero ako ang kinabaliwan. Katawang babae ka nga, pero ako ang minahal ni Hyros. Aww sorry for reading your mind, iniisip mo kasi na hindi ka makapaniwala na isang tulad ko ang minahal ng specialist na mahal na mahal mo ngayon." Ngising turan ni Lauron kaya ako naman ang napahagikhik pero kaagad nanlaki ang mga mata ko na may pumulupot sa mga binti't paa ko. Agad akong pumiglas at igagalaw sana ang mga palad ko para makagawa ng mga hologram swords pero mas lalong humigpit ang pagkakapulupot ng mga ugat sa mga palad ko.






"Argh!" Ungol ko kaya agad na napalingon sa akin si Lauron na kaagad nanlaki ang mga mata. Agad niyang hinarap si Nhelina pero sa akin tumakbo si Lauron. He touches the root kaya lumiwanag 'yon kasabay ng napakalakas na sigaw na nanggaling sa akin dahil sa parang may tumutusok sa katawan ko.




"Anong nangyayari?!" Sigaw niya at akmang magsasalita na sana ako nang may mga ugat na namang tumabon sa bibig ko kaya hindi na ako makapagsalita ngayon at tanging mga mata ko nalang ang naluluha.




"Ang mga ugat na nakapulupot sa katawan ng babaeng 'yan ay kakaiba, unique, versatile, rare at iba pang mga salitang nababagay sa ugat na 'yan. Kapag nadidikitan ng kapangyarihan 'yan ay mas lalong hihigpit at masasaktan lang ang pinapulupotan nito kaya huwag na huwag kang magkakamaling gumawa ng masama dahil sasabog ang katawan ng babaeng 'yan. Isn't it nice?" Ngising turan ni Nhelina, patuloy parin ako sa pagpupumiglas, napakalakas nga ng puwersa ng mga ugat na ito at once na may lumapat na kapangyarihan sa mga ugat na'to ay ako ang masasaktan at mawawalan ng buhay.




Hindi pa ako dapat mamatay, I need to live for my son and husband at magiging masaya pa kami. Gusto kong gumawa ng memorya na kasama ang mga pamilya ko na kumpleto kami with my brother and my family. Ang ina at ama ko na ngayon ay siguradong nagdadasal na para sa amin, I gave them a signal na nakikipaglaban kami ngayon.



"Puwes, I will kill you first." Sa sinabing 'yon ni Lauron ay kaagad niyang sinugod si Nhelina na ngayo'y nakangisi lang. Agad umiwas si Nhelina nang batuhin siya ni Lauron ng mga bolang liwanag, ginamitan din siya ng bilis pero nakikita lang 'yon ni Nhelina.


Naiintindihan ko na kung bakit hindi siya natatablan ng bilis at kung bakit niya nakikita ang mga mabibilis na kilos nina Wyeth at Lauron dahil isa itong kagubatan. 'Yon nga ang sabi niya kanina, forest is her life power kaya nalalaman niya ang mga kilos ng kalaban.



Alam kong babasahin ni Lauron ang isipan ko, he can read minds but he can't talk to me through mind. Kaya bibigyan ko siya ng ideya para matalo si Nhelina.



Kailangan niyang gawing abo ang mga puno na nandito dahil 'yon ang mga nagiging mata niya sa laban kaya niya naiiwasan ang mga ikinikilos ni Lauron.


Napansin ko ng tapon ng tapon ng mga pula at gintong liwanag sa likuran si Lauron, hindi man natatamaan si Nhelina pero saktong sa mga puno 'to tumatama. Ang iba kapag nalalapat ang liwanag ay nagiging abo kaya agad naman akong napangisi sa isipan ko dahil nabasa na ni Lauron ang nasa utak ko. Hindi namamalayan ni Nhelina na kumikilos na pala si Lauron, napakaraming bolang pula at dilaw na liwanag na ibinabato si Lauron na siyang mga atake niya kay Nhelina pero alam kong matatakasan at maiiwasan lang niya 'yon.



At tulad ng inaasahan, naiwasan niya 'yon habang nakangisi pero hindi niya alam, wala ng isang punong susuporta sa kaniya. Agad sumugod si Lauron ng mabilis at nakita ko ang gulat sa mga mata ni Nhelina, nagawa pa niyang lumingon sa likuran niya pero huli na dahil agad siyang tumalsik ng malayo. Nakita ko pang sinusuportahan pa siya ng mga ugat para hindi matumba, itinayo pa siya ng mga ugat na ito.




"What a brilliant move pero hindi mo parin ako matatalo, you will die first before me. Ang kapangyarihan na meron ako ay hindi basta-basta, ang mga ugat kong dapat pang lasunin bago maging abo. Pero sa kakayahan mo, hinding-hindi mo malalason ang mga ugat ko, hindi mo ako matatalo. Nilayo niyo kasi ako sa kambal na sila lang ang kayang makakapatay sa akin." Turan niya, kung tama siya ay kailangan naming humanap ng paraan. Hindi dapat siya magtagal, ang ugat niyang mas lalong tumitibay.



Napalingon ako kay Wyeth na ngayo'y nanghihina narin habang ang Hyros na'to ay malakas parin. Katulad ni Athena ang kakayahan ni Hyros, lakas ang kapangyarihan, malakas sumuntok at hindi kaagad natatablan ng mga bolang liwanag o ano pang kapangyarihan.


Napansin ko ang pagsugod ng ugat pero kaagad itong hiniwa ni Lauron gamit ang hologram sword niya pero hindi ito nahati sa gitna na siyang ikinagulat niya. Agad siyang lumayo pero naabutan parin siya ng ugat at agad siya nitong ibinalibag. Gusto kong sumigaw pero hindi ko kaya at hindi ko makaya dahil sa ugat na nakapulupot sa bawat parte ng katawan ko.




Agad naman akong nagtaka dahil sa biglaang paglitaw ng mga pulang rosas sa mga ugat na nasa katawan ko. May nararamdaman akong iba pang kapangyarihan pero bakit gano'n? Hindi ako nasasaktan pero may ibang lumalapat na kapangyarihan sa ugat, sino ang nagmamay-ari ng kapangyarihan na'to?





Hanggang sa napuno ng bulaklak na rosas ang ugat at nakawala ako sa pagkakapulupot nito kaya agad akong huminga ng malalim.





"Paano ka nakatakas?!" Sigaw sa akin ni Nhelina at akmang aatakihin ako nang bigla nalang may ugat na nakipaglaban sa ugat niya, ang kaibahan, ang ugat na lumigtas sa akin ay may mga pulang rosas.





"Sabi mo, kailangan ng lason para lang mamatay ang mga ugat mo? Hayst, paano ba 'yan ako ang lason mo?" Agad kaming napalingon sa boses babae na ngayo'y nasa likuran na ni Nhelina. Agad naalerto si Nhelina at kaagad iwinakli ang nasa likuran nito pero kita ko kung paano naging pulang rosas ang babae.




Lumitaw na sa tabi ko ang babae, nakangiti siya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.


"Nice to meet you, ikaw pala kapatid ni Venny?" Agad naman nangunot ang noo ko.



"Laura!" Dinig kong sigaw ni Lauron at kaagad niyakap si Laura.



"Sinundan ko si Wyeth pero dito ako na-stuck, hindi ko alam ang papuntang Westheria na sinasabi ng mate mo!" Agad napahagikhik si Lauron sa inasal ng babaeng nagngangalang Laura, the white vampire.




"Sino ka na naman bang babae ka?!" Napalingon kami sa sigaw ni Nhelina, akmang susugod si Lauron ng pigilan siya ni Laura at umabante ng iilang hakbang.



"Ako ang tatapos sa'yo." Turan nito at kaagad lumitaw ang mga ugat na may mga rosas na pula, agad akong napahakbang papaatras dahil sa biglaang pag-iba ng kulay nito. Kaninag pula ay ngayo'y unti-unti nagiging puti at hindi na nakapagsalita pa si Nhelina dahil agad pumulupot sa kaniya ang ugat mula ulo hanggang paa.



"Humihigop ng enerhiya at kapangyarihan ang mga rosas ko kapag sila ay nagkulay puti na. At ito na ang katapusan mo." Ngising turan ni Laura.


Malakas na sigaw ang narinig namin at iilang minuto ay siyang pagsabog ng mga puting rosas kasabay ang pagkawala ng katawan ni Nhelina.





"Nhelina!" Agad kaming napalingon kay Hyros, akmang aatakihin niya kami nang mapahinto siya sa kinakatayuan niya, nagtaka kami dahil sa nakahawak siya sa kaniyang ulo na para bang napakasakit no'n.




"You will die, you hurt Tito Way-Way." Agad akong napalingon sa boses bata na ngayo'y katabi na pala ni Wyeth.




"N-Nakakapagsalita na siya?" Takang tanong ni Lauron na ikinatango lang ni Laura.



"Since our hybrid baby is strong, agad siyang naka-recover. Una pa nga niyang nasambit ay pangalan mo Venny, he is looking for you kaya sumama siya sa akin. He even threatened me na hindi niya ako ilalakad kay Xyron kapag hindi ko siya isasama!" Agad natawa si Lauron sa sinabi ni Laura.




One punch blow ang ginawa ni Wyeth kay Hyros na ikinawalan nito ng malay.






"Verdugal is thanking you Venny, nang dahil sa katapangan mo ay bumalik na sa dati ang ayos nito at nagkaisa na rin ang mga puting bampira at itim na bampira. Nagulat nga kami dahil akala namin patay na ang tatlong prinsipe ng mga puting bampira pero sinabi nila, dinala mo daw sila sa lugar kung saan makakapagpa-realize sa kanila na puwede pa silang mabuhay ulit at magbago. They are also thanking you for that, napakalaki ng utang ng loob ng mga bampira sa'yo."



Agad namang yumakap ang bata kay Venny.





"Let's go back to Westheria, kailangan pa nila ang tulong natin."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro