Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 67

Genesis.






"Genesis, ang anak ninyo ni Levinas nando'n na sa lugar kung saan kayo nakatira no'n. Hawak na ng lola niyo ang mga bata, ibinigay sa akin kanina ni Azania no'ng makapasok ako sa palasiyo." Agad akong napalingon kay Athena dahil sa sinabi niya, sa wakas!




"Salamat Athena, akala ko nasali na sa pagguho ang mga bata. Ni hindi man lang nag-iisip si Menesis kung ano ang magiging resulta sa ginagawa niya." Turan ko at kaagad tinignan si Menesis na ngayo'y tinatahan si Specter, kanina pa siya iyak ng iyak pati si Satanina.



Wala na si Wenessa at si Spencer, wala na ang mga magagaling kong kasama at isinakripisyo nila ang mga buhay nila para lang matulungan kami. Wala ng mga Eastherians, lahat sila ay ubos pero may nararamdaman parin kaming kakaiba. May mga presensiya paring nasa paligid namin, may mga naiwan pa at handa na namang lumaban pero at least kaunti nalang sila. Lalaban kami!




"Intindihin nalang natin si Menesis, Genesis. Gusto niya nalang talagang tapusin ang lahat, gusto niyang maghiganti dahil sa mga napagdaanan niyo no'n sa kamay ng mga Eastherians." Turan nito sa akin kaya napatango nalang ako, hayst. I can't imagine myself talking with Athena na ganito kaseryoso, hindi kami ganito at magkalaban kami noon. Inis na inis kami sa isa't-isa, magkagalitan pero sadiyang ang tadhana ay gumagawa ng paraan para magkaayos ang lahat at labanan ang tunay na kasamaan.




"May paparating." Agad kaming napatingin sa mga paparating, lima silang naka-blue coat at pamilyar ang kani-kanilang mga presensiya.




"Sila ang mga Eastherians na sumakop sa Westheria, ang mga tindig nila, ang mga presensiya ay hindi ako nagkakamali. Isa din sa kanila ang kayang gawin ang bato ang isang nilalang." Dinig kong turan ni Devonna, napatango ang iba kong kasama pero ang iba naman ay nagtataka dahil hindi nila maintindihan. Hindi kasi sila kasama sa mga naging bato no'n kaya hindi nila naranasan kung paano kapait ang makulong sa isang kulungan na pinapatay ang buo mong pagkatao.





"Wow! Reunion! Pero, wala na ang isa sa inyo kaya kaunti nalang kayo." Agad akong napatingin sa boses lalaki, siya ang nasa pinakagitna.




"Wallerd, huwag ka ngang pahalatang natutuwa ka kasi nakakarindi boses mo." Agad nalipat ang tingin namin sa isa, her voice is very familiar.



"Kilalang-kilala ko ang boses na 'yan, hindi ako nagkakamali. Walang-hiya, isa din ka pala talagang kalaban babae ka." Napalingon kami kay Igneous dahil sa sinabi niya at ensaktong itinaas ng babae ang hood niya at bumungad sa amin ang mukha niyang nakakainis, ngisi niyang nakakainit ng ulo. Buhay pa pala siya, akala ko wala na siya.



"Igneous, I didn't expect you here! Akala ko matagal ka ng nabaon sa Natharia, well I miss Natharia! Kamusta na ba ang Natharia, Prince Igneous?" Turan niya at akmang magsasalita na sana si Igneous nang maunahan na siya ni Menesis.



"Huwag ka ngang feeling close at kung nami-miss mo ang Natharia, sorry hindi ka nami-miss ng Natharia. Ni hindi nga nagsabing 'kamusta' ang Natharia dahil napakabaho daw ng presensiya mo, bagay ka sa lugar na'tong madilim, masama, mabaho at demonyo na bagay sa'yo." Ngising turan ni Menesis na ikinawala ng ngisi ng babaeng nasa harapan namin.




"Hindi ka parin nagbabago Menesis, madaldal ka paring bruha ka. Dapat sa'yo hindi na nakaligtas sa pagiging rebulto mo! Sinasamba ka na dapat ng mga demonyo!" Sigaw ng babae kaya agad naman napangisi ulit si Menesis.



"Nhelina, huwag ka ng mainggit dahil kahit demonyo pa ang sumamba sa akin ay sinasamba parin ako. Hindi katulad mo, gagawin ang lahat para lang sambahin. Desperada, bruhilda, demonya ka. Demonyo ka din diba? Kaya sa huli, sasambahin mo rin ako." Natawa naman ako sa sinabi ni Menesis kaya halos napatingin sa akin dahil sa lakas ng tawa ko.




"Alam mo Nhelina, huwag ka na kayang magsalita? Hinding-hindi ka rin naman mananalo katulad no'n at dapat alam mo kung saan ka lumugar dahil ibinubuwis mo lang ang pangalawa mong buhay na walang kuwenta." Turan ko na mas lalong ikinainis niya.




"Tama na Nhelina, hayaan mo na sila. Hindi lang ako nakapaghanda na ang mga kalaban natin ay mga isip-bata." Agad naman kaming napalingon sa lalaking nasa tabi ni Nhelina, seryosong tono para sa seryosong presensiya.





Naramdaman kong may kakaibang enerhiya ang lumalabas kaya agad akong napalingon sa lalaking nasa gitna na unti-unting nagpapalabas ng kakaibang liwanag, pamilyar na liwanag na siyang ikinabagsak namin no'n.



Agad akong pumaharap sa mga kasamahan ko at agad hinarang ang sarili ko kasabay ang pagliwanag ng buo kong katawan. Ang liwanag ay kaagad kumonekta sa mga kasamahan ko, do'n na ibinato sa amin ng lalaki ang liwanag na siyang tumama sa akin. Unti-unting nagiging bato ang paa ko pero nilalabanan ng liwanag na meron ako sa katawan. Seryoso kong tinignan ang lalaking ngayo'y tinatanggal na ang hood ng kaniyang coat.





Namalayan ko nalang na sumugod na ang mga kasamahan ko, marami pa kami pero mahina na at lima nalang sila pero may lakas pa. Kahit anong gawin kong pagprotekta sa kanila, alam kong kukulangin ako sa lakas dahil wala na akong enerhiya pa. Kailangan ko ng masasandalan, kailangan ko ng lakas, kailangan ko ng kapangyarihan para matulungan ang mga kasamahan ko. Para sa pamilya ko, sa anak ko at kay Ignite. Mahal ko sila kaya gagawin ko lahat para lang mailigtas ang mga kasamahan ko at mga mahal ko sa buhay.





Nasa harapan ko ngayon ang lalaking kayang gawing bato ang nilalang, blangko lang ang mukha niyang nakatingin sa mga mata ko. Lumiliwanag parin ang katawan ko pati katawan ng mga kasamahan ko, kung mawawala ang liwanag na'to ay magiging bato ang mga kasamahan ko dahil wala na silang proteksiyon sa katawan. I need to focus, I need to bring back my demon inside.




Alam kong may kulang pa, alam kong may nakatago pa sa pagkatao ko, alam kong may kumakawala pa.





"Genesis, kaya mo 'yan! Naaalala ko na ang lahat, hindi ka basta-basta!" Agad akong napalingon kay Satanina dahil sa sinabi niyang 'yon pero agad akong nagulat dahil sa biglaang pagsipa ng lalaki sa sikmura ko na siyang ikinaluhod ko dahil sa sakit. Hindi ako tumalsik, para kasing may gravity na humahawak sa akin sa paa.




"Genesis, kaya mo 'yan. Kakaiba ka, ikaw ang makakapagbago ng tadhana natin." Dinig kong sambit ni Menesis, nagtataka ako sa mga sinasabi niya. Parang magkatulad sila ng sinabi ni Satanina, pareho ng depinisyon o kahulugan ang mga sinasabi nila. Hindi ko maintindihan, pero sa utak ko, ang daming nagsisilitawan na mga visions, mga nakaraan, mga labanan na nangyari no'n.




Agad akong napahawak sa ulo ko dahil bigla itong kumirot kaya alam kong advantage na sa kalaban na atakihin ako. Napaangat ang ulo ko at tama nga ako, wala na siya sa harapan ko kaya probably nasa likuran ko siya at handa na akong atakihin. Nakarinig ako ng pagbagsak kaya napalingon ako sa likuran at nakitang pinapahid na ng lalaki ang gilid ng labi niyang may bahid na ng dugo.



"Olcor." Tawag ko sa pangalan niya habang nakatingin ako sa buo niyang katawan na ngayo'y umuusok. Wala siyang suot pang-itaas at tanging pantalon nalang ang natitira na punit-punit pa. Ang tanging halimaw nalang na natitira sa katawan niya ay ang kaniyang pakpak na pumapagaspas na siyang alam kong nagbibigay sa kaniya ngayon ng balanseng makatayo. Hirap na hirap na din si Olcor, wala na din siyang lakas.





"Huwag kang mag-alala Alisis, tutulungan kita." Agad akong nakaramdam ng paghaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya, at sa pagtawag niya sa akin ng pangalan ko noon. Kakaibang Olcor na ang kaharap ko, hindi katulad no'n na isang hambog, manyak at biglaang naging seryoso at hindi namamansin.



"Hindi mo na kailangang gawin 'to Olcor, nanghihina ka na din!" Sigaw ko sa kaniya pero napangisi lang siya sa sinabi ko.



"Nanghihina ka na rin at ako ang may kakayahan para matalo ang lalaking 'to. Masiyadong malakas ang kapangyarihan na meron ka at hindi mo ka-level ang lalaking 'to para labanan, nababagay lang siya sa katulad ko, kami ang magtutuos." Seryoso niyang turan, minsan parang isang tambol ang musikang naririnig ko kapag siya na ang nagsasalita ng mahaba, hindi lang talaga ako sanay na nagsasalita siya ng marami. Tumango nalang ako na kahit gusto ko siyang sabihin na huwag niyang minamaliit ang kakayahan niya kasi malakas din siya katulad ko, hindi din siya basta-basta.







"Genesis." Kaagad akong lumingon sa boses na 'yon, kay Menesis nanggaling ang boses na'to. At paano niya naman nagagamit ang ganitong klaseng kakayahan? Hinding-hindi siya pumapasok sa isipan ng iba!



"Genesis, I can create powers kaya huwag ka ng magtakang nakakagamit ako ng ganitong klaseng kapangyarihan. Makinig ka nalang, ako ang nagpabalik ng alaala ni Satanina at nakita ko ang nakaraan sa isipan niya. Genesis, ikaw lang ang makakapagpabago ng tadhana, huwag kang mawawalan ng pag-asa." Agad akong natuod dahil sa sinabi ni Menesis, bakit parang may iba akong nararamdaman sa sinasabi niya? Bakit parang may gagawin siya?




"Ano Menesis? Magsasakripisyo ka ba katulad ng mga kasamahan natin?" Tanong ko sa kaniya sa utak pero narinig ko lang siyang natawa.


"Genesis, kung 'yan ang pinoproblema mo, huwag kang mag-alala dahil hindi pa ako baliw para ibigay ang kamatayan ko. Ang akin lang, mas malaking posibilidad na ikaw ang makakatapos nito dahil nasa iyo ang hiyas ng kamatayan." Agad nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, hiyas? Hiyas ng kamatayan?




"Ang bawat hiyas ay may responsibilidad, sa ating grupo ay nando'n kay Lauron ang hiyas ng mga bampira. Nasa kay Satanina ang hiyas ng mga patay, nasa kay Aragaduos ang hiyas ng mga dragon at nasa iyo ang hiyas ng kamatayan." Turan niya kaya agad naman akong nalito.



"Eh ano naman sa'yo?" Tanong ko sa kaniya pero nagbikit-balikat lang siya, tanaw na tanaw ko ang pagbikit-balikat niya mula sa kinakatayuan ko kaya mas lalo akong nagtaka.




"Sa nakaraan ni Satanina, ipinanganak tayong may responsibilidad ng dinadala dahil sa parehong Diyos ang mga magulang natin. Pero binigyan ka ni Satanina ng hiyas at akmang bibigyan niya din ako ng maagaw ni Dracunox ang akin na siyang paghirang sa kaniya bilang Titan God of Life." Tugon niya, t-teka isa ak—




"Tama ka, you're a Titan. Titan Goddess of Life and Death kaya kayang-kaya mo silang kalabanin lahat." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.




I-Isa akong Titan? I-Isa akong Titan Goddess?




"Argh!" Agad akong napalingon kay Olcor na nasa lupa na, susuntukin siya sana ng lalaki nang kontrolin ko ang kamao niya at isinuntok sa sarili niyang mukha na siyang ikinatalsik niya. Lakas ng impact no'n!



Tumakbo ako kay Olcor at agad hinawakan ang katawan niya.




"S-Sanay na sanay ka ng humawak ng katawan ng lalaki ah?" Agad uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya, walang hiyang 'to!





**********





Athena.





Kaharap namin ang lalaking napakaseryoso ng ekspresiyon, kasama ko ngayon si Chester at si Igneous na seryoso lang ding nakatingin sa lalaki. Kakaiba ang lakas na meron ang lalaking 'to, parang may kung ano sa kaniya ang dapat hindi maliitin. Kinakabahan ako sa kakayahan niya, na kahit hindi ko pa alam ay parang may part sa akin na dapat nang matakot dahil alam kong may mas la-lala pa nito.





"Alam niyo ba ang Corp de Historia?" Agad kaming nagtaka dahil sa seryosong sinabi niya, kinunotan siya namin ng noo. Agad naman akong napalingon kay Igneous sa hindi alam ang dahilan, ewan ko ba pero parang ibang-iba na ngang Igneous ang nakikita ng mga mata ko.





"Nagtatanong ka sa amin? Aba bago to ah! Kalaban nagtatanong sa atin? Puta, baliw ka ba?!" Asar niya sa lalaki pero parang walang lang epekto sa lalaki dahil walang pinagbago ang ekspresiyon nito.




May kakaiba talaga sa lalaking 'to, triple ang lakas niya sa amin kaya dapat kaming mag-ingat. Hindi pa namin alam ang kakayahan niya at baka siya, nakita na niya ang kakayahan namin. Sa tindig niya, hindi siya Enchanter o isang bampira o di kaya sp—




"Isa siyang Mage. Corp de Historia, hindi biro ang spell na 'yan."



Mage, magkatulad lang sila ng Enchanter pero ang kakaiba lang ay parang pinagsama ang specialist at Enchanter kaya naging Mage. Ang Mage ay nagka-cast ng spell na related sa kapangyarihan na meron siya—halimbawa, kung kaya niyang magpalabas ng apoy, mga spells niyang may koneksiyon lang dapat sa apoy. 'Yon ang mga Mages.





"Ang layo ng pinunta mo, anong offer ng Diyosa at iniwan mo talaga ang mundo mo para sa labanan na'to?" Tanong sa kaniya ni Chester na nasa seryosong tono.




"Hindi ko obligadong sagutin ang mga katanungan na nanggagaling sa mga kalaban." Turan niya na ikingisi ko.



"Hiyang-hiya sa'yong unang nagtanong sa amin." Turan ko pero kaagad lang umangat ang gilid ng labi niya.



Napaatras kami dahil sa biglaang pagliwanag ng paanan niya, may lumalabas ng mga symbols do'n at tama na si Chester, isa nga siyang Mage. May namumuong bilog sa paanan niya na punong-puno ng mga simbolo—a magic circle.



Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa batok dahil sa lakas ng puwersa, agad akong napatingin sa lalaki na nakalutang ngayon.




"Corp de Historia!" Sigaw niya at kasabay no'n ang paglabas ng hindi namin inaasahang mga nilalang. Kaagad akong napaatras dahil sa pagbabalik nila. H-Hindi maaari! May kakayahan siyang buksan ang impyerno?!



"Corp de Historia, isang spell na kayang ibalik ang mga namatay niyong kalaban no'n. History of the Dead Enemies." Turan niya sa amin at kaagad kaming napatingin sa mga demonyong ngayo'y nakangisi sa amin.








"The Devil Lords."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro