HP 66
Athena.
Bato ako ng bato ng apoy pero hindi parin sila nauubos, ang lalakas ng mga kapangyarihan nila na pati kaming mga Diyos na mas malalaki ang mga responsibilidad ay nahihirapan. Kainis! They have their own source, at sa Diyosa nila nanggagaling ang mga ganiyang klaseng kapangyarihan!
"They are strong ate, hindi ko na kaya! Napapagod na ako!" Sigaw ng kapatid ko kaya agad akong napalingon sa kaniya, agad ko siyang pinuntahan at niyakap. Dinala ko siya sa ibaba at inilapit kay Genesis na ngayo'y nakaluhod nalang.
"Genesis, please huwag mong pabayaan ang kapatid ko. Ikaw na bahala sa kaniya, hindi na niya kayang lumaban." Turan ko, napatingin sa akin si Genesis at lumipat din kay Olcor ang tingin niya. I know my brother, gusto niya si Genesis pero hindi madaling makalimut dahil sa unang pag-ibig.
"Ate, mag-iingat ka." Sambit niya kaya agad naman akong tumango at lumipad. Agad kong itinabon ang dalawa kong pakpak sa sarili ko para sa proteksiyon. Maraming umaatake sa akin, they are just an ordinary specialists pero ang mga lakas nila ay kakaiba.
Pagbuka ng mga pakpak ko ay siyang pag-init ng mga mata ko, ewan pero naghahanap ang katawan ko ng sakit ng katawan, gusto kong manuntok, gusto ko ng laro. Ito na ba ang demonyong nasa katawan ko? Ang totoong demonyo? Matagal na ring hindi lumabas ang nararamdaman kong 'to.
"Payback time you dimwits!" Rinig ko ang pagdalawa ng boses ko kasabay no'n ay ang pagpagaspas ng dalawa kong pakpak. Naramdaman ko ang pagbigat ng dalawa kong pakpak at sa paggaaan ng buo kong katawan.
Nakita ko si Senny na nahihirapan dahil sa limang lalaking pinagtutulungan siya, kaagad akong sumugod do'n at inatake ang isa. Pati ang bilis na meron ako ay mas lumala, kaagad kong sinipa sa mukha ang isa pang lalaki na akmang sasaksakin si Senny sa likuran. Napatingin ako sa iba na takot na takot na pero hindi ako nagpatinag at kaagad sinaksak gamit ang pakpak ko ang isa pa at binato sa mukha ang isa ng apoy. Dalawa nalang, hindi ko kaagad pinatagal at kinuwelyuhan ko ang dalawa ng sabay. Itinapon sa ere ng malakas at sinalubong sila ng naglalagablab na apoy ni ama.
"Ayos ka lang Senny?" Nakita ko naman kaagad ang gulat sa mga mata niya dahil sa boses na meron ako. Kaagad naman siyang tumango sa sinabi ko, hindi na ako nagtagal at kaagad lumipad sa ere. Sa puwesto ko, kitang-kita ko ang palasiyo na unti-unti ng natitipak dahil sa patuloy na paggiba dito ni Menesis. Pero may napansin akong isang specialist na lumulutang sa itaas ng palasiyo, umiilaw ang buo niyang katawan at parang nakatingin ang mga mata niya sa akin.
Hindi ako nagsayang ng oras, lumipad ako papunta sa palasiyo. Sinasalubong ako ng malakas na hangin, masangsang na amoy at ng iba't-ibang presensiya ng mga Eastherians. Nasa harapan ko na ang malaking pintuan, kaagad ko 'yong sinipa ng malakas na siyang ikinagiba nito at bumungad sa akin ang giba-gibang mga gamit sa loob, napakagulo at wala ng ibang makikita kundi ang mga walang kakuwenta-kuwentang bagay.
"Athena!" Napalingon ako at sumalubong sa akin si Azania na may bitbit na mga bata sa magkabilang kamay. Sila ang mga anak nina Levinas at ni Genesis!
"Ang mga bata!" Sigaw ko kaya napatango naman siya, kaagad akong bumaba at sinalubong siya. Nalito naman ako kaagad dahil binigay niya sa akin ang mga bata, agad naman akong kinabahan dahil kailanman hindi pa ako nakahawak ng bata sa mga bisig ko.
"Dalhin mo siya sa mga ina nila, kahit 'yon nalang talaga ang maitutulong ko sa inyo. Sige na Athena, umalis ka na dito bago ka pa maabutan ng Diyosa!" Agad pumagaspas ang mga pakpak ko dahil sa sinabi niya, lumayo ako kaagad sa kaniya pero nakita kong may mga Eastherians na sumugod sa kaniya. Hindi nalang ako tumingin dahil sa naaawa ako kay Azania, para din naman pala kay Genesis at sa mga kasamahan niya ang ginagawang pagtataksil ni Azania, iniintindi lang din ni Azania ang kaligtasan nila.
Lumipad ako ng lumipad, kailangan kong maabot ang mga magulang ng mga bata. Napalingon ako sa likuran na may papalapit sa aking liwanag kaya agad ko naman itong iniwasan. Bumuga ang mga pakpak ko ng mga apoy at ibinato sa kung saan nanggaling ang liwanag na 'yon. Malapit na ako at kaunting lipad nalang, hindi ko dapat ipahamak ang mga bata.
Nakita ko ang lola nina Genesis kaya siya kaagad ang nilapitan ko, lumalaban din siya gamit ang mga tinik niya galing sa kaniyang sistema. Nagpapalabas siya ng mga tinik at kaagad itong ibinabato sa mga kalaban.
"Lola, alam ko pong ikaw ang may responsibilidad sa mga bata, dapat na po kayong tumakas. Sabi ni Genesis, do'n po kayo sa bahay kung saan kayo nakatira no'n." Turan ko.
"Iniligtas mo ang mga anak nila, ang apo ko kaya maraming salamat. Malaking utang na loob ang meron kami sa'yo Athena." Sa sinabi niyang 'yon ay kaagad kong tinawag si Senny at nagpagawa ng portal, pumasok naman kaagad do'n si lola at agad naman nagsirado ang portal.
"Kailangan na nating kumilos, hindi na biro ang lakas nila. Palakas sila ng palakas, dapat na natin silang tapusin." Turan ko na ikinatango lang din ni Senny.
Agad akong napalingon kay Wenessa dahil sa nangingibabaw niyang presensiya. Kaagad naman akong nagtaka dahil sa kakaibang aura na nasa katawan niya, umiilaw ang buo niyang katawan ng ubeng kulay kaya automatic akong napalingon sa itaas. Ang buwan, nagiging dalawa na naman ang buwan. Pero ang kakaiba ngayon, palapit ng palapit ang buwan sa amin. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero siguradong-sigurado ako na lumalapit ang buwan kay Wenessa, ang liwanag ng buwan ay tinatamaan ang buong pagkatao ni Wenessa.
"A-Anong ginagawa ni Wenessa?" Dinig kong turan ni Serafina ni kahit ako hindi ko alam kung anong ginagawa niya.
"Give me the power, give me the light, the justice of death and the answer of all pain!" Sa sigaw na 'yon ni Wenessa ay bigla nalang may humiwalay sa mga buwan na maliliit na bato.
Maliit sa paningin namin pero malaki itong tatama sa kung saan kami nakapuwesto ngayon. Hindi na naman ba nakokontrol ni Wenessa ang kapangyarihan niya?!
"Wenessa! Masasali mo kami sa ginagawa mo!" Sigaw ko pero hindi siya nakinig sa akin sapagkat tumingin lang siya kay Cylechter na ngayo'y nakaluhod nang nakatingin kay Wenessa. Nagtaka naman ako dahil sa luhang nagmula sa mga mata ni Cylechter habang nakatanaw kay Wenessa.
"Anong ginagawa mo Wenessa?! Makinig ka nga sa amin!" Sigaw ni Specter pero pati siya ay hindi narinig, si Cylechter lang ang nasa mata ni Wenessa.
"Salamat dahil naging parte kayo ng buhay ko, sa saya, sakit at kalungkutan. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan, hinding-hindi rin kita makakalimutan Cylechter. Mahal kita." Agad akong nainis sa sinabi niya na para bang nagpapaalam, agad ko siyang sinugod pero kaagad akong napabalik sa puwesto ko dahil sa isang gravity power.
"Menesis." Tawag ko sa pangalan niya, umiling lang siyang nakatingin sa akin.
"Mamamatay ka kasama niya kapag lumapit ka sa liwanag na 'yan, ang liwanag na 'yan ay nanggaling sa ubeng buwan, hindi sa puting buwan." Turan nito na mas lalo kong ipinagtaka.
"Pero mamamatay siya, anong gaga—"
"Wala tayong magagawa diyan Athena, tignan mo nga si Cylechter, alam na alam niya ang ginagawa ni Wenessa na kahit siya ay hindi kayang pigilan ang ginagawa nito. It's a ritual, Athena. A sacrificial ritual, isang spell na ikinonekta niya sa responsibilidad bilang Diyosa ng buwan." Agad akong nanghina dahil sa sinabi niya, hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Menesis. Hindi ako makapaniwala na isasakripisyo ni Wenessa ang buhay niya para sa amin? Baliw ba siya?! Kayang-kaya namin ang sarili namin, kayang-kaya naming mabuhay na walang tulo—
"Athena, kahit anong isipin mo, mahirap parin talunin ang mga Eastherians. Kaya siya nagsakripisyo para maging kaunti ang bilang nila, wala tayong magagawa do'n. Hindi biro ang kakayahan nila." Agad akong napalingon kay Venny o Lauron o anong pangalan niya dahil sa seryosong sinabi niya.
Nilingon ko si Wenessa na ngayo'y naiiyak na sa ginagawa niya.
"Huwag kang umiyak sa harapan namin Wenessa! Pinili mo 'yan! Ginawa mo 'yan! At ipinilit mo 'yan kaya panindigan mo! Magpakatatag ka! Magkikita din tayo kaya huwag kang mag-alala!" Sigaw ko sa kaniya at nakita ko ang pagbago ng mga mata niya, pursigido na siya ngayon gawin ang spell niya. Nasa likuran mo lang kami Wenessa, hinding-hindi ka namin pababayaan katulad ng ginagawa mo sa amin ngayon.
Agad itinaas ni Wenessa sa ere ang dalawa niyang kamay sabay no'n ay ang pag-atake ng mga bulalakaw galing sa buwan. Napansin kong hindi nakakayanan ni Wenessa ang bigat ng mga bato, paano na'to!
"Masasayang ang buhay ni Wenessa kapag hindi niya natuloy ang spell na'to!" Sigaw ko, agad kaming napatingin kay Spencer dahil sa biglaan niyang pag-abante.
"I am the God of Sun and Moon, I will help her."
"Ano?! Magpapakamatay ka din ba?!" Dinig na dinig namin ang malakas na sigaw ni Specter sa kapatid niya.
"Kung 'yon nga sa tingin niyo." Walang kabuhay-buhay na tugon pabalik ni Spencer, akmang hihilain siya ni Specter pabalik nang nakapasok na siya sa liwanag na gawa ni Wenessa. Tama, isa siyang Diyos ng buwan katulad ni Wenessa. Hindi siya nasaktan sa pagpasok niya sa liwanag, pagkapasok niya do'n ay kaagad niyang ginaya ang postura ni Wenessa. Bahagya pang nagulat si Wenessa sa ginawa ni Spencer pero napangiti nalang siya ng tipid.
Nasa ere na ang mga kamay nila at patuloy na sa pagbagsak ang mga bulalakaw, wala na kaming nagawa kundi mag-compress ulit. They are now sacrificing their own lives, hindi ako makapaniwala.
"Spencer, I'm so proud of you." Agad akong napalingon kay Reyna Satanina dahil sa pagbulong niya, she is now crying.
"Spencer, bumalik ka na! Tignan mo proud na sa'yo si Inang Reyna!" Naaawa ako sa sitwasiyon nila ngayon, may mamamatay na naman. May mawawala, may aalis pero ang kaibahan lang ngayon, pinili nila ang landas na'to. Pinili nilang magsakripisyo, pinili nilang mamatay para sa amin.
"Ina, you can revive them again if they die right?" Pagmamakaawa ni Specter pero malungkot lang na umiling si Reyna Satanina.
"I am a Titan Goddess of Undead, kaya ko lang bumuhay kung sa impyerno galing ang bubuhayin ko anak. Pero sa sitwasiyon na'to, hindi sa impyerno ang bagsak n-nilang dalawa. Sa itaas sila mapupunta, sa pinakamalakas na Diyos sila maninilbihan." Dinig kong turan nito kaya agad akong napayuko dahil sa katotohanan hindi na nila maibabalik ang buhay ng mga nagsakripisyo.
"Genesis! You can revive them if they die right?!" Sigaw ni Specter kay Genesis na ngayo'y tulala na habang nakatanaw sa ginagawa nilang Spencer.
Ramdam na ramdam ko ang pagod sa mukha ni Genesis, hindi niya na kaya ang mga nangyayari. Ang dami ng nadadamay, ang dami ng nawawala sa grupo namin.
"Hindi niya na kayang bumuhay pa Specter, she is out of energy, pahinang-pahina na ang katawan niya na kahit bigyan siya namin ang lakas, masasayang din dahil kakainin lang ng kalungkutan na meron siya sa puso. Buhayin man niya ang dalawa, siya naman ang mawawala." Si Menesis na ang sumagot kay Specter na ngayo'y napaluhod nalang dahil wala na silang magawa, wala ng ibang ideya.
Bumaba si ama galing sa ere at nag-anyong specialist ulit, lumapit siya sa akin at niyakap ako at ng kapatid ko.
Bigla nalang may barrier na lumitaw sa aming lahat, nagtaka kami kung sino ang gumawa at kaagad akong napahawak sa bibig ko dahil si Wenessa, nakangiti siyang nakatingin sa aming lahat. Kaligtasan parin namin ang iniisip niya.
"Walang-hiya ka Wenessa, maglalaban pa tayo." Bulong ko pero kusang tumakas ang luha mula sa mga mata ko, ang dami na naming pinagdaanan.
Napatingin naman ako kay Spencer, unti-unting gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi niya na ikinasinghap ng mga kasamahan ko.
"Ina, see that? S-Spencer smile at us, n-ngumiti ang guwapo kong kambal! Ngumiti ang h-hindi marunong ngumiti noon." Naiiyak na turan ni Spencer, napansin ko ang mga kasamahan ko na naiyak na din, except for the other boys na seryoso lang nakatingin sa ginagawa ng mga kasama namin sa labas.
Hanggang sa bumagsak na ang mga malalaking bulalakaw sa mga Eastherians, mga palahaw, sigaw dahil sa sakit at mga tunog ng mga nagtatakbuhan. Kasabay no'n ay ang matinding pagyanig ng mga lupa, pagkabiyak ng mga ito at pagkalat ng mga apoy sa paligid.
One last time, tumingin ulit ako kina Wenessa at Spencer at halos manghina ang katawan ko at sumabog ang puso ko dahil sa mga luhang tumatakas sa mga mata nila habang nakatingin sa mga kalaban.
"Paalam at salamat." Bulong ko at kasabay no'n ay ang paglaho ng kani-kanilang katawan sa ere kasama ang kani-kanilang mga luha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro