Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 65

Chester.




Agad kong pinuntahan si Sera, agad ko siyang niyakap ng mahigpit dahil salamat ligtas siya. Ni hindi ko siya natulungan iligtas ang mga magulang niya, tanging iyak nalang ang isinasagot niya kapag tinatanong ko siya. Naaawa ako kay Sera, nawala na ang mga magulang niya na siyang nagpalaki sa kaniya at nagbigay ng pagmamahal sa kaniya. Buti nalang hindi ko naabutan ang Nilfred na 'yon, baka hindi lang ang kaluluwa niya ang kunin ko, papahirapan ko muna siya hanggang sa magmakaawa siya sa akin hayop siya!





Nagbago pananaw ko dahil kay Genesis at mas lalong luminaw dahil kay Serafina, mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Serafina at kahit hindi niya 'yon alam, ayos na sa akin na maprotektahan siya sa mga kalaban at sa mga nilalang na magtatangkang kalabanin siya. Wala na akong pamilya, pagkatapos nila akong itapon sa mundo ng mga tao, ang panahon ding 'yon ang araw na kinalimutan ko silang lahat.




"W-Wala na sila Chester, wala ang mga magulang ko." Hikbi niyang sabi kaya wala akong nagawa kundi yakapin lang siya ng mahigpit. Sa pamamaraan na'to ko lang maipapakitang nandito ako sa tabi niya kahit anong mangyari.



"Malalagpasan din natin 'to Serafina, tiwala lang. Nandito lang ako sa tabi mo, poprotektahan kita." Turan ko sa kaniya at napaangat ang ulo niya kaya nagkasalubong ang mga mata namin, mga mata niyang siyang nagpahulog sa akin, mga mata niyang lagi akong hinihila sa ilalim, mga mata niyang nagbibigay sa akin ng saya at mga mata niyang nagpapakita ng katatagan na siyang hinangaan ko sa kaniya.



Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kaniya hanggang sa naramdaman ko nalang na lumapat ang malambot niyang labi sa mga labi kong nanginginig pa ng kaunti dahil sa kaba. Dinamdam namin ang paligid, sa halik na pinagsasaluhan namin ay parang wala ng gulo kaming kinakaharap, ang halik niyang nagpalimot sa akin kung sino ako at ilang segundo ding nawala ang ulirat ko dahil sa nakakalason niyang halik. Agad akong humiwalay dahil sa baka kung saan kami umabot, tinulungan ko siyang makatayo at hinarap ang mga naka-blue coat na patakbong papunta sa amin.




"Humanda ka na, kayang-kaya natin 'to. Mamahalin pa kita Serafina." Turan na nagpangiti sa kaniya, mas lalo tuloy akong nagdalawang-isip kung itatakbo ko nalang si Serafina para hindi na kami mapahamak pa.





"Kakayanin natin 'to, para kay ina at ama at para sa pagmamahalan nating dalawa." Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at parang hindi kaagad nag-sink in sa utak ko ang mga katagang 'yon. Magsasalita na sana ako nang tumakbo na siya papalayo sa akin, kaagad ko siyang sinundan at ewan pero napangiti nalang ako sa kalagitnaan ng labanan.





"Huwag kang magpapakasaya apo, nandito pa ako." Agad akong nahinto sa pagtakbo dahil sa pamilyar na boses. Nilingon ko kaagad kung saan nanggaling ang boses na 'yon at kaagad bumungad sa akin ang matandang mukha niya, ang lalaking nagbigay sa akin ng kapangyarihan na'to, ang lalaking dahilan kung bakit ako tinapon sa mundo ng mga tao, ang lalaking kinakamuhian ko. Ang lalaking nagliyab sa buong Natharia Fire Kingdom no'n pero ako ang sinisi dahil daw galing sa akin ang ubeng kapangyarihan na 'yon na hindi nila alam, galing 'yon sa matandang nasa harapan ko.




"Walang hiya kang matanda ka, hindi ko alam kung bakit buhay ka pa pero naniniwala na ako na tatanda pa talaga ang mga makasalanan." Seryoso kong turan sa kaniya, hindi niya ako pinansin dahil para siyang maestrong naglalakad-lakad na pabalik-pabalik sa harapan ko at ang mga kamay nito ay nasa likuran. Inis ko siyang tinignan dahil sa ginagawa niya, mas lalo niya akong iniinis dahil sa ekspresiyon niyang seryoso na akala mo totoo, mapagpanggap ang matandang 'to.




"Alam mo apo, kung hindi dahil sa akin ay hindi ka tutungtong sa ganitong klaseng laban. Ito naman ang pinangarap mo no'n diba? Ang lumaban sa hindi boring na labanan, ibinigay ko sa'yo ang kapangyarihan na iyan dahil baka magalak ka at maipagmalaki ka ng buong angkan ng mga Friston." Turan niya sa akin, ni hindi man kang nagbabago ang ekspresiyon niyang seryoso na para bang walang kabuhay-buhay ang kausap ko.



"At tangina mo!" Sigaw ko sa kaniya.



"Ugaling tao, iyan ba ang nakuha mo sa mundo ng mga tao? Kaya pala ibang-iba na ang Igmisma na kilala ko, mahina at magaling lang sa salita." Agad naman akong nainis sa sinabi niya kaya agad ko siyang binato ng apoy kong naglalagablab sa init, agad niya naman 'yong iniwasan na para bang ang dali lang sa kaniyang gawin 'yon.




"Baka nakakalimutan mo, hindi ka pa nakakapagpasalamat sa akin sa kapangyarihan na meron ka ngay—"



"At baka nakakalimutan mong matanda ka, nang dahil sa'yo ay tinapon nila ako sa mundo ng mga tao. Sadiya mong sinunog ang buong palasiyo at ang ibang lugar gamit ang kapangyarihan mo, at ako namang walang kamuwang-muwang ay tinanggap ang kapangyarihan mo na makasalanan!" Sigaw ko sa kaniya na ngayo'y nagpahalakhak sa kaniya, tawa ng isang tunay na masama.



"Baka nakakalimutan mo apo, pumapatay ka na noon kapag hindi mo gusto ang isang specialist. Dinagdagan ko lang kasalanan mo para mas masaya, hindi ko alam na makakabalik ka pala dito." Turan niya na ngayo'y suot na ang ngisi sa mga labi, ngising siyang huli kong nakita bago ako napunta sa mundo ng mga tao.




"Nakakahiya ka, isa kang Legendary Knights no'n pero pinatunayan mo lang na isa kang masama, isa kang attention seeker!" Sigaw ko sa kaniya.




"Apo, oo masama ako at gusto ko ng atensiyon. Diba gano'n ka din? Attention seeker ba ang tawag do'n? Kung iyon nga, magkatulad pala tayo." Agad naman akong napangisi sa sinabi niya, tama nga naman siya. Ang lolo na akala ko ay kakampi ko, kalaban ko pala.



"Kaya nga ginawa mo 'yon sa akin eh, dahil kinaiinggitan mo 'ko. Nakakatuwang pakinggang diba? Ang lolo ay naiinggit sa sarili niyang apo kasi sa atensiyon na ibinibigay ng lahat sa bata, at lolo, mana ako sa'yo diba? 'Yan ang sabi mo sa akin no'n, ngayon alam ko na ang totoong kahulugan ng sinabi mong nagmana ako sa'yo. Mana ako sa'yong masama." Agad akong napahalakhak sa sarili kong sinabi, napansin ko ang pagkunot ng noo niya at agad nagngitngit ang mga ngipin niya. Kumulubot kaagad ang noo niya dahil sa inis, kaya ngayon ay ako naman ang nakangiting tagumpay.



"Pasaway ka parin Igmism—"



"Ayokong tinatawag ako sa pangalan na ikaw mismo ang nagpangalan, ikaw ang totoong Igmisma at hindi ako. Chester is my name, and killing you will be my honor." Sa sinabi kong 'yon ay kaagad lumabas ang mga ube kong apoy sa mga palad ko, katulad ng akin ay gano'n din ang kaniya. Nagpalabas siya ng ubeng apoy at kaagad ibinato sa akin, kagaya ng ginawa niya kanina ay madali ko lang 'tong naiwasan.




Hindi parin nawawala ang bilis ng atake niya, kaya magiging maganda ang labanan na'to.


Agad ko siyang sinugod at sinalubong ng kamao kong nagliliyab, tinanggap niya naman 'yon ng kamao niyang nagliliyab din kaya agad namang nagsanggaan ang mga kamao namin. Napansin ko ang bahagyang pagpikit ng mga mata niya dahil ata sa impact, sa pagpikit niyang 'yon ay wala akong sinayang na oras at kaagad siyang sinipa sa sikmura niya na siyang ikinaatras niya.


Nakaramdam ako ng kakaiba, na para bang may nakatingin sa laban namin pero hindi ko na muna 'yon pinansin.



Agad pinunasan ng matanda ang dugong lumabas galing sa bibig niya dahil sa pagsipa ko sa sikmura niya, ni hindi man lang ako pinagpawisan sa pagsipang 'yon. Wala man lang akong naramdamang kaba at takot ngayon, ang naiisip ko lang ngayon ay ang paghihiganti sa ginawa niya sa akin noon. Ni hindi siya naawa sa akin, hindi niya ako tinulungan at palagi ko nalang siyang sinusunod no'n. Wala siyang silbing kadugo, hindi siya tunay na Friston kung gano'n! Isa lang siyang hangal, masama, demonyo at manggagamit!





"Apo, 'yon lang ba ang kaya ng sipa mo? Parang sipa ng isang batang bagong natuto sa pakikipaglaban. Masiyadong mahina." Agad naman akong nainis sa sinabi niya, ang ayoko ay iniinis ako at inaasar dahil sa kakayahan ko. Sipang pambata na bagong tuto? May lumabas ngang dugo galing sa bibig niya eh tapos sasabihin niyang sipa ng batang bagong natuto? Ako ba ay niloloko ng matandang 'to?






Akmang susugod na ako nang bigla nalang siyang nagpalabas ng napakaraming bolang apoy sa likuran niya, agad naman akong naghanda sa magiging atake niya. Agad niya itong ibinato sa akin kaya agad akong umiwas ng umiwas.



"Argh!" Daing ko dahil sa tumamang apoy sa balikat ko, ang init nito ay katulad ng init na meron ang apoy ko. Nanggaling talaga ang kapangyarihan ko sa kaniya, nakakainis dahil bakit ba sa kaniya pa nanggaling ang kapangyarihan na meron ako? Kung hindi lang sana niya ibinigay ang kapangyarihan na ito, ordinaryong Fire Specialist na dapat ako ngayon.


Pero may part sa akin na nagpapasalamat sa matandang 'to, kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko makikilala si Serafina na nagpapatibok ng puso ko ngayon. Si Serafina nalang ang natitira sa akin at ngayon na alam kong mahal niya din ako, hinding-hinidi ko na siya pakakawalan pa. Magiging asawa ko din siya, magkakaanak kami at hindi namin hahayaan na titibagin kami ng mga kalaban. Well, malakas kami at hinding-hindi kami magpapatalo. Genesis once said—Alisis noon— 'kakayanin namin 'to, basta magtulungan lang tayo'.




"Kaya matanda ka, mamamatay ka sa harapa—"



Agad akong natigilan dahil sa gulat, may tumagos sa bandang dibdib nitong isang espada na gawa sa apoy. Agad kong nilingon ang gumawa nito at bumungad sa akin ang seryoso niya na ngayong ekspresiyon.


"Malaki na ang pinagdaanan mo sa matandang 'to, pati ako ay napagbuntungan pagkatapos mong umalis sa Natharia Fire Kingdom. Kaya nga inis na inis ako sa'yo dahil bakit ka nagpatapon sa mundo ng mga tao? Malakas ka, naniniwala ako sa'yo pero hinayaan mo lang manaig ang kasamaan ng matandang 'yan." Agad naman akong nagtaka sa sinabi ni Igneous.


Hinugot ni Igneous ang espada niyang gawa sa apoy na siyang isinuka ng matanda ng maraming dugo, nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin at tuluyan ng natumba na wala ng buhay.



"Naglalaban na nga lang kayo, nagkukuwentuhan pa. Pati ako hindi ako maka-concentrate sa laban ko do'n banda dahil sa kakaibang labanan na meron kayo."



"Feeling close Igneous? Baka nakakalimutan mo, hindi tayo magkasundo kaya huwag ka ngang umaktong parang magkalapit tayo. At bakit nangingialam ka sa laban na may laban? Ako dapat papatay sa kaniya!" Turan ko sa kaniya pero ngumiti lang siya, and wow! This is great! First time kong nakita siyang ngumiti ng ganito ka sincere, ni hindi ko alam kung anong nakain ng lalaking 'to.




"Alam mo Igmis—fine Chester! Hindi maganda ang naging simula natin dahil sa nakaraan pero kagaya mo ay nagbago na ang lahat at hindi lahat ng mga nakasanayan mo noon ay nandidito parin sa kasalukuyan. Huwag ka ngang umaktong malakas na kahit alam kong nahihirapan ka rin, huwag mong sarilihin ang lahat dahil hindi lang ikaw ang lumalaban dito, lumalaban kaming lahat para sa hinaharap, para sa kapayapaan." Turan niya kaya mas lalo akong nagtaka.




"Ano bang nakain mo Igneous at kung anu-ano ang sinasabi mo?" Takang tanong ko sa kaniya na ikinasimangot niya lang kaya ako naman ngayon ang napangiti.



"Kahit kailan talaga pikon ka Igneous." Turan ko sa kaniya na ikinairap niya lang, hayst para siyang si Venny no'n.



"Ikaw din, kahit kailan pabida ka." Turan niya pabalik, kaagad kaming napatingin sa mga kalaban dahil marami pa sila. Ang iba naming kasamahan ay nahihirapan na kaya dapat naming pagbutihin ang lahat.





"Mahal mo ang babaeng 'yan diba?" Tanong niya sa akin habang nakaturo ang hintuturo niya kay Serafina.



"Eh ikaw? Mahal mo si Athena diba?" Tanong ko pabalik na ikinalungkot lang ng ekspresiyon niya.



"Napakalaki ng kasalanan ko kay Athena, mali ang akala kong nanlalaki siya no'n at ipinagpalit ako sa isang Diyos. Nagsisi ako kaya gagawin ko ang lahat para lang maibalik ang pagmamahal niya sa akin, mahal na mahal ko siya." Tugon niya sa akin kaya agad naman akong napangiti. I've never seen him like this before, desperadong-desperado siyang kunin ang buong puso ni Athena ulit kaya lumapit ako sa kaniya at tinapik siya sa balikat.




"Malaki ang problema mo Igneous, malaking-malaki. Ako? Mahal ako ng babaeng mahal ko kaya kung ako sa'yo, pagbutihin mo ang ginagawa mo at kunin mo ang matamis niyang oo. Kapag naduwag ka, ikaw rin ang magsisisi pero kung susubukan mo ulit, wala namang mawawala dahil nalaman mo na kung anong gusto niya, alam mo na din kung anong sunod mong gagawin. Galingan mo lang bunso." Ngiting advice ko sa kaniya and it's really awkward para sa akin na tawagin siyang bunso ulit pero ayos lang kasi komportable na kami sa isa't-isa.




"Hindi ko kakalimutan 'yang payo mo, kuya."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro