HP 63
Genesis.
Chester, kapatid siya ni Igneous and he is the elder of the three, my Ignite. No'ng bumalik ang mga alaala ko, hindi mawala-wala ang mga mata ko sa puwestuhan ni Chester like he is really familiar pero hindi ko mabanggit dahil ata sa epekto pa ng pagbalik ng mga alaala ko. Hindi pa lubos na klaro ang mga visions ko, ang mga nakaraan na minsan ang mga nangyayari sa nakaraan ang nakikita ko.
"Oh? Bakit natahimik kayo? Hindi niya ba sinabing magkapatid kami, kami ni Igmisma?" Ngising turan ni Igneous kaya napatingin naman ako kay Chester na tinawag ni Igneous na Igmisma.
"Hindi ako makapaniwala na hindi mo sinabi sa kani—"
"Pakialam namin Igneous? Ang daldal mo masiyado, hindi ka parin nagbabago." Agad kaming napalingon kay Menesis dahil sa sinabi niya at kita sa mga mata ni Igneous ang kahihiyaan. Hayst, ayaw na ayaw nga pala ni Menesis kay Igneous dahil nangyari no'n na pinagtulungan siya ng mga Royal blooded ng Natharia.
"Tama nga naman si Menesis, little brother. Hindi ka parin nagbabago at sabat ka parin ng sabat sa usapan na hindi ka naman kasali. At wala ng Igmisma, ako si Chester. Matapos niyo akong itapon sa mundo ng mga tao, tinapon ko na rin ang mga alaala na may mga kadugo ako." Ngising turan ni Chester, hindi ko maintindihan kung bakit parang galit na galit sila sa isa't-isa. Well hindi naman ata sa pagtapon sa kaniya sa mundo ng mga tao, I think may reason pa kung bakit ginawa 'yon sa kaniya.
"Bakit kayo nagdala ng mas malala pa ang ugali sa akin? Kung ako hayok sa posisyon sa Natharia, siya naman ay hayok sa atensiyon. Pinapatay niya ang mga specialist kapag hindi siya sinasamba." Tugon pabalik ni Igneous, kaya pala bully si Chester dahil sa napagdaanan niya no'n. Pero ang nakakagulat, he is killing innocents? Kakaiba pala talaga ang ugali niya no'n, he is incredibly cruel.
"Wala na bang mas ikakagulat naming lahat? Baka may itinatago pa kayo." Seryosong turan ko.
"G-Genesis, I think kailangan na nating magmadali." Napalingon kami kay Sera dahil sa sinabi niya at napatango nalang ako.
"Teka nasaan ang kapatid kong si Ignite? Bakit parang hindi niyo siya kasama? Sawa na ba 'yon sa inyo?" Agad kong tinignan ng masama si Igneous dahil sa mga pinagpuputak ng bibig niya. Nilapitan ko si Igneous at kaagad siyang kinontrol, pinalutang ko siya sa ere na siyang ikinasigaw niya ng malakas.
"Shit! Siya ata ang magiging hadlang sa 'tin! Ang lakas ng sigaw niya!" Diing bulong ni Bill kay Menesis.
"Respect my husband you jerk! Sayang hindi ka parin nagbabago!" Turan ko sa kaniya na ikinangisi niya lang na mas nagpainit ng ulo ko dahil sa inis.
"Alam mo Genesis, maniwala ka man o sa hindi ay nagbago na ako. 'Yon naman talaga ang mga sinasabi ng mga kalaban ninyo noon diba? At tiyaka naghinayang ako sa mga nagawa ko no'n, at tiyaka mas maganda kung magkasama ang mag-kaaway noon diba? Minsan kasi, buksan niyo ang mga mata niyo. Hindi niyo alam na ang kalaban niyo no'n ay siyang makakatulong sa inyo ngayon, at ang nakasanayan niyong kasama no'n ay siya palang papatayin kayo sa likod ngayon." Agad ko siyang kinunotan dahil sa sinabi niya, agad siyang nahulog dahil hindi ko na siya kinontrol pa.
Oo tama siya, nagtraydor sa amin si Devos at hindi din sinabi ni Enexx ang katotohanan kaya masakit para sa amin 'yon. Malalim ang sinabi ni Igneous, pero alam kong may ibig pa siyang sabihin no'n.
"Teka, naririnig niyo 'yon?" Kaagad kaming tumahimik dahil sa sinabi ni Senny, agad naming dinamdam ang paligid at tama, nakakarinig kami ng kaluskos.
"Alam na nilang nandito tayo, and thanks to you my little brother. Ikaw parin palagi ang dahilan kung bakit nagkakagulo." Seryoso na ngayong turan ni Chester.
"Igmism—"
"Magsalita ka pa Igneous, tignan natin kung mabuhay ka pa kapag ginawa kitang abo." Agad namang tumango ng mabilis si Igneous dahil sa sinabi ni Menesis na siyang ikinahagikhik ni Chester. Takot siya at dapat talagang matakot siya.
"Ikaw din Chester, tumahimik ka na. Attention seeker ka parin, noon hanggang ngayon." Ako naman ang napangisi dahil sa pagtiklop ni Chester sa sinabi ni Sera, agad niya namang inakbayan si Sera pero kaagad pinalo ng tatay ni Sera ang braso nito.
Naglakad na kami ng hinay-hinay, naghanda kami sakaling may mga kalaban. Naririnig parin namin ang mga kaluskos pero hindi naman 'yon presensiya ng isang specialist. I think it's kind of power pero bakit hindi namin matukoy kung anong klase? Patuloy parin kami sa paglalakad na kahit kinakabahan dahil nasa teritoryo kami ng mga kalaban, ay sumuong parin kami para lang makuha ang anak ko at anak ni Levinas at para matapos na rin ang labanan na'to.
Hanggang sa napakalapit na namin sa palasiyo, bago kami makahakbang pa ng iilan ay napaatras kami dahil sa biglaang pagyanig ng lupa. Parang may lumalabas galing sa ilalim kaya agad kaming naghanda. Hanggang sa natitipak ang ibang lupa at inaangat nito ang hindi maipaliwanag na bagay.
Ilang segundo, nasa harapan na namin ang tatlong malalaking krus.
"Naamoy ko ang tatlong presensiya, ano ba ang nasa krus na 'yan?" Tanong ko pero ni walang ibang nakasagot, ni walang makapagsalita dahil hindi rin alam ang dahilan kung bakit nasa harapan namin ang mga malalaking bagay na'to.
"Si Cross, isa sa mga sumugod sa amin no'n. Siguro sa kaniya nanggaling ang mga bagay na'to." Turan ni Athena, hindi ko matandaan kung sino ang Cross na sinasabi nila.
"Pero ang kapangyarihan na nasa krus, hindi ako nagkakamali at kay Sarionaya nanggaling ang kapangyarihan na 'yan." Sabat naman ni Specter na siyang ikinatango din ni Spencer.
"Specter is right." Spencer agreed.
"Invisibility, she is the Goddess of Visible, Invisible and Shield tama? Pero paano natin makikita at paano tayo makakasiguro kung tama ang mga hinala natin?" Sabat na din ni Wenessa.
"My light can see invisible things, may hustisya ang liwanag na meron ako kaya siguro makakatulong ako kahit papaano." Sambit ni Bill, hinarap niya ang tatlong krus at nagsimulang magliwanag ang tatlong malalaking krus. Nasilaw pa kami dahil sa napakaliwanag na pinakawalan ni Bill.
Pagdilat namin ay nagtaka kami dahil nasa lupa na si Bill na para bang gulat na gulat habang nakaangat ang ulo sa itaas na parang may tinitignan.
Kaagad kong sinundan ang mga tingin niya, agad akong napatakip sa bibig ko dahil sa gulat. Hindi ko namalayan ang luha na unti-unti ng umaagos mula sa mga mata, nagkakarerahan din ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung tama pa ba ang lagay ng mundong 'to. T-They are so cruel!
"Teya!"
"Deyfel!"
"Arsulo!"
Nakapako sila isa-isa sa mga krus, their hands full of blood, ang katawan nilang napakaraming sugat na tanging mga maseselang bahagi ng kanilang katawan nalang ang may natirang saplot. Naliligo sila sa kani-kanilang sariling dugo, at ang mas nakakaawa, ang mas nakakawalan ng enerhiya sa akin at kinuhanan sila ng mga mata. Nakaawang pa ang kani-kanilang mga bibig na parang gulat pa sa mga nangyari.
"P-Patawad, patawad d-dahil hindi ko kayo nailigtas." Bulong ni Satanina, napakasakit para sa amin dahil naging malapit na din sila sa amin. Ni hindi man lang kami nagkasama ng masaya dahil napapaligiran kami ng problema at gulo.
"Magbabayad sila!" Sigaw ni Devonna.
"Tutulong ako." Agad kaming lumingon sa likuran namin, bumungad sa amin ang lalaking napakaputla ng balat, napakaputi at natural na mga mapupulang labi. Ang mga mata niyang kulay pula, kagaya ng isang mata ni Lauron.
"He is Venedict's mate." Bulong ng nanay ni Sera na ikinasinghap ng iba sa mga kasamahan ko.
"I didn't know na puwedeng mag-mate ang dalawang lalaki, and this is my first time seeing a real vampire." Hindi makapaniwalang sabi ni Igneous, hindi naman nagustuhan ni Lauron ang sinabi niya kaya agad naman siyang napaluhod dahil sa sinipa ni Lauron ang legs niya.
"Ang ayoko, hinuhusgahan ang pagkatao namin. Masuwerte ka na kapatid ka ni Chester, kung hindi, kanina pa kita pinakain sa angkan naming mga bampira." Seryosong turan ni Lauron, agad namang lumapit ang mate niya kay Lauron and they kiss. Napalingon ako sa mga kasamahan ko na nakangiting tipid lang sila, para bang na-o-awkwardan sila sa nakikita nila.
"What scene, hindi ko alam na kasali ka sa kanilang grupo Wyeth. Well nagustuhan niyo ba ang surprise?" Agad kaming napaatras dahil sa babaeng nakablue coat. Hindi niya suot ang hood niya kaya kitang-kita namin ang mukha niyang demonya. Mas lalo pa kaming napaatras dahil sa biglaang paglitaw ng mga malalaking ahas sa kaniyang likuran.
"Era." Dinig kong bulong ni Wyeth na ikinanuot ng noo ni Lauron.
"So siya pala ang babaeng mate mo no'n? Well, mas maganda pa ako sa kaniya." Agad naman akong napatawa dahil sa sinabi ni Lauron na pati si Levinas ay hindi mapigilang hindi mapatawa ng malakas na ikinainis naman ng babaeng nagngangalang Era.
"That's the spirit my little bro—I mean my sister!" Ngiting cheer ni Levinas na halata namang pinagagaan ang atmosphere.
"Ang dahilan kung bakit ko siya iniwan at pinawalang-bisa ang koneksiyon namin dahil sa maling paniniwala niya. Nasakop ng kadiliman at paghihiganti ang utak niya, nagpakontrol siya sa kasamaan." Turan ni Wyeth na mas ikinainis pa ng Era.
"Era? Ikaw ang babaeng sumugod no'n sa Westheria tama? Ang lakas ng loob mong magpakita ulit sa amin. At surprise? Tinatanong mo kung nagustuhan namin ang surprise? Eh kung sabihin ko sa'yo kung magugustuhan mo kapag naging abo ka na?" Turan ni Menesis na ikinatango naman ni Wenessa. Hindi ko matandaan na may nakasagupa sila sa Westheria.
"Well, kung kaya niyo akong gawing abo. Sumuko nalang kayo at ibigay ang mga responsibilid—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sa napakalaking apoy na tumama sa kaniya. Agad siyang tumalsik kasama ang mga malalaking ahas niya. Hindi galing sa mga Fire Specialist ang apoy, galing 'yon kay Menesis. She can create powers, she can destroy powers, ganiyan din siya kalakas. Pero masiyadong maraming enerhiya ang mauubos pag gano'n.
"Ang daldal mo, hindi ka parin nagbabago. Sumusugod ka parin mag-isa kahit alam mong talo ka. At diba sabi mo no'n? May dugong Diyos ka? Sino ba ang ina mo? Tangina mo?" Grabe talaga si Menesis, hindi niya talaga nakokontrol ang pinagsasabi niya. Masiyado siyang pranka at straight to the point.
Bigla nalang tumayo ang mga ahas at kaagad kaming sinugod, nagpaulan sina Levinas at Lauron ng mga hologram sword pati si Wyeth ay may hawak na napakalaking hologram sword sa kamay at pinag-aatake ang ibang ahas. Tumulong na din sina Wenessa at Senny na nagcha-chant ng mga spell, sina Olcor at Athena na bato ng bato ng mga apoy at asido. Ang ama naman nila na nakangiting nakatingin lang sa mga anak niyang nagtutulungan patumbahin ang isang ahas. Si Specter at Spencer naman na bumabato ng mga itim at puting liwanag galing sa mga palad nila gano'n din si Bill na napakalaking bolang liwanag ang ibinato na siyang nagdulot ng matinding pagsabog.
Agad namang umatake si Devonna with her Frozen Flare, apoy na siyang nagiging yelo at mas lalong tumitibay kapag nahahaluan ng apoy. Si Satanina naman ay kaagad niyang inatake si Era na ngayo'y nanghihina na dahil sa mga pasa.
Agad namang yumanig ang lupa kasabay no'n ang paglabas ng napakalaking ugat na may mahahaba at matutulis na tinik sa katawan. Agad itong sumugod sa mga ahas, agad ding sumugod si Igneous, binato niya ang ugat ni Enzyme na may tinik na siyang ikinawala ng ibang tinik. Sisigawan ko na siya dapat dahil sa kung anong kabaliwan na naman ang ginagawa niya pero hindi natuloy dahil pumatong siya sa ugat at pinagbabato ang mga ahas ng mga bolang apoy.
Napalingon ako kay Menesis, nakatapat ang kamay niya sa malaking palasiyo at parang may kung ano siyang hinahawakan dahil sa pilit niya itong pinipiga.
"What are you doing Menesis?" Takang tanong ko sa kaniya.
"I'm trying to destroy some part of the palace." Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, ni hindi man lang niya ako nilingon.
"Nababaliw ka na ba? Malaking enerhiya ang mawawala sa'yo!" Sigaw ko sa kaniya pero ni hindi man lang niya ako sinagot. Okay, naiinis na ako kaya agad akong pumunta sa likuran niya at hinawakan ang dalawa niyang balikat. Agad lumiwanag ang parte kung saan ako nakahawak.
"Ano 'yang ginagawa mo Genes—"
"I'm giving you energy, kaya huwag ka ng magsalita. Just continue what you are doing." Turan ko, wala siyang choice kundi tumango. Tumingin ako sa palasiyo at napansin ko ang pagguho ng ibang bahagi ng palasiyo, ang walls at ang itaas bahagi ng palasiyo.
Tinignan ko naman ang mga kasamahan ko, they are all done. Wala ng mga ahas, wala na din ang babaeng kayang gumawa at kontrolin ang ahas na si Era. Pero may isang babae akong naaaninag papalapit sa amin, pati ang mga kasamahan ko ay nagtataka at napapaatras at the same time.
Hanggang sa klarong-klaro na sa mga mata ko kung sino ang babae, agad akong nakaramdam ng inis, galit at poot. Lahat ng emosyon na may relasiyon o koneksiyon sa galit, 'yon ang nararamdaman ko.
"Azania."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro