Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 60

Menesis.





What the fuck? Si Sayatus buhay? At anong milagrong nangyari at buhay pa siya? Hindi sa gusto ko siyang mamatay ulit pero nakakapagtaka lang dahil bakit buhay pa siya? Wala na siya, nasa burol niya kami no'n pero teka—



"At bakit Sarah ang pangalan niya?" Tanong ko kay Athena na ngayo'y tulala na naman, naawa ako sa kaniya dahil wala na ang kapatid niyang si Enexx pero rinig ko na hindi naman talaga sila magkapatid. Ang lalaking katulad ni Athena ang anyo ay siyang kapatid niyang lalaki, naawa ako kay Athena dahil sa nasaksihan niya ang pagkawala ng kapatid niya. Nabasa ko sa isipan ni Genesis na kahit gusto niyang buhayin si Enexx, hindi niya puwedeng gawin dahil hindi specialist si Enexx. Demonyo siya, matagal na siyang patay.


Even me, hindi ko naman inaasahan na isa sa mga demonyo ang Enexx na 'yon, ni hindi ko nga alam kung ano ang mga Devil Lord, ni hindi ko nasaksihan ang mga nakalaban nila no'n. Kung nakatakas lang ako, matutulungan ko sana ang kapatid ko, matutulungan ko sanang makuha ang anak niya, hindi na sana siya naghihirap ngayon.



"Babe, ang daming insekto baka madaplisan ka. Hindi bihira ang mga insektong 'to, may mga sakit na dala ang mga hayop na'to." Turan sa akin ni Bill na ngayo'y tinitira ang mga insektong napapalapit sa direksiyon namin.


"Babe, we need to save my niece. Kailangan nating makuha si Alisis, baka kung ano na ang nangyari sa bata na wala pang kamuwang-muwang sa mga nangyayari." Turan ko sa kaniya, he just kiss my forehead at ngumiti.


"Buti nalang hindi muna kita binuntis, mas lala-la ata ang sitwasiyon kung gano'n." Agad ko naman siyang hinampas sa balikat dahil sa kalandian niya. Ito talagang si Bill kahit saan, maharot!



"Sayatus!" Napalingon kami sa pagsigaw ni Cyelechter, akmang tatakbo siya sa puwesto ni Sayatus nang magtaka siya na hindi niya maigalaw ang katawan niya.





"Huwag kang lalapit sa kaniya Cy! Isa siyang kalaban, hindi na siya si Sayatus!" Sigaw ni Genesis na siyang ikinatango ko, tama si Genesis dahil may kakaiba na sa mga mata niya. Kakaibang tingin, kakaibang tindig at pati pananalita niya ay nagbago. Hindi nga siya si Sayatus, at papatayin ko siya kapag may ginawa siyang hindi maganda.



"Ano bang pinagsasabi mo Genesis? Si Sayatus 'yan! Buhay siya, look! Buhay na buhay siya, humihinga kaya huwag mo akong kontrolin dahil pupuntahan ko siya!" Sigaw ni Cylechter pero seryoso lang na nakatingin sa kaniya si Genesis na mas lalong ikinainis ni Cylechter.




"Lumapit ka Cylechter, ako parin ito si Sayatus. Gusto kong magkasama tayo, matagal na kitang hindi nakikita." Agad nangunot ang noo ko dahil sa boses na meron siya, oo Sayatus na Sayatus ang boses pero kakaiba ang pagtawag niya sa pangalan ni Cylechter. Parang sine-seduce niya si Cylechter.



"Genesis ano ba?!" Sigaw ni Cylechter pero hindi parin siya binitawan ni Genesis sa pagkakakontrol ng katawan niya.



"Huwag na huwag kang kikilos Cylechter kung ayaw mong mamatay. Hindi na siya si Sayatus, siya si Sarah. Isa siyang demonyo galing sa impyerno, pinatay siya ni Asmodeus para magkasama sila sa impyerno!" Sigaw n Athena, ang dami niyang alam sa mga ganitong klaseng sitwasiyon. Ang dami niyang alam sa mga ganitong scene kapag kasapi ang mga demonyo. Nakita ko sa mga alaala ni Genesis ang mga nangyari sa kaniya—ang mga nangyari sa kanila at ang dami nilang na-engkuwentrong demonyo na sana ay kasali ako para hindi na sila nahirapan pa. Sana nailigtas na nila ang dapat nailigtas sa tamang oras, at sana nakuha na namin ang mga anak nina Levinas at Genesis kaagad.




"Aww, hayst mga epal talaga kayong lahat no?" Ngising turan ngayon ni Sayatu—no she is Sarah.



"Sarah, she can seduce men by just looking on it kaya mag-iingat kayo." Turan ni Athena kaya agad naman akong napatingin kay Bill na nakatingin lang sa akin.



"Ayan, tumingin ka lang sa akin kasi once na na-seduce ka niya, hindi kita tutulungan." Turan ko sa kaniya na ikina-pout niya naman kaya inirapan ko siya.



"Well tama kayo, ako parin si Sayatus na pinatay ni Wenessa at gusto ni Cylechter. I mean—katawan niya ito pero ibang kaluluwa ang nasa loob ng katawan na ito at 'yon ay ako, si Sarah." Ngising turan niya, agad ko namang sinipa ang isang kaluluwa na sasakmalin sana ako.


Napakadami pang kalaban pero napakadaldal ng mga kasamahan ko at nagagawa pa nilang magkuwentuhan. Nakakainis, nakakainip dahil kung anu-ano nalang ang iniisip nila. Sana ang mga iniisip nila ay paano matalo ang mga kalaban na'to. Hindi madali ang mga demonyong kaharap namin, lalong-lalo na ang Sarah na 'yan pero sa amin ni Genesis, kayang-kaya namin silang burahin sa mundo na'to nang gano'n kadali. Because we are powerful, and I can do everything.




Napalingon ako kay Genesis na nasa tabi ko lang, she is very sad. Wala na si Ignite, hindi ko naman kasi alam na hindi makakayanan ni Ignite ang bato na siyang nanghihigop ng lakas at kapangyarihan. Buti nalang agad kong naibahagi ang iba sa mga kapangyarihan ko sa kasamahan ko kaya hindi sila nanghina. Mas lalo kaming mahihirapan kung manghihina kaming lahat, baka 'yon na ang magiging katapusan namin. Importante na din si Ignite sa amin, malaki din ang kaniyang responsibilidad being the God of Underworld. Nakakalungkot lang, wala na siya at nasaan kaya ang kapangyarihan niya napunta?


Napalingon ako kay Dracunox, sa part ko ay nagagalit parin ako sa kaniya dahil pinatay niya si Devor na ama ni Mascara na kung hindi dahil sa labanan na 'yon ay hindi din mawawala ang babaeng kaibigan namin. Walang mamamatay, walang mawawala at walang inosenteng madadamay pero dahil sa sakim siya sa kapangyarihan noon kaya nagawa niya ang mga imposibleng bagay na malabong gawin ng mga specialist. Buti nalang nakita ko sa mga memorya ni Genesis na nagbago na siya, he is sincere at sana ipagpatuloy niya ang personalidad niyang 'yan. Sana tuloy-tuloy na ang ugali niyang 'yan, sana hindi na siya maging masama.



"Gusto ko ng matapos ang lahat, ayoko ng magtagal." Napalingon ako kay Genesis dahil sa sinabi niya.


"You feel it Genesis? Ako din eh, gustong-gusto ko ng tapusin ang walang kuwentang laban na'to." Turan ko kaya agad siyang napatango sa sinabi ko.



Humanda ako, tinapak ko ang isa kong paa kasabay ang paglitaw ng liwanag. Humangin ng napakalakas at isinasama no'n ang mga bagay na nandito. Hanggang sa nawala ang mga kaluluwa, mga halimaw, mga iba't-iba pang creatures. Sabay-sabay silang naglaho, sabay-sabay silang sumigaw kasabay ang pagkawala ng kani-kanilang mga presensiya. The destruction power, kayang sirain lahat ng mga bagay even you're a creature or a thing.




Akmang tatawagin pa ni Lerves ang iba pa sa kaniyang mga kampon ay kaagad kong kinontrol ang portal na unti-unti na namang lumilitaw. Pero malakas si Lerves, halos nagamit ko na ang kapangyarihan ko kanina sa destruction power.



"Huwag kang bibitaw." Napalingon ako sa kamukha ni Levinas, siya ang kapatid ni Levinas na isang bampira. Bitten by a vampire, and also the Titan God of Vampires. Tinulungan niya akong kontrolin ang portal hanggang sa unti-unti na itong sumisirado pero kakaiba lang talaga ang lakas ni Lerves dahil hindi bihira.


"Ate Menesis." Napalingon naman ako kay Senny na ngayo'y tumutulong na din, gano'n din si Levinas na nasa tabi na din ni Lauron. Sabay-sabay naming binigay ang lakas namin para hindi na mabuksan ang portal ng impyerno. Senny enchanted something na siyang hindi na mabuksan ang portal ng impyerno na si Lerves lang ngayon ang makakagawa.


Agad akong napaluhod dahil sa nawala ako ng lakas, hindi ko makahinga ng maayos dahil ang dami ko ng lakas na naipundar. Agad akong itinayo ni Bill pero kaagad naman akong nawindang dahil sa paghawak ni Dracunox sa kamay ko. Sa sandaling 'yon, kaagad kong naramdaman ang kakaibang sarap sa pakiramdam. Parang nanumbalik ang lakas ko, parang lumakas ako ulit.


"Nakuha mo ba 'yan sa mga nakitil mong buhay noon?" Tanong ko sa kaniya na siyang ikinalambot ng ekspresiyon niya habang nakatingin sa akin. Napailing naman siya sa sinabi ko at kaagad lumayo pagkatapos niyang palakasin ang sistema ko.



"Maniwala ka man o sa hindi, ibinalik ko ang mga buhay nila. Mabuti nalang ang kapalit no'n ay ang paghihina ko ng kaunti kaysa sa kapalit ay ang mabuhay din ang mga kalaban." I am aware kung anong klaseng kapangyarihan na meron siya, katulad lang din kay Genesis— the God of Life. At ramdam ko narin ang panghihina niya, madami narin siyang nagamit na kapangyariham.



"Mga hangal!" Dinig kong sigaw ni Lerves at akmang aatakihin niya ako dahil ako ang nagsimulang kontrolin ang portal nang humarang si Dracunox sa aking harapan.


"Hindi ka makakalapit sa anak ko demonyo, haharap ka muna sa akin!" Sigaw ni Dracunox, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa tinawag niya akong anak. Matagal ko ng inaasam na magkaroon ng tatay at nanay, noon ko pa gustong may tumawag sa akin ng 'anak' at hindi ko naman aakalain na si Dracunox ang tatawag sa akin no'n. How ironic right? Ang kalaban pa namin no'n ang siyang tumatawag sa akin ng 'anak'.



"Puwes, kaharap na kita at mamamatay ka din dahil mahina ka na!" Sigaw ni Lerves at agad inatake si Dracunox. Hindi nakailag si Dracunox dahil sa pagsakal sa kaniya ni Lerves. Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat pero akmang susugod narin ako nang bigla nalang silang lumutang sa ere, nanlaki ang mga mata ko dahil sa paglitaw ng mga insekto at doon niya binitawan si Dracunox na hindi ko napansin na nakangiti na pala sa akin.



"T-Tatay." Bulong ko sa ere at kasabay no'n ay ang pag-atake ng mga insekto at pinagpiyestahan ang buong katawan ni Dracunox.



"Dracunox!" Sigaw ng ina at ama ni Serafina, pati si Specter ay napasigaw din.



"Do something!" Sigaw ng kung sino pero hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita dahil sa nangyari. Wala na, wala ng buhay si Dracunox. Ang mukha niya ay biglang pumayat, namumutla at unti-unting nagiging ube ang balat. Kainis, ni hindi man lang ako nakagawa ng paraan para mailigtas siya! Ni hindi ko man lang siya nailigtas sa kamay ng demonyong 'yon!



"He's dead, wala na siyang lakas kaya huwag na nga kayong mag-drama!" Napatingin ako sa sumigaw, si Sarah.


"Puwes, ikaw Sarah, mawawala ka na din tutal matagal ka ng nawala. Matagal ng nawala si Sayatus sa amin." Agad akong napatingin kay Genesis na ngayo'y wala ng buhay ang mga mata, ang boses niya ay nagdalawa narin na siyang ikinaatras ng mga kasamahan ko. Pati ang demonyong si Lerves at si Beezlebub ay napaatras.



"Kill her Genesis, kill her." Turan ko narin, napalingon ang iba sa akin dahil sa biglaan ding pagdalawa ng boses ko.



Napatingin ako kay Sarah na ngayo'y nakalutang na, ang mga mata ni Genesis ngayon ay puro na itim at wala ka ng makikitang puti.



Humanda kayong lahat!



"I am the Goddess of Life and Death, and hell will wait for you down there. Goodbye Sarah, goodbye Sayatus." Seryosong turan ni Genesis na still, dalawa parin ang boses at gano'n nalang ang paglaho ni Sarah na nasa katawan ni Sayatus na parang isang papel na naging abo. Gano'n kadali.




Hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil wala na si Dracunox, oo malaki ang kasalanan niya sa amin pero hindi ipagkakailang nagbago na siya. Nagbago na siya para sa amin, nakakainis dahil ako, iniligtas niya, pero ako pinanuod lang siyang nawalan ng buhay at namatay mismo sa harapan ko.





Si Specter na ngayo'y lumuluha na at panay tawag sa pangalan ni Dracunox. Si Reyna Satanina na walang emosyon sa mukha, blangko at si Lola Thorna na ngayo'y seryoso na din ang mukha.



"Menesis." Napalingon ako kay Devonna dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko, nasasanay na ako sa bago niyang pangalan.




"Devonna, alam kong malaki ang kasalanan ni Dracunox pero sana napatawad mo na siya." Turan ko na siyang ikinayuko niya.




"Matagal ko na siyang pinatawad, matapos ko siyang kitilin gamit ang kapangyarihan ko ay siyang pagdudusa ko din dahil sa kalungkutan na nararamdaman niyo ngayon at ni Satanina." Tugon nito kaya napatango nalang ako, wala akong ganang magsalita.



Bigla nalang akong natigilan dahil sa panibagong pamilyar na presensiya, bigla nalang humangin ng malakas, nagliyab ang buong kapaligiran kaya agad kaming napalingon sa puwesto ni Lerves na wala namang ginagawa pati din ang isa pa.



Unti-unting natutupok ang mga kagamitan na nasa paligid dahil sa apoy at sa lakas ng hangin. Kapag dumadaan ang malakas na hangin sa isang direksiyon ay kasabay no'n ang pagliyab ng mga ito.


"You killed my girl, you will all suffer." Agad kaming napatingin sa lalaking bigla nalang lumitaw sa harapan namin.




Pero imbis na magulat, kaagad akong napangisi, wala akong pakialam kung sino siya, wala akong pakialam kung sino ang makakalaban ko dahil kapag kalaban, kalaban at kapag may nagtraydor, papatayin kaagad. Kahit sino siya, kahit kakampi pa siya namin noon, hindi siya makakaligtas sa kapangyarihan ko. Handa akong pumatay, sawa na akong umintindi, sawa na akong maawa, sawa na akong manuod nalang palagi kapag may namamatay sa harapan ko na wala man lang akong nagagawa.



"Then make us suffer you traitor, tignan natin kung saan aabot ang liyab ng mga apoy mo Devos."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro