HP 59
Athena.
Napatingin ako kay Enexx dahil sa sinabi ni Beezlebub, nakita ko ang pagtagis ng mga panga niya, mga ngipin niyang nagngingitngit at mga palad na nakakuyom. Hindi—hindi totoo ang mga sinasabi ng mga demonyong 'to, they are just playing around dahil do'n sila magaling, ang paglaruan ang mga biktima nila.
Ang dami ng problema, ang dami pang katanungan na hindi nasasagot. Kung sino ang babaeng Diyosa na tinutukoy ng mga lalaking 'yon, kung sino at bakit kalaban si Azania at ano ang rason niya even we are not close ay kilala ko parin siya at matalik siyang kaibigan ng mga kasamahan ko ngayon. Mga problema na bakit nila ito ginagawa sa amin, na bakit gusto nila kaming patayin at bakit din hindi nabuhay si Ignite at bakit ang mga anak nina Levinas at Genesis ay nasa kanila?
"Huwag niyo na kaming paglaruan mga demonyo, kahit anong sabihin niyo ay hindi niyo kami maloloko. Alam ko na ang mga ganiyang istilo, para magkaaway-away kami pero puwes, sikreto man ang kalaban namin, may sagot kaming mga nakahanda." Turan ko na ikinangisi lang ni Lerves, ang siyang pinakamakapangyarihang Devil Lord, siya ang unang anghel na ginawang perpekto, nasa kaniya na ang lahat noon pero pinili niya parin maging sakim sa kapangyarihan, pinilit niya parin maging isa sa mga makapangyarihan.
"Kung 'yan ang pinaniniwalaan mo Athena, wala akong problema diyan. Mamamatay din naman kayong lahat sa mga kamay namin." Ngising turan ni Beezlebub kaya mas lalo akong nanggalaiti sa galit. Bakit parang ang dali-dali lang para sa kanila na sabihin na papatayin nila kami nang ganoon lang kadali? Bakit parang napakadali lang para sa kanila na banggitin ang salitang 'yon? Madali lang para sa kanila dahil mga demonyo sila. Hindi sila takot sa amin, hindi sila takot na mamatay, hindi sila takot pumatay dahil pumatay man sila o hindi, babalik at babalik sila sa impyerno.
"Talaga? Paano mo naman nasabing mapapatay mo kami gano'n-gano'n nalang?" Napalingon kami kay Dracunox dahil sa sinabi nito. Ngumisi lang ang dalawang demonyo, naglakad papalapit kay Beezlebub si Lerves kaya mas lalo namin silang nakikita ng malapitan, harapan, mata sa mata.
"Ako ang kalabanin niyo, huwag ang mga kasamahan ko." Nalipat na naman ang mga tingin namin kay Enexx dahil sa sinabi nito, kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito na para bang ang dali-dali lang para sa kaniyang sabihin at gawin 'yon.
"Ano ba Enexx? Hindi mo sila kakayanin." Diing bulong ko sa kaniya pero hindi niya ako narinig o sadiyang hindi niya lang ako pinakinggan. Minsan, ayoko sa side niya na napakulit, 'yong tipong hindi kaniya pakikinggan dahil may sarili siyang pinaniniwalaan.
"Harapin niyo 'ko!" Mas lalo akong nagalit dahil sa sigaw ni Enexx, mas lalong uminit ang ulo ko.
"Huwag ka ngang magulo Enexx, bakit ba ang hilig mong makialam?!" Sigaw ko narin pati si Senny ay sigaw ng sigaw sa pangalan niya. Lumingon sa akin si Enexx, nagulat ako dahil sa lungkot ng mga mata niya, hindi ko maintindihan pero kinabahan ako sa inaakto niyang 'to.
"Athena, hindi mo ba alam na minahal ka niya no'ng araw na bumisita ka sa impyerno? Siya lang ang may kakayahang buksan ang impyerno maliban sa akin kaya nakalabas siya, mahal ka niya kaya siya sunod ng sunod sa'yo. Nilagyan pa niya ng ibang memorya ang utak mo at ang utak ng mga magulang na kinalakihan mo noon, mga memorya na naging parte siya ng pamilya niyo. Napagtagumpayan n—"
"Huwag kang magsalita dahil hindi ko tinatanong at wala akong pakialam!" Sigaw ko kaya natigilan naman si Lerves at nawala ang ngisi sa mga labi niya. Tinignan ko sa mga mata si Lerves at galit siyang hinarap.
"Kapag hindi ka kinakausap, tumahimik ka dahil hindi kami ang mamamatay kundi kayo. Kaya kung puwede lang, huwag kayong makialam?" Seryosong turan ko, wala akong pakialam kung ano ang nangyayari ngayon pero gusto kong malaman ang lahat.
"At—Athena, totoo ang sinasabi nila, I am one of them at gumawa ako ng memorya sa loob ng mga utak ninyo para akalain niyong isa ako sa pamil—"
"Huwag ka ng magsinungaling Enexx dahil hindi ako natutuwa, hindi mo ba narinig ang sinabi ni Olcor? Ikaw ang palatandaan, umaapoy na buhok no'ng bata ka pa." Turan ko pero napayuko lang siya at hanggang sa umangat na naman ang ulo niya pero ngayon, may luha ng tumulo sa mga mata niya.
"I kill that baby and I immitate his ability." Nagulat ako dahil sa sinabi niya, napatakip ako sa bibig ko at napahagulhol. Hindi ko alam kung bakit ganito siya? Bakit siya nagsisinungaling? Bakit nagsisinungaling siya sa amin? O baka nagpapanggap lang siya ngayon?
"At ako ang dahilan kung bakit nakalabas ang ibang Devil Lords kagaya ko, mahal kita Athena kaya sinundan kita." Napaatras ako dahil sa sinabi niya, napaatras ako dahil hindi na 'ate' ang tawag niya sa akin. Hindi nga talaga siya si Enexx, hindi siya! Pinatay niya ang tunay na Enexx!
"Pero mas mahal ko si Senny, oo nabaliw ako sa'yo noon Athena dahil sa presensiya at tindig mo pero nang makilala ko si Senny, siya ang mas nagpatibok ng puso ko at ang nagparamdaman na kahit hindi ko na kilala ang sarili ko, minahal niya parin ako." Napalingon naman ako kay Senny dahil sa sinabi ni Enexx, kahit papaano ay naginhawaan ako dahil sa sinabi niya. Oo mas mahal niya si Senny, at kitang-kita ko 'yon sa mga mata nila ang pagmamahalan. Sa mundong ito, sa presensiya ni Enexx, ang pagmamahalan nila ni Senny lang ang totoo.
"Tapos na ba ang pagdadrama niyo?" Napatingin kami kay Beezlebub dahil sa seryoso na nitong turan, umabante naman si Enexx. Kahit ganiyan siya, kahit hindi siya ang tunay na Enexx, kahit pinatay niya ang batang 'yon, hindi parin mawala na mahal ko na din siya bilang kapatid. Napamahal na siya sa akin, sa iba. Importante na din ang presensiya niya para sa akin. Kahit mali, tanggap ko siya at tatanggapin ko ang lahat.
"Hindi ka talaga marunong tumahimik Beezlebub, madaldal at madaldal parin kayo ni Lerves. Nakakahiya sa ating lahi, ikaw ang babae kung kumilos sa amin." Hindi ko inaasahan ang sinabing 'yon ni Enexx, para siyang nagmamayabang pero alam kong tinatago niya lang ang kaniyang takot. Hindi takot na mamatay, takot na baka mapahamak kami.
"Ang galing Leviathan, napakagaling mong umakto na pati sila ay nakumbinsi mo. Pero hindi mawawala na isa ka paring demonyo at nababagay ka parin sa impyerno." Turan naman ngayon ni Lerves, mas lalong nang-init ang ulo ni Enexx dahil sa sinabing 'yon ni Lerves.
"Bakit ang dadaldal niyo?" Napalingon kami kay Menesis na parang inip na inip, pati si Genesis ay nakatayo na katabi nito na seryosong nakatingin sa mga demonyo.
"Enexx, huwag mong sabihin na magtatraydor ka sa amin? Papatayin ko si Senny kapag ginawa mo 'yan." Nagulat ako dahil sa sinabi ulit ni Menesis na pati si Senny ay nagulat din at kaagad kinabahan.
"Huwag! Hindi ako nagtraydor, oo nagsinungaling ako noon, na ako talaga si Leviathan pero tunay ang intensiyon ko na protektahan ang mga mahal ko." Natatarantang turan ni Leviathan kaya agad naman napatango si Menesis na para bang kumbinsing-kumbinsi sa sinabi ni Enexx. Baliw parin pala talaga ang babaeng 'to, hindi na mawala-wala sa sistema niya ang kabaliwan.
"Habang nakatayo dito kasama niyong lahat, hindi ko parin maintindihan na ang mga kalaban namin noon ay naging kakampi na namin ngayon." Hindi ko alam kung saan patungo ang mga sinasabi ni Menesis, lumalakas na naman ang presensiya niya pati ang kapangyarihan na meron siya. Pero kitang-kita sa mukha nina Devonna at lola nila ang kahinaan.
"Anong pinupunto mo babae?" Inis na tanong ni Beezlebub.
"Ang pinupunto ko lang ay, hindi ba kayo natatakot na mas malakas ang alyansa namin? Dahil magkasama na ngayon ang magkaaway noon?" Nagtatakang tanong kuno ni Menesis na para bang pinaglalaruan niya ang mga demonyo. Hindi ko na talaga maiwasang hindi mapangisi, siya nga si Menesis.
"Teka, sigurado ba kayong mamamatay kami? Nang gano'n kadali?" Ngayon naman ay ang babaeng kayakap kanina ni Specter, ina niya ata.
"Hindi ba kayo natatakot na bumalik ulit sa impyerno at makulong?" Si Dracunox naman ngayon pero ngumisi lang ang dalawang demonyo.
Bigla nalang lumiwanag ang sahig kung saan nakatayo si Lerves, nililipad ng hangin mula sa kapangyarihan niya ang buhok niya na parang sumasabay din ang apoy. Naramdaman namin ang init sa kinakatayuan namin, napatingin kami sa liwanag at parang isang portal na kulay pula.
"Ako ang hari ng impyerno, hari ng labinwalong kaharian sa ilalim kaya hindi niyo ako matatalo." Ngising turan ni Lerves at siyang paglabas ng iba't-ibang nilalang, iba't-ibang mga mukha, iba't-ibang kapangyarihan at kakayahan.
"Kitilin ang kani-kanilang buhay mga kampon ng pulang apoy galing sa impyerno!" Sigaw ni Lerves na siyang ikinaatras namin.
"Lerves, makikisali na din ang aking mga insekto." Sa pagkasabi no'n ni Beezlebub ay siyang paglabas ng mga insekto kung saan-saan.
"Ilag!" Sigaw ko kaya agad naman silang napayuko dahil sa sigaw ko, galing sa pintuan ang mga insekto. Delikado ang mga insekto na ito, hindi dapat kami madaplisan ng kani-kanilang mga nguso.
"Argh!" Agad akong napalingon kay Olcor pero nabigla ako dahil nag-ibang anyo din siya. Hindi malayo ang anyo niya ngayon sa anyo ko, magkatulad kami na isang dragon at nagpapatunay 'yon na anak kami ng isa sa mga pinakamalakas na Diyosa at dragon.
Ang sungay niya na katulad din ng akin pero mas malapad at malaki ang pakpak na meron siya. Hindi apoy ang lumalabas sa kaniyang katawan kundi asido.
"Mag-iingat ka Olcor." Turan ko na siyang ikinatango niya naman.
Rinig na rinig sa palasiyo ang plawta ni Sonata na nagpapatulog sa ibang insekto, mga yelong palaso ni Serafina na tumatama at umaatake kasama ang kaniyang ina na gano'n din ang ginagawa. Sumusuporta lang ang ama ni Serafina sa kaniyang asawa, si Venedict o Lauron o kung anong pangalan niya na ngayon ay nagpapaulan ng mga sangkatutak na mga hologram swords gano'n din si Levinas. Si Demeter naman na nasa halimaw niyang anyo siyang nilalaban din ang mga halimaw galing sa impyerno. Si Chester na tumitira ng mga ubeng kulay na mga apoy, si Senny na nagpapalabas ng apoy and chanting spells gano'n din si Wenessa. Si Cylechter na nagpapaulan ng mga bolang gawa sa tubig, lola nina Menesis na nagpapalabas ng mga ugat, si Bill na nagpapalabas ng bolang liwanag, gano'n din sina Specter at Spencer.
We are now fighting as one, we are now sacrificing as one kaya kakayanin namin ito lahat.
Napansin kong si Enexx ay sumugod sa puwesto ni Lerves at naglaban sila. Nasa anyong halimaw si Enexx, isang lobo ang mukha at katawan nito ay napakalaki na para bang sa isang halimaw. Mahahaba ang kuko sa paa at kamay, mahahabang pangil pero napansin ko na ang pagod sa ekspresiyon niya.
"Enexx!" Sigaw ko dahil alam ko sa sarili ko na hindi niya kakayanin si Lerves, si Lerves ang pinakamalakas na Devil Lord.
Agad akong tumakbo para abutan si Enexx na ngayo'y sakal na sakal na ni Lerves. Gano'n siya kalakas, agad niyang nakukuha ang gusto niya, agad niyang natatapakan ang gusto niyang tapakan.
Akmang bubugahan na ng pakpak ko ng apoy si Lerves nang mahuli na ang lahat, natigilan ang pakpak ko sa pagbuka kasabay no'n ang pagluhod ng mga tuhod ko.
"E-Enexx."
Kitang-kita ng mga mata ko ang pagsaksak ni Lerves gamit ang patalim niyang apoy sa leeg ni Enexx.
"Enexx!" Rinig kong sigaw ni Senny, nanghihina ako, wala akong ibang naririnig kundi ang boses ni Senny na tinatawag paulit-ulit ang pangalan ni Enexx. Ang paningin ko ay nagdadalawa, nahihilo ako.
Naramdaman kong may humawak sa mga balikat ko, one thing I know ay malayo na ako sa puwesto ni Lerves na ngayo'y nakangiting tagumpay habang nakatingin sa akin.
"Athena, hindi specialist si Enexx katulad natin kaya huwag kang mag-drama diyan." Gusto ko siyang sabihan na anong karapatan niyang sabihin sa akin ang mga bagay na 'yon? Na hindi katulad namin si Enexx, na demonyo siya at kami hindi? Na kakaiba siya at kami hindi? Pero hindi ko magawang masabi kasi nanghihina na ako, hindi makapagsalita ang bibig ko dahil sa gulat.
"Hindi ikaw ang Athena na nakilala ko na nagbalibag sa amin ni Genesis no'n, hindi ikaw ang Athena na kilala namin kung ganiyang ka kung umakto. Umayos ka, baka gusto mong sumunod kay Enexx?" Hindi ko na siya naramdaman pa at likuran niya nalang ang nakikita ko ngayon na naglalakad palayo sa akin.
"M-Menesis." Bulong ko sa pangalan niya. Kakaiba talaga ang puso niya, kakaibang-kakaiba, hindi ko maintindihan pero iniidolo ko ang puso na meron siya, tapang na meron siya at ang prangkang ugali niya.
"Sarah, lumabas ka na. Ang tagal mo ng nagtatago kay Asmodeus, huwag kang mag-alala, patay na siya." Nagtaka ako dahil bakit tinatawag ni Beezlebub si Sarah.
"Alam ko, kaya nga nanunuod lang ako sa inyo." Agad kaming napalingon sa boses babae na nasa itaas ng hagdan at halos mangunot ang noo ko ko dahil hindi ko inaasahan na siya ang Sarah na tinutukoy nila.
"A-Akala ko patay na siya, b-bakit gano'n? Buhay siya? At siya si Sarah na hinahanap ni Asmodeus?" Nauutal na turan ni Wenessa.
Sarah, ikaw pala si Sarah.
"Sayatus!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro