Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 58

Genesis.

Habang unti-unting nagiging bato ang katawan ko ay siyang paghina ng buo kong katawan. Hindi ko maintindihan dahil nakikita ko parin ang dapat makita kahit isa na akong rebulto. Nakakahinga pa din ako sa loob ng batong 'to, nakakaramdam at nakakarinig. Ni hindi ako nagugutom o nauuhaw, ano bang klaseng kapangyarihan 'to? Bakit parang kakaiba sa pakiramdam? Pinapatay kami sa pagiging komportable, buhay na buhay ang kaluluwa ko pero ang katawan ko naman ang unti-unting namamatay.


Isang araw ay nagising nalang ako na nakahiga sa sahig, wala na ang bato sa katawan ko kaya agad kong tinignan ang mga kasamahan kong bato parin hanggang ngayon. Lalapitan ko na sana si Menesis nang may mga presensiya akong naramdaman kaya agad akong gumawa ng paraan para makatakas. Agad akong lumabas habang invisible ang buo kong katawan kahit ang presensiya ko ay tinanggal ko para hindi nila ako makita. Agad akong tumakbo hanggang sa makalabas sa Westheria, humanap ako ng makakain dahil sa labis ng gutom.




Naglakbay ako ng naglakbay hanggang sa may nakita akong isang bato na kasing-laki ko. Isa siyang bato na may nakapalibot ng mga batong ugat, may maliit na bilog sa gitna na siyang kasing laki din ng palad ko. Sa kuryusidad ko, hinaplos ko ang bilog na 'yon na siyang ikinagulat ko dahil agad 'yong lumiwanag. Bumungad sa akin ang isang napakaliwanag na portal, hindi ko alam kung saan ito patungo pero nagbabakasakali akong mapupunta ako sa lugar kung saan hindi ako mahuhuli ng mga kalaban, kung saan mas magiging malakas pa ako.


"Menesis, Lola Thorna, babalik ako." Huling salita ko at agad pumasok sa portal. Bumulaga kaagad sa akin ang mga nakakatakot na mga nilalang, mga kakaibang nilalang na nasa loob ang mga kagaya ko, mga naglalakihang bahay na napakaraming bintana at may malaki ding ibon na hindi man lang gumagalaw ang pakpak pero nakakalipad.


Agad uminit ang mga mata ko dahil sa presensiya ni Azania, malapit lang siya dito kaya agad akong sumipol na siyang paglapit ng kalapating itim. Bumulong ako sa kaniya, agad naman siyang lumipad kaya agad ko din itong sinundan. Lipad lang siya ng lipad habang ang ibang mga kagaya ko ay nakatingin lang sa kasuotan ko na nagtataka, pati ang mga suot nila ay kakaiba din. Napakalayo sa suot ko ngayon na parang isa akong dayuhan, hindi ko pa nakikita ang mukha ko mula sa salamin. Hindi ko tuloy alam kong kagandahan parin ba ang aking mukha. Damit kong maraming punit at sigurado akong napakadungis ko na.



Huminto ang kalapati sa isang malaking bahay, agad naman akong pumasok do'n na siyang hindi nahalata ng iba. Tumagos ako sa pinto at agad kong naramdaman ang kakaiba at pamilyar na presensiya. Pinuntahan ko kung saan nanggagaling 'yon at halos manlaki ang mga mata ko dahil sa gulat.


B-Bakit ibinibigay ni Azania ang anak ko sa lalaking ginawa kaming bato?! B-Bakit nasa bisig ng lalaking ito ang aking anak?! May kasama ang lalaki at isang babae, hindi nakatabon ang mga hood nila kaya kitang-kita ng mga mata ko ang mga mukha nila.


Naluluha na ako sa kinapupuwestuhan ko dahil pati pala anak ni Levinas ay nasa kamay ni Azania na ngayo'y ibinibigay na din sa babae. Hindi ako makagalaw, hindi ako makakilos ng maayos dahil sa gulat na pati ang isipan ko ay hindi na makapag-isip ng tama. Nanghihina narin ako dahil ilang araw ako sa pagiging bato, parang hinigop ng bato na 'yon ang buong lakas ko.


Susugod na sana ako pero agad nang nawala sa paningin ko ang dalawang Eastherians na siyang ikinaluhod ko. Nagulat naman si Azania dahil sa nasa harapan na niya ako ngayon habang masamang nakatingin sa kaniya.


"Walang-hiya ka, magbabayad ka Azania at hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sa'yo." Seryoso kong turan at akmang aatakihin ko na siya pero agad akong napaluhod, nagpalabas ako ng yelo pero kaagad 'yon nawala. Wala akong laban dahil sa hinang-hina ang katawan ko, and she is the Goddess of Sealing Power, Books and Words. Kayang-kaya niya akong talunin.


Lumapit siya sa akin, hindi ako makagalaw nang hawakan niya ang ulo ko at do'n na ako nawalan ng ulirat.



"Kahit isa ako bato Genesis, kitang-kita ko sa mga mata mo kung gaano mo kami gustong iligtas pero hindi mo nagawa dahil sa mga kalaban na paparating. Pero huwag kang mag-alala, naiintindihan namin. At alam kong babalik ka para sa amin, Genesis." Turan ni Menesis kaya agad naman akong napatango.


Sa tagal ng panahon kong gustong gawin ang dapat gawin, gusto kong bumawi sa mga kasamahan ko, gusto kong maghiganti dahil sa anak kong kinuha nila. Agad akong napatingin kay Levinas, sa mga mata niya ay alam kong humihingi na din siya ng tulong, naaawa ako kay Levinas dahil sa dami niya ng ginawa para sa amin. Para lang magkaisa na kami, para lang lumakas ang alyansa. Ang dami niya ng nagawa, ang dami niya ng nasakripisyong dugo, pawis at pagod pero heto ako, walang nagawa dahil sa nawalang alaala.


"Ang kailangan lang natin gawin ay maghanda, matagal na nilang iniwan ang Westheria pero palagi parin nilang binabantayan ang isla na'to." Agad akong napatingin kay Satanina, hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kaniya. Hindi pa ako sanay para tawagin siyang 'ina' dahil awkward pa para sa akin. Ayokong maging rude, ayokong maging makasarili at magkamali kaya naghihintay ako ng tamang panahon para sa mga bagay-bagay.



"Tama si Reyna Satanina, sa tagal namin ni Demeter na nakabantay sa palasyo na'to, ni walang kalaban kaming napansin puwera nalang sa dalawang presensiya na hindi namin matugis o makita." Sabat naman ni Levinas.


"Si Devos." Napatingin ako kay Sonata dahil sa pagtawag niya sa pangalan ni Devos.

"Nasaan ang aking anak?" Takang tanong ni Devonna pero ni isa sa amin ay walang nagsalita. Namayani ang katahimikan pero agad namang nagsalita si Senny.


"Pinuntahan daw po kayo dito ng anak niyo, 'yon ang sinabi ni Sonata sa akin?" Sabi ni Senny na siyang ikinanuot ng mga noo nina Devonna at Menesis.


"Hindi namin siya nakita dito, ni presensiya niya ay hindi namin naramdaman. Sigurado ba kayong dito siya pumunta?" Takang turan ni Menesis na kaagad namang ikinatango ni Sonata ng mabilis.


"Hindi ako nagkakamali Menesis, sabi niya ay kukunin niya ang rebulto ng kaniyang ina kaya agad ko siyang binigyan ng permiso para umalis na hindi ako kasama. Pero napakatagal na pero hindi parin siya bumabalik, magkasama kami sa Town of Swords kaya nakakapagtaka dahil hindi na siya bumalik." Malungkot na turan ni Sonata na siyang ikinabahala ko. Ayoko man mag-isip ng kung anu-ano pero baka posible ngang nando'n siya at bihag ng mga Eastherians.


Napakadumi nilang kumilos, napakadumi nila kung gumalaw na pati ang mga anak namin ay kinuha nila. Hindi pa sila nakuntento sa ginawa nila sa mga specialist na naninirahan dito, ni hindi ko na nakita si Deyfel, Teya at si Arsulo. Sila ang nagbantay dito noon, siguro hindi narin nila nakaya dahil sa lakas ng mga kapangyarihan nila. Nakakainis, ni wala man akong nagawa no'n, naging sagabal pa ako at pabigat. Nakakahiya! Nakakahiya para sa akin at sa lahat ng umaasa sa kakayahan ko.




"Kaya pala ang dami kong naaamoy, nandito pala kayong lahat." Napatingin kami sa itaas, kung saan naroroon ang mga kwartong tinuluyan namin noon.



May isang lalaking napakatikas ang pangangatawan, walang saplot sa itaas at tanging pantalon lang na may mga butas-butas pa. Ni hindi ko alam kung dapat ko siyang i-compliment dahil sa itsura na meron siya. Siya na ata ang lalaking pinakagwapong nakita ko sa buong mundo. Ang kakaibang mga tingin niya dahil sa pulang mga mata, burial black na kulay ng buhok, napakatangos na ilong, maliit na labi, magandang hubog ng panga at pati ang makakapal na kilay ay siyang mas lalong nagpatingkad ng kaguwapuhan niya.





"Huwag kang lalapit Beezlebub!" Agad kaming napalingon kay Athena na ngayo'y nasa anyong dragon na. Agad naman akong nagtaka dahil sa ikinikilos niya, siguro ang lalaking 'to ay isang Devil Lord.



"Oh? Athena? Daughter of Aragaduos? At paano mo naman agad ako nakilala? Dahil ba sa kaguwapuhan ko? Hahaha!" Tatawa-tawang turan ng lalaki na tinawag ni Athena na Beezlebub.




"Sino siya Athena?" Tanong ni Menesis.



"No'ng mga nakaraan, nakakapagtaka dahil lahat ng mga nilalang galing sa impyerno ay nagsilabasan. Mga Devil Lord, sila ang mga demonyong lumabag sa utos ng mga nakakataas sa langit, sila ay mga rebelde dati silang mga anghel. Tatlo nalang ang natitira sa kanila at hindi bihira ang mga lakas na meron sila." Seryoso lang kaming nakatingin kay Beezlebub na bumaba na sa mula sa hagdan.



"Siya si Beezlebub, the Devil Lorf of Gluttony, or the Devil Lord of Flies. Mga insektong dala ang mga pinakagrabeng sakit, he can also turn into flies produce disease itself. And he is the bearer of jealousy, murder and war. Symbolizes disease and tyrants." Dagdag na turan ni Athena.



"Beezlebub, akala ko isa ka na sa mga namatay? Bakit nga ba buhay ka pa?" Agad naman kaming napalingon sa likuran namin, mula sa pintuan na pinasukan namin kanina ay mas isang lalaki do'n na wala ding saplot sa itaas at tanging pantalon lang din ang suot kagaya ni Beezlebub. Kung masasabi kong guwapo si Beezlebub, mas doble ata sa lalaking nasa likuran namin.



"Kanina pa umiilaw ang bato ni Ignite pero hindi parin siya bumabalik sa dati." Dinig kong turan ni Wenessa kaya agad akong napatingin sa direksiyon ni Ignite na ngayo'y bato parin, teka bakit bato parin siya?! Bakit hindi pa siya bumabalik sa dati?!



Agad akong lumapit pero paglapit ko ay parang pagguho ng mundo ko, ng buhay ko, pagkadurog ng puso ko dahil bato ni Ignite, nabiyak. Walang Ignite na bumalik sa dati, w-wala na siya.



"I-Ignite." Tawag ko sa pangalan niya, w-wala na siya. Wala na ang bato, hindi siya nakabalik sa dati! Hindi siya nakabalik! H-Hind-



Unti-unting tumutulo ang luha sa mga mata ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko alam kung ano na ang sunod kong sasabihin dahil wala, wala na siya. Ang puso ko na unti-unting napupunit, ang tibok nito na napakabilis dahil sa hindi makapaniwala, mga mata kong namamaga na dahil sa dami ng luha. I-Ignite, bakit ngayon p? Bakit ngayon pa na kailangan kita? Kailangang-kailangan kita dahil wala na akong masasandigan, wala na akong mayayakap! Mahal na mahal kita Ignite! Balit mo 'ko iniwan?!


Nanghihina akong napalingon sa may humawak sa balikat ko at nakita ko ang nag-aalalang ekspresiyon niya, si Olcor.




"L-Lerves." Napatingin ako kay Athena dahil sa takot sa pananalita niya.



Ano na naman ba ang nangyayari? Ang dami nilang sagabal sa buhay namin, ang dami nilang kalaban!


"Athena, ikaw pala. Bakit ka nandito? Para magpakamatay?" Ngising turan ng lalaking tinawag ni Athena na Lerves, bakit ganito? They are all good-looking mula kay Asmodeus, Belpregur at Mammon ay mga may itsura. Pero teka, kakaiba nga ang presensiya na meron sila, napakabigat sa pakiramdam, mas malakas sa mga naunang demonyo pero parang wala na akong kinakatakutan. I hate it, wala na si Ignite, nasa panganib ang anak ko at tanging ako nalang ang makakagawa ng paraan para makaalis sa kalungkutan na'to at hinagpis.



Nawalan ako ng minamahal, at posible din akong mawalan ng anak. Tumayo ako kahit na ang mga binti ko ay nanghihina, mga tuhod kong nanginginig at labi kong nanlalamig na rin. Ang dami ko ng luhang naipalabas, ang dami ko ng sakripisyong nagawa pero bakit gano'n? Ni wala man akong makuhang kapalit na tama?!




"The Devil Lord of Pride, Unfortunately pride overtook his heart kaya siya ang Devil Lord ng Pride. Lerves had to be perfect, siya ang kauna-unahang anghel na dapat perpekto, there was nothing ordinary or plain about his appearance. Adorned with gold and precious stone na ngayo'y wala na sa kaniya dahil sa naliyab na ng apoy ng impyerno. He was a step above the other angels not only in appearances but also in intellect. Lerves had wisdom, beauty, ability, perfection and yet he wanted more. He wanted to be worshipped tulad ng pagsamba ng mga kagaya natin sa nilalang na nasa pinakaitaas ng langit. The Devil Lord of 18 levels of hell and symbolizes power of all evil." Mahabang eksplenasiyon ni Athena.



They are strong, pero marami kami.



Sabay na pumalakpak sina Beezlebub at Lerves dahil sa mga sinabi ni Athena.



"Hindi parin nagbabago ang pinakamatalinong batang nakilala ko. Buti agad mo kaming nakilala, Athena? Agad mong naramdaman ang presensiya namin, kapangyarihan namin pero ang nakakatawa, hindi mo naramdaman ang presensiya niya? Bakit nga ba?" Agad kaming tumingin sa itinuro ni Lerves at nakatapat ito sa puwesto ni Enexx na ngayo'y napapalunok na.



"Anong kinalaman ni Enexx sa inyo? Wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng mga kasamahan niyo! Wala siyang kasalanan!" Sigaw ni Athena na ngayo'y nag-aapoy na ang mga kamao dahil sa galit.



"Enexx? Hahahaha, nakakatawang pangalan! Hindi mo siya nakilala, hindi mo naramdaman ang kaniyang presensiya na katulad namin!" Sa sinabing 'yon ni Beezlebub ay tumingin siya kay Enexx.



"Bakit hindi ka magpakilala? Oh gusto mong ako ang magpakilala sa'yo?" Hindi makagalaw si Enexx dahil sa tumigas na siya sa kinakatayuan niya, hindi siya makapagsalita.




Dinig na dinig ang tawa ni Beezlebub sa buong palasyo.






"Ang lalaking iyan na kinikilala niyong Enexx ay isa sa mga Devil Lords. Siya si Leviathan, ang Devil Lord of Envy. Kaya niyang mag-anyong halimaw, at pangalawa siya sa anghel na ginawang perpekto. Kagaya ni Lerves, hindi siya nakuntento sa kapangyarihan na meron siya noon kaya nagrebelde at nilabag ang utos ng mga nakakataas sa buwiset na kalangitan kaya siya napunta sa impyerno. Pumunta sa lupa para bantayan ang mahal niya na kahit alam niyang napakaimposible siyang mahalin pabalik."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro