HP 57
Levinas.
Habang nakatanaw sa kalangitan, mga ibong nagsisiliparan, mga punong nagsasayawan dahil sa malakas na hangin, mga bulaklak na namumukadkad at mga hayop sa lupa na naghahabulan. 'Yan ang palagi kong naaabutan tuwing umaga kapag nagigising ang aking diwa. Sa gitna ng Westheria ako namamalagi habang binabantayan ang palasiyo dito at mga kaharian ng pasikreto.
"Kakain na ng umagahan, mahal." Napatingin ako kay Demeter dahil sa pag-aaya niya na ng umagahan kaya agad naman akong tumango.
I know where they are, alam ko kung nasaan na silang lahat at nagagalak ako dahil kumpleto na sila at natulungan na silang lahat. Nagkaisa na sila, makapangyarihan at alam ng kontrolin ang kani-kanilang kapangyarihan. Pero, hindi pa nila naiintindihan ang lahat, hindi pa nila nauunawaan ang lahat dahil sa kani-kanilang mga problemang kinakaharap.
Matapos kong sundan palagi si Lauron sa kung saan siya pumupunta, hindi ko talaga maiwasang hindi mapangiti hindi dahil sa masaya ako na may malaking responsibilidad siyang dinadala—being the Titan God of Vampires— pero masaya ako dahil magiging kumpleto na din kami sa wakas ng pamilya ko. Una, hindi ako naniniwala na may kapatid ako dahil sa sinabi ni ina, akala ko nagbibiro lang siya pero seryosong-seryoso siyang nakatingin sa aking mga mata. Naglakbay ako, nag-imbestiga kaya pumunta ako sa mundo ng mga tao.
Nasagi na din sa isipan ko na bisitahin ang aking anak kaya alam na alam kong nasaan sila, alam ko kung nasaan ang mga bata. Hanggang sa bumukas ang pintuan kung saan dumaan si Azania noon, agad akong pumasok na siyang ikinahilo ko no'n kaunti dahil sa enerhiya at matinding puwersa. Bumulaga kaagad sa akin no'n ang iba't-ibang transportasiyon, I wonder kung ano ang unang naging reaksiyon ni Azania after seeing those things na para sa kaniya ay kakaibang nilalang. Mga naglalakihang building, mga eroplano sa itaas, mga jeepneys o iba't-ibang uri ng mga sasakyan at mga kakaibang kasuotan ng mga tao. I've been here, 'yon ang nasa utak ko matapos makita ang mga nakasanayan ko no'n.
Hindi ako no'n nagsayang ng oras dahil marami pa akong gagawing misyon, mas marami pa sa inaakala nilang lahat. Agad kong hinanap muna ang mga bata na nasa kamay ni Azania pero nagulat ako sa aking naabutan, si Genesis at pamilyar na lalaki na hinding-hindi ako nagkakamaling si Lauron.
Naaalala ko pa si Lauron, siya ang unang nagpakilala sa akin no'n na nasa mundo pa ako ng mga tao na wala pang ideya sa mga kapangyarihan. Levinas na palaging kinakantiyawan dahil sa yaman na meron ako sa mundo ng mga tao, isa ako sa adopted daughter ng presidente dito sa Pilipinas kaya nakakagalak at the same time, nakakatakot. Nasa piligro palagi ang buhay ko dahil sa mga politic problems.
Sinundan ko sina Genesis at Lauron, wala akong kaide-ideya kung anong ginagawa niya at bakit niya kasama si Lauron. Sunod lang ako ng sunod hanggang sa binantayan ko silang dalawa, alam ko na noon pa na bakla si Lauron kaya mas lalong akong natuwa.
Nang makapasok sila sa eskwelahan na pinapapasukan nila, agad akong gumawa ng paraan para makapasok. Gumawa ako ng portal hanggang sa makapasok ako, nasa rooftop ako at hindi ko inaasahan na makikita ang isang dalagita na may kakayahang gumawa ng yelong palaso.
"Isa kang specialist." Turan ko na siyang ikinagulat niya at agad napaatras.
"S-Sino ka?" Utal na tanong niya na may bahid na takot ang tono sa pananalita niya kaya agad ko siyang nginitian ng matamis. Nagpalabas ako ng hologram ball sa kamay ko kaya mas lalo siyang nagulat sa ginawa ko.
"Magkatulad tayo." Turan ko sa kaniya kaya agad naman siyang naginhawaan. Lumapit siya sa akin at nakipagkamay.
"Ako si Serafina, I'm aware na ang pamilya ko ay miyembro ng Legendary Knights no'n na tumugis sa mga kalaban na siyang ginagamit ang hiyas sa kasamaan." Turan niya kaya agad akong napatango. Alam kong mangyayari 'to dahil sa ibinigay ni Azania na libro.
"Ako si Levinas at hindi ako magtatagal sa mundo ng mga tao, ang kailangan ko ay bantayan mo ang dalawang specialist na katulad mo. Kilala mo ba si Lauron at Genesis?" Tanong ko na siyang ikinalito niya.
"Hindi ko sila kilala pero may kilala akong apat na specialist, bestfriend ko ang dalawa, kapatid ko ang isa at kakilala lang ang isa." Turan niya kaya agad naman ang akong napatango na parang pinoproseso muna ang mga nangyayari.
Ang lahat ng mundo ay hindi na balanse kaya bukas lahat ng mga pintuan sa bawat mundo. Malayang nakakapasok ang iba't-ibang nilalang sa iba't-ibang mga mundo. Bumukas lahat ng pintuan dahil sa nawala sina Genesis at Menesis, they are the balance Goddesses in Avalon.
"Sino 'yang mga bestfriend mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Actually aksidente lang din na nakita ko sila dito no'n na may kapangyarihan pero hindi nila alam na may kakaiba din akong kakayahan. Tiyaka malalakas sila, si Alisis at ang baklang si Venedict." Agad naman akong nagulat dahil sa sinabi ni Serafina.
Mga pangalan ng anak namin ni Genesis, pero alam kong si Genesis ang babaeng sinundan ko kanina pero parang wala siyang presensiya. Ni hindi ko maramdaman ang kapangyarihan na meron siya, kakaibang-kakaiba.
Agad naman akong napatango at sinabi sa kaniya na bantayan lang ang dalawa. Hindi coincidence ang nangyayari, si Genesis ang tinutukoy niyang Alisis at si Lauron ang tinutukoy niyang bakla. May masamang nangyayari dito, may kakaiba.
Hanggang sa dumating ang bukas, nakita ko kung paano nagulat si Chester, ang nakausap ko na isa sa mga kakilala ni Serafina na may kapangyarihan dito. Sinabi ko sa kaniya na i-bully lang si Genesis para maalala niya ang lahat. Hanggang sa makita ko kung paano magulat si Chester dahil sa biglaang paghawak ni Genesis sa kamay niya at tumakbo ito kaagad.
At do'n ko nalaman na kalaban si Azania, kinuha niya ang mga memorya ng kapatid ko at pati kay Genesis.
"Ang lalim ng iniisip mo mahal, ang dami mong pinoproblema." Agad akong napatingin ulit kay Demeter habang kumakain, ni hindi ko man kang magalaw ang pagkain ko dahil sa mga problemang bumabagabag sa isipan ko.
Napatingin ako sa mga mata ni Demeter, hindi na kasi siya madalas magsalita dahil sa nangyari sa anak namin. Na nakuha ng mga kalaban ang anak namin, nakakalungkot ng sobra at gustong-gusto kong manakit, pumatay dahil anak namin ang involved dito.
"Sa daming problema mahal, hindi ko alam kung ano ang uunahin. Buti nga nabawasan na ng kaunti." Ngiting tipid kong sabi sa kaniya.
Ang dami ko ng nagawa, ang pagpapawala ng memorya ni Cylechther para mapatunayan ni Wenessa ang kapangyarihan niya, ang bantayan ang Eastheria kung gumagalaw na ba sila, bantayan ang buong Westheria, ang Natharia na unti-unti ng ibinabalik ang eskwelahan, si Dracunox na dinala ko pa sa mundo ng mga bampira at ang paghahanap sa totoo kong anak na nasa Isla Eastheria pala.
Pagkatapos naming kumain ay siyang pagmamadali naming pagpunta sa Town of Swords ng Satharia dahil nando'n silang lahat at nagtitipon. Nando'n ang mga kaibigan ko, ang mga naging kasamahan ko at napakasaya kong magkakasama kami ulit.
Napatingin ako sa libro na hawak-hawak ko, hindi ito ang libro ng Heiress. Ang libro na ito ay naglalaman ng mga istorya, ang libro na ito ay mahiwaga na pati ang kuwento nina Sonata, Athena at iba pang mga Diyos ay nandidito. Pati ang iilan sa hinaharap ay nandito, ikinuwento sa libro na ito ang mga kakaunting hinaharap. Alam kong si Azania ang gumawa nito, siya ang sumulat sa mga hinaharap ng mga kasamahan namin. Hindi ko alam kung kalaban ba siya, hindi ko alam kung bakit niya ginawa ang lahat ng ito pero alam ko, may rason siya.
Pero sa ngayon, kalaban ka muna Azania. Hanggang sa wala pa kaming nalalaman, kalaban ka muna.
Hanggang sa maabutan namin ang mga kasamahan ko noon sa Town of Swords at hindi ko inaasahan na nandito na din si Lauron at Genesis. Hindi ko alam pero mas lalo akong nagalak nang makita sila, iilang rebelesasiyon ang nabunyag na siyang mas ikinalito ni Genesis. Wala siyang maalala dahil kinuha iyon ni Azania, may rason si Azania kung bakit niya kinuha ang memorya nito at 'yon ang dapat alamin namin.
Papaalis na kami papuntang Westheria kung saan nando'n ang mga rebulto ng iba pa naming kasama. Isang Diyosa nalang ang hinahanap, si Sarionaya. Hindi ko alam kung nasaan siya, nakalimutan ko kung saan siya pumunta pero alam kong nasa Avalon lang siya. Hindi siya aalis dito, dahil kilala ko ang minamahal niya kaya hinding-hindi siya aalis dito.
Habang naglalakad kami, unti-unti naming nararamdaman ang mga presensiya ng mga kasama namin na kahit isa silang mga bato, nag-uumapaw parin ang kapangyarihan nila lalong-lalo na kay Menesis.
Agad kaming pumasok, tumakbo at pinuntahan ang mga bato at agad kaming naginhawaan dahil sa nando'n parin ang mga bato. Si Menesis, Reyna Satanina, lola nilang Genesis, kay Devonna, si Bill at kay Ignite.
"See Genesis? Wala ang bato mo dito, ikaw talaga si Genesis." Turan ko sa kaniya na siyang mas lalong ikinahina ng mukha niya, lumambot 'yon at parang hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon. Kahit ako, hindi ako makapaniwala na nakatakas siya dito.
Hindi ko alam kung paano nakatakas si Genesis, bakit hindi niya nailigtas ang mga kasamahan niya? Ibang specialist ba ang gumawa nito sa kaniya? Ibang specialist ba ang nagpakawala sa kaniya? Napakarami paring tanong, napakaraming problema na hindi pa nasosolba. Sana matapos na ang lahat nang ito, sana wala ng mawala sa amin. Pero 'yon lang, alam ko na ang hinaharap dahil sa libro ni Azania and I can't change it. Its forbiden to change it dahil hindi ako ang may-ari ng libro, tanging si Azania lang ang kayang baguhin ang hinaharap. Hindi ko alam kung ano ang magiging kapalit kapag ako ang nagbago ng hinaharap na nasa libro.
"Sige na Genesis, hawakan mo ang mga kamay nila para bumalik sila sa dati." Turan ko kaya agad naman siyang tumango at lumapit kay Menesis.
Pagkahawak niya sa kamay ni Menesis, lumiwanag ang buong katawan ni Menesis. Alam kong si Genesis din ang magiging sagot, siya ang magiging gamot sa pagkabuhay ulit nina Menesis at ngayon ko lang napagtanto, kayang-kaya niyang bumuhay ng mga patay. 'Yon ang ginawa niya kay Chester at kay Serafina.
"Tumulong ka Dracunox, kakayahan mo rin silang ibalik sa dati." Hindi kagaya sa ginawa ni Genesis, Dracunox touches the ground and it glows. May lumabas pa do'n na liwanag na parang mga ugat at agad dumaplis sa paa ng iba pa naming kasamahan at isa-isang lumiwanag.
I remember Eastheria, wala silang eskwelahan do'n at tanging nag-iisang palasyo lang ang nakatayo sa isla nila. Napakadilim, napaka-gloomy ng lugar nila at parang ang dami ng kaluluwang dumaan do'n. Nakakatakot, pero alam kong kakayanin namin dahil kumpleto na kami.
"Genesis." Napalingon ako kay Menesis dahil sa mga luhang nagbabadya sa mga mata niya. Agad niyang dinamba ng yakap si Genesis na halos matumba sila, buti nalang inalalayan sila ni Dracunox. Napatingin ako kay Bill na nakangiti na ngayon at nakipag-apiran pa kay Cylechter. Si Reyna Satanina naman ay seryosong nakikipag-usap sa lola nina Menesis at Genesis at kay Devonna na seryoso na ding nakatingin sa mga kasamahan niya.
Hindi na biro ang magiging kasunod ng lahat, hindi na magiging madali para sa amin ang lahat dahil alam namin na kayang tumbasan ng mga Eastherians ang mga kakayahan nilang mga Diyos. Pero sana, sana ay kayanin namin at alam kong kakayanin namin.
"P-pasensiya na ah? Hindi ko pa kasi naaalala ang lahat M-Menesis." Pati ang ibang galing sa pagkakabato ay nagtaka sa inasal ni Genesis, pero nakita ko kung paano lang napangiti si Menesis at si Bill. Nagkatinginan sila na para bang may gagawing kakaiba kay Genesis.
"I am the Goddess of Creation and Destruction, kaya kong ibalik ang mga alaala mo at tutulungan ako ni Bill dahil siya ang God of Light and Justice. Kaya niyang ibalik ang katarungan ng isipan mo gaya ng dati." Agad namang napatango si Bill sa sinabi ni Menesis na pati ako ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa inaakto nila ngayon.
"Dracunox, buti buhay ka pa?" Napalingon naman ako kay Reyna Satanina dahil sa sinabi niya kay Dracunox pero si Dracunox naman ay hindi inaasahang lalapitan siya ni Reyna Satanina.
"Ina!" Rinig kong sigaw ni Specter at kaagad niyakap ang ina niya, agad namang hinaplos ni Reyna Satanina ang buhok ni Specter na para bang isang bata na hinehele. Oh! I can't imagine that kind of situation!
"Spencer, don't you miss mother?" Tanong agad ni Specter kay Spencer pero si Spencer ay nasa gilid lang ni Dracunox.
"Nasa tabi mo na siya but father needs me more." Hindi namin inaasahan ang sinabing 'yon ni Spencer na pati si Devonna ay hindi makapaniwala sa sinabi nito.
"Satanina, pinagsisihan ko ang lahat kaya nandito ako para patunayan na nagbago na ako. Satanina, sana mapatawad mo ako, mapatawad niyo akong lahat." Turan ni Dracunox na siyang binigyan lang ni Reyna Satanina ng tango na ikinangiti naman din ni Dracunox at ng kambal.
Anak, Venedict, ililigtas ka na ni nanay.
Agad akong napatingin kay Genesis, na seryoso ang mga mata, na wala ng kabuhay-buhay ang mga mata, mga nakakuyom na mga palad na kitang-kita na ang ugat nito dahil sa puwersa at panga niyang nagtigas dahil sa galit.
"They took my daughter, then I'll take their lives."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro