HP 56
Alisis.
Lahat kami ay ceasefire na, nagkaintindihan at hindi nagkalabuan. We are already set, hindi na nag-away pa dahil alam na nila ang katotohanan. Binuhay sila ng bagong kaalaman, binigyan sila ng mga bagong impormasiyon ni Dracunox kaya alam na nila kung sino na talaga ang tunay na dapat patayin. Patayin—that word is so cruel, hindi naman ata talaga maganda kung magpapatayan. I killed thrice, and I don't want to do it by myself na para bang gusto ko nalang magtago sa likuran nilang lahat.
But I know, hindi ako dapat matakot dahil nasa akin mismo ang kapalaran kung ano ang magiging takbo ng lahat. Kung ano ang magiging kapalaran ko sa huli, kung ano ang magiging kapalit at kung ano din ang magiging sagot sa mga natitirang katanungan.
Nasa labas na kami ng bahay ni Sonata, ang bahay na siyang nagtago sa kaniya ng ilang buwan. Lungsod na siyang nagtago din sa kaniya at prinotektahan siya sa ilalim ng kanilang mga batas. This Town is amazing too, may pinaninindigan at walang kinakatakutan. Kung nasa karapatan sila, kayang-kaya nilang lumaban kahit ano man ang magiging kapalit at kahit ano man ang mawawala sa kanilang importante basta lang mapatunayan nila na hindi sila mahina.
"Pupunta na tayo sa Westheria kung saan nando'n ang mga rebulto ng mga mahal natin." Turan ko at napatango naman sila do'n sa sinabi ko.
Napatingin ako sa mga kasamahan ko and I'm so happy seeing them like this. Napakasaya nila tignan pero alam ko sa likod ng mga ngiti at tawa nila ay may kalungkutang naghihintay, hinanakit at hinagpis.
Si Cylechter na nakaakbay kay Wenessa na masayang nagngingitian, si Sera at ang pamilya niya ay nakangiting nakatingin sa akin, si Venny naman at Chester na nag-aasaran ata dahil nakakunot ang noo ni Venny, sina Athena, Olcor at Enexx na nagkukuwentuhan pero hindi mo talaga maiaalis ang pagkablangko sa ekspresiyon ni Olcor. Si Senny din na nakatingin lang din kay Enexx pero hindi niya ako napansin na nakatingin ako sa kaniya, sina Specter at Spencer na kausap si lolo at si Sonata naman na ngayo'y kakuwentuhan na si Senny.
"Hindi natin sila pababayaan, we need to get them away from them. Kailangan natin silang ibalik sa dati, kailangan natin silang buhayin para mas malakas ang ating alyansa." Seryosong sabi ni Specter kaya napatango kami do'n.
"Dapat lang! Kailangan nating magmadali, kailangan nating magtulungan at magkaisa dahil 'yon ang tama." Ngiting turan ni Wenessa habang nakaakbay parin sa kaniya si Cylechter.
Nagkapatawaran na silang lahat kaya masaya ako do'n dahil sa wakas, iisang misyon nalang ang kailangan namin at 'yon ang buhayin ulit si ina.
"I'm so happy dahil nagkaisa na tayong lahat, I am very happy dahil kumpleto na kayong mga Diyos." Turan ko kasabay ang pagliwanag ng kamay ko at siyang paglitaw ng libro ng Heiress.
Pinapakita sa mga pahina ang mga litrato ng mga Diyos na siyang nasa misyon na dapat kung tapusin and I am glad dahil nahanap ko silang lahat at natulungan at matutulungan. Nasa libro na din si Venny na siyang mas ikinagalak ko hindi dahil isa siyang mataas na Diyos kundi sa pursigido niyang sumama at tumulong.
"That's the book of Heiress." Napatingin ako kay lolo dahil sa seryoso niya ngayong ekspresiyon after seeing the book of Heiress.
"Napakatagal na ng libro na 'yan, na kinuha na no'n ni Satanina sa akin. Paanong napunta 'yan sa'yo?" Tanong niya sa akin habang nakatingin parin sa libro kaya agad akong napangiti.
"Auntie Azania gave me this, tulungan ko daw ang mga nasa libro kaya 'yon ang ginawa ko." Ngiting sabi ko.
"Na siyang isa sa mga kalaban natin." Agad kaming napalingon sa harapan kung saan may lumitaw na isang babae mula sa gintong portal. Agad akong napatakip dahil kamukhang-kamukha niya si Venny, magkamukha talaga sila na para bang kambal. Hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon at hindi ako nagkakamali na siya si—
"Levinas." Tawag ng mga kasamahan ko, kasabay ni Auntie Levinas ay ang isang lalaki na may katangkaran at seryoso ang dating. May pakpak pa sa likuran nito na siyang mas lalo kong ipinagtaka.
"Kahit gusto kitang tanungin ng maraming tanong, pero gustong kong malaman kung bakit kalaban si Azania?" Seryosong tanong ni Specter kay Levinas.
"At bakit mo kami pinaghiwa-hiwalay? Bakit mo kami ipinalayo sa inyo?" Segunda ni Cylechter.
"Gusto ko man kayong sabihan ng salamat dahil ligtas kayong lahat pero hindi pa ito ang panahon para magpakampante. Hiniwalay ko kayo dahil 'yon ang tama, malalakas ang Eastherians na kaya niyang tapatan ang kakayahan niyong mga Diyos. Hindi sila bihira, hindi sila gano'n kadaling kalabanin at talunin. Hiniwalay ko kayo para mahirapan silang mahanap kayo, kaya makinig kayo, we need to save the others as soon as possible." Turan niya habang nakatingin lang sa mga kakilala niya, ni hindi man lang siya makatingin sa mga mata namin ni Venny o baka hindi niya lang kami napansin?
"Sabi ko na nga ba, may tinatagong baho ang babaeng 'yon." Seryosong bulong ni Specter.
"Levinas." Nagulat ako dahil hindi 'ina' ang tawag ni Venny kay Levinas. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Levinas, kung paano bumuka ng bahagya ang bibig niya na para bang hindi siya makapaniwala sa nakikita ng mga mata niya ngayon.
"Sabi ko na nga ba, magkamukhang-magkamukha sila ni Levinas." Turan ni Sonata at napatango naman ang iba.
"Levinas, he is your so—" Bigla nalang naputol ang sasabihin ni Wenessa dahil sa nagsalita na si Venny.
"I am not his son, Wenessa. Kapatid niya ako." Kung sila ay nagulat, mas lalong hindi pakapani-paniwala ang reaksiyon na meron ako ngayon. Nanginig ang tuhod ko na hindi man lang sigurado kung dahil ba sa sinabi niya, mga kamay kong napakuyom dahil sa poot, mga mata kong nag-iba ang paningin dahil sa sinabi ni Venny.
Sikreto na naman, sikretong wala akong alam, na sila palagi ang nagtatago.
"We are fooled."
Ito na ba ang ibig-sabihin ni Venny? That we are fooled? At sino naman ang nagsabi sa kaniya na kapatid siya ni Auntie Levinas? At paano s—argh! Nakakalito, nakaka-frustrate!
"Lauron." Tawag niya kay Venny kaya mas lalo akong nagtaka, nanghina dahil sa mga pinagsasabi nila.
Kailan ba matatapos ang mga rebelesasiyon? Ilang sikreto pa ba ang mabubunyag? Ilang tanong pa ba ang natitira na kailangang sagutin? Nakakainis dahil wala man lang akong alam! Wala akong masabi dahil hindi ko kayang sumabat sa usapan na hindi ko naman maintindihan!
"P-Paanon—"
"No'ng gabing dinala ka nila nanay sa mundo ng mga tao para iligtas sa mga kukuha sa'yo, hindi lang ikaw ang bitbit nila. Tayong dalawa ang itinago at naabandona pero hindi kagaya mo, mas kakaiba akong mag-isip. I can read minds dahil isa 'yon sa mga namana ko sa ninuno natin, unlike you, kaya mong gumawa ng sarili mong mundo." Hindi ako makapaniwala, ni hindi ako makasagot, ni hindi ako makahinga ng maayos dahil sa mga pinagsasabi nila.
"Lagi akong nakasunod sa'yo, hindi ako nagpakilala pero ang tadhana nga naman talaga dahil nagkasabay tayo no'n sa eskwelahan. Sinabi mo pa na bakit magkamukha tayo pero sinabi kong sa mundo ng mga tao, may tatlong tao na magkakamukha kaya pinaniwalaan mo kaagad 'yon. Sunod ako ng sunod sa'yo nang hindi mo napapansin, hanggang sa nadiskubrihan mo ang kakayahan mo ay siyang pagpasok mo na sa Avalon. Ako? Naiwan ako dahil hindi ko alam kung paano makapasok, hanggang sa naaksidente ako at inampon ng isang specialist." Dagdag niyang turan kay Levinas na ngayo'y naluluha ng nakatingin sa kaniya.
"Sorry Lauron! Hindi ko sinasadya, mahina pa ako no'n at maraming katanungang hindi pa nasasagot. I met our family here, hinahanap ka nila. Una palang, hindi ko maintindihan ang lahat nang bumalik ako sa Techlova, tinago ka nila sa akin dahil 'yon daw ang tama." Iyak na turan ni Levinas kay Venny na siyang ikinatango lang ni Venn—Lauron.
"Alam ko, I met them also. Hindi alam ng nag-ampon sa akin na kaya ko ng gamitin ang tunay kong kapangyarihan no'n at nakabalik ako dito sa Avalon. I met them, nag-bonding pero bumalik din ako kalaunan dahil baka hanapin ako ng specialist na 'yon but after that, my memories are gone. Wala na akong maalala pero bumalik ulit no'ng dumikit sa balat ko ang isang makapangyarihang hiyas."
"So mas nauna ka na palang nakarating dito Venn—or should I call you Lauron?" Hindi ko alam kung natotonohan ba nila ang sarcastic sa sinabi ko. Napatingin si Levinas sa akin at sa inaasahan kong reaksiyon niya, nanlalaking mga mata at hindi makapaniwala na pati ang pagluha niya ay natigil.
"G-Genesi—"
"I am not Genesis, I am her daughte—"
"At anong kasinungalingang sinabi sa'yo ni Azania para aminin mo sa lahat na ikaw si Alisis? Na anak ka ni Genesis na sa katunayan ay nasa Eastheria ang mga anak namin—natin?!" Sigaw niya kaya nagulat naman ako at halos matumba, buti nalang may umalay sa akin mula sa likuran kaya napatingin ako do'n—si Chester.
"A-Anong pinagsasabi mo?" Takang tanong ko sa kaniya. Ang bilis ng tibok ng puso ko, napakabilis.
"Ang specialist na sinasabi ni Lauron na nag-ampon sa kaniya, si Azania 'yon diba? Kasama ka ni Lauron, una ay hindi ko pinansin ang pagkakapareha namin ng mukha ni Lauron dahil nga sa sinabi niya pero ikaw ang inintindi ko dahil bakit ka nasa puder ni Azania? Naging bato ka no'n Genesis, and minding you, hindi ka si Alisis. And looking at you now, wala kang maalala na siyang kagagawan ni Azania." Sambit niya pero umiling-iling lang ako dahil hindi ako naniniwala sa kaniya.
"Matagal na nating nakasama si Azania, pero ako ang unang nakatuklas sa iba pa niyang kakayahan." Gusto kong pigilan si Aun—si Levinas, gusto ko siyang sumbatan na mali ang mga pinagsasabi niya dahil wala siya sa mga paa ko pero paano ko siya kokontrahin kung ang mga nakapalibot sa amin ay naniniwala sa kaniya? Na alam kong hindi rin sila naniniwala na ako si Alisis.
"Anong natuklasan mo Levinas?" Tanong sa kaniya ni Specter na nanggagalaiti nang nakatingin kay Levinas.
"Kaya niyang burahin ang alaala ng isang specialist, kaya niyang burahin ang presensiya nito at isa pa do'n, kaya niyang pekein ang hinaharap." Napasinghap ang mga kasamahan ko do'n dahil sa sinabi ni Levinas, ako? Blangko ang isipan, ang reaksiyon na hindi nagbabago.
"At oo, tama kayo. Alam na alam ni Azania ang mangyayari no'ng araw na 'yon pero ipinakita niya sa atin ang pekeng hinaharap. Una akala ko totoo, hanggang sa maalala ko ang lahat ng kakayahan niya." Dagdag pang turan ni Levinas at may lumitaw sa harapan niyang isang libro na katulad ng akin. Magkakulay, magkasing-laki at magkasing-kapal.
"No'ng una, akala ko isa itong libro ng Heiress, hindi ko alam ang tungkol sa librong 'yon kaya inakala ko isa itong libro na siyang hinahanap ng mga Eastherians. Pero sa iilang buwan, napapansin ko na puro kuwentong kakaiba ang nasa libro na ito, natandaan ko ang kalapating may dugo sa bandang puso kaya one thing I know, libro 'to ng kapangyarihan ni Azania." Turan niya.
"Nasa akin ang libro ng Heiress, libro kung saan malalaman mo kung isa ba siyang Diyos." Sabat ko pero kitang-kita sa mukha ko ang lungkot, galit, poot at pagkalito.
"Kaya nasa iyo 'yan dahil gusto niyang buuhin mo ang mga Diyos, gusto niyang magkaisa kayo kaya 'yon din ang pinagtataka ko. Hindi ko nababasa ang naiisip ni Azania, kalaban siya pero gumawa siya ng paraan na ikakatalo nila. Alam na alam niya kapag nagkasama tayong lahat ay mas lalo tayong lalakas, at si Dracunox. Ako mismo ang nagdala sa kaniya sa mundo ng mga bampira." Napatingin kami kay Dracunox, kung ano ba dapat ang itawag ko sa kaniya.
"Dracunox, nakita kita mismo sa gitna ng isla ng Satharia na walang malay, dinala ka namin ni Demeter sa mundo ng mga bampira at ipinakulong ka sa mga puting bampira. Alam namin na kaya mong lumabas do'n pero mas pinili mong maghintay ng tamang panahon na maalala mo ang lahat. Wala kang maalala pero ako ang tagabantay mo do'n, hoping na magbabago ka." Turan sa kaniya ni Levinas na siyang nagpatango kay Dracunox.
Hindi man lang nagsasalita ang lalaking kasama niya, siya ata si Demeter.
"Ikaw pala ang babaeng 'yon na palaging nakatingin sa akin mula sa malayo." Tumango si Levinas sa sinabi ni Dracunox at napatingin na naman siya sa akin.
"Hindi mo pa maaalala ang lahat Genesis pero ang importante ay napagtagumpayan mo ang misyon na siyang karapat-dapat na matapos. At ang importante ay maibalik mo si Menesis mundong 'to, siya lang ang makakabalik ng alaala mo." Turan nito at wala akong magawa kundi tumango, wala na akong boses para magsalita pa. Wala na akong ihaharap sa kanilang lahat, nakakahiya.
Tama si Venny, we are fooled. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa ba si Aunt—Azania kung magkita man kami. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung magkaharap kami ulit.
Hindi ko alam na ako, isa din palang sikreto na matagal na nilang itinago.
"Sorry." Napalingon ako kay Venn—Lauron na nasa harapan ko na pala.
"Ayos lang Lauron, ito naman ang tama. Palagi nalang akong napag-iiwanan, lagi nalang akong nahuhuli sa lahat ng impormasiyon. I'm so useless." Turan ko pero napailing lang siya sa sinabi ko.
"Venny or Lauron, I'm still your friend, bestfriend, ang baklang man hater na may mate na isang bampira na isa sa mga Apostles mo. And you are wrong, hindi ka useless dahil tignan mo! Nagkasama tayong lahat!" Ngiti niyang turan kaya napayakap ako sa kaniya at napaiyak.
"Tama kami ng hinala ni Spencer, ikaw nga talaga si Genesis. Ang anak mo Genesis ang siyang mas malakas sa lahat ng malakas, kaya nga nagtaka kami na napapagod ka kapag marami kang enerhiya na naipapalabas. Si Alisis, ang tunay na Alisis na nasa Eastheria ang siyang pinakamalakas na specialist sa buong Avalon. Kakayahan ng batang 'yon na sirain ang buong mundo, hindi nauubusan ng enerhiya at makapangyarihan ang batang 'yon." Napaharap ako kay Specter at sa isang iglap ay bigla nalang may patalim na gawa sa yelo sa kaniyang leeg na siyang ikinasinghap nilang lahat.
"Hindi ko gusto ang pagsisikreto niyo, I really hate it." Pagkasabi ko no'n ay siyang pagkatunaw ng yelo dahil sa apoy ni Dracunox.
"You are really my daughter." Ngiting turan ni Dracunox pero napalihis lang ako ng tingin.
"Si Genesis no'n, katawan ang kinokontrol. I didn't know na elemento na pala ang hilig mo?" Ngiting turan ni Levinas pero pansin niyang hindi ko maalala ang lahat ay siyang pagtikhim niya.
"Genesis, si Alisis ay may puting hibla sa buhok niya. 'Yon ang palatandaan ng anak mo." Turan ni Levinas.
"Levinas, kailangan nating kumilos." Turan ni Lauron.
"Yes, of course Titan God of Vampires." Nagulat naman si Lauron dahil sa alam ni Levinas kung ano ang kaniyang responsibilidad.
"The day na tinawag mo akong ina noon ay siyang pagkalito ko, pinaglaruan pala kayo ni Azania kaya ako naman ang sunod ng sunod sa inyo—sa iyo Lauron. Sa pagpasok mo sa Avalon, sa paggamit niyo ng pinto, sa pagkalaban niyo sa mga demonyo at sa pagpunta mo sa Verdugal Lauron, ang magkaroon ng mate na isang bampira ay siyang nasaksihan ko din. Hindi ko lang in-expect na magkikita tayo ngayon kaya ako nagulat. Hindi kasi kita nalapitan noon ng ganito kalapit." Ngiting sabi ni Levinas pero sinagot lang siya ni Lauron ng tango.
"Tara na." Gumawa sina Lauron, Levinas at Senny ng mga portal. Ang magkaiba ay mas matingkad at gintong-ginto ang kay Lauron, light gold naman kay Levinas at yellow naman kay Senny.
"May nakakalimutan pa akong isang Diyosa." Napatingin sila sa akin lahat dahil sa sinabi ko, nakatanaw ako sa isang litrato na may pangalan sa itaas nito. Her sad face, sad eyes and paled lips.
Tiyaka na ang problema ko, ang problema muna ng mga kasama ko ang uunahin ko. Total, immune na ata ako sa mga ganitong klaseng sitwasiyon. For sure, marami pang sikretong mabubunyag kaya nire-ready ko na ang sarili ko.
"Sino?" Takang tanong naman ni Wenessa at napatingin siya sa kambal. Agad nanlaki ang mga mata niya kaya alam kong kilala nila ang tinutukoy ko.
"S-Si Sarionaya."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro