Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 54

Alisis.


"Sigurado ka bang dito 'yon, Venny? Baka naman nagkakamali lang tayo." Turan ko sa kaniya habang nakatanaw ang mga mata ko sa paligid.

Hindi talaga mawala-wala ang mga puno, mukhang 'yon na nga talaga ang tourist spot nila dito sa Avalon. Mga magagandang bulaklak, mga magagandang insekto at mga magagandang hayop na hindi mo aakalain na nag-e-exist sa lugar na'to.

"I am sure of that Alisis, just wait. Binubulong sa akin na nandito talaga ang hinahanap natin." Tugon niya naman sa akin kaya taka ko siyang tinignan sa mga mata.

"Palagi mo nalang sinasabi na may bumubulong sa'yo, Venny. Minsan nagiging creepy ka na, baka may sumapi na talaga sa'yo ah?" Hindi 'yon pang-aasar pero paninigurado. Baka kasi kung ano na ang nangyari kay Venny do'n sa mundo ng mga bampira at napaka-weird na kung kumilos ni Venny.

"Alisis, ang hiyas na siyang dumikit sa balat ko ay nakakapagsalita at siya ang bumubulong sa akin. And I have my enhanced senses dahil kaagad kong nararamdaman na tama ba o mali ang isang direksiyon, tama ba ang sinasabi ng mga nilalang, tama ba ang nakikita o tama ba talaga ang lasa. That's being bitten, hindi naman siya mahirap pero nakakapanibago lang that you are acting—no I mean you are living with yourself as a vampire." Paliwanag niya naman kaya nakumbinsi niya naman ako.

"So nandito talaga ang Techlova na sinasabi mo? Lugar ng mga Hologram Specialist?" Tanong ko ulit sa kaniya at bahagya lang siyang tumango that he is very sure talaga na nandito ang lugar na 'yon.

"Sure ako, this power na nasa sistema ko ay malaking tulong dahil nalalaman ko kaagad ang katotohanan." Sinabi niya kaya agad akong natahimik.

Hindi parin maialis ang sinabi niya sa akin kahapon—you are not you— anong ibig niyang sabihin do'n? Malaking misteryo na naman sa akin ang sinabi niya sa akin lalo na ngayon na nalalaman niya kaagad ang katotohanan. Indeed, his power is very powerful na siyang hindi ka talaga makakaligtas, hindi makakaligtas ang sikreto mo na matagal mo ng itinatago kung meron man.


I remember Azumarill, kakayahang malaman ang sikreto pero kapalit ang buhay niya. Sa sinabi niyang 'yon, hinding-hindi ko makakalimutan ang kaba na naramdaman ko no'n, hinding-hindi ko makakalimutan ang takot na rumehistro sa mukha ko no'n dahil sa sinabi niya. At sino bang nilalang na ang katabi mong kausap ay wala na pala? Na patay na pala matagal na? That is so creepy, very very creepy na siyang ikinataas ng balahibo ko sa batok kapag naaalala ko ang sitwasiyon na 'yon.


"Coming from you Venny, the Titan God of Vampires. Hindi ko maiwasang hindi mamangha dahil at least may kasiguraduhan na ang existence mo dito sa Avalon. May responsibilidad ka na sa mundong 'to at sa mundo ng mga bampira. You're their king." Agad siyang napasimangot dahil sa last na nabanggit ko kaya agad akong napahalakhak.

"You know Alisis, minsan kasi ay kailangan natin mag-seek ng katotohanan dahil 'yon ang kailangan. Hindi purke't kilala mo na kung sino ka, sigurado ka ng lumaban na mag-isa. What you need is deeper, the real truth, 'yong makatotohanan talaga. 'Yong katotohanan na nanggaling talaga sa sarili mo, 'yong katotohanan na ikaw talaga ang tumuklas. Hindi 'yong lumaban ka kasama ang katotohanan na hindi ka sigurado kung totoo ba lalong-lalo na nanggaling sa iba." He is going deep, kakaiba na talaga ang Venny na kilala ko. I remember him as Venedict na ang palaging iniisip no'n ay si Hyros—his ex. He is always crying, he is always sniffing kaya nga nakakapanibago siya ngayon but I am happy for him. I am very proud of him.


Iniwan namin ang iba sa Town of Swords para maghintay sa amin. Sinabi namin na agad kaming babalik pagkatapos nito, hindi ko man alam ang dahilan ni Venny kung bakit siya nandito but I am very sure na para sa ikabubuti niya 'yon. I mean oo alam ko na nandito siya at para kay Auntie Levinas 'yon but there is part of me na hindi lang ang mama niya ang pinunta niya dito. May malalim pa na rason kung bakit siya kaagad pumunta dito.

Siya na mismo ang nagsabing agad niyang nalalaman ang katotohanan kaya alam kong katotohanan ang hinahanap niya ngayon.

Nagtaka naman ako dahil lumuhod si Venny at hinawakan ang lupa. The way he touched the ground, parang pinag-iingat-ingatan niya talaga na siyang mas lalong nagpapataka sa isipan ko. Saan ba ang Techlova na sinasabi niya? Nakakapanghiwaga talaga ang ikinikilos niya ngayon, he is very formal na kung magsalita na para bang hindi na siya ang baklang kaibigan ko. Para na siyang tunay na lalaki but I know, mahal niya ang mate niya na siyang dahilan kung bakit napunta si Venny sa puntong kaya niya ng protektahan ang sarili niya at ang nasa paligid niya.

And I'm so proud dahil isa siya sa mga Apostle ko, na isa siya tagapagligtas ko if ever na manghina ako. Kahit alam kong may mga kasalanan pa sila sa akin, I still trust them dahil alam kong sa ikabubuti ko din lahat. Na sa ikabubuti din ng puso ko ang ginagawa nila and I love them so much.


Si Sera, Chester at si Venny—sila na ang naging kasangga ko nitong mga nakaraang araw at buwan, minuto at oras. Hindi nila ako pinabayaan, iniwan pero binalikan kaya hinding-hindi ako magsasawang iligtas din sila sa kapahamakan, they deserve love, and they deserve happiness of what they have now.


I am happy for Chester dahil at least hindi na siya bully, the reason why I revive his life is for him to realize that bullying and stepping others are not good. Binuhay ko siya no'n para maranasan din niya ang bullying pero hindi ata uso ang bullying dito dahil hindi nakaranas no'n si Chester but still he manage to stand up with his dignity now. May ipinagmamalaki na siya, na kahit ang sikretong matagal niyang itinago ay nakaya niya paring ibulgar sa akin, nakaya niyang sabihin para lang hindi ako magtampo.


Gano'n din kay Sera, I am happy dahil malakas na siya ngayon at may pinagmamalaking kapangyarihan. Alam niya na kung paano lumaban, kung paano maging immune sa sakit at paano maging pursigido palagi. She is very nice, nakakapaghinayang lang ng kaunti dahil kaibigan niya ako pero may itinago siya sa kin but still, I accepted her dahil 'yon naman dapat talaga ang gawin ko. Hindi ako naghinayang na nakilala ko siya, hindi ako naghinayang na binuhay ko ulit siya dahil para sa akin, importante na din siya sa akin. And she is happy now dahil nandiyan na ang pamilya niya na matagal niya ng hinanap, matagal niya ng gustong makausap at mayakap.


And Venny, I am happy for him dahil nakita niya na ang halaga niya sa mundong 'to. Na hindi lang pag-ibig ang iniisip, na hindi lang ang pagsumpa ng lalaki ang dapat gawin. I am happy for him dahil nahanap na niya ang sarili niya, nakita na niya ang tunay niyang halaga. Alam niya na ang buong katotohanan para sa kaniya, and he is now powerful dahil sa responsibilidad na meron siya ngayon. I love him also, tanggap ko siya kahit anong nilalang pa siya, tanggap ko siya kahit anong meron siya at tanggap ko siya dahil siya si Venny, my bestfriend.


"Sabi na nga ba, nandito lang ang Techlova." Agad akong napatingin sa kapaligiran at nagulat ng bahagya pero makikita sa mga mata ko ang pagkamangha.


Ang ibang corners ay nagbabago, nagsilitawan ang mga kabahayan na hindi naman masiyadong kalakihan pero alam mong well-organize. Walang kalat, walang anong bahid ng kasamaan at wala kang makikitang malungkot dahil lahat ng mga specialist dito ay ang sasaya kung tignan.


May mga hologram sa itaas na makikita mo ang mga specialist na kagaya namin na naglalakad, its like a CCTV kung sa mundo pa ng mga tao. It's very nice, nakakalula but at the same time, it so magical. May mga installments din, fast food chains na may mga kaniya-kaniyang holograms at may parang pinipindut-pindot na parang mga computers. Their powers are so creative, pati mga bahay ay may mga hologram katulad nalang ng mga malilit na hologram image, someone click it, at may tumunog mula sa loob ng bahay. I think it's a doorbell, ang galing!


"Hindi sila kaagad nagpapasok dito, nalalaman nila ang presensiya ng mga specialist dahil sa mga hologram cameras na nasa itaas. Nakikita nila ang nasa labas ng Techlova, hindi lang 'yon dahil may mga cameras din sila everywhere kaya updated sila palagi sa mga nangyayari." Turan niya kaya napatango nalang ako.


"Hindi ko alam na may mga alam ka pala sa mga ganito, I didn't expect that you know this place Venny." Turan ko na siyang ikinangiti niya lang.

"Let's just say na may bumalik na alaala, and someone's talking to me in my mind." Napairap nalang ako dahil sa pasikut-sikot niya. Hindi nalang niya sabihin na may bumubulong na naman sa kaniya kaya alam niya ang lugar na'to.

Lumapit si Venny sa isang lalaking matanda na halata sa mukha ang galak dahil sa pagkakita niya kay Venny. Nagkausap sila at bahagya pang sumilip sa akin ang matanda at bumalik ulit ang tingin niya kay Venny. Tumango lang ang matanda sa kaniya, hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ng matanda. Magkakilala kaya sila? Nakarating na ba dito si Venny before?


Kung nandito lang ang iba kong kasamahan ay sigurado akong mamamangha sila sa lugar na meron ang Techlova. High technology talaga sila dito, ang daming gamit na lumilipad, mga installments na may kakaibang tugtog, mga pigura na lumalabas at nagpapalit ng image na para bang billboard sa buong Manila.


"Alisis, may pupuntahan lang ako na bahay at madali lang ako. Just enjoy yourself here at roam around okay? Hindi ka mapapagod niyan, sige bye!" Magsasalita pa sana ako nang mawala na siya sa paningin ko, he used his vampire speed.

Napabuntong-hininga nalang ako dahil wala naman akong choice kundi gawin ang sinabi ni Venny. I walk around, minsan napapansin ko ang mga ilang matang nakatingin sa akin pero alam ko naman na naninibago lang sila dahil bago lang ako dito. Hindi ata sila sanay sa mga bagong presensiya kaya inintindi ko nalang.


Lumapit ako sa isang fast food chain at pumasok do'n, alam kong bago lang ako dito pero 'yong mga mata nila mapanuri ay nakakahiya at para bang kilalang-kilala nila ako.


Lumapit ako sa counter at pumili ng makakain, ang galing dahil katulad lang din sa Jollibee ang services nila dito. 'Yong mga pagkain ay hindi malayo sa pagkain sa mundo ng mga tao, it's very nice talaga dito sa Techlova.

"Miss, isa ngang one piece chicken tapos salihan mo nalang din nito ng pineapple juice." Ngiting order ko sa babaeng cashier, nakatingin lang siya sa mga mata ko kaya agad akong nakaramdam ng awkwardness.

"Miss?" Tawag ko sa pangalan niya na siyang ikinakurap ng mga mata niya kaya agad naman akong ngumiti ulit.


"Ikaw 'yong nagligtas sa amin sa mga kalaban no'n. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha mo girl." Agad naman akong nagtaka sa sinabi niya pero agad ko namang na-realize ang sinabi niya.


Galing na pala si ina dito, may naitulong na naman pala ng maganda si ina.

Ngumiti nalang ako sa kaniya at hindi na sinabi na hindi ako 'yon. Hinayaan ko nalang siyang ikinilos ang order ko at agad niya namang iniabot ang pagkain. Sabi niya libre nalang daw kaya natuwa naman ako kaagad.


Ilang minuto ay bumukas ang pinto at niluwa do'n si Venny, agad akong nagtaka dahil sa ekspresiyon niya. He is being serious again, ano ba talaga ang nakita niya dito? O ano kaya ang nakalap niyang impormasiyon?


"Venny? Bakit ganiyan itsura mo? May nangyari bang masama? Where's Auntie Levinas?" Tanong ko sa kaniya, umupo siya sa harapan ko kaya mas lalo akong kinabahan dahil sa seryosong mga mata niya.


"Alisis, we are fooled." Nagtaka naman ako sa sinabi niya, anong ibig niyang sabihin na we are fooled? Ano na naman ba ang nangyari?


"Teka Venny, ano bang pinagsasabi mo? Bakit parang may nakalap kang impormasiyon na hindi mo nagustuhan?" Tanong ko ulit na siyang ikinabuntong-hininga niya ng malalim. Tinignan niya ako sa mga mata ko, nanibago man pero nagsukatan kami ng tingin.




"Alisis, one thing I know, hindi ko ina si Levinas."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro