Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 52

Athena.




"Masiyado ng magulo ang buong Satharia dahil sa presensiya niyo, dahil sa inyo ay unti-unti nang nababalutan ng takot at pangamba ang buong estudyante sa loob ng Academia." Habang nakaupo kami sa malambot na kulay itim na sofa, ang mga seryosong mata na siyang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya, ay siyang hindi rin kami makapaniwala dahil sinisisi niya kami sa lahat ng mga nangyayari dito.


"Diba dapat ikaw ang sisihin?" Napalingon kami kay Wenessa dahil sa biglaan niyang pagsabat. Agad siyang tinignan sa mga mata ni Avanza, the Headmistress of this Academia na ngayon nalang namin nakita matapos ang labanan no'n between Satharia at Natharia.


"Paano mo naman nasabing ako dapat ang sisihin, estudyante? At may karapatan ka pa talagang sabihin iyan sa harapan ng mas nakakataas sa'yo?" Seryosong turan ni Avanza pero napangisi nalang ako sa sinabi niya.



"We are not your students, we are here for a mission. Misyon na siyang ikakapayapa ng buong Avalon, eh ikaw? May nagawa ka ba para maging payapa ang buong Satharia? Ang buong mundo? At kinokonsidera mo pa talaga ang sarili mo na mas mataas sa amin eh wala ka ngang nagawa?" Hindi mawala-wala ang ngisi sa labi ko para pang-inis kay Avanza. Napansin kong natigilan siya dahil sa sinabi ko, napansin kong hindi siya makahanap agad ng isasagot.




"Titan Goddess of Reincarnation? Totoo ba talaga na 'yan ang responsibilidad mo sa mundong 'to? At 'yon ang ginagawa mong dahilan para hindi ka lumabas ng Satharia at magtago nalang na parang isang hayop na naduduwag sa paparating na bagyo?" Dagdag kong turan sa kaniya, ewan ko ba pero ang apoy na meron ako ay nakakaramdam din. Ang apoy na galing sa isang dragon ay parang nagsasabing hindi siya isang Titan Goddess of Reincarnation, na nagsisinungaling lang siya, na may itinatago siya sa amin.




"I am the Titan Goddess of Reincarnation, at huwag kang pasisiguro na isa akong hayop na nagtatago lang sa paparating na bagyo. At anong sinasabi mo na wala akong nagawa sa buong Avalon? Sa buong Satharia? Naitayo ang eskwelahan na'to para mabihasa ang mga kapangyarihan ng mga Satharians. Sa sitwasiyon na 'yon, may naitulong na ako, may naipundar na ako sa buong Avalon." Siya na ngayon ang nakangisi, siya na ngayon ang lamang sa amin pero hindi ako magpapatalo.



"Pero hinayaan mo si Dracunox na sakupin ang buong Natharia at muntikan na ang iba pa. Anong naitulong mo sa laban? Kung hindi pa dumating ang lola nina Menesis at Genesis ay hindi ka gagalaw, hindi ka kikilos. Bakit? Pipigilan mo ba talaga ang laban na 'yon kung hindi dumating ang babaeng 'yon? Kung hindi dumating ang Titan Goddess of all Goddess?" Balik bato ko sa kaniya kaya siya naman ngayon ang natigilan dahil sa sinabi ko, ako na ngayon ang nasa tamang puwesto.




"Wala kang karapatang sabihin 'yan sa aki—"



"At may naitulong ka ba no'ng mawala ang isa sa mga estudyante mo?" Turo ko kay Seyvana na ngayo'y nakayuko na dahil sa hiya.


"She was took by a Devil Lord at muntikan na siyang pag-eksperimentuhan, bakit kami pang mga taga-Natharia ang kumilos? Bakit walang nakaalam sa pagkawala ng isa sa mga estudyante niya? Bakit hindi man lang kumilos ang mga Royal blooded? Ang mga Diyos ninyo?" Dagdag ko pang turan at napansin ko ang pagtayo ni Daneel at masama akong tinignan.


"Dahil hindi kayo nakinig sa amin! Ang sabi namin, kami na ang bahalang humanap sa kaniya pero nagmatigas parin kayo!" Sigaw niya sa akin at isa-isa kaming tinignan sa mga mata kaya agad akong napangisi.



"Bakit? Bakit kayo nagpapigil? Diba mga Royal blooded kayo? May karapatan, mas maharlika at mas may karapatang tumulong dahil estudyante niyo ang nawala? Pero ano? Wala kayong nagawa, wala kang nagawa Daneel. Isa lang kayong display sa Satharia, mga laruan." Sa sinabi kong 'yon ay akmang susugod siya sa akin nang bigla nalang kaming napatingin sa harapan at kita namin ang lamesa ay nahati na ngayon sa dalawa.


Nakita ko ang palad ni Avanza na siyang nakakuyom, may kaunti pang galos ang kamao niya. Sinungaling nga siya, hindi ganiyan ang kakayahan ng isang Titan Goddess of Reincarnation. Hinati niya ang lamesa—ang metal na lamesa gamit lang ang kamao niya. Pero hindi nawala sa paningin ko ang bahagyang pag-usok ng kamao niya. She is really something, pretty liar huh?


"That's enough, wala kayong karapatang isumbat sa amin ang trabahong dapat sa amin. Hindi namin kasalanan kung lampa at tanga ang isang estudyante kaya nakukuha ng mga halimaw." Agad nangngitngit ang mga ngipin ko dahil sa sinabi ni Avanza at napatingin kay Seyvana na ilang segundo nalang ay maiiyak na. Napansin ko ang pagsama ng tingin ni Wenessa at ang pagseryoso ni Cylechter dahil sa kahangalang sabi ni Avanza.



"Huwag kang iiyak, Seyvana." Dinig kong sabi ni Senny kaya masama kong tinignan si Avanza.



"Hindi makukuha ng kalaban ang estudyante mo kung hindi rin tanga ang namumuno dito, sino ba ang tanga na buksan lang ang gate ng Satharia Academia? Avanza, malalaman at malalaman ko din kung sino ka at kapag nalaman ko 'yon, Aragaduos will spit fire to your face!" Singhal ko sa kaniya at nakita ko kung paano nagulat ang mga mata ni Avanza dahil sa sinabi ko, hindi ko alam kung saang parte ng sinabi ko siya nagulat pero alam ko, tanga din siya.


Nagulat ako dahil sa bilis niyang kumilos at namalayan ko nalang ang sarili ko na nakaangat sa ere habang sakal-sakal niya. Hindi ako makakilos, she is quite strong at parang papatayin niya na ako sa sakal niya! She have this incredible strength too!



"Athena!" Akmang lalapit sa akin si Cylechter nang pigilan siya ng mga kamay ko na sinesenyasan na huwag lumapit.



May namumuo sa utak ko pero hindi ko kayang tanggapin, hindi ko kayang isipin na posibleng siya.



Agad kong hinawakan ang likuran niya na akala niya ay kumukuha lang ako ng balanse pero hindi niya alam ay may inaalam ako. Agad ko 'yong niliyab, agad kumalat ang apoy sa likuran niya at do'n niya na ako nabitawan.



"Wala kang karapatang banggitin ang pangalan ng isang dragon! Wala kang ka—"


"Dahil siya ang asawa mo diba?" Agad kaming napatingin kay Seyvana dahil sa pagputol niya sa sasabihin sana ni Avanza na nasa likuran na pala nito.



Nanlaki ang mga mata ni Avanza at kaagad sinugod si Seyvana pero bago 'yon ay pumaharap na sa kaniya si Wenessa na nagliliwanag na ang kamao. I think nag-ipon siya ng lakas galing sa buwan kaya ganiyang kung kaliwanag ang kamao niya. Ngayon ko nalang nakita ang kamao niyang nagliwanag after that fight between us.


Natigilan si Avanza sa pagsugod at napatingin sa akin.



"Siya ang ina mo, Athena. May tattoo siya sa likuran niya, a dragon tattoo. Diba sabi ni Aragaduos? 'Yon ang simbolo na they are mate, na magkakonekta silang dalawa." Dagdag na turan ni Seyvana kaya hinay-hinay lang akong napatango.



Nakita ko si Avanza na nagtataka na ngayon habang palipat-lipat na ang tingin niya sa amin. Habang ang ibang Royal blooded ay walang maintindihan—natural na hindi nila maiintindihan dahil kayamanan at karapatan lang ang iniisip ng mga 'yan. Si Satro lang ang matino sa kanilang lahat.




"A-Anong ina? At bakit niyo ba kilala si Aragaduos?! He is my mate, my dragon mat—"



"I am her daughter, the eldest daughter. And Aragaduos, my father told me to find you pero hindi ko naman inaasahan na ikaw pala ang matagal ko ng hinahanap. Nagtatago ka lang pala, The Titan Goddess of Strength." Turan ko na mas ikinagulat niya, na mas ikinalaki ng mga mata niya kaya napatango ako sa reaksiyon na meron siya.


"Alonna, i-ikaw si Alonna?" Taka ko namang tinignan si Avanza dahil sa tinawag niyang pangalan and she's looking at me.


"Enexx, sino ang nagpangalan sa akin ng Athena no'n?" Tanong ko sa kaniya pero nakatingin parin ako kay Avanza.



"Ak—si ina, siya ang nagpangalan sa'yo ng Athena dahil daw sa lakas na meron ka at t-tapang." Hindi ko naman maintindihan kung bakit nautal si Enexx pero hindi ko na 'yon pinansin at seryoso lang tinignan sa mga mata si Avanza na naluluha na ngayon.



"It's really nice to meet you, mother. By the way, my father really loves you at pinahanap ka niya talaga sa akin and I understand him. Hindi tayo nababagay sa impyerno, pero hindi din ako nababagay sa lugar na'to na puno ng mga duwag." Sabi ko sa harapan mismo ni Avanza.


Kanina palang akong may duda dahil sa lakas na meron si Avanza at ang kamao niyang umuusok. May ideya ng pumasok sa isipan ko pero hindi ko lang matanggap na siya, I'm just imagining myself choked by my mother with her strength power. I can't believe this! My mother, kapatid ni Dracunox na siyang kalaban namin. Menesis and Genesis, they are my cousins.



"A-Alonn—"


"It's Athena, huwag mo akong tatawaging Alonna dahil ayoko sa pangalan na 'yan. Masiyadong ma-prinsesa, masiyadong pangduwag ang pangalan na 'yan at galing din sa isang duwag." Mahanghang na turan ko.


"Hoy Athena! Hindi ibig-sabihin na anak ka ng Headmistress ay puwede mo na siyang ganiyanin, sumusobra ka na! Mommy mo siya!" Tinignan ko si Gemartha dahil sa sinabi niya, she is acting like a kid na alam niyang hindi na siya bata.



"Don't butt in, wala kang alam." Seryoso kong turan na siyang ikinatahimik niya, umupo nalang ulit ako sa sofa at pinanuod si Avanza na umiiyak na nakatingin sa akin. Tumayo siya at naglakad papunta sa upuan niya kaya malaya kong tinanaw ang likuran niyang may tattoo nga ng dragon. She is really my mother, and I am her flesh.


"Avanza, kung hindi ka duwag, matagal mo na akong hinanap. Matagal mo na akong pinahanap, matagal na sana tayong nagkasama at matagal na sana tayong masaya. Pero tinago mo ang sarili mo sa maraming responsibilidad, tinago mo ang sarili mo sa iba't-ibang sitwasiyon." Salita ko ulit at napansin ko ang pagbuntong-hininga niya ng malalim.



"I-I know that, ako mismo ang nagdala sa'yo sa Natharia." Agad akong napatingin kay Enexx dahil sa sinabi ni Avanza, akala ko silang ina ang nakahanap sa akin? Akala ko ang ina ni Enexx ang nakakita sa akin?


"I don't know, Athena. 'Yon ang sinabi sa akin ni ina no'n." Agad niyang turan kaya napatango nalang ako dahil wala ring papatunguhan kong aawayin ko si Enexx dahil lang sa sinabi ni Avanza.



"Kilala ko ang nagkupkop sa'yo, pero hindi na kita nabisita dahil sa matinding problemang kinakaharap namin ni Dracunox. Kung hindi niyo pa alam, I already stopped my brother for his plan na kunin ang mga kapangyarihan ng mga natitirang Diyos. Gumawa kami ng istorya na kapag isa kang anak ng dalawang Diyos ay isa kang sinumpa at dapat kang dalhin sa Natharia at gawing alyansa pero ang totoo, papatayin ka at do'n ako nagsisi." Sa sinabi niyang 'yon ay hindi na ako nagulat dahil alam ko na 'yan, siyempre nasa puder ako ni Dracunox noon.


"Gumawa ako ng paraan, gumawa ako ng sitwasiyon na magpapatigil kay kuya kaya nagdeklara ako ng labanan. Ako mismo ang nagsimula ng labanan, at bago 'yon ay lumapit ako kay kuya at hinawakan siya sa kamay para sa suporta. Pero hindi niya alam, sa paghawak ko sa mga kamay niya ay siyang paghigop ng apoy ko ng iba sa mga kapangyarihan niya. Ang apoy ng dragon na siyang nasa sistema ko ay kayang humigop ng kapangyarihan at enerhiya kaya hindi napagtagumpayan ni kuya ang laban at napatay siya ni Devonna. Hindi rin totoo na pinalakas niya kayong mga kakampi niya, hindi kayo lumakas, naging rebelde lang kayo sa panahon na 'yon dahil sa sinabi niyang mas nagpatimbang ng mga galit niyo." Mahabang salaysay niya sa amin.


I remember what Dracunox told me, 'sasabihin ko sa'yo kung sino ang Diyosa na nakasiping ng iyong minamahal no'n'. Kaya do'n na ako nagwala at mas ginalingan sa pakikipaglaban dahil sa wakas, malalaman ko na kung sino ang babaeng 'yon pero wala din namang nangyari.





"Ngayon Alon—Athena, ngayon mo sabihin na wala akong nagawa para sa mundong 'to. Pero aaminin ko, hindi sapat 'yon dahil hindi namin alam na may isa pa palang isla na naghahangad ng malaking trono, malaking karapatan para sa Avalon. The Eastherians, gusto nilang sakupin ang buong Avalon even the other worlds. Kilala ang mundo natin sa pinakamalakas, nandidito ang mga nilalang na kayang gunawin ang mundo." Napatango nalang ako sa sinabi niya at napatayo, I guess I'm enough here.



"Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Seyvana kaya nilingon ko siya.



"I'm done here, and I guess tapos na lahat ang misyon na meron ako. Alam ko naman na nasa kamay ni Avanza ang kapatid kong bunso." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay nilingon ko si Avanza na may kakaibang ekspresiyon sa mga mata niya, lungkot, tuwa at anu-ano pa na siyang nararamdaman ng isang ina kapag nakita ang matagal nang nawalay na anak.



"Avanza, sabihin mo sa akin ang pangalan niya at ako na ang magpapaliwanag ng lahat." Turan ko na siyang ikinatango niya.



"Olcor."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro