Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 51

Alisis.





"Pero hindi tayo sigurado kung nandodoon nga si Devos sa Westheria. Puwedeng ibang rebulto ang pinupunto niya." Turan ni Sonata kaya napabuntong-hininga nalang ako.


"Sonata, walang ibang rebultong tinutukoy si Devos kundi ang rebulto ng kaniyang ina. Kung ayaw mong maniwala at kung ayaw mong makita si Devos, ayos lang naman kung dumito ka nalang muna." Seryosong turan ni Specter at napatango nalang si Spencer.



Kanina pa kami dito at pinipilit si Sonata na sumama, kailangan namin siyang dalhin sa amin para makumpleto na ang mga Diyos. Kailangan nilang magkaisa para matalo ang mga kalaban—para matalo ang mga Eastherians.



"Nakakairita ka na alam mo ba 'yon? Ang dami naming gagawing misyon pero nandito kami at pinipilit ka at sinasayang ang oras namin."


"Sera!"

"Serafina!"

Sigaw naming sabay ni Chester pero hindi natinag si Sera at hinarap pa si Sonata.


"Alam mo naman ata na hindi lang ang problema mo ang dapat naming problemahin diba? May mga problema din kami na kailangan namin isolba, may mga misyon pa kaming dapat gawin at kung tutuusin, mas importante ang misyon namin kaysa hanapin namin 'yang lalaking kinakabaliwan mo." Mahabang salaysay ni Sera kaya napailing nalang ako. Hindi mo talaga mapipigilan si Sera kapag gusto niyang magsalita, ibang-iba na siya sa Sera na nakilala ko no'n pero ayos lang naman. At least alam niya at natutunan niyang maging matapang at malakas and I'm so proud of her for that.



"Tama siya Sonata, nasa sa iyo din kung gusto mong sumama o dito ka lang at maghintay sa wala." Sabat naman ni Satro kaya agad siyang napatingin sa kaniya at napatango like she doesn't have any choice.



"Pero paano nalang kung may kalaban? Hindi natin sila kakayanin, they are strong and it's enough for them to break us all." Hindi parin mawala sa mga mata ni Sonata ang pag-aalala at takot na baka hindi na siya makabalik ng buhay. Nasa mga mata niya ang takot na baka ano ang magiging posibleng resulta kapag nakarating na kami do'n.


"Huwag kang mag-alala, kakayanin natin sila. Hindi tayo magpapatalo, hindi tayo magpapatumba nang gano'n-gano'n nalang. Lalaban tayo Sonata dahil kailangan, lalaban tayo dahil para sa mga kasamahan nating naging bato." Napatango kami sa sinabi ni Specter at pansin kong seryoso lang na nakatingin si Spencer kay Sonata.


Magkaiba nga talaga ng ugali ang magkambal, seryosong-seryoso si Spencer at hindi palasalita at kabaligtaran niya naman si Specter na halos palagi nalang sumasabat sa usapan. Pero kapag naging seryoso ay mahahalata mong halos magkamukha na sila.



"We are here to help!" Napalingon kami sa may sumigaw at halos manlaki ang mga mata ko—no! Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa hindi makapaniwala na nasa harapan namin siya!


"Venedict!" Sigaw naming sabay ni Sera, ang ngiting matamis ni Venedict ay ngayo'y naging simangot kaya natawa nalang ako.


"It's Venny nga, lagot kayo sa mate ko kapag tinawag niyo akong Venedict." Hindi ko alam kung anong meron sa mate niya pero at least nandito na siya.


Agad ko siyang dinamba ng yakap at pansin kong nakatingin lang sa likuran ko ang mga kasamahan ko sa ginagawa ko ngayon. Pagkahiwalay ko ay agad ko siyang sinimangutan dahil naaalala ko parin ang ginawa niyang pag-alis na hindi man lang nagpaalam.


"Umalis ka nalang bigla Venny, ni hindi mo kami sinama sa misyon mo."  Simangot kong sabi sa kaniya kaya napahagikhik siya.


"Mas ayos lang na hindi ka sumama, kapag sumama ka sa akin ay hindi ka makakarating sa ganitong sitwasiyon. Hindi mo sila mahahanap." Turo niya sa likuran ko kaya napatingin din ako do'n.



Pero may kakaiba kay Venny, may kakaiba sa presensiya niya, may kakaiba sa kinikilos niya, may kakaiba lahat sa kaniya na pati ang mga mata niya ay hindi na magkatulad ng kulay kaya agad akong napadistansiya sa kaniya ng kaunti.




"Bakit nag-iba na ang kulay ng mga mata mo? Bakit nag-iba ang presensiya mo? Bakit parang nadagdagan ang lakas na meron ka Venny?" Taka kong tanong sa kaniya ng sabay-sabay kaya napabuntong-hininga siya.



"Pagkaalis ko Alisis, napunta ako sa Verdugal, mundo ng mga bampira." Sa sinabi niyang 'yon ay napasinghap ako dahil sa hindi inaasahan at makapaniwala.



"Verdugal? Mundo nga 'yan ng mga bampira." Dinig kong turan ni Specter.


"Anong ginawa mo do'n?" Tanong ko ulit at ngayon ay siya naman ang napabuntong-hininga.


"Hindi ko nakontrol ang kapangyarihan ko no'n kaya hindi ko alam kung saan ako napunta. Pero ensaktong sa mundo ako ng mga bampira napunta, nakasama ko do'n ang mate ko." Tugon niya naman kaya napatango ako sa sinabi niya.



Ayan na nga ang sinasabi ko, kapag wala siya sa konsentrasiyon ay sa ibang destinasyon siya mapupunta.



"Kaya pala ganiyan ang kulay ng mga mata mo." Napatingin kami kay Spencer.


"That eyes, you are bitten already." Dagdag na turan ni Spencer kaya agad akong napatakip sa bibig ko at hindi makapaniwalang tinuro ang mga mata niya.


"Ganiyan talaga ang resulta kapag isang specialist at bampira ang magmamahalan." Segunda naman ni Specter kaya naiintindihan ko na.


"Kaya ginto at pula ang kulay ng mga mata ko, and I am now specialist-vampire." Ngiting turan ni Venny kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa saya ng mga mata niya, nagpapakita ang mga mata niya ng puno ng galak sa buhay. Ang saya niya nga do'n, pero mapapawi din dahil nandidito na naman siya.




"Hindi ka ba magsisisi na bumalik dito Venny?" Tanong ko ulit kaya nakita ko ang pagkaseryoso ng ekspresiyon niya.




"Dito ako belong, Alisis. Even I'm an halfbreed, dito ako unang namulat kaya hinding-hindi ako magsisisi na bumalik dito. At tiyaka, I am your Apostle right? At tiyaka, I'm your bestfriend right? Magtutulungan pa tayo at ngayo'y mas malakas na 'ko, I can help you to beat those Eatherians." Napangiti ako sa pagpapaliwanag niya kaya agad ko siyang dinamba ulit ng yakap.



"Alam mo ba Venny na iyak ng iyak 'yan si Alisis dahil baka kung ano na ang nangyari sa'yong bakla ka?" Dinig kong sambit ni Sera kaya naramdaman ko ang pag-angat-baba ng balikat ni Venny and some noise from his mouth. He is laughing!

"Of course bruha! Mami-miss niyo talaga ako kasi wala na kayong magandang kasama!" Napatawa nalang do'n sina Chester at Sera pati narin ako.


"Okay na sana eh, dinagdagan pa." Natawa nalang ako sa sinabi ni Chester.


"Hindi ko parin maiwasang hindi mailang, mga ugali nilang pang-tao." Dinig kong bulong ni Sonata. Humiwalay na ako sa yakap pero may napansin akong dalawang nakatayo sa likuran ni Venny, hindi gano'n katandaan pero mararamdaman mo ang kakaibang lakas. Ang babae, katulad niya ng presensiya si Sera.



"Sera, may kasama pala ako. They're looking for you for a long time." Biglang hinawi ni Venny ang daan at do'n bumulaga kay Sera ang dalawang specialist. Nilingon ko si Sera at napansin ko ang pagluha ng mga mata niya kaya agad kong na-gets ang lahat.




Her family.



Nando'n nga pala sa mundo ng mga bampira ang mga magulang niya dahil sa paghuli sa kanila ng mga bampira. Buti nalang dumating do'n si Venny at nahanap niya ang mga magulang ni Sera. May naitulong naman pala ang pagkawala ni Venny.


"M-Mom at Dad?" Napatango nalang ang mga magulang niya kaya agad silang nagyakapan, naramdaman kong may umakbay sa akin kaya napatingin ako kay Chester na ngayo'y nakangiting nakatanaw sa mukha ni Sera.



"Kailangan ka aamin kay Sera, Chester?" Tanong ko sa kaniya na ikinagulat niya kaya agad siyang napatingin sa akin. Pero pansin niyang hindi ako nakangiti kaya agad niyang inilihis ang mga tingin sa ibang direksiyon at napabuntong-hininga.



"Tiyaka na kapag ayos na ang lahat, ayos na akong nakikita si Sera na masaya kasama ang pamilya niya." Turan niya kaya agad akong napatango at napangiti.


"Dapat maging masaya ka rin, katulad nang saya na meron siya." Turan ko sa kaniya pabalik at napangiti naman siya do'n.



"Siya kasiyahan ko, makita siyang masaya ay masaya na rin ako." Ako naman ang napangiti dahil sa sinabi niya.


"Alisis, may kailangan kang malaman." Napatingin ako kay Venny dahil sa sinabi niya at agad namang bumungad sa akin ang seryoso niyang pagmumukha.


"Ano 'yon Venedict?" Tanong ko na rin kaya agad siyang napatikhim. Kinabahan ako sa inaakto niya ngayon.



"Hindi ikaw ang nagbigay kay Sera ng kapangyarihan, ikaw lang ang bumuhay sa kaniya." Nagtaka naman ako sa sinabi niya at agad akong napatingin kay Sera.


Her family are specia—what?! Specialist ang mga magulang ni Sera, kahit hindi ko—argh! Ang gulo!


"Hindi mo pa siya nabubuhay, may kapangyarihan na siya sa sistema niya. Specialist ang mga magulang niya Alisis kaya may kapangyarihan din siya noon pa man." Agad akong nanghina dahil sa sinabi ni Venny.



"I knew it." Hindi ko nalang pinansin si Spencer at kaagad napatingin kay Sera na ngayo'y nakatingin na pala sa akin habang tumutulo ang luha galing sa mga mata niya.



"Patawarin mo 'ko Alisis, hindi ko gustong itago ang lahat pero natatakot ako na kapag malaman mo ay lalayo ka sa akin—kayo." Napangiti nalang ako ng tipid dahil sa sinabi niya.


"Hindi ka ba nag-iisip, Sera? Una mong nalaman na may kapangyarihan kami, puwede mo namang sabihin na may kapangyarihan ka. Maiintindihan ka namin, maiintindihan kita, hindi 'yong para akong tanga na iyak ng iyak no'n dahil sa kasalanan kong pagbigay ng kapangyarihan sa'yo. Nababaliw ako sa kakaisip kung kakaibiganin mo pa ba ako pagkatapos kong pagbigay sa'yo ng kapangyarihan na ayaw na ayaw mong magkaroon." Hindi ko maiwasang hindi maluha dahil sa mga rebelesasiyon.



"Ang mga specialist ay hindi kaagad namamatay, paano ka niya nabuhay?" Napatingin kami kay Specter dahil sa sinabi niya at tumingin ulit kay Sera na nakayuko na ngayon habang yakap ng mga magulang niya mula sa kaniyang likuran. Mas lalo akong nasaktan dahil sa ipinapakita ng mga magulang niya ngayon na para bang pinagmumukha nila na ayos lang ang lahat dahil nandiyan sila para kay Sera.



"Hindi naman dapat ako mamamatay sa pagligtas ko kay Alisis, pero bago 'yon ay may kumawala na sa sistema ko na siyang ikinabaliw ko. Hindi ko alam kung bakit sinagot-sagot ko ang kumupkop sa akin basta ang alam ko ay naghahanap ang sistema ko ng kamatayan at sa isang tira lang ay agad akong nawalan ng ulirat na siyang ikinataka ko hanggang ngayon. Bumabagabag parin siya sa utak ko, parang isang tanong na hindi ko masagut-sagot." Siya pala ang dahilan kung bakit galit na galit ang mga adoptive parents niya no'n.


Hindi ko na nakayanan kaya napayuko ako at akmang matutumba pero bago 'yon ay kaagad akong nasalo ni Chester. Tinignan ko siya sa mga mata kaya napaiwas naman siya do'n. I knew it, he is lying to me too.



"T-Tell me Chester, saan nanggaling ang kapangyarihan mo?" Nahihirapan kong tanong sa kaniya na siyang ikinagulat niya. Tumayo ako ng tuwid pero mapapansin parin sa akin ang sobrang katamlayan.


"Alisis." Tawag niya sa pangalan ko pero hindi ako nagpatinag at mas hinuli siya sa mga mata.

"Sige na Chester, mas maganda kung malalaman ko kaagad. Hindi 'yong nagiging tanga ako sa mga mata nilang lahat." Nilibot ko ang tingin ko at pansin ko ang mga ekspresiyon nilang lumambot dahil sa sinabi ko maliban nalang kay Satro, Olcor at kay Spencer na seryoso lang palagi ang ekspresiyon.




"S-Sorr—"


"Ano ba?! Sabihin mo na! Hindi ang 'sorry' mo ang kailangan kong marinig, hindi ang 'sorry' mo ang gusto kong malaman. Ang gusto kong alamin ay kung sino ang nagbigay sa'yo ng kapangyarihan, kung bakit kulay ube ang apoy mo?!" Sigaw ko na ikinasinghap ng nasa likuran ko kaya agad akong napatingin sa ina ni Sera na napatakip sa bibig dahil sa sinabi ko.


"Sa isang Friston, 'yon lang ang naaalala ko. Isa siyang Friston, napakatanda niya na kaya hindi ko na alam kung nasaan na siya ngayon." Seryoso na ngayong sambit ni Chester kaya napabuntong-hininga nalang ako.




"Alisis." Napatingin ako kay Venny dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko.


"Nakuha nila ang mga kapangyarihan nila sa mga magulang nila. Mga magulang nila ay kabilang sa Ancient Knights no'n." Whoo! Ang daming sikreto na nabunyag ngayon! Hindi ko na makaya!


Napatingin ako kay Satro na gulat na ang ekspresiyon pati ang kambal. Si Sonata na gulat ding nakatingin kay Sera at Chester.

"Kami ang pinakabatang Ancient Knights noon ng asawa ko, sampung-taon palang kami ay inaral na namin ang mga kapangyarihan namin at nag-aral kung paano lumaban. Kasama si Igma Friston sa pagsasanay namin, siya ang tumutulong sa amin para matuto. Kapag nagkaanak ang katulad namin, kusang namamana ng mga anaka namin ang kapangyarihan na meron kami kaya alam kong namana ni Sera ang akin. At namana naman ng isa pa naming anak ang kapangyarihan ng asawa ko. At sa nangyayari ngayon, nakuha ng kaibigan niyong may kakayahang magpalabas ng ubeng apoy kay Igma Friston." Pagpapaliwanag niya kaya ako, hanggang sa pagtataka nalang dahil wala akong kaalam-alam. Wala akong alam na pamilya nila ay mga Ancient Knights, wala akong alam na may kapatid pala si Sera na hindi man lang naikuwento sa amin at wala akong kaalam-alam na may mga mabibigat na problema pala akong dinadala.




"Apoy ang kapangyarihan mo Chester diba? Bakit ka namatay sa isang sunog?" Taka kong tanong sa kaniya na may mapagtanto, tama. Bakit nga naman siya mamamatay kung kapangyarihan niya ay apoy?



"Ang totoo, ako ang may gawa ng apoy na 'yon Alisis. Pero katulad nang sinabi ni Sera, may kung ano ding nahiwalay sa katawan ko at kamatayan din ang hinahanap kaya namatay ako sa sariling apoy na ginawa ko. Naglalaro lang ako ng apoy na bigla nalang kumalat kasabay no'n ang buo kong sistema na nanghina. Ang ubeng apoy ay naging natural na pulang apoy na siyang ikinawalan ko ng buhay."


Hindi ko na kaya, hindi ko na kayang makinig.

"Si Nilfred, kilala mo siya Chester diba?" Napatingin ako kay Venny dahil sa tinanong niya at nakita sa peripheral vision ko ang pagtango ni Chester.


"Kaibigan ko siya sa mundo ng mga tao." Sagot naman ni Chester.



"At kapatid ko siya." Halos lumuwa ang mga mata ko sa sinabi ni Sera, all this time ay magkapatid sila ng bully na 'yon? Nilfred? Hinding-hindi ko makakalimutan ang lalaking halos magpahirap na sa akin sa school! Kasama si Chester, si Nilfred ang nagtutulak kay Chester na i-bully ako!


"W-What? Walang nasabi sa akin si Nilfred!" Sigaw bigla ni Chester pero hindi na siya pinansin pa.

"At Alisis, naaalala mo pa ba ang mga shadow na nakita natin sa bahay nina Sera at Chester bago sila mamatay?" Nanghihinang napatango ako sa tanong niya at nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala at lungkot.


"Kakayahan ng ama ni Sera ang kunin ang kaluluwa ng isang nilalang na siyang namana ni Nilfred. At 'yon ang konklusyon ko, sinabi ng mga magulang ni Sera na isang rebelde ang kapatid niya at wala na akong maisip kung sino ang makakagawa no'n sa inyo kundi siya lang."

Nanghihina na ang buo kong utak, pati ang puso ko ay napapagod na rin sa kakatibok. I feel betrayed, I feel empty. For the first time, I feel alone.







"Si Nilfred ang may gawa kaya kaagad kayong namatay. Kinuha niya ang kaluluwa niyo, but thanks to Alisis, bumalik sa inyo ang mga kaluluwa niyo ulit."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro