Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 50

Athena.



Nakatayo ngayon sa harapan ni Amon ang nakangising si Seyvana. Nag-uumapaw ang katapangan ngayon ni Seyvana na para bang isang malaking premyo ang nakuha niya mula sa amin.


Ang tagal nang hindi nagpakita si Seyvana, nag-iisip at nagpapahinga. Akala ko nga hindi na siya lalabas ng dorm niya, akala ko hindi na siya aalis do'n at magmumukmok nalang palagi. Agad akong napatingin kay Zhavia na walang malay kaya agad kong kinontrol ang katawan niya gamit ang apoy ko at saka inilapag sa malayong distansiya. Mukhang siya ang napag-trip-an kanina ni Amon, malakas kasi ang kapangyarihan ni Zhavia kahit hindi siya isang Diyosa o ano.


"At paano mo naman masasabing isa kang bangungot para sa akin? Hindi mo ba alam babae? Ako ang bangungot na siyang dapat niyong katakutan." Ngisi na rin ngayong turan ng halimaw na walang kaide-ideya sa kakayahan ni Seyvana.


And now I know, she is full of herself because she knew already that she can beat this monster in front of us. Of course, she is the Goddess of all living Beasts so she can control this one and she can also handle this by herself.



"Akala ko hindi na siya lalabas, ano kaya ang dahilan kung bakit ayaw niyang lumabas ng dorm?" Dinig kong sambit ni Wenessa



"Siya lang ang nakakaalam, kahit ako ay hindi ko pa siya nakitang ganito." Sabat naman ni Senny kaya napabuntong-hininga nalang ako, gusto ko ng matapos ang labanan na'to sa Avalon at para maging masaya na ang lahat.


Agad kaming naalerto nang may naramdaman kaming kakaibang enerhiya at nanggaling 'yon kay Seyvana. Nagtataka si Amon kung bakit wala mang kahit anong kapangyarihan na lumalabas sa kaharap niya, hinihintay niyang lumabas 'yon para makontrol niya at 'yon ang magiging katapusan ni Seyvana.

Pero minamaliit ni Amon ang kaharap niya ngayon, hindi niya ba alam sa hinaharap kung ano ang mangyayari?


Napansin kong agad napaluhod si Amon, nagtaka man siga ay agad siyang tumayo pero agad namang napaluhod ulit kaya napangisi ako sa ginagawa ni Seyvana.


Hindi ko inaakala na si Seyvana ang makakatulong sa akin no'ng unang araw ko dito. I hate her guts na makipag-kaibigan sa akin kaya no'ng nalaman ko ang kakayahan niya at ang responsibilidad na dala-dala niya ay napilitan akong lapitan at kaibiganin siya.

I know it's very bad, pero wala na akong pinagkakatiwalaan no'n dahil sa daming nangyari. Mula kay Dracunox na pinagkatiwalaan ko hanggang kay Igneous na niloko ako.

Pero ngayon, unti-unti na namang bumabalik ang tiwalang matagal nang nawalay sa sarili ko. Akala ko hanggang ganito nalang ako, hindi na magbabago pero lahat nang 'yon ay napawi dahil sa pagdating nilang lahat sa buhay ko. I didn't expect to be friend with them, we are enemies kaya walang-wala sa expectations ko ang maging isa sa kanila. And ironic here is, I really hate Gods and Goddesses dahil sa ginawa nang isa sa kanila sa amin ni Igneous but I'm here one of them. But that was past, and I don't want to bring it back.

Kung niloko niya ako, niloko niya ako. Hindi magbabago ang tingin ko sa kaniyang manloloko. Diba kung mahal ka? Hindi ka magpapalandi sa iba? Pero 'yon ang maling nagawa niya kasama ang isang Diyosa, I forgot her name but I remember her face. Hindi mawawala ang mukha niya sa isip ko.




"W-Walang-hiya ka!" Sigaw ng kung sino kaya agad kaming napatingin kay Seyvana na nakalutang na sa ere habang hawak-hawak sa leeg si Amon. Agad nitong itinapon sa ibaba na walang pasabi na siyang ikinangiwi namin dahil sa sakit at sa malakas ng impact no'n.

Biglang umuyog ang field dahil sa pagbagsak niyang 'yon, Seyvana is really somethin'. Ni hindi ko man lang siya nakilala ng lubusan no'n dahil sa pagiging desperada kong mahanap ang dragon na sinasabi ni Levinas which is my father to be exact.


I didn't know kung ako lang ba ang tinutulungan ni Levinas but one thing I am sure is, tinutulungan niya ang mga specialist na katulad kong naliligaw-no! Tinutulungan niyang alamin ang sarili namin na isa kaming Diyos at kailangan kami ng Avalon.


Taka naming tinignan si Amon na ngayo'y nanggagalaiting nakatingin kay Seyvana na unti-unti ng bumababa mula sa ere. She is playing safe, ayaw niya kaming idamay dahil gumagawa siya ng paraan para hindi kami mabuntungan ng galit ni Amon.


Seyvana, how could you do this? Why I am feeling this guilty feeling na ang sama-sama ko dahil palagi mo nalang kaming inililigtas? Pero ako, iniisip kong dapat ba kitang pagkatiwalaan at kaibiganin.



"Magbabayad ka!" Sigaw ni Amon at kasabay no'n ang siyang paglitaw ng pulang apoy sa kaniyang harapan na unti-unting lumalaki. Para siyang nagiging pinto at nakita ko sa ekspresiyon ni Seyvana ang pagkaseryoso.


Ngayon, si Amon naman ang nakangisi at parang nanalo sa isang paligsahan.


"Pasok mga alaga!" Sigaw nito, pagkasabi niya no'n ay parang may kung anong bagay na dumaan dahil sa pagtahimik. Akala ko bigo si Amon, pero nang marinig ko ang napakaraming yapak ay kaagad akong naghanda at gano'n na din ang ginawa nina Wenessa.



"Demons." Bulong ni Senny at nakita ko kung paano maglabasan ang napakaraming halimaw na siyang nakakatakot kung tignan. Nakakakilabot dahil sa mga mahahaba nilang kuko sa paa at kamay, mga mahahabang pangil at katawan nilang napakalaki na para bang mahirap itong patumbahin.



Agad akong napatingin kay Senny na may kung anong kinokontrol, napatingin ako sa kung saan siya nakatingin.



Kinokontrol ni Senny ang portal na gawa ni Amon, sinasarado niya ang pintuan.


"Seyvana! Ikaw bahala kay Amon! Kami sa mga alaga niya!" Sigaw ni Cylechter na siyang ikinatango ni Seyvana at agad dinamba ng suntok si Amon na ngayo'y nanggagalaiti na naman sa galit.



Napagtagumpayan ni Senny ang pagsara ng portal pero masiyado ng maraming demonyo ang nakapasok. Agad akong nag-anyong dragon ulit at agad silang dinamba ng mga suntok at sipa.


They are too many, mapapagod ako nito hindi dahil sa kakulangan ng enerhiya kundi sa kakulangan ng hininga. The atmosphere is something, parang may kung anong enerhiya sa hangin ang nagpapahina sa dragon na anyo ko.



"Manghihina ka lang ate kapag pinagpatuloy mo ang paglaban sa kanila. Mahina ang dragon kapag nakalanghap sila ng apoy na hindi galing sa kanilang sistema. Apparently, hihina ka dahil may apoy na bumabalot sa kanilang lahat." Napatingin ako kay Enexx dahil sa sinabi niya, I didn't expect that he would say that. Ang Enexx na alam ko no'n ay reckless sa galaw niya, hindi marunong mag-isip.



Kahit hindi ko siya tunay na kapatid, at least I experienced already on how to take care of sibling.




"Salamat Enexx, but I want to try dahil ano nalang ang silbi ko bilang Diyosa kung hindi ko gagamitin diba? And don't you trust me?" Tugon ko sa kaniya pero napabuntong-hininga siya sa sinabi ko.




"Of course I trust you, kaya nga kita pinoprotekatahan." Turan niya kaya agad akong napangiti, hindi ko alam pero nasasanay na ako sa bagong Enexx. Is it a good thing? Pero minsan nahahalata ko sa mga mata niya ang kakaibang ekspresiyon, lungkot, poot at galit pero hindi ako sigurado dahil hindi naman ako kagaya ni Alisis na kaagad nababasa ang mga ekspresiyon ng bawat specialist even her Apostles.



Bigla nalang nagliyab ang buong ulo ni Enexx at pinagtitira ang mga kalaban ng mga nagbabagang apoy. Kahit papaano, natatablan naman sila. Ang iba ay nakalutang na sa ere dahil sa mga water balls na pinapalabas ni Cylechter. Nakita ko namang pisikalan kong lumaban si Wenessa kaya agad akong napatango.


They are fighting to bring back the Avalon into peaceful. At 'yon din ang rason kung bakit ako lumalaban ngayon, I want to look for my mother and sibling at maging masaya habang buhay kasama nila.



Pinagsisipa ko ang mga kalaban na siyang madadaanan ko at iba't-ibang tunog na naririnig. A sound from a splashing water, spell enchanted, exploded because of fires and also physical sounds from punches and kicks.




"Zhavia!" Kahit dito, dinig na dinig ko ang sigaw ng pamilyar na boses kaya agad akong napalingon kung saan 'yon nanggagaling and I'm right, the Royal blooded are now here with the Headmistress.



'Yan sila eh, dadating kapag malapit nang matapos ang laban.


Mapapansin ang mga seryoso nilang ekspresiyon, si Daneel na karga na ngayon sa mga bisig si Zhavia, si Gemartha na nagpapalabas na ng itim na bolang kapangyarihan mula sa kaniyang kamay, si Yvino na nagiging yelo na ang daan kapag lumalapat ang mga paa niya do'n at ang Headmistress nilang seryoso lang na nakatingin sa amin, hindi sa kalaban.



Agad akong tumakbo dahil sa paparating na kalaban kay Senny mula sa likuran niya. Agad akong lumipad sa ere at dinamba sa leeg ng suntok ang kalaban. Nagulat pa si Senny dahil sa ginawa ko pero kaagad naman siyang ngumiti ng matamis at nagpasalamat.



"Mula no'ng dumating kayo dito, nagkagulo na ang lahat!" Sigaw ni Daneel na siyang ikinalingon namin sa kaniyang lahat.

"Before you could say that, lumaban ka muna dahil hindi lang ikaw ang agrabyado." Seryosong turan ni Wenessa na siyang ikinatango ko at agad sinipa ang papalapit na demonyo sa akin na siyang ikinawala nito na parang bula.


Kakaunti nalang ang kalaban, kakaunti nalang ang demonyo sa paligid pero ang kapaligiran at ang buong field ay pinapalibutan na ng naglalagablabang apoy.




"Wala talagang respet-"



"Ang ingay mo Daneel, umalis ka nalang dahil hindi namin kailangan ng isa pang pabigat dito!" Irita kong sigaw sa kaniya na siyang ikinaseryoso ng mukha niya na siyang napalitan agad ng galit.


Napatingin ako kay Seyvana na nakaluhod na ngayon dahil sa pagod, hinanap ko si Amon pero wala ni bakas niya ang nakita ko. Ang mga alaga nalang niya ang nandidito sa field. Mukhang tapos na, mukhang wala na si Amon sa Satharia Academia.



Lumamig ang kapaligiran na siyang ipinagtaka ko kaya agad akong napatingin sa lalaking kinokontrol ngayon ang temperatura ng hangin.


Yvino, pinapatay niya ang init ng apoy na nakapalibut ngayon sa buong field. Unti-unti ng humuhupa ang apoy hanggang sa wala ng apoy akong makita.



"To my office, now." Napatingin kaming lahat sa Headmistress nila, agad kaming nagkatinginan ni Wenessa at napatango nalang at wala nang nagawa pang iba.





**********


Someone's POV




"Magbabago ang plano, hindi tayo susugod sa kanila dahil nalagasan na tayo ng malalakas na kakampi." Turan ng babaeng ni hindi ko man makilala. Hindi siya nagpakilala sa amin, kundi ang responsibilidad niya lang ang kaniyang sinabi.

Isa siyang Diyosa-hindi lang pala isang Diyosa kundi-Titan Goddess. Ni hindi ko man lang mabanggit kung gaano siya kalakas, dahil sa sobrang lakas niya ay pati ang puso mo ay sasabog ng kusa dahil sa kaba.



Natatakot akong mamatay na walang nagawa at hindi nakabawi sa dalawa na isinali ko sa gulo na'to. But I want to help my friends, kung kaibigan pa ba ang tingin nila sa akin kapag nalaman nilang nagtraydor ako sa kanila. Hindi sila matutuwa, at alam kong isusumpa nila ako dahil sa ginawa ko sa mga mahal nila.




"Sila ang susugod dito, maghihintay tayo at wala nang iba pang gagawin. Naiintindihan niyo ba?" Napatango nalang kami sa sinabi niya.



Hindi ako makagalaw ng maayos dito, para bang palaging may nakabantay. Buti nalang ako ang pinagbantay sa dalawang nakalutang ngayon sa kwarto, the precious two.



"Hayst, magtatagal na naman tayo sa lugar na'to? Gusto ko ng kumilos, gusto ko ng isa-isahin ang mga babaeng 'yon!" Inis na turan niya kaya tinignan ko siya sa mga mata na ikinatigil niya naman.


Kung umakto siya ay parang hindi siya naging parte ng pagkakaibigan nila no'n. Kahit ngayon, hindi ko parin alam kung ano ang rason niya kung bakit siya nagtraydor, kung bakit siya naging ganito kasama sa paningin ko. Kung bakit ganito nalang siya kagrabe nagbago.



Buti nalang hindi niya alam kung sino ang nasa kwarto na siyang binabantayan ko ngayon. Mahirap na, baka sila ay patayin ng lalaking 'to.


"Bakit mo 'ko tinititigan?" Ngising tanong niya sa akin, baliw nga siya. He can change his mood that easily and it's damn irritating.


"Iba ang pandidiri sa tinititigan, tandaan mo 'yan." Seryosong tugon ko sa kaniya na ikinahalakhak lang ng baliw.



Hindi na siya ang kilala ko, hindi na siya ang lalaking minsan ng nagpahulog sa babaeng 'yon at hindi na siya ang lalaking minsan ko ng hinangaan dahil sa katapangan at katapatan niya sa aming isla.



He changed a lot, from head to toe, from brain to his heart.


"I'm telling you this boy, you will regret everything you've done pagkatapos nilang mawala. Sa huli, ikaw ang magdudusa, sa huli ay ikaw ang iiyak at masasaktan." Seryosong turan ko sa kaniya na biglang ikina-blangko ng ekspresiyon niya.



"Bakit ikaw? Anong rason mo kung bakit ka nandito?" Walang buhay niyang tanong sa akin pero hindi ako baliw at tanga para sabihin sa kaniya ang dahilan.



"Wala akong rason, traydor lang talaga ako." Tugon ko sa kaniya na kahit masakit pakinggan para sa akin, pero alam kong may maganda din 'tong patutunguhan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro