Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 49

Venedict.



Agad kaming napalingon sa labas dahil sa malakas na pagsabog kaya agad kaming nagkatinginan at tumakbo ng mabilis. Kasabay ang kaba at takot na nadarama, baka kung ano na ang resulta sa labanan na ito.


"Si Dracunox, kailangan siyang iligtas." Turan ko habang tumatakbo kami at bahagya pa akong hinihingal dahil sa habol-habol ko ang hangin para magkaroon ng lakas.

"Ligtas siya Venny, huwag kang mag-alala sa kaniya dahil isa siya sa pinakamalakas na Diyos na nakilala ko. Ang hindi lang namin maintindihan ay bakit siya nanatili sa lugar na ito kahit alam niya namang kaya niyang umalis." Turan ni Tito Fredd kaya nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa meron na naman kaming pagsabog na narinig at malayo-layo pa kami sa labas kaya agad akong gumawa ng portal na siyang lumitaw sa harapan namin.

"Pumasok na tayo!" Sigaw ko at agad pumasok. Paglabas namin sa portal ay siyang pagbungad sa amin ng mga naglalaban na mga bampira. Ang ibang puting bampira ay halatang hindi nakapaghanda dahil sa kanilang mga kasuotan na mga roba. Hindi katulad sa aming mga kasamahan ay handa at nakasuot ng pangkawal na may malalakas na kapangyarihan sa loob nito. Nangangamoy malangsa na ang kapaligiran, galit at poot ay halo-halo sa kani-kanilang mga ekspresiyon.


Agad kong hinanap si Wyeth pero hindi ko siya makita, agad akong kinabahan dahil baka kung ano na ang nangyari sa lalaking 'yon. Kainis, ayoko pa siyang mawala dahil mawawalan na ako ng prince charming at kapag nangyari 'yon, hindi ko alam kung kakayanin ko pang magmahal ulit.


Inamoy ko ang presensiya niya, gamit ang vampire ability na meron ako ay agad kong naramdaman at naamoy si Wyeth. Napalingon ako sa loob ng kastilyo ng mga puting bampira dahil nandodoon nanggagaling ang presensiya ni Wyeth.

Napansin kong wala sila dito ni Walace at Wilvam at ang Amang Hari, siguro nalihis lang kami ng daan at ibang direksiyon ang aming dinaanan. Nasa loob pa sila, nando'n sila naglalaban.

Agad naman akong gumawa ng portal at agad pumasok at hindi na nilingon ang pagtawag sa akin ni Tita Solitana. Pagkatapak ko ulit sa loob ng kastilyo ay agad hinanap ng mga mata ko ang presensiya ni Wyeth and I'm right! Nandito nga sila kung saan matatagpuan ang hari ng mga puting bampira.


Marami silang kalaban dito at halatang pinoprotektahan nila ang kanilang hari. Agad naman akong sumugod at automatic na lumitaw sa palad ko ang hologram na sword. Napansin ako ng iilang puting bampira kaya agad akong kumilos ng mabilis at pinag-aatake sila. Agad akong napaiwas ng iwinasiwas ng isang bampira na kaharap ko ang espada niya, lumuhod ako sa harapan niya at sinaksak siya sa kaniyang tiyan. May naramdaman akong paparating sa likuran kaya agad akong nag-tumbling mula sa pagkakaluhod at pagkatapos ay tumalon ng mataas kaya kitang-kita ang bampirang gusto akong atakihin.

Agad lumitaw sa harapan ko ang napakaraming hologram swords na ikinagulat ng ilang puting bampira at akmang tatakbo ang ilan ay siyang pag-atake ng mga hologram sword ko na para bang may sarili silang mga utak.

Pagkababa ko ay agad sinuportahan ng kaliwang tuhod ko ang aking katawan para hindi epic fail ang pagbagsak ko. Mahirap na baka ma-turn off ang mate at iwan ako hahaha!

Napansin kong iilan nalang ang mga itim na bampira dahil ang iba sa kanila ay wala ng buhay. Magkalaban ngayon ang Amang Hari at ang hari ng mga puting bampira. Ang Inang Reyna din at ang reyna ng mga kalaban, sinusuportahan lang ng mga anak ng Amang Hari ang kanilang likuran.

Nakita kong napapagod na ang mga kasamahan ko, pati ang magkakapatid ay alam kong nahihirapan narin. Alam kong hindi makakatulong ang abilidad na meron si Wilvam pero malakas siya sa pakikipaglaban ng pisikalan. Lumingon ako kay Wyeth at halos mamangha ako dahil sa kapangyarihan na meron siya ngayon.

Guess na ito ang nakuha niya mula sa akin, mula sa pagkakagat niya sa maganda at makinis kong leeg. Putik! Not now! Bakla ka talaga Venny! Ang landi mo, maya na 'yan!

Nagpapalabas ng mga hologram swords si Wyeth pero mas malaki ang kaniya. Malaki talaga ang swords na lalabas depende kung gaano kalakas ang stamina kaya alam kong malakas na talaga si Wyeth.


Venedict...

Agad akong napalingon sa likuran dahil sa boses na narinig ko. Hindi pamilyar pero babae ang boses na meron siya. Agad akong nagtaka dahil wala naman akong nakitang babae maliban nalang sa Inang Reyna dito na nilalabanan ang reyna ng mga kalaban.

Lumingon ulit ako sa puwesto nina Wyeth na naglalaban parin ngayon. Nahihirapan na din pala si Wyeth dahil wala na siyang lakas, kitang-kita sa mga swords na pinapalabas niyang paliit ng paliit. Marami na siyang enerhiyang naipapalabas. Napatingin ako kay Wilvam na nakaluhod na pero pilit paring sinasangga ang espada ng kalaban. Habang si Walace, sinusugod na ang kalaban na may kung anong puting liwanag sa kaniyang espada.



Venedict...



"Nakakainis ka na babae! Venny nga!" Sa sigaw kong 'yon ay agad akong napalingon sa isang kwarto. Isang kwarto kung saan hindi ko alam pero parang inaakit ako ng kung anong meron sa loob. Parang may enerhiya akong nararamdaman sa loob, parang may pamilyar akong nararamdaman na gustong-gusto kong gawin no'n pa man.



Agad akong tumakbo at hinawakan ang seradura at siyang pagpasok ng kakaibang sarap sa buong sistema ko. Parang may kung anong enerhiyang pumasok sa buo kong katawan. At dahil sa kuryusidad, agad kong binuksan ang pintuan na siyang ikinabulaga sa akin ng isang bagay—isang bato—hindi, isa siyang hiyas.




May hiyas sila dito?


Teka! Hiyas! Bakit may hiyas dito?! Anong rason ng hari nila na kunin pa ang hiyas ng mga itim na bampira? Para mas mapalakas ang kampo nila? Ang kastilyo nila? Ang kapangyarihan niya?


Katulad sa mga itim na bampira, nakalagay sa isang grapon ang hiyas na siyang nagbibigay din ng liwanag sa buong kwarto na walang kalaman-laman maliban nalang sa bagay na nakalutang sa ere. Katulad din sa itim na mga bampira, ang hiyas nila ay nakakapang-akit, parang gusto nito akong lapitin at gusto ko din siyang hawakan pero parang may pagdadalawang-isip pa sa puso ko.


What if I'll die after touching that stone? Paano nalang kung hindi ako karapat-dapat diyan? Mas makakasiguro ata ako sa hiyas na nasa itim na mga bampira dahil sabi nila ay isang kagaya ko ang makakahawak no'n. Natatakot ako, what if hindi talaga sa akin 'to? Pero teka—Am I going to touch the stone?

Dahil sa kuryusidad, kasabay ang pagbilis ng tibok ng puso ko ay nilapitan ko parin ang hiyas. Hindi ako nakakasiguro pero inaakit ako ng hiyas, inaakit ako na para bang nagmamadali siyang mahawakan ko.


Venedict...


Agad akong napaatras na kaunti dahil nanggagaling sa hiyas na ito ang boses ng babae. Hindi ako nagkakamali! Babae ang hiyas na 'yan! Hindi ko alam na may mga buhay pala ang mga bato na dala ang kakaibang kapangyarihan!


Agad kong kinuha ang grapon na siyang ikinauyog ng lupa ng kaunti kaya agad akong natumba pero bago pa mabasag ang grapon ay siyang paghawak ko nito ng mahigpit. Kaloka! Mamamatay ata ako sa kaba kapag nabasag ang grapon! Teka bakit ba ako natatakot? Kukunin ko din naman ang hiyas!


Pagkakataon ko na'to para makuha ang hiyas at mas mapalakas ang mga itim na bampira, siguro may maitutulong na ako sa labanan at hindi na ako kasing-hina kagaya ng iniisip nila.


Inangat ko ang grapon at tinignan ang hiyas na nasa loob nito, it such a beautiful stone. Nakakamangha, nakaka-attract ang ganda na meron 'to. Ang hulma ng bato na isang katulad ng diamond na nasa mga movies na napanuod ko. Hindi ako makapaniwala na makikita ko 'to sa malapitan, as in malapit na malapit.


"Ang hiyas!" Nagulat akong napatingin sa pintuan at bumungad sa akin ang hari ng mga puting bampira na duguan. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang grapon na siyang nagpa-slow motion ng lahat.

Nakita ko ang gulat sa mga mata ng mga puting bampira na nasa likuran na ng kanilang hari.



Napatingin ako sa grapon na siyang ensaktong pagbasag nito at dinig na dinig sa loob ng kwartong 'to ang tunog ng pagkabasag ng grapon. Hindi ko alam pero ang pagkabasag ng grapon ay siyang isang musika na maganda ang tono, it is like a melody.

Pagkabasag ng grapon ay napatingin ako sa hiyas dahil sa mabilis nitong pagkilos at lumutang sa ere sa harapan ko. Para siyang nakaharap sa akin, para siyang nagsusumamo sa akin na dapat ko siyang angkinin.

Kusang kumilos ang kamay ko at unti-unting inangat sa ere at nagulat nalang ako sa mabilis na kilos ng hiyas at agad dumikit sa balat ko na siyang ikinangiwi ko dahil sa hapdi at hanggang sa napasigaw nalang ako ng napakalakas dahil sa sakit na nararamdaman.

Napaluhod ako dahil sa sobrang sakit, parang sinasaksak ng ilang kutsilyo ang buo kong katawan at nang-iinit ang mga mata ko. Ang mga tuhod ko ngayong sumusuporta sa akin ay hindi na nakayanan at kaagad natumba kasabay ng katawan kong walang lakas. Ayokong matulog, hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari kapag hinayaan ko ang sarili kong sakupin ng buong panghihina.



"Hangal! Patayin ang lalaking 'yan!" Sigaw ng kung sino at kahit hirap na hirap ay nilingon ko parin ang puwesto nila at halos manghina pa ako dahil sa sabay-sabay silang sumugod sa direksiyon ko. Higit pa sa sampu ang kanilang bilang kaya hinanda ko ang sarili ko sa kamatayan na siyang naghihintay sa akin.


Alisis, parang hindi ko na ata kayo makakasama.


Akmang pipikit na ako nang makarinig ako ng mga pagtumba kaya agad-agad kong dinilat ang mga mata ko na siyang ikinagulat ko rin. Ang mga puting bampira ay nasa sahig na, at kitang-kita sa hari ang gulat habang nakatingin sa akin.


"I-Ikaw ang tinakda p-para sa hiyas." Hindi ko na narinig masiyado ang boses niya dahil sa panghihina ko pero kitang-kita ko kung paano lumuhod ang isang tuhod ng hari na siyang gawaing pagluhod ng mga mahaharlika. Nagtaka naman ako sa inasal niya ng mas nagpakita pa ng respeto, inilagay niya ang espada niya sa gilid niya sign na sinusuko niya na ang sarili niya.




"Patawarin mo ang aking kahangalan, ang aming kataksilan mahal na Diyos ng mga bampira."


Agad nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, sa pagkabanggit niya no'n ay siyang kusang pagtayo ng mga paa kong hindi na nanginginig. Mga kamay kong hindi na lantang gulay at katawan kong hindi na isang manika na para bang wala ng buhay. Nanumbalik lahat ang lakas ko, sobra-sobra pa!


Ang hiyas! Pumasok nga pala sa katawan ko ang hiyas! Hindi! Natunaw mismo sa balat ko ang hiyas! Ako ang itinakda, ako ang karapat-dapat sa hiyas na meron sila.


Parang may kung anong bumulong sa tenga ko and telling me that—I am the Titan God of Vampires.


Agad akong lumapit sa kaniya, sa hari ng mga puting bampira. Tumikhim ako na siyang ikinaangat ng ulo niya mula sa pagkakayuko. Nginitian ko siya na siyang ikinagulat niya at napalihis ng tingin sa ibang direksiyon.


"Ayusin mo ang iyong kaharian, ang iyong tauhan at lugar. Gusto kong maging isa ang Verdugal na walang kataksilan, labanan at inggitan. Gusto kong maging isa kayong lahat sa paparating na malaking labanan." Hindi ko alam kung ako ba ang nagsasalita pero dinig na dinig ko ang pagdalawa ng boses ko. Nakita ko ang gulat niyang ekspresiyon at agad-agad tumango.


"Ngayon, ide-deklara ko na ang Verdugal ay magkakaroon ng dalawang hari, dalawang reyna, maraming prinsipe at prinsesa pero iisang kastilyo." Turan ko sa ere at agad lumiwanag ang buong kwarto at agad naman 'yong nawala.

"Kapag hindi nangyari ang sinabi ko, kayong mga puting bampira ang siyang babalikan ko. Tandaan mo 'yan mahal na hari ng mga puting bampira." Seryosong turan ko sa kaniya na siyang ikinatango niya ng mabilis.


Agad akong lumabas ng kwarto at hinanap sina Wyeth at halos manlambot ang mga tuhod ko dahil sa nasaksihan. Gusto kong balikan ang hari ng mga puting bampira pero alam kong magbabago na 'yon, ang kailangan ko lang ay ayusin ang gulo na meron sila.



Nakahandusay na ang magkakapatid na walang buhay, pati ang Inang Reyna at Amang hari ay wala na ring buhay.



"Lahat ng mga nawala ay magbabalik, lahat ng mga nagtaksil ay magbabago, lahat ng mga nainggit ay makukuntento at lahat ng mga namatay ay mabubuhay muli." Sa pagkasabi ko no'n ay siya ding pagpitik ko sa ere.




"Venny!" Agad akong napalingon kay Tita Solitana na kumakaway pa sa akin kasama ang kaniyang asawa at isang lalaking kasing-tanda rin nila na hindi pamilyar.



"Patawad nga pala sa nangyar—"


"Huwag kang humingi ng tawad Tita Solitana, wala kang kasalanan. Mabubuhay sila, dahil gusto kong mabuhay sila." Turan ko na siyang ikinataka niya naman.


Napatingin ako sa lalaking may malambot na ekspresiyon, hindi siya mahina pero ang mga mata niya ay sumisigaw ng kalungkutan. Gusto ko mang basahin ang isipan niya ay wala ng oras.


"Kailangan na nating bumalik sa Avalon, kailangan na nila tayo do'n." Sabi ko at nilingon ang mga magkakapatid na naghihilom na ang mga sugat kaya agad akong napangiti.


"Teka Venny! May hiyas sila dito na dapat nating kunin! Makakatulong 'yon sa ati—"



"I got it already Tita Solitana, at ang hari ng mga puting bampira ay tinawag akong isang Diyos." Nagulat sila sa sinabi ko at napatakip pa sa bibig si Tita Solitana.


"Kaya pala malakas ang loob mong iwan ang mga kasamahan mo dito dahil may ginawa ka ng magpapaganda ng buhay nila?" Turan ni Tito Fredd kaya napangiti nalang ako ng tipid.


"Hindi naman talaga ako nararapat dito, si Wyeth lang naman ang buhay ko dito. Pero kailangan din ako ng mga kaibigan ko sa Avalon, kailangan ako ng anak niyo na iligtas ang dapat iligtas." Turan ko kaya agad naman silang napangiti at napatango.


Napatingin ako kay Tito Fredd dahil sa pagturo niya sa lalaking hindi pamilyar.


"Siya si Dracunox, the Titan God of Life. Mas mataas ang posisyon niya sa isang ordinaryong Diyos at katulad namin ay gusto niyang bumawi sa mga anak niyang nasaktan niya."


Agad naman akong napatango sa sinabi ni Tito Fredd at ngumiti.



"Nice to meet you Tito Dracunox. I am Venny, the Titan God of Vampires and looking forward to meet your siblings."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro