HP 46
Senny.
"Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap sa kanila. Wala akong ideya kung saan ko sila matatagpuan kaagad." Turan ni Ate Athena habang nakayuko ang ulo sa lamesa at habang kami naman ay nakikinig lang sa mga sinasabi niya.
Hindi ko aakalain na magiging ganito kami kalapit, akala ko hindi niya na ako matatanggap para kay Enexx. Akala ko hindi niya na ako magiging kaibigan, akala ko na hindi ako magiging isa sa mga kasangga niya ngayon sa mga problema niya.
"Iisa lang ang nasa isip ko, maybe your mom ay nasa mga Towns lang dito sa Satharia dahil nandito din biglang dumating ang tatay mong dragon." At isa din 'yang sinabi ni Ate Wenessa.
Ngayon ko lang nalaman na hindi pala talaga sila magkapatid ni Enexx, na isa lang palang ampon si Ate Athena at kinupkop nalang dahil sa nakita siya sa gubat ng pamilya ni Enexx. Hindi sila magkadugo, hindi sila magkatulad. Dahil si Ate Athena, isang dragon, ama niya ay dragon.
"Isa-isahin nalang kaya natin? For sure wala naman sa Town of Darkness dahil sa napakadilim daw do'n at puro mga specialist na may kakayahang magpalabas ng kapangyarihan na may kinalaman sa dilim ang nandodoon." Sabat naman ni Kuya Cylechter na nagpatango sa amin.
"Galing na din kami sa Town of Rain, wala kaming napansin na mga specialist do'n. Pero hindi kami nakakasiguro kung wala ba ang mag-ina mo do'n." Turan ulit ni Ate Wenessa.
"Isa lang ang alam kong puwede nilang pagtaguan, kung ina ko nga ang sinasabi ni ama, siguro takot din siya kung saan ako takot. Bilang malakas na babae na kayang gibain ang isang gusali, takot kaming mawalan ng minamahal." Hindi ko alam kung ano ang pinupunto ni Ate Athena, hindi ko maintindihan ang sinabi niyang takot sila na mawala ang kanilang minamahal. Eh lahat naman tayo ay takot na mawalan ng minamahal diba?
Naiwala ko nga siya eh.
"Tama! Baka nga nando'n siya! Sa Town of Love, lugar ng mga specialist na mga sawi o di kaya mga nahiwalayan o mga namatayan." Biglang sabat ni Kuya Cylechter.
"Bakit hindi ko naisip pumunta do'n noon?" Takang naisip ni Ate Wenessa na ikinalingon sa kaniya ni Kuya Cylechter na nakanguso na ngayon. Agad naman akong napahagikhik dahil sa tinuran niya kaya napalingon din sa kaniya si Ate Wenessa.
"Joke lang! Alam ko naman talaga na para tayo sa isa't-isa kaya I love you okay?" Turan ni Ate Wenessa na siyang ikinangiwi ko ngayon at napansin ko din ang pagngiwi ni Ate Wenessa.
Napatingin ako kay Enexx na ngayo'y nakatingin na pala sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mailang kaya agad kong nilihis ang mga tingin ko away from his dazzling eyes na para bang iinitin ka sa mga tingin niya. Hayst, ano ba itong mga naiisip ko. Minsan mahalay na akong nag-iisip, ganito na ba talaga kapag nagiging dalaga na?
Hindi ko alam kung may pag-asa pa ba kami ni Enexx, nang dahil lang talaga sa paghatid niya sa akin pabalik sa Publiko Encantado.
Nang hindi ko pa sila lahat nakikilala, alam ko ng may proyekto na noon isinasagawa ang mga kapwa kong Enchantress kaya kinakabahan ako sa mga magiging biktima nila. Minsan narin nila akong napag-utusan na maghanap ng mga Diyos at Diyosa na siyang magpapa-success ng kanilang proyekto. Naisip ko no'n dalhin si Kuya Enzyme o di kaya si Kuya Ignite pero hindi nila deserve na mapahamak, so I decided to pretend like wala akong nakita isa sa kanila. Sinikreto ko ang lahat, lahat-lahat para walang mapahamak no'n.
"Kamusta na kaya si Kuya Enzyme?" Biglaang turan ko na siyang ikinangiwi naman ng mga kasamahan ko except kay Enexx at kay Ate Athena.
"You missed that douche bag? Nakakainis ang lalaking 'yon Senny kaya bakit mo siya nami-miss? Isa siyang kalaban no'n—"
"Pero hindi na ngayon Kuya Cylechter." Pagputol ko kay Kuya Cylechter na siyang ikinatigil niya.
"Senny, nagka-engkuwentro na kami ni Enzyme at sa tingin ko ay hindi pa siya nagbabago. Hindi pa siya marunong mag-isip, hindi pa niya alam kung ano ang tama at mali." Napatingin naman ako kay Ate Wenessa dahil sa sinabi niya pero napailing lang ako na ipinagtaka nila.
"Masasabi niyo 'yan dahil wala siyang naikuwento sa inyo, masasabi niyo 'yan dahil sa nakasanayan niyong Enzyme na masama at naging kalaban natin no'n. Pero hindi niyo alam ang pinagdaanan niya, ako, alam ko." Turan ko sa kanila, pansin ko ang pagseryoso ng mga mata nila lalo na si Enexx na nakatingin sa akin.
"Paano mo nalaman? Diba tulog ka sa kapsulang 'yon?" Napatingin ako kay Enexx dahil sa pagsabat niya pero hindi ko na siya tinignan ng matagal dahil ayokong uminit ulit ang sistema ko dahil sa mga tingin niya. Mga tingin niyang minsan ng nagpatunaw sa puso ko, sa buong pagkatao ko.
Hindi ko alam kung sarkastiko siya sa pagbitaw niya sa mga salitang 'yon. I don't want to assume things na siyang makakasakit sa damdamin ko.
"Tulog ako sa kapsulang 'yon, pero rinig na rinig ko ang mga katagang binitawan niya. Nalalaman ko kung sino ang nagsasalita, tulog ako no'n pero ang kapangyarihan ko ay gising na gising. Mas nauna siya sa inyong lahat na pumunta sa Publiko Encantado pero hindi niya ako nailigtas dahil agad siyang nahuli ng mga demonyong nakalaban niyo." Nakita ko ang pagtataka sa kanilang mga ekspresiyon kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Oo tama kayo ng iniisip, mas nauna siya sa inyo. Sinabi pa nga siya sa akin na tutulong siyang maibalik ang Natharia Academia, tutulong siyang bumangon ulit ang buong Avalon. Lumayo lang siya dahil hindi parin niya matanggap ang lahat dahil sina Ate Genesis at Kuya Ignite ay may anak na at hanggang ngayon, mahal parin ni Kuya Enzyme si Ate Genesis. Nagsisi siya sa lahat ng mga nagawa niyang mali, nagsisi siyang naging mapalapit at nagpaloko kay Dracunox. At ililigtas niya din ako do'n, kailangan niya lang ng sapat na oras." Turan ko at ngayon ay parang naintindihan na nila ang lahat dahil sa seryoso na nila ngayong ekspresiyon.
"Kasalanan ko ang lahat, kung hindi ko lang hinalikan si Enzyme no'n para pagselosin si Igneous ay hindi sila magkakaganito." Agad namang sabat ni Ate Athena.
"Wala kang kasalanan Athena, lahat ng bagay ay may rason. Hindi tayo magkakaroon ng Alisis kung hindi dahil sa'yo, nang dahil sa'yo ay nagmahalan si Ignite at Genesis. Nahulog sila sa isa't-isa, they're comforted each other na nagpahulog sa kanila sa isa't-isa." Turan ni Ate Wenessa kaya napatango naman kaming mga kasamahan niya.
"Pero alam kong may mali." Napatingin kami ngayon kay Ate Wenessa.
"Anong mali Wenessa?" Tanong naman ni Kuya Cylechter.
"Hindi ko man lang maramdaman ang presensiya ni Alisis, hindi natin maramdaman ang kapangyarihan niya. Parang may pumipigil sa presensiya niya, bakit naman gagawin ni Alisis na itago ang presensiya niya ng ganitong katagal?" Turan agad ni Ate Wenessa na ikinatango ni Ate Athena.
"Tama ka Wenessa, kahit ako ay nangangamba dahil sa baka isa siyang huwad—baka isa siyang impostor." Turan naman ni Ate Athena pero nanatili akong tahimik.
"Aalamin nati—"
Bigla kaming natigilan dahil sa sigawan mula sa labas. Nandito kasi kami ngayon sa Cafeteria at oras ngayon ng klase kaya walang katao-tao dito kundi kami lang. Agad kaming nagsilabasan dahil sa taranta.
Papunta kami ngayon sa field, sa malawak na field dahil nando'n ang mga specialist. Hala! Training nga pala nila ngayon kaya dali-dali kaming nagsiktakbuhan at napakalapit na namin ngayon, baka kasi may mapahamak o may napahamak na. I forgot to make a portal pero huli na dahil sa limang lalaki na nasa harapan namin na nakasuot ng mga uniporme, pamilyar ang mga uniporme nila! Galing sa Westheria!
"Oh! Long time no see mga brad! Nasaan na ang kasama niyong nagngangalang Alisis? Bakit hindi ata siya kasama? Aba sinusuwerte nga naman kami ngayon oh!" Turan nong may hikaw sa magkabilang tenga na hugis krus.
Hindi bihira ang mga presensiya na meron sila, napakalakas nila!
Dalawang seryoso ang mukha, isang blangko lang ang ekspresiyon at dalawang parang ang mamanyak!
"Sinusuwerte? Baka nakakalimutan niyo, nasa teritorya namin kayo kaya hindi niyo kami kaya." Ngising turan ni Enexx, tinignan naman siya ng mga lalaki na para bang inaalala kung nagkita na ba sila.
"Hindi ka pamilyar, sino ka ba? At bakit wala ang babaeng kayang magpalabas ng yelo na palaso? Kailangan namin 'yon, bakit dalawa lang kayo?" Turan na naman ng lalaking may hikaw na para bang nagta-tantrums dahil sa hindi siya makapaniwalang wala ang hinahanap niya.
"Kita mong wala diba? Bakit mo pa hinahanap? Tanga kang boy?" Asar naman ni Ate Athena ngayo'y nakangisi naring demonyo kaya naging seryoso narin ang ekspresiyon ko at hinarap ang mga lalaki. Ramdam ko ang isa sa kanila na katulad ko, isang Enchanter kaya hindi rin ako mahihirapan.
Bigla nalang nagngit-ngit ang mga ngipin ng lalaki at agad siyang sumugod kaya agad kaming naghanda. Si Athena ang target niya at halos nag-slow motion ang lahat dahil sa paglitaw ng mga daggers na hugis krus sa likuran ng lalaki at kami ang target kaya agad kaming umiwas.
Ayaw niya kaming makialam sa laban nilang dalawa ni Ate Athena pero alam ko naman kayang-kaya niya 'yang lalaking 'yan dahil isa siyang Diyosa ng mga Dragon.
Pinapalibutan na ngayon ang dalawang naglalaban ng mga cross daggers. Hindi kami makalapit dahil sa mga talim na meron ang mga patalim, hindi kami makalapit dahil kusa kaming aatakihin ng mga daggers kapag akmang lalapit kami.
"Napaka-selfish naman ni Cross, ayaw niya tayong pasalihin sa laban niya." Turan naman ng isa pang manyak, so Cross pala ang pangalan ng lalaking may krus sa magkabilang-tenga niya? Psh! Ang sama ng ugali!
"Denom, wala ka na bang utak ngayon? Edi atakihin ang iba, napakadaling solusyon." Seryosong turan ng lalaking katabi no'ng Denom na ikinagisi nalang ng manyak at napatingin sa akin.
Agad naman akong napaatras at napalunok dahil sa kakaibang ngisi niya. Dinilaan pa niya ang ibabang labi niya kaya mas lalo akong kinabahan.
Nagulat nalang ako dahil sa pagbago niya ng anyo at nagkaroon ng sungay ang magkabilang sentido niya. Hindi katulad ng kay Ate Athena na baluktot ang sungay, mahaba at matulis ang kaniyang mga sungay.
"Hi sweety." Tawag niya akin at agad siyang umatake sa akin. Kamao niyang napakalaki na ngayon, mga kukong napakahaba at balat niyang hindi nalalayo sa balat ni Ate Athena. Magaspang, at parang nakakasugat na kahit hindi ka pa nadadaplisan ng balat niya.
Humanda ako sa atake niya at hindi nawawala ang ngisi niya sa akin. Bago pa siya makalapit ay bigla nalang may lumitaw na bolang apoy galing sa aking likuran kaya natigilan ang lalake sa pag-atake. Agad naman akong napaatras ulit dahil sa paglabas ng pakpak niya na para bang pakpak ng isang malaking ibon, napakalaki at ang itim ng pakpak niya.
"Senny, dito ka sa likuran ko." Bago pa ako umangal ay nasa likuran na ako ni Enexx dahil sa paghila niya sa akin.
Napansin kong naglalaban narin si Kuya Cylechter sa lalaking blangko ang ekspresiyon na may kalasag at espada na hawak na parang gawa sa metal at parang may kung anong kuryente akong napapansin. Ang dalawang lalaki naman ay seryoso lang na nanunuod sa mga kasamahan nila.
Bigla nalang akong nagulantang at hindi makagalaw sa hindi alam ang dahilan. Umilaw ang buo kong katawan at hindi makapagsalita, hindi ako makahinga ng maayos dahil pati ang tibok ng puso ko ay parang nahihirapan na din sa pagtibok. Hindi ko kayang huminga ng malalim, hindi ko kayang humingi ng tulong pero nakita ko sa gilid ng mga mata ko na papalapit sa akin si Kuya Cylechter.
"Senny, huwag kang mag-alala tutulungan kita." Turan niya kaagad at agad gumawa ng malaking bola ng tubig at itinira sa lalaking nakatingin na pala sa akin ng malalim. Siguro siya ang kumokontrol sa akin, isa siyang manipulator!
Agad akong nakahinga ng maayos dahil sa ginawa ni Kuya Cylechter. Agad akong huminga ng malalim at habol na habol ko talaga ang ere dahil sa kakulangan ng hangin. Inis kong tinignan ang lalaking gumawa no'n pero ngayon ay hindi na siga nakatingin sa akin, nakatingin na siya ngayon kay Kuya Cylechter na hindi narin makagalaw.
"Healing activate." Narinig kong bulong ni Ate Wenessa at oo nga, isa siyang Enchantress noon kaya dalawa kami. Tinignan ko si Kuya Cylechter na nakagalaw na ngayon at pilit na inaatake ang lalaking kayang kontrolin ang katawan ng isang nilalang. At hindi siya dapat maliitin dahil sa kakayahan niya.
Napansin kong naglalakad sa direksiyon ko ang isa pang lalaking seryoso. Siya ang lalaking katulad namin ni Ate Wenessa, isa siyang Enchanter. Agad umilaw ang buo niyang katawan ng itim at agad lumitaw ang mga bolang itim pero mararamdaman mo ang enerhiya na nagmumula do'n.
I immitate his move, umilaw din ang buo kong katawan pero hindi itim kundi puti. Lumitaw sa magkabilang gilid ko ang bolang puti, light balls.
Sa mga nae-engkwentro kong mga iba't-ibang kapangyarihan, natutunan ko din sila aralin at naipapalabas gamit ang sistema at sa pagbigkas ko ng mga spell nila.
"Light ball!"
"Dark Ball!"
Sa sigaw naming pareho ay agad nagsanggaan ang mga enerhiya namin na nagdulot ng matinding pagsabog at kasabay no'n ang napakalakas ng kulog at pag-eespadahan ng mga kidlat sa kalangitan.
'Yon na ata ang pinakamalakas na kulog at kidlat na narinig ko sa buong buhay ko. Maririnig mo talaga ang galit ng kung sinuman ang gumawa no'n kaya agad kaming napatingin sa babaeng nakalutang ngayon sa ere na nagliliwanag ng puti ang magkabilang mata at may kuryente pa sa mga kamay. Hindi na makita ang itim na bilog sa kaniyang mga mata, puro na puti na para siyang sinaniban ng kakaibang nilalang.
"Nakakahiya naman kung naglalaban kayo mismo sa teritoryo namin. Hindi naman ata ako nakakadistorbo diba?" Malamig na turan niya.
"Zhavia."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro