Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 3

Alisis.


"Anong gagawin natin Venny kapag gising na siya? Baka magalit siya sa akin." Malungkot na turan ko kay Venedict dahil hindi na talaga ako mapakali.

I don't want Sera to die, napamahal na siya sa amin. She is important for us, at may kailangan din kaming itanong sa kaniya.

Simula no'ng mamulat kami sa katotohanan? Nagbago na ang lahat, our perspectives and understandings of each things here in this world. Feel namin talaga hindi kami karapat-dapat sa lugar na'to. We didn't deserve this kind of world na nakakataba ng puso, masaya at wala kang iisipin na gulo. Kung naging ordinaryo ba ako, maganda din kaya ang buhay ko? Magiging bullied pa rin ba ako sa mga mata ng iba? Mabait na babae pa rin ba ako? Magkakaroon pa rin ba ako ng mga kaibigan katulad nila?

"Huwag kang mag-alala Alisis, kahit ako kinakabahan din. Remember? She really don't want to have abilities na meron tayo at dahil ata sa pamilya na meron siya. Kaya pala no'ng makita niya tayo no'n ay parang hindi naman siya gano'ng gulat." Sambit ni Venedict.

Sinulyapan ko lang si Sera na mahimbing na natutulog. She is pretty, ordinaryong-ordinaryo siyang tignan pero simula nang mabigyan ko siya ng kapangyarihan, some of her figures' changed

Amg buhok niya ay itim na itim na noon ay blonde at ang kutis niya ay mas lalong pumuti. Mga labi niya na mas lalong pumula na noon ay may kaunting pamumutla.

"But the question here is, bakit ka tinawag ng nanay ni Sera na Genesis? Genesis is your mother's name right? Like parang gulat na gulat sila nang makita ka." Takang sambit ni Venedict kaya nagbikit-balikat lang ako.

Am I really looked like my mom? Auntie once said na little resemblance ako ni nanay no'n. Kung gaano kabait ang nanay ko no'n ay mas lalo daw dinoble ang bait ko ngayon. I really don't have an idea kung anong klaseng itsura na meron si nanay, mukha ko lang ang pinaninindigan ko.

"Kahit ako ay nalilito rin, her name is Werrestella kung hindi ako nagkakamali sa rinig. May kapangyarihan siya like us, she is Water Specialist." Tugon ko at napatingin ulit kay Sera.

Naaawa ako sa kaniya, she is adopted and I hate it. Sa likod ng mga matatamis na ngiti niya, tawa niya na parang musika sa tenga at mga advice na lagi niyang ibinibigay sa amin, sino bang mag-aakalang may gano'n siyang pinagdaraanan?

"A-Alisis? V-Venedict?" Agad kong nakita ang pagbuka ng mga mata ni Sera, her eyes are now glowing. Kulay light blue ang mga mata niya.

"Tignan mo? Pati paggising niya inaasar parin ako." Hindi ko nalang muna pinansin ang joke ni Venedict dahil iba ang pakiramdam ko ngayon na kahit patawanin ako ngayon ni Venedict ay hindi uubra. I really feel scared dahil sa ginawa ko kay Sera, she is not like the others na gustong-gustong magkaroon ng kapangyarihan.


"B-Bakit parang ang init ng katawan ko? 'Yong mga m-mata ko, bakit p-parang lumiliwanag? Nakikita ko sa mga mata niyo ang kakaibang kulay ng mga mata ko!" Nabigla ako dahil sa pagsigaw niya.


I think her power is already activated.

"S-Sera." Utal kong tawa sa pangalan niya kaya napaigtad ako ng bigla niya akong sinamaan ng tingin na ngayon ko lang nakita sa kaniya.

"Did you revive my life?! Alam mo bang gustong-gusto ko ng mamatay dahil sa buhay na meron ako?! Tapos ano 'to? Binigyan mo ako ng kapangyarihan na alam mong ayaw na ayaw ko Alisis?!" Sunud-sunod niyang sigaw sa akin kaya hindi ko na napigilang hindi mapaluha dahil sa innaakto niya ngayon.

Hindi ko inaasahan na ganito pala ang magiging reaksiyon niya, hindi ko alam na hahantong sa sitwasiyon na gaganituhin niya ako. Well, kasalanan ko rin naman kasi eh. Pero magiging selfish ba ako na kahit alam kong kaya kong buhayin ang isang tao na wala ng buhay?

"Huwag mong sigawan si Alisis, Serafina!" Sigaw din sa kaniya kay Venedict kaya kaagad kong hinawakan ang braso niya to stop him.

"Oh bakit? Kayo naman ang may kasalanan, unang-una palang ay dahil sa mga presensiya niyo kaya nagkagulo ang pamilya ko. Pamilya na meron ako!" Sigaw niya sa amin.

"Hoy! Anong pamilya na meron ka?! Ampon ka lang!" Nabigla ako sa masakit na sinabi ni Venedict at agad na napatingin kay Sera na ngayo'y natigilan na at parang gulat na gulat.


"Oh natahimik ka? Totoo naman kasi! Ampon ka lang kaya huwag na huwag mo kami sinisigawan ng kung anu-ano dahil kahit una palang, wala kaming kasalanan dahil wala naman kaming alam sa mga nangyayari. At magpasalamat ka dahil binuhay ka pa ni Alisis!"

"Tama na Venedict." Bulong ko kaya napansin kong napabuntong-hininga siya.

"Bakit?! Hindi ko naman sinabing buhayin niya ak—" Natigilan ako dahil sa ginawa ni Venedict. She slapped Sera at nakita ko ang sakit at gulat na rumehistro sa mukha ni Sera.

"Venedict!" Sigaw ko pero hindi siya natinag.

"Selfish kang bruha ka! Alam mo bang importante ka na sa amin? Kay Alisis? Alam mo bang lagi niyang sinisisi ang sarili niya dahil sa ginawa mong pagligtas sa kaniya? Alam mo bang iyak ng iyak kanina pa dahil iniisip niya kung ano ang magiging reaksiyon mo? And now! You are saying na hindi ka na dapat binuhay pa? Masuwerte ka dahil sa dami ng taong nangangailangan ng buhay para sa pamilya nila ay ikaw ang kauna-unahang binigyan ng pagkakataong mabuhay ulit!" Mahabang litaniya ni Venedict kaya napayuko nalang ako.


I really hate the situation kung saan alam kong hindi dapat pag-awayan pero wala akong magagawa dahil ako rin naman ang may kasalanan.


"Stop arguing please." Bulong ko.

"Bakit umiiyak 'yang si Alisis?" Agad kaming napalingon sa pinto kung saan seryosong nakatingin sa amin si Auntie.


Nandito kasi kami sa kwarto ko, wala rin sa utak namin dalhin si Sera sa hospital dahil baka iba lang ang maisip ng mga doktor.


Napansin kong natigilan si Sera.

"Bakit nararamdaman ko ang presensiya niya?" Bulong nito pero rinig na rinig ko pa rin.

"Auntie, binuhay ni Alisis ang babaeng 'to at binigyan ng kapangyarihan." Gulat si Auntie na napatingin kay Venedict at nalipat sa akin at kay Sera.

"G-Ginawa niya 'yon? Are you really sure?" Gulat paring tanong nito kaya tumango nalang ako.

"Palakas na palakas ang kapangyarihan na meron ka Alisis kaya mag-iingat ka. Hinuhuli mo ang atensiyon ng mga katulad natin." Seryoso nitong turan at napatingin siya kay Sera.


"So you're the lucky girl? Ikaw ang sumagip sa buhay ni Alisis and you died because of that. Bakit inampon ka ng mga katulad namin tapos gano'n lang din pala ang itatrato nila sa'yo?" Turan ni Auntie na nakataas ang isang kilay.

Gulat na napatingin sa kaniya si Sera dahil sa sinabi nito na agad na ikinahagikhik ni Auntie.

"Lady, I can see things in future. Bago pa pumunta do'n sila Alisis, alam ko na ang mangyayari. Well hindi ko alam na ikaw pala ang batang 'yon. Nakikita ko ang pangyayari o lugar sa hinaharap pero hindi ko na nakikita ang mga mukha ng mga tao. They are all blur in my eyes." Paliwanag ni Auntie. Hindi na ako nagulat sa sinabi niya.

"Her mom is Werrestella, Auntie." Turan ni Venedict at nakita kong sumeryoso ang ekspresiyon ni Auntie.

"Oh? Ang mga Royal blooded nandidito? How come? Paano sila nakapasok sa mundo ng mga tao?" Bulong ni Auntie pero rinig na rinig ko.

Ibig bang sabihin ni Auntie na imposible na makapasok ang mga katulad namin dito sa mundo na'to?

"Ang alam ko lang na may kakayahang pumasok sa iba't-ibang mundo ay ang nanay mo Venedict." Seryosong turan ni Auntie at napatingin ulit kay Sera.



"Ano pong Royal blooded?" Tanong ko kay Auntie dahil wala naman siyang nabanggit sa amin noon ni Venedict.


"Sila ang mga specialists na may malaking responsibildad sa mga kaharian. Mga prinsipe o prinsesa, hari at reyna." Sagot naman nito kaya napatango ako.


"So what is your ability iha?" Tanong ni Auntie kay Sera pero nakita kong nagngitngit ang mga ngipin nito kaya kaagad akong napayuko.


Hindi niya na ba talaga kayang tanggapin ang ginawa ko sa kaniya? Hindi niya na ba ako mapapatawad sa ginawa ko? Gusto ko lang naman makatulong, gusto ko lang mabuhay ang mga gusto kong mabuhay. She deserves to live again, wala siyang kasalanan pero kinuha kaagad ang buhay niya. I want her to live longer. She deserves to be happy again.


"H-Hindi ko pa po alam." Dinig kong sagot ni Sera kaya napaangat ang ulo ko at tumingin sa kaniya.


"Kanina pa siya nabuhay at nabigyan ng kakaibang kapangyarihan Auntie kaya hindi pa namin alam kung anong klaseng kapangyarihan na meron siya ngayon." Sabat ni Venedict kaya tumango ako.


"Sorry Sera." Sambit ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin na may disappointment sa mga mata.


"Wala na akong magagawa Alisis, nagawa mo na eh." Turan naman nito kaya nalungkot akong napayuko ulit at pinunasan ang nagbabadyang luha.


"You will be one of her Apostles, iha. Nakikita kong nagdadalawang-isip ka dahil ang alam mo sa sarili mo, wala ka ng rason para mabuhay. No, you have many reasons to live at isa do'n ang pagligtas sa buhay ni Alisis." Seryosong turan sa kaniya ni Auntie kaya napaangat ang ulo ko dahil sa narinig.


"A-Apostles?" Turan na tanong ni Sera kaya napabuntong-hininga si Auntie.


"Kung hindi mo pa alam, si Alisis ang pinakamakapangyarihang specialist na nabubuhay dahil sa mga kakaibang dugong dumadaloy sa sistema niya. May dugong bughaw, digo ng Diyos at Diyosa kaya kailangan siyang protektahan. Malakas siya pisikal at espirituwal. Venedict is the first Apostle she have." Turan ni Auntie.



"Bakit pa po kailangang protektahan si Alisis? She is strong at kayo na din ang nagsabing siya ang pinakamakapangyarihan." Kunot-noong sambit ni Sera.


"Yes she is strong physically pero Sera, mahina ang puso niya sa mga bagay. Madali siyang maawa, madali siyang bumigay. She needs comforter, supporter at mga katulad natin na magbibigay ng advice sa kaniya." Napalingon kami kay Venedict at nakita ng gilid ng mata ko na napatango si Auntie.


"S-So? Kung ayoko?" Seryosong turan ni Sera kaya nalungkot naman kaagad ako. Ayaw niya na talaga sa akin.



"Well, hindi mo na makikita ang totoo mong pamilya." Agad na turan sa kaniya ni Auntie na siyang nagpatigil kay Sera.


Gulat akong napatingin kay Auntie dahil sa sinabi niya. I know she is powerful too because she is one of the Goddess in Avalon. The Goddess of Words, Books and Sealing Power. Sa madaling salita, mahirap din siyang kalabanin.



"P-Paano niyo nalaman ang tungkol sa totoo kong pamilya?" Utal na tanong ni Sera at binigyan lang siya ng ngiti ni Auntie.


"I can see things in the future at nakita ko sa hinaharap ang mga taong kinuha ng mga bampira. They need blood, many blood kaya sigurado akong nando'n ang pamilya mo, ang totoong pamilya mo. Alam kong alam mo kung saan matatagpuan ang totoo mong pamilya pero pinili mo paring magkunwari at nagpaampon sa mga peke mong pamilya. Ang pamilya mo ay kinuha ng mga bampira kaya kahit alam mong masakit ang trato ng mga peke mong mga magulang ay pinilit mo parin dahil sa gusto mo silang iligtas." Paliwanag ni Auntie kaya nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Sera.


A-Alam niya kung sino ang mga totoong pamilya niya? Paano niya natatagalan ang mga pekeng pamilya niya? Bakit gusto niya paring bumalik sa peke niyang pamilya kahit alam niyang masasaktan at masasaktan siya. Ginamit niya lang ang peke niyang pamilya?


"Nagsisinungaling ka lang!" Sigaw ni Sera pero binigyan lang siya ng ngisi ngayon na kanina ay ngiti.


"Iha, alam kong hinahanap mo na sila kasi nawawala na sila mula no'ng nagkakilala kayo ni Alisis. At dahil sa inampon ka ng mga Royal blooded na siyang nagbigay sa'yo ng pag-asa para mahanap ang mga tunay mong mga magulang. Pero hindi ka natulungan dahil wala silang pakialam sa'yo kaya aksidenteng nagkakilala kayo kaya plano mo silang gamitin din para sa kapakanan mo." Ngising sambit ni Auntie kaya napatakip ako sa bibig.


Auntie never lied, Auntie always telling the truth because she can see things in the future. She never betrayed us, she never use us.


"S-Sera.." Tawag ko sa pangalan niya.



"Fine! Totoo 'yon kaya ayokong binuhay ako ni Alisis dahil sa nagawa ko. I hate her dahil binuhay niya ako kahit na may kasalanan ako!" Iyak na sigaw ni Sera.


"Sinungaling ka din pala." Dinig kong sambit ni Venedict pero umiling lang ako at yumakap kay Sera.


"No Sera! I can still forgive you! Kasi kaibigan kita! Importante ka sa akin!" Sigaw ko sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

Humihikbi si Sera kaya hindi ko na rin napigilang hindi maluha dahil sa sitwasyon.



"See Serafina? She is too weak! Mahina siya dahil kaagad niyang napapatawad ang isang tao kahit alam niyang may napakalaking kasalanan ito sa kaniya." Dinig kong sabi ni Venedict.


"Venedict!" Sigaw ko sa kaniya pero gano'n parin ang ekspresiyon niya. Seryoso.


Bigla akong napahiwalay kay Sera dahil napatayo siya sa hinihigaan at humarap kay Auntie.




"I will do it, magiging Apostle ako ni Alisis. For her forgiveness, kindness and love for me as a friend. Susuklian ko siya, this second life is for her. She deserves protection."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro