Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 20

Alisis.

"Galing kami sa mundo ng mga tao, sa mundo kung saan walang ganito, walang kapangyarihan, walang kaharian at walang kakaibang mga nilalang." Turan ko sa kanilang lahat.

Hindi na kami makatakas, hindi na namin maitago kung sino kami. Kailangan na naming sabihin, at kahit hindi sila gano'n kapani-paniwala, kailangan nalang namin mag-ingat. Kailangan na naming maghanda, kailangan na naming maging alerto.

"Kaya pala kakaiba ang lengguwaheng isinasalaysay ng iyong mga kasama." Sabat ni Soltear kaya napatango ako.

"H-How? T-Totoo bang kaya mong buhayin ang isang patay?" Napatingin ako kay Gemartha at hinay-hinay na tumango at napansin kong napasinghap siya.

"You are so different, magkatulad nga talaga kayo ni Genesis. Hindi ko pa nakitang bumuhay siya ng patay, pero naranasan na naming makitang ginamot niya kaming lahat no'ng labanan. Misyon naming mga Satharia Royals 'yon." Sabi ni Yvino, hindi ko maiwasang hindi mamangha sa kakayahan ni ina.

Gusto ko na talagang makita si ina, I want to hug her tight and also my father. Gusto ko na silang iligtas, gusto ko na silang hanapin pero marami pang mga misyon kami dapat atupagin. We need to look for Wenessa's lover para maibalik ang kapangyarihan niya.

Napalingon ako kay Wenessa na ngayo'y tulalang nakatingin sa kung saan, naaawa ako sa kaniya. Anytime ay parang iiyak na ako, anytime gusto ko siyang tulungan na kaagad.

"So 'yang mga kasama mo? Sino sila?" Napalingon ako kay Chester na parang wala lang, ang cool-cool niya lang tignan.

"He died, namatay na siya noon at binuhay ng aking kapangyarihan. Hindi ko alam pero sabi ni Athena na ang kapangyarihang meron siya ay isang Legendary." Turan ko at nakita kong napaatras sila at gulat na napatingin kay Chester.

"L-Legendary?" Utal na sambit ni Daneel.

"He can release violet fire, nakita ko na ang kapangyarihan niya no'ng nilabanan namin ang Devil Lord of the Lust, si Asmodeus. Kakaiba ang init ang meron siya, mas mainit pa sa totoong apoy." Paliwanag sa kanila ni Athena kaya napatango si Chester na para bang nagmamayabang.

"Naaalala ko ang ganiyang klaseng kapangyarihan, minsan na 'yang sinabi ng propesor namin." Turan ni Yvino.

Napansin kong tahimik lang si Zhavia at nakatingin lang sa ibang direksiyon, parang ang lalim-lalim ng iniisip niya. Ano kayang bumabagabag sa kaniya? She look so serious, parang ang dami niyang problema.

"Nakalimutan ko na ang lalaking may kakayahan na katulad ng sa'yo, he is one of the four Legendary Knights." Gemartha said.

"How about that lady?" Turo naman ni Satro kay Sera.

"She can release ice arrows from her palm. Ang ice arrows ay kakaiba, kumikinang at napakalakas. Hindi bihira ang bigat ng mga yelong palasong meron siya." Athena answered.

"She also died, namatay siya dahil sa aksidenteng pagsaksak sa kaniya ni Wenessa, 'yong nakalaban naming babae kanina." Sabi ko sa kanila.

"Teka Alisis, paano nagkaanak si Prince Rajedh? Hindi ko alam na may anak siya sa mundo ng mga tao?" Takang kunot-noong tanong ni Athena.

"Adoptive parents sila ni Sera, si Rajedh na sinasabi mo at si Werrestella. Kinupkop nila si Sera ng iilang taon, hindi namin alam kung paano sila nakarating sa mundo ng mga tao." Paliwanag ko sa kanila kaya napatango naman si Athena.

"Hindi na nakakapagtaka ang mga nangyayari ngayon, wala na sina Menesis at Genesis kaya hindi na balanse ang bawat mundo at nagbukas lahat ng pinto." Sa sinabi ni Satro, para akong nanghina.

Anong wala? Si nanay? Wala na? Ang alam ko ay nasa Westheria sila at kailangan nila ng tulong kaya hinding-hindi ako maniniwala na patay na sila. Pero hindi ko puwedeng sabihin sa kanila, hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagtatago sa mga ngiti, sa seryosong mga ekspresiyon. I need to save my family, also the kingdoms.

"Napapansin ko, kapag nakakabuhay ka ng patay ay kakaibang mga kapangyarihan ang pumapasok sa kanilang mga sistema. Ganiyan na ka ba talaga kalakas Alisis? Kaya pala wala kang presensiya dahil tinatago mo?" Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba 'to si Zhavia na ngayon ay sumasabat na sa usapan, ewan ko ba kapag siya na ang kaharap ko ay nagiging maldita ako.

"She is, kaya ginawa niya kaming Apostle para meron siyang tagapagtanggol." Turan ni Chester kaya mas lalong nagtaka ang mga nasa paligid namin.

"So Apostle talaga ang narinig ko?" Napalingon kami kay Wenessa at si Chester na ang tumango para sa akin.

"Binuhay kami para iligtas si Alisis, protektahan at alagaan. Hindi namin hahayaan na may makakalapit sa kaniya na kalaban. Dadaan muna sa amin lahat." Ngising turan ni Chester at nakita kong maigi siyang tinignan ni Satro.

"You, Chester right?" Turo ni Satro kay Chester at harap-harapan naman siyang nilapitan ni Chester na para bang nananakot pero hindi effective kay Satro dahil sa walang ekspresiyon nitong ipinapakita. Nag-iba na si Satro, parang hindi siya 'yong lalaking naghatid sa amin sa Satharia Academia.

"Kaanu-ano mo sina Igneous at Ignite?" Tanong nito at nakita ko si Chester na kumunot ang noo.

"Sino naman sila?" Tanong pabalik ni Chester.

"They are the princes of Natharia Fire Kingdom, bakit parang may pagkakahawig kayo?" Tanong nito pabalik at tinignan ko mga ang mukha ni Chester at sinuri. Gano'n din ang ginawa ni Athena at halos sabay kaming napatakip sa bibig namin dahil may kahawig nga.

"Ahm—guys si Venny nga pala—"

"Where is he?!" Tarantang tanong ko at agad lumabas ng bahay at nilingon-lingon ang ulo sa bawat corners. Nawawala siya, kani-kanina lang ay nandidito siya pero bakit nawala? Kaya pala hindi ko na maramdaman ang presensiya niya.

"Venny!"

"Venny!"

"Hoy! Bakla!"

"Venedict!"

Sa kakasigaw naming lahat, walang Venedict ang lumabas. Wala siya, saan na siya? Saan siya pumunta?

"That bakla? Saan siya pumunta? Tumakas ba siya sa atin?" Inosenteng tanong ni Gemartha kay Yvino na bikit-balikat lang.

"Gumawa na talaga siya ng paraan para hindi makabalik si Satharia." Dinig kong bulong ni Daneel.

"Ahm—nakita ko kasi si Venny na nilamon ng gintong liwanag at kung hindi ako nagkakamali, gumawa siya ng portal at pumasok do'n. Hahabulin ko na sana siya pero bigla nalang siyang nawala kaagad." Paliwanag ni Soltear kaya nanghihina akong napaupo.

"Kaya niya palang gumawa ng mga portal? Nice power, kakaiba. Namatay din ba siya?"

"Zhavia!" Sigaw ni Satro sa kaniya pero parang wala lang sa kaniya.

"What?" Seryosong tugon ni Zhavia pero hindi ko nalang siya pinansin.

"Dito nakatira ang mga pamilya ni Venny, napunta lang siya sa mundo namin dahil sa isang aksidente." Rinig kong sagot ni Sera.

"He can also read minds, kaya alam niya kung anu-ano ang mga iniisip niyo." Turan sa kanila ni Chester kaya halos manlaki ang mga mata nila.

"Unbelievable." Tugon nalang ni Gemartha.

"I think hindi na natin siya mahahanap, Alisis." Inis akong napalingon kay Athena dahil sa sinabi niya. Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa bigla niyang tinuran.

"So anong gusto mong gawin ko? Iiwan siya habang tayo ay magkakasama? We can't just leave him!" Sigaw ko na ngayon at hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha kasabay ang malakas na pagkulog at paglabas ng mga kidlat.

"Zhavia naman! Huwag kang manakot!" Sigaw ni Gemartha pero taka lang akong tinignan ni Zhavia.

"Its not me, she who did that." Turo sa akin ni Zhavia pero hindi ko siya pinansin at inilibot ang tingin ko sa paligid.

"Venny!" Sigaw ko pero wala talaga, sumigaw pa ako ulit pero hindi talaga siya nagpapakita.

Saan ka na ba Venny? Ano na naman ba ang problema mo? Saan ka na naman sumuot?


**********

Venedict.

Unti-unti ng dumidilat ang mga magagandang mata ko, charot! Pero maganda naman siya. Pagdilat ko ay bumungad agad sa akin ang puting kisame, puting kurtina sa mga gilid ko at napatingin ako sa ilalim, puting kumot. Lahat dito puti, nasa langit na ba ako?

Teka sina Alisis, saan na ang mga 'yon? Ay hala! Nasa ibang mundo nga pala ako! Shit! Shit!

"Glad you're awake." Napaupo kaagad ako dahil sa pamilyar na boses at agad kong nakita ang magandang hubog ng kaniyang katawan. God! He is topless! Hiyang-hiya ang kutis ko sa kaniya, hiyang-hiya ang lips kong hindi mapula kagaya ng kaniya!

"W-Wyeth! Ano ba?! Bakit ka nakahubad?!" Sigaw ko sa kaniya pero napahagikhik lang siya habang naka-crossed arms at nakatayo sa harapan ko. Wala siya diyan kanina eh!

"Hindi ko alam na ganito pala ang depinisiyon mo ng 'hubad'." Ngising aso—I mean ngising bampirang sabi niya sa akin kaya agad namang nang-init ang pisngi ko. Shit! Para naman akong babae sa sitwasiyon ko ngayon! Nakakainis ah!

"Tse! Akala mo naman ang ganda ng katawan mo!" Sigaw ko ulit sa kaniya pero nagulat ako nang bigla nalang siyang lumapit sa akin kaya mas lalo kong nakikita ang kabuuan niya.

"How did you get here?" Takang tanong niya pero napangisi nalang ako sa naisip.

"Hulaan mo?" Asar ko sa kaniya pero gano'n parin, hindi nagbabago ang seryoso niyang mukha. Bakit ba napakauso ng ganiyang ekspresiyon? Si Daneel, Yvino at Satro pati 'yong Zhavia ay ganiyan din.

"Okay fine, I can make portals kaya hindi ko alam na dito ako napunta." Sabi ko nalang.

"Paano nalang kung sa ibang lugar ka napunta?!" Nagulat naman ako kaagad sa sigaw niya, hindi kasi ako makapaniwala na kaya akong sigawan ng lalaking napakahangin noon.

"Eh pakialam mo?! Eh sa dito ako napunta? At aksidente lang naman kasi akong napasok sa sarili kong portal!" Sigaw ko din pabalik sa kaniya.

"Pero paano nga kung sa ibang lugar ka napunta?!" Sigaw niya na naman sa akin, so ayaw niyang nandidito ako?

Ayaw niya sa akin kaya niya ako sinisigawan? Puwes aalis ako dito!

"Sabihin mo nalang kasi na ayaw mo ako dito! I can go back naman!" Sigaw ko at bigla nalang nagliwanag ang likuran ko at nararamdaman ko na ang paghila ng puwersa sa akin nang magulat akong napatingin kay Wyeth.

He grabbed my arms and now we are sharing hugs.

"A-Ano ba?! Uuwi na ako!" Sigaw ko sa kaniya pero sa ilalim-laliman ko ay kinikilig na ako sa ginagawa niyang 'to.

I promised myself na hindi na ako ma-iinlove sa lalaki, dahil nga sa ginawa ni Hyros. Ayoko ng masaktan ulit, ayoko ng umiyak ulit pero sadyang hindi talaga maiiwasan ang mga 'yon dahil hello? Nagmamahal ka, kailangan mong umiyak at masaktan dahil parte 'yan ng pagmamahalan. When I saw Wyeth's killer smiles? His red eyes? Ewan ko ba pero nagsimula ulit tumibok ang puso ko ng mabilis, paano niya nga ba nagagawa 'yon sa akin?

I don't know pero bakit ako? Bakit ako ang napili na maging mate ang isang 'to? Ano bang nagawa ko para maibigay niyo ang ganitong klaseng lalaki sa akin?

"No, huwag ka munang umuwi. I need you here, nanghihina ako." Bulong niya sa tenga ko na siyang ikiniliti ko. God! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa lalaking 'to! He is seducing me! Hindi ako nagkakamali, oo bakla ako pero hello? Grab opportunities na!

Inilayo niya ang sarili niya gamit ang paghawak niya sa magkabilang-balikat ko. Tinignan niya ako sa mga mata kaya kitang-kita ko ang mapupulang matang nang-aakit.

"Your golden eyes, its beautiful. But it will turn red soon." Sabi niya sa akin.

"Gano'n ba 'yon? Kapag nakagat ka ng bampirang malandi mong mate ay magiging pula ang mga mata mo? Magbabago ang kulay?" Takang tanong ko sa kaniya at tango lang ang sinagot niya sa akin, sarap batukan eh.

"Yeah, malandi ako kaya mag-iingat ka sa akin." And one thing I know, we are not sharing hugs anymore but we are now sharing kisses.

Napasinghap ako dahil sa nawalan na ako ng hangin, he is a good kisser. Ayaw ko munang umabot sa kakaibang sensasiyon ang halikan na 'yon, baka kung anong magawa ko at masarapa—magsisi siya I mean hihihi.

Tumalikod siya sa akin at isinuot ang sando niya. Nakasuot na siya ng sando ah? Pero parang nakahubad parin siya, ang tikas ng pangangatawan eh. Broad chest check! Biceps check! Abs check! Gorgeous face check! Lahat nasa kaniya na.

Humarap siya ulit sa akin na may ngiti sa mga labi at sa isnag iglap ay karga-karga niya na ako sa mga bisig niya.

"Ahh! Wyeth what fuckin' are you doin'?!" Sigaw ko sa kaniya, hindi ko man lang naramdamang lumapit siya!



"I will show you the whole Verdugal, my princess."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro