Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 2

Venedict.




The hell! The hell! What the hell! Hindi ko alam kung anong i-re-react ko, kung anong mararamdaman ko o di kaya kung anong gagawin ko sa mga oras na'to. Gosh! Napakaimposible naman ata na maging mate ako ng isang bampira na never ko pa kilala! Jusko panginoon! Hindi ko alam na ganito na pala ka-chaos ang buhay kapag nagdadalaga na ang isang tulad ko.

"Kanina ka pa diyang nakakunot ang noo Venedict." Sinamaan ko naman kaagad ng tingin si Serafin dahil sa sinabi niya. Dumadagdag pa 'tong babaeng 'to eh.


"Its Venny nga! Huwag ngang makulit! Mas lalo mong pinapainit ulo ko eh!" Sigaw ko sa kaniya.

"Huminahon ka nga Venny, baka naman hindi talaga 'yon totoo. Alam mo namang marami ng manloloko sa panahon na'to. Baka nagkakamali ka lang." Mahinhing sabi ni Alisis sa akin kaya napabuntong-hininga nalang ako. I don't know kung anong gagawin ko, am I going to believe of what I've read to his mind? To that stanger's mind? Argh!


"Hindi ko na alam, hindi naman ako nagkakamali sa pagbabasa ng isip." Turan ko nalang at napabagsak ang balikat like I am not really in the mood.

Simula kasing malaman ko kung ano ang tunay na pagkatao ko, kulay, sarian at abilidad ay parang hindi na ako isang ordinaryong mamamayan dito—like hello! Hindi naman talaga ako normal but knowing those wars, powers, betrayals and many missions ay nakakawalang gana sa buhay like I don't want to live na. Nakakainis dahil bakit ba naging ganito ako?


"Tsk! Alam mo Venny? Is it bad na magkaroon ng mate na bampira? Ang dami kong nababasa sa libro na they are good sa kani-kanilang mga mate and the love of a vampire is eternal and forever. Mauuna ka nga lang mamamatay dahil hindi ka bampira but it would be possible na magiging kasing-tagal kayong mamumuhay if he will bite you in the leg, thighs o—"

"God stop! Serafina hindi ka na nakakatuwa ah! Like duh? Alam niyong ayaw na ayaw ko sa mga lalaki and for your information Serafina, hindi lahat ng bampira at kani-kanilang mate ay nagkakatuluyan. So its good kung magiging gano'n din sa amin because I never dreamt to have a boyfriend in life lalong-lalo na—na isang bampira." Pagdadabog ko kaagad at inis na kinain ang wafrets.

Mula no'ng mabasa ko ang nasa isip ng lalaking 'yon, buhay ko ay mas lalong gumulo. Sino naman kasing matinong nilalang na i-me-mate ako sa isang bampira na hambog at walang alam kundi maging guwapong-guwapo sa sarili? Mas maiintindihan ko pa na babae ang bampira kasi mapag-iisipan ko pa pero ang lalaki na may sira ang ulo na 'yon? Never!

"Okay fine but just you know, malakas ang bampira. They have many lives and they will protect their mate kahit buhay pa ang kapalit." Turan na naman ni Serafina kaya sinamaan ko pa siya ng tingin.

"Hindi ko siya mahal at never niyang mamahalin ang isang tulad ko. They are useless vampire and also powerless. As far as I know, malalakas ang mga specialist kaysa sa kanila." Balik na turan ko sa kaniya at nabigla ako ng naging seryoso ang kaninang mahinahon na ekspresiyon ni Serafina.


Ano bang problema ng babaeng 'to at parang nakulam? Wala naman atang witch dito diba? Hahayst! Bipolar din ang isang 'to eh!

"Vampires are useless and powerless pero masasabi ko sa'yo na ang suwerte mo dahil nagkaroon ka ng mate na bampira. Oo mahina sila at walang kuwenta pero ang pagamamahal nila sa mga mate nila ay sagrado and living their mate alone would be forbidden. Kung gaano ka nahihirapan sa sitwasiyon mo, mas nahihirapan sila because only their mate will satisfy their needs." Seryosong sabi niya sa akin kaya natigilan ako.

And dami-dami niyang nalalaman sa mga bampira, she is really addicted to those vampires. Mahilig kasi siyang magbasa ng magbasa about vampires and werewolves because of the plot twists and about their forever love story. Ewan ko ba kung ano ang nasa kokote niya, I didn't try to read her mind dahil minsan nanghihina din ang katawan ko if I use too much power reading minds.

"Tama na 'yan, ang importante ay walang ginawang masama ang lalaking 'yon at wala ding laban na naganap. Magiging gulo kapag nakita tayo ng mga ordinaryo." Turan ni Alisis kaya napatango nalang ako.

We are here in the rooftop, ang favorite place naming tatlo. I remember pa nga nang dahil sa lugar na'to ay siyang naging dahilan kung bakit naging kaibigan namin si Serafina bruha. Actually gulat din kami dahil nagpapalabas ng yelo sa kamay si Alisis at gumagawa din ako ng mini portal para sa mga ibon na nagsisiliparan ng bigla nalang siyang sumigaw. Sa gulat namin ay naibato ni Alisis ang yelo sa direksiyon nito pero buti nalang nagawan ko ng portal ang harapan ni Serafina kaagad kaya doon tumama ang yelo ni Alisis at napunta sa ibang dimension.


"Alam mo Venny, you really don't need to close your heart to others dahil hindi naman lahat ng lalaking nasa isip mo ay nag-eexist. May mga tao parin na mababait, may mga lalaki parin na magalang at marunong rumespeto sa katulad mo. Just open your eyes and move forward." Panimula na naman niya kaya napabuntong-hininga na naman ako sa pangalawang pagkakataon.


"Masakit para sa akin, kahit na ganito ako ay may nararamdaman din ako. It takes a lot of time to heal my wounds here in my heart dahil sa ginawa ng lalaking 'yon. He just used me para mapagkitaan, ginamit niya lang ako para ma-satisfy siya kaya hindi na ako uulit. Pagkatapos no'n mawawala nalang siya na parang bula? Psh! No need to open my heart to others, ako rin naman ang masasaktan sa huli." Sagot ko naman kaagad sa kaniya at akmang magsasalita pa siya ng nag-ring ang phone niya.


She answered the call at nagtaka pa kami ni Alisis dahil sa gulat niyang mukha. At bigla nalang kaming napatayo ng kumaripas siya ng takbo kaya agad namin siyang sinunod.

"What happened to her?" Takang tanong ko kay Alisis na nagbikit-balikat lang.

Hindi nalang ako umimik at takbo lang ng takbo. Halos mapahinto ako dahil sa pamilyar na pigura ng tao at hindi ako nagkakamali. Siya 'yon! Siya! The man who used me! Akmang lalapitan ko siya ng mapagtanto ko na bakit ko pa siya lalapitan diba? Tapos na kami, wala ng kami at hindi niya na ako magagamit kahit kailan. Its his loss, hindi akin kaya maghinayang siya kung gano'n nga ang naiisip ko.




***********

Alisis.



Nagtaka ako sa inakto ni Sera, hindi ko naman siya natanong dahil bigla nalang siyang tumakbo papalayo sa amin na siyang sinundan namin kaagad.

Malapit lang din ang bahay nila sa school na'to at iilang minuto lang ang lalakarin pero ngayon ay tumatakbo kami kaya agad kaming nakarating.

Its not that big, katamtaman lang. Minsan kasi naaawa ako sa kaniya dahil nakikita ko siyang pumupunta ng rooftop to stay there during snack time tapos kakain din siya with her lunch. Alam niya kasing aasarin lang din siya kapag nakita nilang kung anong kinakain ni Sera. People here are judgmental, hindi nila maiwasang hindi manakit ng damdamin ng iba. Like me, alam kong gano'n din ang nararamdaman ni Sera. Scared to be drag down.



"May kakaiba sa bahay nila." Bulong ko ng mapansing parang umuuyog ito kaya agad akong napalingon sa kapaligiran. Cars, motorcycles, buses and everything na transportations ay makikita mo. They are busy with their business, mga taong nadadaanan lang ang bahay nila Sera ay hindi napansin ang parang pagyanig ng bahay nila.


"Ano kayang nangyayari sa loob? Bakit kaya gano'n nalang ang gulat ni Serafina?" Dinig kong tanong ni Venedict na may nagtatakang tono.

Akmang tatawid na ako ng bigla akong mapaatras ng may kakaibang anino ang lumabas galing sa itaas ng bahay nila.

"Shit! Alisis nakita mo 'yon? May shadow na lumabas sa bahay nila!" Natatarantang sigaw ni Venedict kaya hindi na rin ako mapakali.



"At ang mundong 'to na gustong-gusto niyo ay posibleng madadamay sa kahimagsikan ng mga taga Eastherian. Kaya nga hanggang sa maaga palang, you need to go there and help your family."


Bigla ko nalang naalala ang sinabi ni Auntie kaya agad akong kinabahan bigla.

"We need to go there." Concern kong turan at tumango naman ito. May nakita kaming pedestrian lane hindi gaano malayo sa amin kaya agad kaming tumawid doon at saktong na green na ang light.

Takbo lang kami at ng nasa harapan na talaga kami mismo ng pintuan ay siyang pagkarinig namin ng mga pagkalabog. Hindi 'yon maririnig sa labas dahil sa mga sunud-sunurang bosina ng mga kotse.


Agad naming binuksan ang pinto at bumungad sa amin ang mga gulo-gulong mga gamit. Nagulat pa kami dahil sa pagbuka ng sahig na siyang ikinaatras namin. Bakit may kakaiba akong nararamdaman? Its a presence of a specialist, katulad na katulad sila ng presensiya ni Venedict.



"Ano ba?! Tama na po! Hindi po kayo magkakaayos kapag ganiyan kayo palagi kung mag-away!" Dinig naming sigaw ni Sera kaya agad kaming nagkatinginan ni Venedict.

"Tumahimik ka! Ampon ka lang namin at wala kang karapatang mangialam!"

Agad akong napatakip sa bibig ng marinig ko ang sinabi ng isang boses babae. Ako ang nasaktan sa sinabi nito and I think its her mother. Hindi ko alam na ganito pala kahirap at gulo ang buhay ni Sera. She didn't told us about her background, baka ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang magkuwento. She is adopted, sa likod ng magandang ngiti niya ay napakaraming problema.


"Alam k-ko naman po 'yon! H-Hindi niyo na kailangang sabihin 'yan sa a-akin!" Dinig kong sigaw pabalik ni Sera at hindi ko mapigilang hindi mapaiyak dahil sa tinuran nito.



Sera, hindi ko alam na ganitong klaseng pamilya na meron ka.


At bigla akong napaigtad ng may narinig kaming tunog ng isang sampal.

"Tama na 'yan! Alam mo ba kung anong ginagawa mo sa bata?!" Sigaw ng isang maginoong boses na kahit sumisigaw na siya ay parang magalang parin ang boses pakinggan.


Hindi ko na napigilan kaya agad akong pumasok sa isang kwarto kung nasaan sila at naabutan kong nang nasa sahig si Sera na wala na ngayong malay at ang tatay at nanay nitong nakatayo.


Bigla nalang napatingin sa akin ang dalawa at napansin kong nagulat sila lalong-lalo na ang lalaki na parang kasing-edad lang din tignan ni Auntie.



"G-Genesis?" Utal na tawag sa akin ng babae at nakita kong nagngingit-ngit ang mga ngipin nito habang nakakuyom ang mga kamao nito.


Genesis? Its my mom's name at paano niya nakila— specialist nga sila.


Bigla akong naalerto ng bigla itong sumugod na may kutsilyo sa kamay at nakita ko pang nagtutubig ang hawakan nito hanggang sa umabot na ito sa pinakadulong bahagi ng kutsilyo.


"Magbabayad ka!" Sigaw niya. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat.


Akmang papalabasin ko na sana ang yelo ng bigla nalang may humarang sa harapan ko na siyang ikinagulat ng mga mata ko.


"S-Sera.."

"Serafina!"



Nakita kong napaatras ang babaeng sumaksak kay Serafina at wala na akong naiisip ngayon kundi aluhin si Serafina na nagduduwal na ng dugo. Ang mga luha ko ay parang nag-uunahan dahil sa masakit na nakikita ng mga mata ko, ang tibok ng puso ko ay napakabilis at mga namamanhid na mga kamay ko dahil sa nginig.




"Sera." Tawag ko dito pero bigla nalang itong napapikit at may luha pang lumabas sa mga mata niya.


Napapikit ako dahil sa nangyari ngayon, ang kakaibang pakiramdam ko ngayon ay umiinit, ang mga mata ko na parang lumalamig at ang sistema ko ay halos mamanhid na lahat.



"Werrestella tignan mo kung anong ginawa mo sa bata!" Sigaw ng lalaki sa nagngangalang Werrestella na ngayo'y tulala na habang nakatingin sa mga mata ko.


I guess, my eyes turned into yellow and my black short hair are now flowing because of the power I have.


"G-Genesis huminahon ka lang muna." Tarantang sabi ng lalaki.


"I'm not Genesis, I am Alisis. I'm her daughter." Hindi ko alam pero maski ako ay ramdam na ramdam ko ang lamig sa pananalita ko at katulad kanina ay nagulat sila na para bang hindi makapaniwala.


Akmang susugod na ako ng bigla nalang naglaho ang dalawa dahil sa paglitaw ng tubig kasama ang kanilang gulat na gulat na ekspresiyon.


Agad akong pumunta sa puwesto ni Serafina at agad hinawakan ang bandang puso niya.

"I don't want you to die, I want you to live." Turan ko at bigla nalang lumakas ang hangin sa loob kasabay ang pagliwanag ng buo kong katawan at katawan ni Sera at ilang segundo ay nawala ang liwanag. Naglaho lahat kasabay ng mga dugo galing sa bibig niya at sugat sa dibdib kung saan siya nasaksak.

Napansin kong unti-unti ng dumidilat ang mga mata ni Sera kaya agad akong napangiti ng tipid.


Now I know kung bakit ayaw niya maging isang katulad namin.


"Magiging kaisa ka na namin Sera, magiging specialist ka na."




Kahit alam kong ayaw na ayaw mo, pero wala akong magawa. I don't want you to die, ayokong maging kaparehas ng nanay ko na nawala sa kaniya ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro