HP 19
Venedict.
The atmosphere is kinda weird, hindi ko alam kung ang magandang utak ko lang ba ang may problema. Actually wala namang problema sa akin, sa ganda ko, sa sexy kong katawan kaya alam na alam kong walang problema sa akin. Nasa paligid lang talaga ang may kakaiba, the atmosphere like telling me na kailangan na naming umalis? Ewan ko ba, like napa-paranoid na 'ata ako sa mga nangyayari.
And now, we are facing another problems. Kailangan naming i-help ang bruha na si Wenessa dahil sa kapangyarihan niyang wala na sa katawan niyang walang kurba. Chos! Meron naman pero kaunting curve lang, slight lang siya. We need to look for her lover daw na ewan ko kung saang lupalop siya dinala ng ina kong ewan. Isa pa do'n, may isa pa kaming problema at 'yon ang lalaking napakapamilyar sa akin, sa amin ni Alisis.
"He is dead. Hindi na tumitibok ang puso niya at hindi ko man lang malaman kung paano siya nawalan ng malay—I mean, wala siyang saksak o ano man. Wala ding senyales na na-drain ang lakas ng kapangyarihan niya, he looks okay." Takang turan nitong Yvino, akala niya naman ikinagwapo niya. Magkatulad lang din sila nitong Daneel, ang kapal-kapal ng mukha na akala mo kung sinong napakataas.
Yeah, they have high positions here in Satharia pero kapag ako ang tatanungin, wala silang karapatan. Wala silang karapatang diktahin kung ano man ang ginagawa naming lahat.
"W-What? No! He is not dead!" Halos mapahawak ako sa heart ko dahil sa biglaang pagsigaw ng napakalakas ni Serafina like parang nakalunok siya ng microphone.
"He is, teka bakit ganiyan ang reaksiyon mo, babae? Kaanu-ano mo ba siya?" Inis na turan nitong Daneel.
"Alisis! You can heal him right? Kaya mong bumuhay diba? Alam kong kaya mong gawin 'yon, nagawa mo na 'yon sa amin no'n diba?! Please help him, help my father!" Hindi ako nagulat sa hindi pagsagot ni Serafina sa tanong ni Daneel kundi nagulat ako—kami nina Alisis at Chester dahil sa tinuran niya.
She is insane!
"Serafina!" Sigaw ko sa kaniya pero parang wala siyang pakialam. Parang wala siyang pakialam na may nalilito na, na may nakaalam na sa sikreto at baka kung ano nalang ang itanong nila sa amin.
"Hey what do you mean by that lady? She can heal? Kaya niyang bumuhay ng patay?" Utal na turan ni Yvino.
"Tumahimik ka nga, hindi ko kailangan ng mga tanong mo o ano mang lumalabas diyan sa bibig niyo. What I need is my father's life, I want him back!" Nagsisimula ng lumuha ang mga mata ni Serafina, ang mga blue niyang mga mata ay naiiyak na dahil sa hindi niya matanggap ang sitwasiyon ngayon.
"S-Sera." Hindi alam ni Alisis kung ano ang gagawin niya.
I can read her thoughts in her mind, nababasa ko na nagdadalawang-isip siya kung gagawin niya ba ang sinasabi ni Serafina. Puwede kaming mapahamak sa gagawin niya, kapag ginawa niya ang bagay na hindi niya dapat gawin ay tiyak hahantong kami sa kapahamakan.
"Alisis! Sige na please!" Sigaw ni Serafina.
Napatingin ako kay Alisis na pinapawisan na dahil sa kalituhan. Even Chester ay kinakabahan, nakikita ko sa mga mata ng mga mahaharlika 'daw' ang mga kuryusidad at mga katanungan.
Kinabahan ako nang bigla nalang lumapit si Alisis sa patay na katawan ng tatay-tatayan ni Serafina.
"I didn't know that Rajedh has daughter." Bulong ni Athena, dinig na dinig ko din ang mga bawat paghinga niya dahil nga magkatabi kami.
Paglapat ng mga kamay ni Alisis sa katawan nitong Rajedh na sinasabi ni Athena, bigla nalang lumiwanag ang buo nitong katawan. Pero maya-maya ay nagtaka ako kasabay no'n ay ang matinding kaba dahil sa posibleng resulta nang mapansin kong napalayo ang mga palad ni Alisis sa katawam ni Rajedh.
"Is he alive now? Buhay na ba siya Alisis? A-Anong nangyari?" Aligagang tanong ni Serafina, napansin ko ang pagrehistro sa mukha ni Alisis na para bang nasaktan.
"I-I can't Sera, may kung anong klaseng kapangyarihang bumabalot sa katawan niya na ayaw tanggapin ang kapangyarihan ko sa sistema niya. Sorry Sera, I-I can't." Sa sinabing 'yon ni Alisis ay parang bigla nalang gumuho ang buong mundo ni Serafina dahil sa sinabi ni Alisis.
Do'n na mas umiyak si Serafina, naaawa ako sa kaniya. Hindi ko alam pero miski ako ay nararamdaman ko ang hinagpis at sakit dahil sa taong pinakamamahal mo. Nasasaktan din ako kung paano masaktan ngayon si Serafina, naging magkaibigan na kami kaya minsan inaalala ko kung ayos lang ba siya dahil sa pagkamatay ng nanay-nanayan niya at sumunod pa itong problem niya. Nakakaloka ang life niya, pero hindi naman sila ang totoo niyang mga magulang diba? Kinidnap ang mga totoo niyang magulang, at 'yon ay ang mga bampira.
Ewan ko ba kung nagpapasalamat ako dahil hindi ko nakita ang mga magulang ko. Lumaki naman akong wala sila kaya mas mabuti nalang kung hindi na rin sila dumating sa buhay ko. They are useless, ang galing nila dahil natutulungan nila ang ibang mga specialist pero ako, ni hindi man lang nila nabisita o hinanap.
I know they can find me, my mom can create portals para makapasok sa iba't-ibang mundo sabi ni Tita Azania which is namana ko sa kaniya.
Sana naging bampira nalang ako, at least I can live longer. I can do whatever I want, I can go wherever I want to go.
Wyeth.
Hindi ko alam pero hindi nawala sa isip ko ang pangalan niya, he is a stranger. He kissed me before na hinding-hindi ko makakalimutan, my heart is beating fast that time. Pero makakaya ko ba siyang tanggapin ko ang mga kalahi niya siyang nagpahirap sa sitwasiyon ngayon ni Serafina? Hindi man lang ako sigurado kung ako ba talaga ang sinasabi niyang mate, kung totoo bang nag-eexist ang mga ganiyang bond. I think hindi, hindi na kasi siya nagpakita sa akin.
"Magpahinga ka na muna Serafina, you need to rest and forget everything. Mahirap man gawin pero kailangan, sana pumasok sa isip mo na kailangan mo rin ng lakas dahil wala tayo sa mundong kinagisnan natin." Turan ni Chester na mas lalong nagpalito sa iba pang nandidito.
I think wala na talaga kaming takas sa mga mapagtanong nilang mga mata. Wala na kaming takas, I just pray kung ano ang magiging kalalabasan ng lahat kapag nalaman nila ang katotohanan.
Iniwan ko nalang muna sila, hindi ako napansin ng mga prinsesa at prinsipe. They are busy studying Alisis' personality and power. Parang mababaliw sila kung hindi nila malalaman ang kasagutan sa mga katanungang matagal ng bumabagabag sa kanilang lahat.
"Sa'n ka pupunta?" Napalingon ako pabalik at bumungad sa akin ang pagmumukha ni Soltear na halos patayin na kami kanina. Bilib lang talaga ako sa buhay na meron kami, full of killings and chaos. Unang araw palang ng paglalakbay, ang dami ng nangyari.
"Magpapahangin bakit?" Sana hindi niya natonohan ang pagka-maldita effect ko dahil baka mag-explain further na naman ako dito.
"Wala lang naman baka kasi magpapahangin ka dahil sa iyong mga problema. Kung bakit hindi mo siya nakikita, kung bakit hindi na siya nagpaparamdam at kung bakit nagawa niya ang mga bagay na hindi mo inaasahan." Turan niya sa akin na siyang ikina-seryoso ko dahil sa dami niyang alam.
"Ewan ko ba kung nakakatulong 'yang kapangyarihan mo o nakakairita. You're giving a lot of informations na siyang dapat naka-private lang." Inis kong turan sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng ngiti, ngiting matamis na kahit nainsulto na. Pambihira!
"Venny, hindi galing sa akin ang mga impormasiyon nakalap ko tungkol sa'yo kundi galing sa patak ng mga ulan. Hindi ko maiwasang hindi pakinggan ang bawat istorya ng mga dumadayo sa lungsod ko gamit ang bawat patak ng ulan. Siguro maraming naniniwala na ang ulan ay siyang mas lalong nagbibigay kalungkutan sa lahat kapag nasasaktan pero hindi nila alam, ang silbi talaga ng ulan ay magbigay proteksiyon. Proteksiyon na siyang hindi mo inaakala, tuwing umiiyak o bawat emosyon ang naibibigay natin, ang ulan ang nagtatago nito. They sealing your emotions and tears para hindi malaman ng lahat na nanghihina ka sa panloob mong anyo." Paliwanag niya sa akin and I can say that, ang dami niya talagang alam.
Tatalikod na sana ako pero natigilan ako sa sinabi niya.
"Bawat patak ng mga ulan ay nagsasabi sa aking nagdadalawang-isip ka sa isang nilalang kung siya ay mamahalin mo. Kung siya ba ay tatanggapin mo o mamahalin mo. Sa lahat ng kasamahan mo, ikaw ang pinakamalungkot. Oo nagpapakita ng kahinaan ngayon si Serafina dahil sa bawat patak ng kaniyang luha pero hindi nila alam lahat na mas nalulungkot ka at tinatago mo lang sa iyong mga ngiti."
Hindi ko na siya pinansin at hinayaang magsalita pa dahil gumawa na ako ng gintong liwanag, portal. Pumasok ako do'n na nakapikit na hindi man lang siya binigyan ng isa pang tingin.
Sa pagbukas ng mga mata ko, liwanag ng araw ang siyang yumakap sa buo kong pagkatao. Kakaibang liwanag, kakaibang atmospera at kakaibang ihip ng hangin.
Shit! This is not Satharia anymore! Ibang lugar na'to!
Muntikan ko nang makalimutan na kaya kong makita ang mapa. Hologram ang tawag nila dito kaya agad kong itinaas ang ere at do'n lumabas ang isang hologram at halos manlaki ang mga mata ko—No! I mean nanlaki talaga ang mga mata ko!
Wala nga talaga ako sa Satharia, pero I can go back kung gugustuhin ko. But I don't want to go back there dahil naaalibadbaran ako kay Soltear na ang dami-daming alam sa buhay.
Tinignan ko ang mapa, may pulang dot sa area kung saan ako nakatayo which is na ako ang red dot na 'yan. Bigla nalang nagsilitawan ang mga hindi pamilyar na pangalan ng mga lugar at sa pinaka-top screen ay bigla nalang lumabas ang isang pangalan. Pangalan 'ata ng mundo nila.
Verdugal.
Verdugal? Anong klaseng lugar naman 'ata 'tong napasukan ko? Yes, its nice dahil nasa gitna ako ng kagubatan. Nice? Kapag sinabi kong nice, ang galing. Ang galing dahil delikado ako dito, nasa gitna ako ng kagubatan kung saan pinangalanan nilang Forest de Fuente. Kagubatan na nasisiguro akong maraming halimaw.
Bigla nalang akong naalerto dahil sa kakaibang kaluskos, ang kaninang hologram para sa mapa ay ngayo'y unti-unting nagiging sandata. A golden sword without any designs, just a golden light na nag-form ng espada.
"Lumabas ka kung ayaw mong masaktan!" Sigaw ko at napakadali namang kausap nito dahil agad namang lumabas. Akala ko tatagal pa siya, gustong-gusto ko pa namang sumigaw dahil parang nasa movie lang. 'Yong sisigaw ako, pero ang totoo niyan ay ginaganahan dahil sa babaeng-babae ang dating.
"You are not one of us, you are a specialist." Ewan ko pero hindi man lang ako kinabahan sa seryosong tono niya, sa pagtapak ko palang dito ay parang ang tapang-tapang ng aura ko.
I can smell something fishy, I mean parang ginaganahan akong kumilos. Parang 'yong lakas ko nandito, parang naramdaman kong mas lumakas pa ang katawan ko dahil sa hindi pamilyar na lugar na'to.
Ano ba kasing klaseng lugar 'to? Verdugal? Not familiar, o kahit kuwento-kuwento man lang ay wala talaga. Pero nasisigurado akong hindi na 'to Avalon.
"Eh ano naman sa'yo?" Maldita kong turan at halos umatras ang dila ko papunta sa lalamunan ko dahil sa bilis nitong nakalapit sa akin kaya malayang-malayo kong natititigan ang buo niyang suot.
He is wearing white polo-shirt with weird black and red designs, para kasi siyang mga tribal designs. He is like a barong style dahil nakikita ang sando nito sa loob, and partnered with this black slacks na may diseniyo din but its colored white together with a black shoe. 'Yong sapatos na ginagamit ng mga CEOs do'n sa Manila.
"Ikaw lang ang na-engkuwentro ko na suot ang unang tinititigan imbis ang mukha, and you smells like human. Galing ka ba sa mundo ng mga tao?" Tanong niya, kaya napaharap ako sa mukha niya na halos ikamura ko dahil nagtungki ang mga ilong namin. Napaatras ako ng kaunti sa kaniya, and seeing his red eyes na bagay-bagay sa kaniya dahil sa makapal niyang kilay, pointed nose na para bang iskinetch sa pad at ang makurba niyang nguso na pulang-pula. Still, I can apppreciate man's gorgeousness but another still, I'm avoiding them.
"Yeah, galing ako do'n so if you excuse me ay kailangan ko ng bumalik." Turan ko at tumalikod sa kaniya pero agad nanlamig ang buo kong katawan nang hindi ko malaman. Namamanhid ang buo kong katawan, my arms are not functioning anymore pero kitang-kita ko ang mga palad kong nanginginig. My knees are trembling and my neck can't look back para makita ko siya dahil alam kong siya ang may gawa nito..
"Mali ka ng pinasukan, this is a vampire world na hindi dapat pinapasukan ng kung anu-anong lahi galing sa ibang mundo."
V-Vampire World? V-Vampire? Totoo? Walang halong biro?
Kahit gusto kong itanong lahat 'yon ay hindi ko magawa dahil pati bunganga ko ay hindi makapagsalita because of the coldness inside of it.
"Let him go, Xyron. I know him."
That voice, he is familiar to me at hinding-hindi ko makakalimutan kung paano siya magsalita.
"Prince Wyeth, he is a specialist with a scent of human. We need to kil—"
Hindi ko na narinig ang sunod pang sinabi ng lalaki kasabay no'n ang paghinga ko ng malalim. Kaloka! Nakagalaw na ng maayos ang mga braso't binti ko pero anytime ay parang matutumba ako and expected, hindi ko na nakayanan kaya agad akong napaluhod.
Kahit hinang-hina parin, lumingon ako sa lalaki na ngayon ay nakayukong nakaluhod sa harapan ng lalaking nakatalikod sa akin.
Wyeth.
"W-Wyeth?" Tawag ko sa pangalan niya at lumingon naman siya and everything turn into slow motion.
Para bang may music na tumunog sa tenga ko, the melody of my favorite song na 'a thousand years' ay agad na nag-play sa utak ko. Sa paglingon niya ay parang nakaramdam ako ng saya, saya na matagal ko ng hinahanap-hanap na nasa kaniya ko lang pala makikita. His handsomeness, ewan ko pero except kay Hyros, siya ang nagpatibok ng puso ko ng ganito ka grabe. The heartbeat of my heart is like a flute, each echo and wave are producing great melodies that touches my heart inside.
Unti-unti ko ng nararamdaman ang pagsirado ng talukap ng mga mata ko hanggang sa mawalan na ako ng malay.
"Welcome my mate, welcome to my kingdom, welcome to my world and welcome to my heart."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro