Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HP 18

Alisis.


Bawat butil ng ulan galing sa kalangitan siyang nagbibigay kalungkutan sa'kin. Hindi ko alam kung saan hahantong ang lahat kapag hindi ko matutulungan mga magulang ko. Nahihirapan ako kahit bago palang ako sa lugar na'to, oo napakahirap.

Malakas nga kapangyarihan ko, kaya kong kumitil kahit sa isang iglap lang pero puso ko naman ang napupunit dahil hindi ko pinangarap na maging ganito. Hindi ako masaya kapag nakakapatay ako ng kalaban, at lalong-lalo na hindi ako masaya kapag may nasasaktan akong nakikita.

Sa labas ng bahay, kitang-kita ko ang pagpatak ng luha ni Sera na para bang sumasabay sa pagpatak ng ulan galing sa madilim na kalangitan.

"Iniisip mo pa rin ba ang ina mo Sera?" Tanong ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin na may kalungkutan sa mga mata.

"Ang nanay-nanayan ko ba o ang tunay na nanay ko, Alisis?" Balik niyang tanong.

"Siguro sila pareho?" Hindi ko siguradong tanong pabalik sa kaniya at binigyan niya ako ng pilit na ngiti.

"Wala naman talaga akong pakialam sa nanay-nanayan ko Alisis eh, sila lang kasi ang puwedeng magdala sa akin sa lugar kung saan ko posibleng makita ang mga magulang ko. Wala akong kaalam-alam sa lugar niyo, sa mga nangyayari kaya hindi ko alam kung tamang tao ba ang nilapitan ko." Turan niya sa akin kaya lumapit ako sa kaniya at iilang distansiya nalang ay mababasa na kaming pareho dahil sa kasabikang langhapin ang bango ng mga bulaklak na sumasabay sa malamig na hangin dulot ng ulan.

Ngayon ko lang na-realize, bakit Genesis parin ang tawag sa akin ni Werrestella sa akin? Nagpakilala na ako no'n bilang anak ni nanay pero parang nakalimutan niya ata? Gano'n na ba talaga ang galit niya sa nanay ko?

"She died, Werrestella died pero wala man akong naramdamang lungkot dahil narin ata sa ginawa niya sa akin no'n. Hindi kasi talaga maganda ang pakikitungo niya sa akin bata pa lang ako, ewan ko ba kung bakit sila pa ang nakakita sa akin sa park no'n." Turan niya at naririnig ko ang inis sa kaniyang tono.

Ewan ko kung ganiyan din ba ang mararamdaman ko kapag ako ang nasa posisyon niya, siguro nga hindi ko rin makakaya kung papalakihin ako ng hindi maayos ng mga adoptive parents ko. Nakuwento na kasi sa akin ni Sera na magkasama daw sila no'n ng mga magulang niya nang mawala siya at maligaw, at do'n na pumasok sa eksena ang tatay-tatayan niya na hindi ko pa nakikilala ang pangalan.

I remembered Sera's adoptive father reactions no'ng makita niya ako, gulat na gulat siya.

"Mabait naman ang tatay-tatayan mo diba? Puwede natin siyang hanapin, maaaring nandidito lang 'yon dahil nga nandito rin si Werrestella." Turan ko at napatango nalang siya.

"Hindi naman kasi mag-asawa si Werrestella at ang tatay-tatayan ko, they are just friends sabi ni dad. Nagkasundo lang sila na tumira sa iisang bahay dahil sa isang misyon and I'm proud to have him kasi nga pinakita niya sa akin kung sino talaga siya, kung ano ang pakay nila. Sana nga magkasing-bait lang sila ni Werrestella eh."

May sasabihin pa sana ako nang bigla nalang lumitaw ang libro ng Heiress sa harapan ko. Nagulat pa ako ng bahagya dahil sa liwanag nito. The book flip its own pages hanggang sa huminto ito sa mga imahe na may mga pangalan sa ilalim nito. Wenessa, Athena, Sarionaya at Sonata, magkakatabi sila sa isang pahina at pinalilibutan ang bawat corners ng mga pulang liwanag na siyang hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin.

"What is that Alisis? Bakit ang mga imahe nila ay lumiliwanag ng pula?" Takang tanong sa akin ni Sera na naguguluhan din sa nakikita. Nagbikit-balikat lang ako dahil kahit ako, hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin nito.

Bigla nalang tumiklop ang libro nang may marinig na kaluskos hanggang sa mawala ito na parang bula at nag-iwan pa ng kaunting liwanag.

"Hindi pa ba kayo papasok?" Napalingon kami kay Athena na may nag-aalangang ngiti sa mga labi niya.

"Sige sabay na tayong pumasok." Turan ko.

Iniisip ko lang kung ano ang ibig-sabihin ng biglaang paglitaw ng libro, is it a bad thing? O baka magandang ibig-sabihin? Nalilito ako, hindi ko man lang na-ask si Auntie kung ano ang ibig nitong sabihin.

Basta ang sinabi niya lang, tulungan ko daw ang mga nandidito sa libro. At lilitaw ang nasa iba pang pahina kapag natulungan ko na ang mga naunang ipinakita.


"Wenessa!" Napalingon kami kay Chester dahil sa biglaang pagsigaw nito at agad kaming napatayo dahil nasa sahig na si Wenessa at nangingisay.

May nararamdaman akong kapangyarihan na gustong kumawala sa kaniya, na para bang gustong-gusto na nitong makalaya pero anong ibig-sabihin nito? A-Anong nangyayari sa kaniya?

"Ahh!" Sigaw ni Wenessa kaya mas nataranta kaming lahat. Namumutla na si Wenessa dahil sa pagkalmot niya sa sarili niyang katawan na nagdulot ng mga sugat.

"A-Ang sakit!" Sigaw nito ulit kaya hindi ko na napigilang hindi lumapit pero kaagad akong napaatras dahil parang may tumutulak sa akin papalayo sa kaniya.

"Alisis help her!" Sigaw ni Athena pero agad akong napailing.

"Hindi ako makalapit sa kaniya! May tumutulak sa akin papalayo! Its her power who pushes me away from her body!" natatarantang sigaw ko rin at hindi na alam kung ano ang sunod na gagawin.

"Ahhhh!" At sa sigaw niyang 'yon ay tuluyan na siyang nawalan ng malay at kasabay no'n ay ang paglitaw ng isang ubeng liwanag at unti-unti itong humuhulma ng isang pigura...



Pigura ng isang babae....


"Sino ka?! Bakit mo siya sinaktan?!" Sigaw ni Soltear.

Lumayo kami sa liwanag at naghanda, ang presensiya ng liwanag ay siyang presensiya na meron si Wenessa pero hindi ko na nararamdaman ang malakas na presensiya ngayon ni Wenessa. She is so weak, hinang-hina ang katawan na meron siya.


"Ilang taon ko siyang binigyan ng pagkakataong patunayan ang kaniyang sarili pero ako ay kaniyang pinaghintay ng matagal. Ako'y naiinip dahil sa kaniyang mga ikinikilos na kailanman ay hindi nagbibigay sa kaniya ng depinisyon bilang isang Diyosa ng buwan." Turan ng babae.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ni Athena.

"Ako lang ang Diyosa na may kakayahang sumanib sa aking sariling kapangyarihan. Nang handa na akong ialay ang aking sarili, naghanap ako ng isang dalagang kayang panindigan ang sarili at siya ay aking nahanap dahil sa kaniyang determinasyong gagawin ang lahat para lang sa ikakabuti niya. Pero hindi ko aakalain na dahil sa kaniyang pansariling kaligayahan, nawalan ng importansiya ang aking kapangyarihan at nagamit lamang sa walang kuwentang bagay. Ginamit niya ako para kumitil, ginamit niya ako para lang sa kaniyang pansarili." Mahabang turan nito na walang pag-aalinlangan.

Ang liwanag na nasa harapan namin ngayon ay siyang Diyosa ng buwan noon?

"I am the Titan Goddess of Moon, ibinigay ko ang aking sarili sa kaniya para siya ay maging matatag pero ako ay kaniyang tinalikuran." Sa boses nito ay matotonohan mo ang lungkot, hinagpis at galit.



Ito na ata ang ibig-sabihin ni Auntie, I need to help Wenessa. Pero paano? Huli na ang lahat, ni-reject na siya ng kaniyang kapangyarihan.

"Wala na ba kaming magagawa para makabalik ka sa kaniyang katawan ulit?" Tanong ni Venedict na ngayon-ngayon ko nalang narinig magsalita dahil ata sa kanina.


"Maraming paraan, pero maraming dahilan. Para sa akin, ayoko ng bumalik pa sa kaniyang sistema dahil sa paghihinayang at sa isa pang rason. Pero gusto ko na ako ang magiging dahilan kapag nagbago na siya, kapag nagbago na ang kaniyang pananaw sa lahat. Kapag nagbago na ang kaniyang papanigan."

Hindi ko man alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero ang unang-una lang talagang pumasok sa isip ko ay may paraan pa para bumalik ang kapangyarihan ni Wenessa.


"Paano ka namin makukumbinsing bumalik sa katawan niya ulit?" Tanong ni Athena sa Diyosa.


Wala siyang mukha, isa lang talaga siyang pigura ng isang babae na gawa sa napakagandang liwanag na kulay ube.




"Makukumbinsi niyo ako kapag magagawa niya ang misyon para sa kaniya."


"Ano 'yon Diyosa?" Tanong ko at napansin namin itong tumango.

"Dahil sa isang lalaki, nawala siya sa kaniyang posisyon. Hindi niya na naisip ang kaniyang kalagayan at kung ano na ang estado ng kaniyang kapangyarihan. Ngayon, gusto kong hanapin niya ang lalaking naging dahilan kung bakit ako umalis sa kaniyang katawan. Patunayan niya ang kaniyang sarili kung kaya pa ba siyang mahalin ng lalaking naging dahilan kung bakit hindi na nito ako napansin, gusto kong malaman kung saan hahantong ang lahat kapag nalaman ng lalaki kung ano ang tunay na rason bakit kinitil ni Wenessa ang isa sa kaniyang mga kaibigan at hindi ito aksidente lamang."


Para sa akin, hindi ko alam kung magiging madali ba ang misyon na'to. Wala naman kasi ako no'n sa mga panahong naglalaban-laban silang lahat. Pero wala akong magagawa, dapat kong tulungan ang mga nasa libro. Gusto ko ding patunayan ang sarili ko na kaya kong tatagan ang puso at isip ko para lang makatulong. Sa mga misyon malalaman kung malakas na ba ang puso ko, kung hindi na ba ako magiging sagabal at kung hindi na rin ba ako magdadalawang-isip na kumitil ng buhay ng mga kalaban.



"Kapag napatunayan niya na ba ang sarili niya ay babalik ka na sa katawan niya?" Tanong ni Sera sa Diyosa.

"Hindi ako magdadalawang-isip at kaagad babalik sa kaniyang katawan. Pero tandaan niyo, kapag nakabalik man ako sa kaniyang katawan, dapat mapanindigan niya ang pagiging Diyosa ng buwan dahil kung hindi, aalis at aalis ako ulit." Turan nito at tumango nalang kami.

May itatanong pa dapat ako nang bigla nalang itong maglaho. Nagkatinginan nalang kami ng mga kasamahan ko.


"Kailangan ko ng umuwi sa Satharia Academia, baka hinahanap na ako ngayon ng mga kawal." Napalingon kami kay Olcor dahil sa tinuran nito. He is quite cold.

"Umuwi ka na, akala mo naman kailangan ka namin dito." Turan sa kaniya ni Venedict na siyang nagpatigil kay Olcor maglakad.

"Kung makapagsalita ka para kang isang babae, psh! Bakla ang tawag sa mga ganiyan kapag nasa mundo ng mga tao." Nagulat ako dahil bakit alam niya ang tungkol sa mundo na 'yon?

"Hindi na 'yon nakakapagtaka Alisis, ang bawat portal na siyang pintuan sa bawat mundo ay hindi na balanse kaya nakakalabas at nakakapasok na ang lahat sa iba't-ibang mundo." Turan ni Soltear. Napatingin ako kay Soltear dahil hindi ko naman 'yon nasabi ng malakas.


"Ekspresiyon mo, Alisis." Ngiting turan pa nito sa akin kaya napatango na lang ako.

"Psh eh kung bakla ako, pakialam mo? Akala mo naman ang gwapo mo." Bulong ni Venedict pero hindi siya narinig ni Olcor.

"Delikado Olcor, huwag ka na muna kayang umuwi? At bakit sabi mo hinahanap ka ng mga kawal? Tumakas ka ba?" Tanong ko sa kaniya pero wala akong narinig na sagot at lumabas lang siya ng bahay na hindi nagpapaalam.



Hayst, galit pa nga talaga siya sa akin.

"May saltik sa utak ang lalaking 'yon." Turan ni Chester.

"Saltik? Anong klaseng lengguwahe ang isinasalaysay mo Chester?" Tanong ni Soltear kaya agad na pinandilatan ni Sera si Chester na hindi napapansin ni Soltear.

"A-Ah ehh kasi ano—"


Bigla nalang kaming naalerto dahil sa malakas na kulog at kidlat.

"Kahit kailan ay hindi nagkaroon ng kidlat at pagkulog sa aking lungsod." Takang turan ni Soltear kaya agad kaming naghanda dahil baka kung ano na ang nangyayari.

Bigla nalang akong nakarinig na para bang nag-eespadahan, napapansin ko rin ang mga anino namin ay napupunta sa ibang direksiyon eh wala namang liwanag. Kasabay no'n ay ang matindig lamig na para bang pinapalibutan kaming lahat na nandito sa loob ng bahay.

"May mga presensiya akong nararamdaman." Turan ni Soltear kaya mas lalo kaming naghanda at tumingin na lamang sa pintuan dahil sa mga mabibigat na yabag.

"Their presences are familiar, kilalang-kilala ko sila." Turan ni Athena.


At sa inaasahan, bigla nalang nasira ang pintuan dahil sa matinding puwersang tumama dito at tumambad sa amin ang limang pigura na siyang hindi ko inaasahan na darating.


The way they stand, its full of authority. Pinapakita nila na may posisyon talaga silang pinanghahawakan, na may malakas silang kapangyarihan.


Napansin kong lumuhod si Soltear na siyang nagbibigay ata ng galang at tumayo na ulit. Sakop nga pala ang Town of Rain ng Satharia kaya kilalang-kilala nito ang mga dumating.


"Magandang araw mga kamahalan, hindi ko inaasahan—"


"Going out from Satharia Academia without permission are forbidden, what kind of punishment do you want?" Seryosong turan sa amin ni Daneel na hindi man lang pinansin ang paggalang ni Soltear.

"Pinagsabihan na namin kayo na kami na ang bahala pero parang minamaliit niyo nga talaga ang mga kakayahan namin." Seryoso ding turan ni Yvinno.



"Alam niyo guyses? Hindi bagay sa inyo ang maging seryoso." Napatingin nalang kami kay Venedict dahil sa tinuran nito kaya halos mapahagikhik ako at buti nalang ay hindi ko nagawa.


"Tama siya, Yvinno at Daneel. Hindi naman talaga bagay sa inyong dalawa ang pagiging seryoso." Tignan mo, agree pa si Gemartha.

Bigla nalang napatakip si Gemartha sa bibig niya dahil sa apat na paresang mata ang seryosong nakatingin sa kaniya.


"Sorry." Pagpapaumanhin ni Gemartha.


"Hindi niyo kami maibabalik sa Academia, we have our mission to do and you can now go." Turan ni Athena.

"Athena, we can help you but not now." Turan sa kaniya ni Daneel.


"Pero kailan? Kapag gumuho na ang buong Avalon?" Sarcastic na turan ni Athena.

Naalerto kaming lahat dahil sa may kung anong bagay na bumagsak sa bubong hanggang nagpagulong-gulong ito at bumagsak narin sa lupa. Lumabas kami kaagad ng bahay at inalam kung ano ito at halos manlaki ang mga mata ko dahil sa inakala kong bagay. God! Its a body! He is familiar!

"D-Dad" Dinig kong bulong ni Sera.


Napansin kong lumapit si Athena sa katawan ng lalaki and even her ay nagulat.


"Paano napunta dito si Prince Rajedh?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro